Ipinapakita ang mga post na may etiketa na usapanglasheng. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na usapanglasheng. Ipakita ang lahat ng mga post

July 17, 2008

Byahilo sa San Pablo

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X")

Katatapos lang ng mid-term. Kahit na minamani lang namin ang mga exam, sempre kelangan pa rin naming i-relaks ang aming brain. Kaya sempre pa, bakasyon muna ang tropa. Dahil sempre kakaiba dahil kami ang bida rito, kailangan yung gimik namin mala-impakto rin.

Napagkaisahan ng trops na dun na lang muna kami kina Kitkat sa San Pablo, Laguna mag-relak. At dahil medyo malayo ng konti sa Maynila, at para me adventure din, napagkaisahan naming wag nang dalhin ang Wrangler na pang-harabas ni McGyver, commute na lang kami.

Nang hapon ding yun, nauna na sina Kitkat, Omar at McGyver. Nakanaks, me advance party. Ang maganda sa min, kahit di pa kami nakakarating sa lugar at kahit walang direksiyon, address lang, okey na. Para ka lang naghahanap ng Yamashita treasure.

Naalala ko tuloy nung dumayo ako sa baksyun nina Bekbek dun sa Pangasinan. Sabi ko susunod ako, akala nila drowing ko lang yun. Walang address-address basta pangalan lang ng bayan at apelyido nina Bekbek, larga na ko. At dahil first time ko makarating dun, sa sobrang haba ng byahe, akala ko sa Taiwan na ako makakarating. Nagulat pa sila nung makasalubong nila ako sa plaza, papetik-petik, papitu-pitoo.

Kinabukasan ako bumiyahe papuntang Laguna. Para mas feel, pinapatugtog ko pa ang kanta ng Hotdog na "Laguna" sa aking walkman (di pa uso ang mp3 player nun) na binili ko pa sa Raon. (eh kasi naman sa Quiapo lang ako makakakita nun kasi nga kopong kopong na yun nung panahon namin)

Pagdating ko dun, nakita ko naman kaagad yung advance party. Ganda ng kwarto ni Kitkat, bachelor na bachelor's pad ang dating. Sakto me drum set pa at isang electric guitar at bass guitar. Ayos, jamming. Kaso mo di naman ako marunong mag-gitara. Vocalist sana, kaso sabi nga nung High School principal ko, boses pekpek daw ako. Kaya, wala panis, alalay at band-aid ang labas ko.

Hapon na ng dumating si Amboy. Sempre pa, naka skateboard. Naglaro agad ng bass guitar. Marunong pala magpaiyak ng gitara ang hunghang. Ihampas ba naman sa pader. Gabi na wala pa sina Clapton at Jordan. Tawa kami ng tawa kasi baka naligaw. Hay naku, anlapit lapit ng San Pablo eh. E di lalo na kung sa Batanes namin naisipang magbakasyon.

Madaling-araw na dumating ang mga kumag at namumutla, parang nagpa meyk-ap sa Funeraria Paz. Akala daw nila masa-salvage na sila. Kasi dahil ginabi na sila, naubusan na sila ng bus. At para dagdag na adventure, naki-hitchhike sila sa isang van na papuntang Quezon. Doon daw sila isinakay sa likod at mukha daw mga kriminal yung naangkasan nila. At sa buong byahe daw, nagkukwentuhan yung mga sakay ng parang mga iligal at kung saan nila "itatapon ang mga bata."

Kaya naman, buong byahe silang tameme at kulang na lang ay maihi sa sa shorts. At dahil naawa naman kami sa mga ulol, pinakain na muna namin at di na lang kami gumimik nung gabing yun, dun na lang kami sa pad ni Kitkat at para kaming mga psychiatrist nung dalawang natameme habang nag-inuman. Hik!



Sa susunod: Ang mala-impaktong mga gimik namin mula sa San Pablo, the City of Seven Lakes. O hayan promotion yan ha, Dept. of Tourism, ang lagay ba naman eh.... Hik! pa ulet!

November 19, 2007

More!!! More!!! More!!!


(Mula sa dossier ng "Mga Gagong Inosente")

Palibhasa puro kami matatakaw sa gimik at alak, kung saan-saan kami napapadpad.

Tuwing biyernes, Shakeys and ruta namin, me banda kasi dun kaya patok. Pag sawa na sa banda, iisa-isahin namin yung mga inuman dun sa Timog at East Ave. O kaya sa Mug n' Chef sa Recto, bago pa yun noon kaya masarap pang tambayan, madalas manghahanting lang kami ng tsiks. Minsan nga me na-meet kaming grupo ng tsikababes, pagkatapos naming isara yung bar, diretso kami lahat sa Baguio. Sarapsadudels!

Minsan, naikwento sa amin ni Pangpang yung isang inuman sa Monumento sa me itaas ng Ever. Drink all you can na beer, P150 lang per head, with matching tanpuluts pa, isang platitong mani. (parang andami eh no?) Ok na rin naman kase me live band din. Pag alang atik, pwede na. Kaso mo ang ambiance, sagwa. Parang foodcourt sa SM ang dating, maliwanag na maliwanag parang me spotlight.

Me umepal na isang banda, mukhang bagito pa, sama ng timpla, tunog lata. Alang wenta. Palibhasa puro kami asar, sumigaw na si Pareng Roger.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!! Wooooo!!! (Pumapalakpak pa!)

Tinginan naman sempre yung ibang tomador sa ibang mga table. Nagtataka ata kung bakit napa-bilib si Roger dun sa boses nung bokals na bokalis eh boses itik naman.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!!......... I-tape nyo yung bibig!

Yun pala naman... Hagalpakan kami lahat habang palakpakan ang iba pang mga lasing. Hitsura ng riot sa Munti. Tuwang-tuwa sa banat ng trops namin. "Woooo...woooooo!" Mabenta!

Mukhang nabuhayan ng dugo, bumanat pa si Rio.

More!! More!! More!! More!!

Habang mukhang nababanas na yung banda, sempre naka-abang naman yung madlang pipol sa punch line, walang humihinga......

More!! More!! More!! More!!..... More practice!

"Wahahahah!" Wagi! Sa tuwa ata nung ibang mga table, pinadalhan kami ng ilang pitsel na draft beer at ilang platitong mani! Tuwang-tuwa ang bahay alak namin. Kaso mo, ansama ng tingin sa amin nung bouncer at nung bandang asar-talo.

Natapos ang inuman, nauwi kaming naghuhugas pa rin ng beer sa isang karaoke bar malapit lang sa me Retiro. Kung natawa ka sa balitang nagbarilan dahil sa kantang My Way, luma na sa amin yun. Kasi nung gabing yun, kapapasok pa lang namin dun sa karaoke bar, at nagre-relaks, me kumanta ng My Way. Yung kabilang table, naasar ata kasi katatapos lang nya yun kantahin, eh pangit yung bersyon, nagka-tinginan nang masama, ayun, nagsaksakan.

Sabi namin kina Rio at Roger, "Ano? Ngayon kayo mang-asar! Ngayon kayo mag-"more more" at "i-tape nyo i-tape nyo" ng masaksak din kayo!"

"I-tape ko na lang bibig ko," sabi ni Roger. At sagot ni Rio, "more patience..apir!"

October 23, 2007

We Are the Champion!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X)

"Champion ka talaga tol!"


Parang napapansin ko, niloloko na ata ako ng mga kupal na to. Kanina pa panay ang champion. Nung una, kala ko totoong elib na elib sila sa kin, kung bakit, hindi ko alam. Basta dedma lang ako, baka kasi mga lasing na lang talaga, ako napapag-tripan.

Buhat pa sa iskul, hanggang sa dyip, at hanggang ngayon nga at lumalaklak na kami ng San Mig Lite dito kina Grazie sa Blumentritt at naglilibang mag-pictionary, champion pa rin ng champion ang mga ungas. Lalo na tong si Jordan, seryoso pa kung bumanat, aakbay pa sa kin saka, "hinde tol, champion ka talaga," sabay ngingiti ng ngising aso.

Kaya kahit nababanas na ko, isip-isip ko pa rin kung bakit. At tuwing magkukunot ang noo ko, maghahagalpakan na sila lahat. Alangya, asar-talo ako ngayong gabi na to, ah. Di bale, makakabawi din ako next time.

Sigurado me kabalbalang ginawa ang mga to sa kin na hindi ko nalalaman. Kahit na anong pag-a-agam-agam ang gawin ko, di ko talaga maisip kung ano. Tinitingnan ko nga sa salamin yung likod ko, baka mamya me naka-dikit na salitang Champion! Ala naman. Kinukulit ko nga sila kung bakit. Wala ako mapiga, matitibay, walang tumutuga. "Basta, champion ka talaga, malalaman mo bukas!" Halos mamatay-matay naman ako sa kakaisip. Di bale, malalaman ko din yun.

Pag-uwi ko kasi sa bahay namin, nung buksan ko yung knapsack ko, anakanang teteng! Me lamang mga trophy. Tinalo ko pa si Jaworski sa dami ng trophy. Nampucha, kaya pala ambigat ng bag ko! Nagulat pa nga ako kasi trophy yun na naka-display dun sa library. Langya, mayayari ako nito sa iskul, mapapagkamalan na dinugas ko ang mga to.

Kasi naman, meron akong extra na susi dun sa library namin, kung papanong nagkaron ako, secreeet!, wag mo na itanong, dati ko kasing part time yung mag-akyat bahay. Kaya kahit gabi na at sarado na yun, sumasalisi kami para mag-research. Hehehhe. At nung gabing yun nga, pumasok kami ni Jordan dun. Yun pala ang ungas dinekwat yung mga trophy at inilagay sa bag ko.

Anak ka ng champion! Akala ko ninja na ako, nasalisihan pa rin ako.

Kinabukasan, nung magkita-kita kami sa iskul, "Champion!" sigaw agad nila sa akin. Natawa na lang ako sabay sigaw, "mga ulol!". Tawanan na kami lahat. Alangya! Niyari ako. At yung mga trophy? Andun, naka-display sa bahay namin sa Dimasalang. Para me souvenir ako sa pagiging champion ko nung gabing yun. Balak ko nga ibigay na lang ke Dudut.

Champion!!!! Championin mong mukha mo!

October 14, 2007

Sanglibong Hits, Sanglibong Halik!


Napanood mo na ba yung pelikula na yun? Isanglibong Halik? Panahon pa ni kopong kopong at bagets pa nun si FPJ. Blak en Wayt pa nga ata. Tapos hinahalikan nya si Elizabeth Ramsey ng isanglibong beses. Tiyaga. Di ko na matandaan kung bakit kelangan nya halikan, baka ala style palaka na magiging prinsipe. Pero ang natatandaan ko, tu yirs old pa lang kasi ako nun, niloloko lang nya si FPJ. Minsan nga nagkamali pa sya ng bilang, e di nag-umpisa sya ulit sa isa.

Bakit ko naisip yun? eh kasi naman tol........

Naka isanglibong hits na po ako dito sa dalawa kong blag! sa 17 ng Oktubre ay pang-isang buwan na ng mga blag ko. At hindi ko sukat akalain na aabot ng ganito kadami ang maa-asar ko sa pamamagitan ng pag-wewento ko sa sarili ko. Mababa lang naman kasi ang expectation ko, kumpara sa mga porn sites na milyun-milyon ang hits, ako mga sampu lang. Kasi sampu lang ang mga kakilala ko na siguradong alam kong matakaw magbabad sa internet.

At yung isang libo na yun, parehas, walang demol, alang daya. Kahit walang taga-DTI na aktwal na nagbibilang nun, hindi ko hinuhugot yung mga numero dun tulad nung nasa wawawi. Winayu!

Kaya kahit na medyo hawig mo si Elizabeth Ramsey, sige na bibigyan na rin kita ng halik na kasindami nung hits ko. Joke lang. Sineseryoso mo naman kaagad.

At para sa lahat ng mga kwatog na suki ko dito sa Anak ni Kulapo, naway mas maburaot pa kayo at ipagpatuloy nyo lang ang inyong mga reklamo. Ang mga reklamo ninyo ay nagiging inspirasyon ko upang makagawa pa ng mas marami pa at mas maka-bagbag damdaming artikulo na maaaring ikabuburaot pa nyo ng lubusan.

Kung sa tingin mo naman ay me nalimutan ako sa mga inilalaglag ko at gusto mong makasigurong maisasama yun sa mga ilalaglag ko in da future, paramdam ka lang. Kung meron ka namang naiisip na suhestiyon, sarilinin mo na lang teng. Gutom lang yan.

Bilang pasasalamat naisipan ko na lang na magpa-inom. Ya-huuuu! O sige ha, kitakits tayo dito sa bahay bukas. Wag mo kalimutan magdala ng pang-patak, ha.

Cheers! Tagay!Kampai!Barik! Toma!Laklak!Gulp! Drink!Drank!Drunk!

October 6, 2007

Flower's Club

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis"


"Oi Clapton asan na? Kelangan ko mamayang gabi yun." tanong ko nung makita ko sa Batibot si Clapton. Ipinahiram ko kasi sa kanya yung membership card ko nung isang linggo, di pa binabalik.

"Ala sa kin, na ke Jordan na ginamit nya kagabi," sagot naman nya.

Ewan ko ba kung kelan nauso yang mga rewards-rewards na yan. Pero bago pa sumikat noon yung ganitong style ng marketing, alam na namin yun. Kasi meron kaming ganito noon pa. Pinaghihiraman namin. Isa kasi kami sa mga stockholders ng Flower's Club.

Kung hindi mo alam yun, naku teng, bumalik ka na lang sa kumbento.

Eto yung membership card sa mga paboritong pasyalan ng mga kabataan. At least nung kapanahunan ko, ewan ko lang sa yo. Madalas kasi kaming pumapasyal ke Anito noon para sumamba, at saka dun ke Aling Victoria para makapag-relax at magpalipas-oras, at sa iba pang mga lugar na me bulaklak sa logo. Tahimik kasi at malamig sa mga ganung klaseng lugar. Masarap magkwentuhan. Opo kwentuhan lang po. Promise.

Simple lang ang style namin, kasi me mga tropa kami sa iskul na mga nene pa kaya, yung mga ibang gimik namin na Rated PG, secret lang. Kami-kami na lang. Wag mong pagsasabi ha?

Nagkataon naman nung araw na yun na me lakad ako. Tapos, alangan ang budget. Kaya kelangan ko yung card. Kasi ang siste dun sa card na yun, kada pasyal mo tatarahan, palaki ng palaki ang discount hanggang sa maging libre na ang huli. Kumbaga sa bingo, punuan ang laban. Eh ang alam ko malapit nang magblackout, bibingo na.

Nung malaman nga ni McGyver na ala akong pera pero me date ako, namrublema din. Sa sobrang bait nya, isinangla namin yung singsing nya na bigay ng syota nya. Para daw me baon ako. Bait ni Daddy.

Maya-maya pa andyan na si Jordan, ayun, kinuha ko yung card. Sabi pa nung dyowa niya na kasama nya, "ala namang wenta yang tropa nyo eh, tinutulugan lang ako." Pinayuhan na lang namin sya na sa susunod, busugin nya muna kasi ng balot.

Basta para sa kin ayos na buto-buto mamaya. Papa-change oil ako. Chuckchak tienes.

Kinabukasan, abang-abang sila sa kin. Excited lahat. Lalo na si McGyver, sempre sya financer eh. "Ano na?." tanong nila. Ayoko sana silang biguin kaso, ayoko namang gumawa ng wento. "Ala, repapits, parang patay na lukan, eh. Bokya."

Inulan ako ng batok. "anak ka ng teteng, sinayang mo lang yung puhunan ko," galit na galit na sabi ni McGyver, "eh nasan na yung budget?". "Eh wala na pinang-taxi ko pa eh." sagot ko sa kanya. "Papano na yung singsing, baka hanapin yun nung syota ko?" tanong nya. "E sa ala eh, e di tubusin natin pag me pera." sagot ko naman.

Langya buong maghapon, puro kantiyaw inabot ko sa mga Ekis, lalo na ke McGyver. Naisip ko, hu, gusto nyo lang wento eh, mga ulol. Malamang kung me wento ako, yung singsing nakalimutan na.

Bilib ko lang sa tropa, pag me bitin, sinasalo nila. Tropa talaga. At dahil palpak ang lakad ko kagabi, pinasyalan na lang namin si Aling Bising para doon na lang namin ibuga ang aming mga sama ng loob.

At least dun, di na kelangan ng membership card.

October 4, 2007

Blackout! Pare Blackout!

Hayskul pa lang, tomador na ako. Kahit ilang araw ang inuman, di mo ko mapapasuka, lalo nang mapapatumba.

Bagsak na lahat, nakatayo pa ko. Pinang-mumumog ko lang yang beer sa umaga tol. Ganun ako katindi. Lahat kainuman ko, mga kriminal dun sa me riles, mga tambay, mga siga-sigang lolo na. Kahit sino basta me alak. Kahit paghalu-haluin mo pa, sisiw, alang wenta.

Kaya medyo nagulat ako nung madalas ako naba-blackout. Iniisip ko, baka naman lason na ang ipinapainom sa kin ng mga ulol na kainuman ko. Di kaya?

Buhat nung lumabas ako ng ospital, ganun na. Na-confine kasi ako dun sa hospital na ano na nga yun? Di ko na matandaan ang pangalan nung ospital na yun dun sa may QC. Dun yun sa me Scout Ekek street. Di naman kasi mukhang ospital. Nagulat pa nga ako, sabi ko sa ate ko, "bakit dito ako dadalhin?". "Eh dito yung ospital ng duktor mo eh," sagot naman nya. "Bakit ano ba yung duktor ko, pang-aso?"

Pamilyar pa nga yung ospital, kase nung bata pa ako napanood ko na yun sa isang pelikula ni Jun Aristorenas. Yung me sindikato sila at nanggogoyo sila, dun nila dinadala. Baka di mo kilala yung si Jun Aristorenas, kung hindi, di bale na lang. Kalimutan mo na lang na nabanggit ko. Panahon pa kasi ni kopong-kopong yun eh.

[segway muna. Dito sa ospital nabuo yung panganay ko ; )]

So paglabas ko dun ganun na. Tuwing malalasing ako, Bam! Blackout. Ni hindi ko namamalayan. Isang minuto ok pa, tapos Bam! wala na, di ko na matandaan.

Minsan, niyaya kami nina Bekbek dun sa katropa nya. Punta naman kami, inuman eh. Saka libre. Ayos, pare. Okay sa olrayt! Matutuwa na naman mga bulate ko sa tiyan, me supply na naman.

Natatawa pa nga kami ke Atules na medyo tinamaan. Nag-nganga-ngawngaw, me problema ata. Sempre asikaso naman namin, tropa eh.

Tapos..... Bam!

Pagpasok ko kinabukasan sa iskul, pangiti-ngiti pa ko. Nakita ako ni Amboy, mukhang worried. "Oh, pre ano nangyari sa yo?!" tanong nya sa kin. Di ko siya maintindihan. Pero ang dating sa akin nung reaksyon nung mukha nya parang sinasabing, "Yari ka! Me napatay kagabi ikaw ang suspek!"

Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko me ginawa akong malaking kabalbalan. Naisip ko tuloy, teka... kagabi nga pala, di ko na alam kung papano nakauwi. Saka... hindi ko makita yung mga sapatos ko. Hmmnn.... Naku, baka me nagawa ako kagabi ah. Sino naman kaya ang hinabol ko ng taga? Kanino naman kayang bahay ang sinunog ko? Magtatago na ba ako?

Hinila na ako sa gilid ni Amboy at sinabi sa akin lahat. Sa sobra palang lasing ko kagabi, dun na ako pinatulog sa bahay nina Bonsai. Pero sa sobrang kulit ko daw, muntik na kong gulpihin, nahiya lang ke Bekbek. Inakyat daw ako sa kwarto at pinatulog, kaso tayo ako ng tayo at gala ng gala. Pasok pa daw ako sa kwarto ng me kwarto.

Hmmmnnn. Naalala ko, kagabi nga pala naglalaro ako ng Super Mario at panay ang pasok ko sa mga time warps.

Tinanong pa ako ni Bekbek nung makita ko, kelan ko daw kukunin dun yung sapatos ko kasi naiwan ko daw. Aha! Andun pala yung nawawala kong sapatos!

Kaso sa sobrang hiya, di ko na binalikan. Nagtanung-tanong pa nga ako kung papano ako nakauwi, sabi nila, umuwi daw akong mag-isa na walang sapatos. Buti di ako na-salvage. Bakit kasi hindi pa ko sumabay sa kanila umuwi at nagpaiwan pa ko. Hmppt! Takaw kasi sa alak.

Minsan naman nung maligaw ako dun sa probinsya namin, me mga kainuman naman akong mga ka-tropa ko dun. Maya-maya me nag-debate at halos magsaksakan na. Yung isang aastig-astig dun na kainuman ko, kaaway nung isang pinsan ko. Nakikiramdam lang ako sa kanila. Alam ko naman na aawatin sila nung isang matandang siga na kainuman din namin.

Nakikiramdam lang ako ng biglang..... Bam!

"Hoy bangon na, me pasok ka pa ata!" sabi nung pinsan kong parak na naka-duty sa munisipyo. "Lasing na lasing ka kagabi, di ata alak ininom mo eh. Baka naman durog ka?" "Hindi ah, ano ba nangyari?", tanong ko.

Habang humihigop ako ng ibinigay nyang kapeng barako, ikinuwento nya lahat. Umalis daw ako dun sa pinag-iinuman ko, umuwi at kumuha ng gulok. Dumaan pa daw ako sa isang tindahan at humingi ng red horse, di ko daw binayaran. Tapos, palakad-lakad daw ako sa bayan, hinahanap ko yung na-kaaway nung pinsan ko. Pag me nasasalubong daw ako, hinahabol ko ng taga. Heheh. Buti naman wala akong inaabot.

Hanggang makita ko daw sa lamay yung hinahanap ko. Me lamay daw pala sila. Kakamatay lang nung tatay. At dun ako nanghahamon ng away. Me isang astig na pumatol, buti nabitawan ko yung gulok at nagbugbugan kami dun sa me kangkungan. At ayun nga, dating ang mga lespu at kalaboso ang labas ko. At eto, me clue, nawawala yung tsinelas ko. Kakahiya.

"Buti hindi magdi-demanda," dagdag pa ni sanpits.

Minsan naman, nasa Gapo na ko, nagkita kami dun ni Clapton. Sempre tuwang-tuwa ako kase long time no see. Ilang taon na kasi ako sa Gapo at ala na kong kontak sa mga Tropang Ekis at mga kasams. Inom kami dun sa me Sam's. Senglot na kami pareho pero pakiramdam ko bitin pa. (lagi naman) Nung maghiwalay kami ni Clapton, sya pauwi na dun sa syota nya, ako naman dumaan pa sa isang bar.

Lumalango ako ng isang basong beer ng biglang..... Bam!

Ginigising na ko ng isang mamang naka blue na uniporme. Naka-harang sa pagitan namin, rehas na bulok. "Hoy gising na, pwede ka nang umuwi!". Iniisip ko, bakit ako andito? Yari pare blackout na naman siguro. Ano na naman kaya ito. Wala na naman ang sapatos ko kaya alam ko agad na me kabalbalan na naman ako kagabi. Para tuloy akong aswang, nag-iibang anyo tapos pagkatapos manlapa, bumabalik sa dati pero di alam kung anong ginawa.

Pupungas-pungas pa ako nung pinapirma nung pulis sa release form. "Pasalamat ka, hindi magde-demanda yung may-ari..." sabi nung pulis. "Ano ho bang nangyari?" tanong ko sempre. "Eh lasing na lasing ka at nagwawala dun, pagkatapos mong sampalin yung bakla," kwento nya. "Nagsisi-sigaw ka pa nga dyan sa kulungan kagabi, nagtataka nga ako, walang bumugbog sa yo," Patay. Grabe na to. Di na ako nag-usisa pa.

Bilis-bilis akong pumirma dun sa papel na sa laking pasalamat ko, hindi ko naman tunay na pangalan. Kahit matindi ang hang-over ko, naisip kong medyo lusot ata ako. Kaya iniba ko din pirma ko. Siguro kagabi, ibang pangalan ang ibinigay ko sa mga parak. Kaya hayun, umuwi na naman akong naka-paa. Halos isumpa ko ang alak.

Sempre, propesyunal na dating ko, saka sa gobyerno na ko nagta-trabaho, masisira reputasyon ko no. Kung meron man. Hay naku. Walaaa talaga akong kadala-dala.

Kaya ngayong andito na ko sa Merika, iwas na muna. Mahirap dito alang areglo-areglo. Saka baka mabaril pa ko nung mga LAPD na pasmado ang mga kamay, wag di mabunot yung baril, pumuputok.

Kaya kung gusto mo akong yayaing uminom, dito na lang tayo sa bahay, para alang aberya.

Minsan type ko beer, minsan naman wine lang kasi medyo malamig naman dito. Tulad ngayon, pa sip sip na lang ako nitong konting red wine. Okey daw kasi ang red wine sa blood circulation saka... teka, parang.... parang lumilindol ata... teka...... parang.....

Bam!

October 2, 2007

Tameme

(Hango sa librong "Alamat ng Tropang X")

Nakasakay kami sa isang karag-karag na jeep, pauwi na. Kahit medyo amoy alak pa kami, okay lang dun sa ibang pasahero, iilan lang naman kaming sakay. Yung isang mama mukha ngang galing pang beerhouse, me tsikinini pa sa leeg.

Etong si Omar nagwawala pa. Awat awat namin kasi baka mahulog sa jeep. Sige sya ng kasisigaw, "Papatayin ko talaga yun, tol. Papatayin ko!".

Dahil nakakahiya na sya at pinagtitinginan na kami, sinapok na sya ni Jordan. "Tangina ka, ngayon ang tapang-tapang mo, kung kelan wala na. Kanina binigyan ka ng mag-asawang sampal, tameme ka."

Nung maaga-aga pa kase, dumayo kaming mga Tropang X dun sa me central market sa me kanto ng Recto. Me naispatan kasi akong mukhang magandang inuman dun na medyo ok sa budget. Kumpleto kaming tropa. Me bilyaran pang isa kaya mas okey.

Habang nagangalahati na kami sa inuman, etong si Omar nagbanyo. Maya-maya pa bumalik. Nakatungo at ngumu-nguyngoy. Me nakabangga daw sya paglabas ng kubeta at sinampal sya. Nung akmang magrereklamo sya, sinundan pa sya ng isa pang sampal, sa kabilang pisngi naman. Di na siya naka-palag.

Sempre panting ang mga tenga namin, di kami papayag na walang resbak, nampucha, tropa ata namin yung naagrabyado. Tinanong namin sya kung nasaan ang ulupong na sumampal sa kanya. Andun pala ang mokong sa me di-kalayuang mesa at halos kasindami din namin sila. Nagtatawanan pa at titingin-tingin ke Omar.

E di nagtayuan na kami. Si McGyver binunot ang pamatay nyang ballpen. Pag daw kase me away yun ang gamit nya kasi pamatay daw yun. Pinapang-saksak daw nya sa leeg. Yahuuu! Sa wakas makikita din namin yung kanyang secret weapon in action.

Trobol na. Syempre ngawngawan na muna, sigawan, at sindakan. "Sige nga hawakan mo nga sa tenga o, o ha?".

Dahil mukhang mga tigasin din kami, yung isa sa kanila, nagpautot pa. "Pare, kilala kita. Di ba kilala mo ko?" Sabi ko, "Tarantado! Di kita kilala, papalusot ka pa ha?" Hinampas ko nga ng upuan. Ayos umpisa na ng rambulan. Walang nagawa yung bartender kundi manoood at magdasal na sana konti lang ang masira.

Maya-maya pa, sempre (kami ang bida dito eh) nagtakbuhan na ang mga kolokoy papunta sa likod ng bar. Me daan pala dun.

Hahabulin pa sana namin kaso sabi nung bartender, "Bos, wag nyo na habulin, delikado ang eskinita diyan sa likod," kaya hinayaan na lang namin. Kunsabagay bugbog naman na ang mga kupal. Saka mahirap na, madilim dun, baka masumpak pa kami.

Tinuloy na lang naming ubusin ang mga natitirang beer, sayang bayad na yun. Buti na lang puro plastik lang pala yung mga baso at pitsel dun, kaya hindi nabasag. Yung mga mesa kahoy, kaya inayos na lang namin ulit. Pero nakikiramdam din naman kami, baka kase mag return of the comeback.

Awa naman ni Lord, alang bumalik. Wagi ang mga lolo.

Kaya nang matapos ang inuman, kanya-kanya na kaming sibatan. Magkakahiwalay kasi ang bahay namin. Si Jordan at ako magkalapit lang sa may Retiro at si Omar at si Clapton naman sa Meycauayan pa. Kaya magkakasama kaming sumakay papuntang Blumentritt. Yung iba naman dun pa sa borbokolon. Kung di mo alam yung borbokolon, basahin mo muna yung una kong kwento, cheating ka. Basa ka ng basa diyan di mo pa pala nababasa yung unang parts.

At dahil nagwawala pa rin si Omar sa dyip sa sobrang lasing, panay ang hirit ng "Hinde ako lasheng," at "Patapatayin ko yun tol, pahhh... pahhhh.... pahhhhh...hik!". Ngenge na talaga. Inuto-uto na lang namin habang kinakamot ni Jordan sa tiyan. Ayun inantok.

Tameme.

October 1, 2007

I Now Pronounce You... Tropang X!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")

Kampai!!!!! Kampai!!!

Ayos, nagkapangalan na din ang grupo. As usual, pakana yun ni Jordan. Sya kasi ang pinaka-alaskador sa grupo namin kaya sya rin ang nangunguna sa pagbibigay ng alyas at pangalan sa kung anu-ano, mapa-tao man yan o hayop. Hayop.

At eto na nga, andito kami sa loob ng isang VIP room ni Aling Bising, nagpapaka-saya at sempre, (Kampai!!!) nagpapakalasing sa kaligayahan. Pinagdiriwang namin ang isang importanteng araw sa buong kasaysayan ng Intramuros.

Hinde. Hindi ito ang araw na sinalvage si Rizal. Saka hindi dito yun, dun sa kabilang side nung makapal na pader.

Sa araw na ito, pormal nang nabuo at itinatag ang mala-impaktong samahan na babago sa mga buhay ng mga taga-Letran. Mga nilalang na siguradong matatameme sina Quezon, Samboy, mga Sotto at kung sinu-sino pang mga sikat na alumni ng eskuwelahan.

Intro muna. (Ta-dann!) Yan ang Tropang X (pronounced as Ekis).

Sa kasaysayan ng Pilipinas at kung saang lupalop pa man, ang pagbibigay ng pangalan sa isang samahan o grupo ay pinag-iisipan ng mabuti, pinag-dedebatehan, pinag-pupuyatan at minsan pinag-bubuwisan pa nga ng buhay. Kadalasan ito ay bunga ng mahabang pakikipaglaban at determinasyon mula sa mga natatangi nitong myembro.

Kaya nga dahil isang linggo na din kaming magkakasama sa mga gimik, kabulastugan at toma, napilitan na din kaming bansagan ang sarili namin. Ang pangalan ng grupo namin ay sooobrang tagal na pinag-isipan ni Jordan. Grabe. Kani-kanina lang.

Kanina kasi, pagkatapos ng isang klase kay Prof. Nuno, bumaba kami sa hagdanan ng main lobby para mag-yosi break. Etong si Omar, palibhasa tadtad ng biton yung bago nyang sapatos, nadulas habang bumababa kami. Patawa talaga kahit kelan. Biruin mo, sa pagkadulas nya, napataas ang paa nya sa ere, at ........ Dugdugdugdugdugdugdugdug! Nagpatalbug-talbog sya pababa ng hagdanan gamit ang kanyang pwet.

Freeze!, ay Cheese pala! Na-imagine kasi ni Jordan na pinikturan nya si Omar nung oras na yun. At sa kuha ng kanyang mahiwagang kamera, naka-nganga si Omar habang ang mga kamay nya naka-taas at ang paa naman ay nakabukaka. Bisaklat na bisaklat kaya ang hitsura nya ay animo isang higanteng letter X.

Habang pinipicturan ni Jordan sa isip nya si Omar, kami naman, dedma, kunwari di namin kilala. Kakahiya sa mga chicks. Yukkie, how lampa naman nung mama. How hampaslupa.

Tawa pa rin kami ng tawa habang naka-tambay sa Batibot habang si Omar panay ang masahe sa pwet at galit na galit. Nang humupa ang lahat at balik sa aming mga kanya-kanyang pagaagam-agam, dun humirit si Jordan.

At dahil lahat kami sangkot dito at nakasalalay dito ang reputasyon at kinabukasan naming lahat, kailangang pag-usapan muna naming maigi ang bagay na yun at kelangan lahat kami pumabor sa pangalan.

Kaya nang seryosong sinuggest ni Jordan ang pangalan at tahimik na naghintay sa aming mga komento, "Mga brod, Tropang Ekis?".

McGyver (nakatingin sa latay nya): "Ok.Pero wag mo kong tawaging brod.Di kita ka-brod."
Amboy (inaayos ang gulong ng skateboard): "Bahaaala kayo sa buhay nyo."
Omar (nagkukumpuni ng ngipin nya gamit isang palito ng posporo): "Kahit ano."
Clapton (nagpo-floorwax ng gitara nya): "Ayos lang tsong"
Buraot (dedma lang habang nagbibilang ng sasakyan): "Sige. "
Kitkat (alang pakelam): "Ok lang. Penge ngang yosi."

Ayos. Wala man lang kumurap, aprubado na kaagad. Parang railroading sa kongreso. Galing talaga ni Jordan.

Kaya, eto ngayon kami, ngongo na sa beer-gin na pilit naming inuubos. At least ngayong araw na ito, me dahilan kami para uminom. Me binyagan.

Kung inaakala mo, me matinding dahilan o medyo highly philosophical na rason sa likod ng pangalang Tropang Ekis, sorry tsong. Akala mo lang yun. Kaya kung meron man kaming napatawa o napahanga man, nagkataon lang yun. At kung nabitin ka sa inaasahan mong mala-impaktong rason, sensya na. Sabi nga, the image preceeds us. Ganun talaga. Naks.

Regular lang kaming mga kupaloids sa Letran. Ang mahalaga sa amin hindi ang pangalan, kundi ang pinagsamahan (Sorry hindi San Miguel ang iniinom namin. Beer na Beer).

Kaya ang mabuti pa, kung masama loob mo, iinom mo na lang yan.

Ngayon, alam mo na? Kampai!!!!!!!!!

September 28, 2007

Powder o Lotion?

(hango sa libro ng "Alamat ng Tropang Ekis")

Powder o lotion? Kahit ni minsan di mo pa nasubukang pumasok sa sauna bath, alam mo nang ito ang itatanong nung masahista sa yo. Napapanood kasi ito palagi sa mga palabas sa sine tuwing me papasok sa ganung lugar.

Sa mga panahong ito, usong-uso ang mga spa-spa. Kumbaga in na in ngayon ang ganitong negosyo. Dito kasi pwede kang mag-relax, mag-sauna, magpa-facial, magpamasahe, at kung anu-ano pa na siguradong magpapa-envigorate ng katawan mong bugbog na bugbog na sa kakatrabaho.

Naalala ko tuloy noon, walang ganito. Ang alam ko lang, mga sauna bath na hindi naman talaga masahe ang totoong serbisyo na makukuha mo.

Kaya minsan, dahil sempre kami ni McGyver, promotor sa mga kung anu-anong kabulastugan, nagyaya. Kasi naman etong mga ibang myembro ng Tropang X, di pa pala nakakapasok sa ganung lugar. Kya nagprisinta kaming maging "ninong". Excited na excited naman ang mga mokong.

Dumating ang araw ng lakad. Sakto puro paldo, mga bagong dating ang allowance. Etong si Omar as usual, kapos at nagda-drama pang hindi sasama. "Pasensya ka na tol, mahirap lang kaibigan mo eh". Nabatukan pa sya ni Clapton, "Ulol, drama ka pa diyan, alangan namang maiwan ka,". Naks, totoong kaibigan. Syempre, pinunuan na lang namin ang kulang.

Painit muna kami sa kung saang beerhouse. Tapos diretso na kami sa may QC. Akala pa nga nila dun kami pupunta sa Maalikaya. Sabi ko, nagngangarap ba kayo, eh pang showbiz lang yun saka pulitiko. Saka 1,500 doon kada ulo, eh tigto-200 lang budget. Kaya, doon ko sila dinala sa Happy sa me Kamuning. Okay na rin, makapasok lang.

Pagdating namin dun, halatang-halata naman na hindi masahe ang lakad namin. Me mga bagets bang magpapamasahe sa sauna bath, kaw naman.

Labas ang mama san. Lapit kaagad ako, sabay bigay ng bayad. Binilang pa nga nun kung ilan kami, baka daw kasi magpalusot pa. Etong ibang ekis, halata pang kinakabahan, baka daw kasi ma-raid, kakahiya. Nung masiguradong kumpleto ang pondo, dinala na kami sa aquarium. Yahoo!

Time out muna. Bago kami tumuloy, sempre team meeting muna. Review muna ng game plan. Baka kasi pumalpak yung iba. Baka ma techical foul, e di out of the game agad sila. Kasi sigurado me itatanong muna yung masahista sa yo, parang puzzle, hihingan ka muna ng password bago ka makapasok. Kailangan mo muna ng magic words tulad ng "Open sesame!"

Nung masiguradong kabisado na nila ang play, game na, tuloy na ang basketbol.

Pagkatapos naming magtuturo sa aquarium, diretso na kami sa kanya-kanyang cubicle. As in cubicle, dingding lang ang pagitan at bukas yung itaas ng mga divider kaya rinig mo yung usapan sa kabila. Nag-roll call pa nga kami pagkapasok para masigurado kung nasan ang bawat myembro. Ayos, magkakatabi lang pala kami.

Tipikal na tipikal na sauna, pula ang ilaw, para kang ine-x-ray. Pero sempre proud na proud ako. Ang mga inaanak ko magiging mga mama' na. Naks.

Maya-maya pa, me nagmura. Boses babae. "Langya, anong palagay mo sa akin, aso?!". Nasira konsentrasyon naming lahat kase hagalpakan na kami. Alam kasi namin kung saang cubicle naggaggaling yung sigaw. Wahaha. Dun sa cubicle ni McGyver. Pati tuloy yung mga partner naming dikya, nagtawanan. Napa-overtime tuloy kami lahat, kasi nga sira yung play. Pero kwela.

Umaga na nung mag-uwian kami. Problema, sa sobrang pagmamadali namin at katangahan namin, wala palang isa man lang sa amin ang nagsuot ng kapote. Yari! Baka mamaya makuryente kami. Bopols, hindi kumpleto ang game plan. Kamot lahat kami sa ulo. Kung kelan kasi tapos na ang game, doon lang namin naisip yung defense, puro offense lang ang naisip namin. Tsk-tsk.

Buti na lang sa me Cubao kami naghiwa-hiwalay at me naispatan kaming Mercury Drug. 24 hours kasi yun. Takbo kami. At kahit na nakataas ang kilay nung tindera, pinagbilhan pa rin nya ako ng sangkaterbang Cortal. Tapos punta kami sa isang tindahan, order kami ng Coke.

"Buraot, sigurado ka ba dito?", sabi ni Jordan. "Oo, epektib yan, sampung cortal saka itulak mo ng isang coke five hundred, walang sakit sakit," sagot ko. Kung papano ko nalaman yun, ewan ko di ko na matandaan, panahon pa kasi ni kopong-kopong alam ko na yun. Ang importante, paniwala sila, kaya kanya-kanya kami ng laklak.

Ayos, uwian na. Mamayang hapon, kitakits na lang sa iskul. Kanya-kanyang sakay ng dyip. Tapos na gimik. Pero kahit puro mga puyat ang mga mokong, at medyo pasuray-suray ang lakad, kakaiba ang ngiti ng mga ulol.

Powder o lotion? Sensation.

Pag ngayon mo sinabi yang magic word na yan sa spa, hindi sarap ang makukuha mo, SAPAK.

September 26, 2007

Hari ng Magsasaging

(Hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")

Minsan, dinala kami ni McGyver sa Baclaran. Me tropa daw sya dun na pwede naming tambayan, siga daw yun dun kaya ok na ok kami. Sama naman kami kase sempre Baclaran yun, baka minsan maligaw kami dun, iba na ang me sanggang dikit di ba. Para walang babangga sa yo.

So ayun na nga, napadpad kami dun isang gabing wala kaming mapuntahan.

Nalimutan ko na ang pangalan nung sinasabing astig na yun pero di ko malilimutan ang pagmumukha nun, maaskad kasi. Saka ganster na gangster kung umasta. Naka suspender pa. Bostsip na bostsip ang dating nun sa Baclaran. Habang nagiinuman kami me mga alalay pa na taga masahe at runner. Me mga bataan. Maya't maya me dumadating na nag-aabot ng sambungkos na pera me kasama pang barya. Godfather ang dating. Me sarili pa syang service na bagong-bago at makintab na owner na jeep.

Habang nagtatagal ang inuman namin, napapansin namin puro saging ang nakapaligid sa amin.

Yun pala sya pala ang supplier ng saging doon sa Baclaran. Kaya lahat ng mga makikita mong me kariton o wala na nagbebenta ng saging doon, hawak nya sa leeg. Kasi nga naman pag wala syang ibibigay na saging e di wala silang kikitain. Tindi pre. Hari ng magsasaging.

Pero kahit na anong sama ng mukha at porma nun, wow naman brad ganda ng syota, saka seksi at makinis. Di nga namin maisip kung ano nakita nun dun sa astig na yun. Kaaskad naman. Nung gabi na yun, ilang beses nga namin na naisip na aswangin yun, kaso sempre takot kami dun sa hari ng magsasaging.

Kahit pa nga mukhang nag-iinarte pa yung tsik sa amin, panay ang papansin at himas dun sa hita nya, dedma na lang kami. Ala kaming ibang tinititigan ng matagal kundi yung bote. Mahirap na. Bata pa kami no.

Sabi ko kay Jordan, tol patulan mo na kaya? Ano ka, ikaw na lang kaya, sagot niya. Eh kung saksakin ako nun sa mata.

Inumaga na kami umuwi pero parang wala man lang nalasing sa amin. Wala ring naglakas loob na patulan yung kiri na dyowa nung hari ng magsasaging.

Kunsabagay di naman yun ang pinuntahan namin dun.