(hango sa librong "Alamat ng Tropang X)November 8, 2007
Sir Mong Mukha Mo!
(hango sa librong "Alamat ng Tropang X)October 26, 2007
Hoy, Mr. Bungol!
(hango sa librong "Alamat ng Tropang X")October 18, 2007
Wham! Bam! Bye Ma'am!
Ayan na si ma'am!

(ang piktyur ay kinupit ko lang ke Tonio na kinupit naman nya sa Inquirer.net)
At huwag na huwag mong kokontrahin si Freud, mapagdududahan ka nyang may penis-envy. (ma'am chauvinist lang po si Freud at ang penis-envy ay na-imagine lang nya sa sobrang kaka-tabako nya. At kung yun pong penis-envy ang center ng Freud Psychology, eto po me pangontra na ko dun, and Buraot Psychology kung saan base sa tatlong dekada kong hands-on na pagre-research, ang mga lalaki po ang me trait na "tits-envy" sa mga chikababes, sorry ma'am di kayo kasama dun sa mga subjects)
Minsan, nasermunan nya buong klase. Parang me malaking krimen kaming nagawa at kulang na lang e ipako kami lahat sa krus. Tindi nga tampo nya sa aming lahat, habang kami naman eh naka-kunot lang ang noo dahil di namin maintindihan ang ibig nyang sabihin. Yung iba, kamot lang sa ulo.
October 13, 2007
Laglagan Na!

Hindi mo ba nahahalata, puro tungkol sa mga titser ang pino-post ko? Kasi kokonti lang sila kumpara sa mga naging kaututang dila ko sa kolehiyo at maging nung umalis na ako sa kolehiyo at nagsilbi na sa bayan.
Kung inaakala mo ligtas ka na, abang ka lang muna tol. Inuuna ko lang kasi ilaglag yung mga titser natin. Pagkakataon ko na itong bumawi. Hehehehe.
Di ko naman talaga ilalaglag. Inuuna ko lang talaga ipakilala yung mga titser na naging parte na ng buhay natin noong bata-bata pa tayo.
At sempre pa, itatago ko ang tunay nilang pangalan para na rin sa kanilang sariling kapakanan bilang tagapagbigay ng gabay sa mga kabataan. Saka isa pa, baka mamaya maging titser din yun ng mga anak ko, yariin si dayunyor. Ano ko, bale?
Ngayon, kung sakaling me malimutan ako sa inyo mga sir, mga ma'am, paki shout lang po ako para maisama ko kayo. Nang sa gayon po eh mapadalhan ko kayo ng libreng kopya ng libro, hane?
October 9, 2007
Ang Daan kay Professor Nuno
(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")Eto na, subject sa Theology. Pagpapaka-banal na naman.
Ngarag na ngarag na ako sa pagpapaka-banal. Buhat pa nung uhugin ako, yun na ata ang ibinigay sa aking hobby. Kaya naman nung medyo tumigas na ang buto ko, pinalaya ko na rin ang sarili ko.
Biruin mo ba naman mula pa elementary, lagi akong bumabagsak sa mga iskul na pinapatakbo ng kaparian. Sa maniwala ka't sa hindi, noon, banal na banal ako, muntik muntikanan na nga akong ipa cannonize sa Vatican. Amen?
Sumusungaw pa lang ang araw, takbo na ko sa iskul kasi magsa-sakristan pa ako ke pader sa unang misa bago ako tumuloy sa klase ko. Araw-araw yun lagare. Tapos sa sabado naman, takbo ako ulit sa iskul para naman mag-praktis ng choir ng simbahan. Eto pinaka-matindi, pag linggo, pagkatapos naming mag-aleluyah sa misa, magkukulong naman kami sa isang kumbento at magdadasal ng abaginoongmarianapupunokananggrasya hanggang hapon para sa aming Legion of Mary.
Pag hindi pa ako natanggap sa langit nun, ewan ko na lang. Amen? Amen naman dyan!
Buti na lang nung kolehiyo, kakaiba. Enjoy ang Theo ko. Kakaiba din kasi ang teacher namin. Eto si Prof. Nuno, teacher namin sa Theology 5000. Seminarista ata si sir. Di mo sya mapag kakamalang basketbol player, iskorer pwede pa. Bansot na bansot kasi, siguro hanggang tuhod ko lang. O sya sige na, palag agad, di naman hanggang tuhod. Sempre kelangan me konting eksahirasyon para naman me wenta tong mga anik-anik ko dito.
Ayon pa nga sa kanya, meron daw siyang mga palaki at mga pinaa-aral na mga bagets. Pilantropo ang dating. Tawag ng mga seminarian "benefactor". Tingin naming mga ekis, ninang.
Pamatay niya kapag nagle-lecture, nakahalukipkip yung dalawang kamay nya sa magkabilang kili-kili. Kahit pag nagsusulat sya sa blakbord, nakahalukipkip pa rin yung isa. At ang boses nya, teng, parang ke wengweng. Ang liit.
Masaya naman kami sa klase nya. Lagi mo pa nga siyang makikita na nakatawa lalo na kapag napapalingon sa amin. Nung una di namin alam. Lalo na at ang ngiti nya eh yung super tamis na mala-bukayo ang dating.
Dun sa iba, lalo na't hindi natatawa sa jokes nya medyo asar ang bruhilda. Me kakilala nga akong taga-Letran galit na galit ke "sir". Kase naman ibinagsak sya kasi mukha daw asar sa kanya. Sabi ko, eh seryoso ka kasi eh, sana nagpatawa ka.
Sa subject nya, kakaiba. Sa halip na sa likuran kami, andun kami sa bukana, sa harapan nya. Syempre, kami kasi ang bida. Kase, sa klase ni Prof, kelangan lagi nya kaming mapapansin, lalung-lalo na yung bunso namin na si Kitkat. Kase naman ...ahahaaay!, mukhang type ni sir.
Kadalasan nga, hinihimas ni Kitkat sa tyan para lang makita namin ang reaksyon nya. Dyosko, parang nasa alapaap. At ang mga tingin nya, parang isang probinsiyanang dalagitang nagtatampisaw sa tabing-ilog at ngayon lang nakakita ng guwapong tega-Maynila.
Wala lang kaming ginawa kundi magkangkarot sa klase at gumawa ng kung anu-anong mga ka-kenkoyan. Kahit yung ibang mga kaklase namin, nakokornihan na at medyo naaasar, si prof naman parating enjoy. Bawat kindat ni Kitkat, nasa ika-pitong langit. Bawat patawa namin, dagdag na grade sa kanya. Kaya si Kitkat, panay ang gatong namin na kausapin si sir. Sempre, sya ang padrino namin ke sir. Fafa!
Kaya kami, sus naman, brad. Kahit iskul bukol, oks lang. Kahit indyanin namin ang klase nya araw-araw, sigurado pasado. Pasalamat nga sila di namin inambisyong maging highest. Kaya namin yun, kaso garapal naman na. Sobrang kapalmuks na dating namin nun.
Saka baka me mag-isip pa na me "iniregalo" kami ke sir. Mahirap na.
October 6, 2007
Ma'am Pulboron
Lagi kong inaabangan klase nya. Kahit MWF lang ang Philo, okey na. Sana nga araw-araw.
Kasi naman itong si Ma'am Pulboron, impressive. Kahit pa kapag dumadating sya sa klase na parang humahalimuyak na pulburon, no problem. Konti lang naman sya mag mek-ap kaso parang lagi syang bagong panganak na tadtad ng jonhnsons. Ayos lang, super bango naman.
Nung una niya kong tinawag para mag-recite, "Mr. Buraot, what is the cause of the succeeding cause of the final cause?," Yari. Tayo naman ako habang palinga-linga at nag-iisip at nagpapacute. Dedma ang ibang tropa sabay yuko, di rin kasi nila alam. Cause...cause... konting kuskos, ayos? Patay ala ako maisagot. Kakahiya ke ma'am. Mukhang wa epek ke ma'am ang pagka-cute ko, kelangang mag-aral, dun ko lang sya mapapa-impress.
Pero di rin nagtagal, kasi magaling naman talaga din syang magturo, okey na. Pakiramdam ko nga ako na ang paborito nya sa klase kasi ako ang lagi nyang tinatawag. Kung yung ibang ekis, tinatago ang mga mukha para hindi matawag, ako nagpapa-cute pa.
Sa galing nya sa larangan ng Pilosopiya, malamang matutunan mo ring pag-isipan pati na rin ang dahilan kung bakit ang bungang-araw eh sa likod tumutubo at hindi sa dibdib. Ganun ang dating.
At siguradong paglabas mo ng klase nya, kayang-kaya mong makipag-debate kahit ke Dean at matututo kang gumamit ng mga salita at mga tanong na siguradong walang makakasagot sa yo, tulad ng "Tinataghiyawat ka ba sa mani?". Ganun pre. Yakang-yaka mong magpaka-pilosopo.
Di siya tulad nung ibang mga babae dyan na puro porma, ala namang wenta. Magaganda nga ang wankata, no-brainer naman. Puro pang-display lang. Etong si ma'am, macha-challenge ka. Kasi kulang na lang bigyan ka ng rubik's cube at crossword puzzle araw-araw.
Ibig ko sabihin, super talino nun. Saka single pa. Kakahiya nga lang pumorma kase, bukod sa estudyatnte ka lang nya, mukhang di ka papasa. Mukha kasing kastila na haciendera. Lagi syang naka-designers at disente ang porma. Me hawig pa nga syang artista. Para syang pinag-halong Chanda Romero at saka nung artistang anak ni Paraluman na naging sikat na ST star nung 90's.
At saka tol, lagi syang mabango. Tuwing maamoy ko nga yung amoy nya na yun, hinahabol ko. Parang laging bagong laba. Yun bang amoy na hindi naman amoy pagkain pero nakakabusog. Lam mo yun? Ni hindi ko nga ata sya nakitang pinag-pawisan kahit kelan. Malamang mabango din yun.
Ilang taon ko rin bago nalaman kung anong tatak nung pabango niya. At tuwing maaamoy ko, sya naa-alala ko.
Kaya enjoy ako lagi sa klase nya. Bukod pa sa na-challenge nya akong mag-isip, nabigyan din nya ako ng chance na isipin, kahit sandali lang, na wag nang mag-bulakbol.
Kaya naman kahit nagbibilyar na yung ibang Ekis, ang lolo mo, present.
October 5, 2007
Binibining Goldfish
(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")
















