Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tagtags. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tagtags. Ipakita ang lahat ng mga post

July 5, 2008

Palatastas #14: Sensya Na Tao Lang

Naisip ko sana halungkatin ang aking baul na pinaglalagyan ko ng aking mga sandamakmak na ga meme at tags galing sa aking mga prensheeps dito sa blogosphere. Naipa-alala kasi sa akin ni Kwento ni Enday, na marami pa pala akong nakabinbin na tags.

Balak ko sana isa-isahin lahat para wala na akong mga utang. Plano ko pa ngang gawing one week bonanza type yung pagpo-post, parang weekly special. Plano ko rin ngang mag around the world, umakyat sa Mt. Everest, mag swimming sa great barrier reef, magsimba sa Jerusalem, makipagkarera ng camel sa Sahara Desert, mag sun-bathing sa Boracay, at bumili ng eroplanong kasinlaki ng Airbus.

Pero katulad ng marami kong plano, palpak. Saka kahit bumili ako ng eroplano, problema ko pa kung san ko sya ipa-park sa gabi.

Di ko na kasi makita yung baul na pinaglalagyan ko ng listahan nung lahat ng mga nag-tag sa akin. Naiwan ko ata sa LA nung maglipat ako. Sensya na tao lang.

Ang medyo natatandaan ko lang ay yung mga nag-link at nag-tag sa akin gaya nina Fatherlyours, Pipeline Fixation, Pusang Maganda, Pink Biik... di ko na matandaan yung iba.

Kahit medyo boring ang pagsagot ko sa tag, me link naman, pwede na yun. Di ko na kasi makita eh.

June 24, 2008

Tag ni Enday

Forty-payb years na rin ng huling sumagot ako sa mga tag-tag na ganito. Madami pa rin akong naka-imbak sa baul. Sensya na sa mga nag-tag. Me Alzeimer na ata ako eh. Pero eto, ibabalik ko na, pampalaman sa blog. Heheheh.

Unahin ko na itong isang galing sa bagong presheep na si Enday. Ala slumbook ang dating nito, buti na lang 5 questions lang.. oopps 6 pala.

1. What was I doing 10 years ago?

Anong year na ba ngayon? Ahhh.. 1998... naglalamyerda ako sa Subic noon. Nagje-jetski ako hila hila ko yung barko ng US Navy.

2. What are 5 things on my to-do list today?

Una, mag log in sa aking blog...
Pangalawa,sagutin ang tag na ito sempre....
Pangatlo, maghanap ng makulit na piktyur para isalpak sa pautot na ito ...
Pang-apat, ipost ang entry na ito sa blog ko....
At panglima, mag-logout at matulog.

3. Snacks I enjoy:

Adobong mani, nilagang mani, nagaraya (mani pa rin), kwek kwek, betamaks (isaw), helmet (ulo ng manok), adidas (paa ng manok), curly tops, flat tops, at serge (tsokoleyt yun ni kopong kopong).

Kelangan me kasamang sarsi. Di pedeng wala.

4. Places I’ve lived:

Pinanganak ako sa Oriental Mindoro, lumaki ako sa Dimasalang. Madalas ako magbakasyon sa Isla Verde, Batangas kasi tagaron ang tatay ko. Tumira ako ng matagal sa Olongapo at Hermosa, Bataan at Los Angeles (California hindi sa Pampanga). Suki ako sa Iba, Zambales. Lagalag ako sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon. Oo buong Southern Tagalog. Pati na rin sa Pangasinan, La Union, Benguet hanggang sa Romblon at Palawan. Di na ako rumonda sa masyadong south, takot kasi ako makidnap ng Abusayap.

5. Things I’d do if I were a billionaire

Ipapamigay ko yung iba para di na ako billionaire, millionaire na lang. Takot nga ako makidnap eh.
Hello, Garci... ako ito. Oo si Buraot daw billionaire na.

6. People I want to know more about

Sempre, yung abusayap. Nukaba? Para hindi nila ako makidnap.


O sino ang gustong magpa-link dyan... yuhooooo.. paramdam lang at ita-tag ko dito.

February 14, 2008

Piktyur Piktyur! Para Me Remember!

Hay naku.. hirap pala maging sikatchupoy... yoko pa naman nung sinasalpak pagmumukha ko sa mga magazines. Kasi I love my privacy. Kahit na kaututang-dila ko si Kuya Boy nun, ayoko madiscover. Ayoko ng showbis. Nyahaha! Kung di lang kahiyaan na to, di ako magpapa piktyur at magpo-pose sa mga fibonacci paparazzi.





Nyahahahah!

O sige na nga.. baka... eto na totoo na to..

Eto kuha habang nag-iikot ako sa amazon nung hinahanting ko yung higanteng sawa na nakalaban ni JLo. Tinirador ko sya ng kanyon. Durog!


Eto naman rak na rak ang dating. Nung nakikipag-headbangan pa ako sa Bistro 70's at sa Mayrick's. Rak en rolllll!



At eto naman nung nagmo-mongha ako nung nakaraang taon. Papahabain ko pa sana balbas ko na ala SunTzu kaso sa kakatabako ko, nasunog.



February 13, 2008

Halo-Halong Gawa sa Snow

Sensya na mga repapits. Ngarag pa byuti ng lolo nyo eh. Natambakan na naman tuloy ako ng mga meme.

Sempre, kagaya ni Ambo, kelangan ko din naman magliwaliw ng hindi gumagamit ng internet. Kaya dumayo ako sa me bandang norte para makatikim ng special na halo halo. Gawa sa snow. Nagbaon lang ako ng condensed milk, katalo na.


Yun lang. Okey balik na sa mga tag at meme. Oissst Miatots at Reynz naghahanap pa ko ng piktyur ko na pinaka-gwapo kaya di ko pa naipo-post.. Oo ganun kahirap humanap ng pic ko na gwapo.;)


(kunyari marunong mag-ski)

Ooops.. nalimutan ko.. valentayms na nga pala. Hay naku, hayan humingi kayo ke Itot ng discount card dahil sigurado ako member yan ng Flower's Club.

Kung nagmamadali ka naman at kelangan mo nag mga payo at puntos para sa date mo eto pagtyagaan mo na yung luma kong posts tungkol dito. Eto salpak mo sa browser mo. >>> Flower's Club at eto pa >>> Powder o Lotion?

February 7, 2008

XXX Award

Sensya na. Eh ganun talaga pag bagong blogista na tulad ko, kulang na lang gawaran ng Mr. Friendship Award. Heheheh. At kahit na santambak ang mga meme at tags na kinakarir ko, no choice ako kundi ang isingit muna ito. Mataray yung nagbigay, baka awayin na naman ako at sugurin ako sa bahay ko.

~~ make kopya here ~~

u got these...

XXtra Ordinary Blogger Award!



"These blog award is intended only for blogger, who has that intense passion for blogging, always there at my BLOG to greet us, and finally the BLOGGER who is simply XXTRA ORDINARY"

1. Pass this to 7 or more of your worthy friends.
2. You can also pass this to the one who gave it to you.
3. Pass this award to only DESERVING bloggers.
4. No rule number four.
5. Please refer to Rule number 4

~~ end kopya here ~~


O di ba. Ganda ng graphics nitong pautot ni Julia Julia. Tenkyu sa award tol! At dahil "centennnial" anniversary na nya, eto ang kanyang pakulo sa mga naging "supportive" sa kanya at sa kanyang blog. Ang dasal ko ay sana umabot pa ng 100 years si Julia ang blog nya.

At eto naman ay sempre ipinapasa ko sa aking mga repakols na suki sa tags na sina Spokening Peso, Ka Ambo, Itot, Reyna Elena, Chuvaness, at mga bagong repapits na sina Holy Kamote, Blogalag at Dakilang Tambay. Naway dumami pa kayo.

February 2, 2008

Prensheeps


Tama kaw Kabayang Itot, bukod sa mga asuntong mga natanggap ko, natabunan na din ako ng sandamakmak na meme. At no choice ako kundi ubusin, dahil habang me nakabinbin ako, wala akong maesep na ipost dito.

Naka attend ka na ba ng mga awarding ceremony? Di ka ba inaantok sa dami ng mga pa-epal sa umpisa? Yung bago dumating yung pagbibigay ng award, laging me mga eklat muna at mga walang kamatayang speeches ng mga kung sinu-sinong ponsyo pilato? At yung camerang dala dala mo, ubos na ang flash at ang memory, wala pa yung mismong kukunan mo. Hay nako...

At eto.. ganito din yun. Eklat ko lang yung unang paragraph. Kase sempre, me natanggap na naman akong prensheep badge sa mga kapwa ko blogista na mga chikababes. At sempre, welkam na welkam yang mga yan. Kasi bukod sa dumadami na kasangga ko sa blogosphere, me pangsalpak pa ko sa page ko.


Eto ang una, mula kay Lukaret na nasa Alemanya. Ako lang ba nakakapansin na kahawig sya talaga ni KC? Oo, KC...... KC Montero. Nyahahah! Joke lang pakner. Hinde, tutut, hawig nya si KC Concepcion. Naks! Ganda ni Mommy. Tenkyu pakner sa award.


Dahi pareho din lang naman ang tema, isinabay ko na din yung galing ke Pusang Maganda. Eto rin isa pa sa mga chikababe sa blogosphere. Gandang Belo. Ehe. Gandang Morena. Meow!! Tenkyu tol sa prensheeps. Kaso, baket ka naman nag-hiatus? Guilty tuloy ako kasi nung ni-tag kita bigla kang nag-hiatus. Nabigla ba kita? Dahan-dahan naman ako ah? Nyahahah!

At ang mga ito dapat daw ay ibinabato pabalik sa iba pa to keep the friendship on growing. Pero baka yariin na naman ako ni Haring Gugel kase baka magmukha na naman itong link farm sa dami. Kase ipinapasa ko ito sa lahat ng mga nasa aking tootsie roll. Asus, andun sa kanan, hanapin mo yung tootsie roll dun!

Kase lahat sila deserving. Di ko naman basta basta kinakabit yung link ng me link no? Kaya lahat sila prensheeps.

Kung kaya kung nasa tootsie roll kita, pakipitas mo na lang ang mga badge na ito dahil kasama ka dito.

Sya sya... hanggang sa susunod. Na Award. Lekat dami ko pa nakabinbin.

January 28, 2008

Blego: Baklang Agogo


Talaga naman. Walaaaaa kayong kadala-dala. At walaaaaa kayong kasawa-sawa. Na mag-tag sa akin. Nyahahah! Kahit na binabalatuba ko lang ang mga meme, sige pa rin. Ganun kabibigat ang aking mga repapits.

Nung una ko to nabasa sa blog ni Evilwoobie, scroll down ako agad sa bandang huli. Nung makita ko na wala ang pangalan ko dun.. haaayyyyy! Nanlaki yata lalo ang butas ng ilong ko kase nakahinga ako ng maluwag. Parang me Vicks Vaporub.

Eh kasi naman, madugo yung tagnaito! Kaso mo, na tag nya si Pareng Ambo.. at tinag naman ako ni Ambo. Naknangteteng! Sabit pa rin. At dahil medyo paduguan, di ko na babalatubain ang rules. Kasi bakas mas di nyo maintindihan.

The rules: (kelan kaya magkaka meme na walang rules)

1. The person tagged must copy the word and paste the definitions of the word contributed previously by the people who did the meme. Link backs would be nice, but not necessary.
2. The person tagged must then add her own definition in this format ‘yourname.com’s definition’ and place your link. Being creative with the acronym is encouraged.
3. Answer the following questions.
4. tag 5 other people to do the meme.

The Questions: (kelan kaya magkaka meme na walang question marks)

1. Do you know what your blog is really about, and you can write a one-sentence promotional material for it in a flash? If yes, write it here. If no, pak this.
2. Do you join social networks to promote your blog? If yes, do you hope to find friends in these social networks and in the process get regular readers of your blog? If no, pak this.
3. Do you or do you plan to join ranking sites that put your blog in competition with others for popularity? If yes, do you or do you plan to monitor your stats regularly? If no, pak this.
4. Do you tweak your blog often in accordance with the tips you get from blogging guides and gurus? If yes, list the bloggers you visit often to obtain these tips. If no, pak this.
5. Do you think of your next post even if you have just written a new one? If yes, list your inspirations for posting, and/or some routines that you go through before posting. If no, pak this na naman.

—————————————————————————————————————

At eto na ang mala-impaktong kasagutan ni Kulapo sa meme na ito.

Blego (ayon kay Pinoy Ambisyoso) - n. a blogger who believes he knows everything, that he is superior among others, that he is popular, famous and genius. A self-centered blogger.

Blego (ayon sa Aklat ni Kulapo) - Blego = Baklang Agogo n. a cross-dressing transvestite who stripteases in cheap smoky bars where most guys are so drunk that they can no longer see that they were actually salivating for another guy.

At eto ang aking napaka-lalim na mga kasagutan sa mga katanungang isa hanggang ika-lima na nasa itaas.

1. Sa totoo lang, hindi po. Wala lang naman ako magawa. Ang aking naesep na promotional line para sa blag na ito? Eto, ala-komersyal sa radyo..

Ikaw ba'y hinihika? Kung gayon, naririto na ang kasagutan sa iyong hika.. Opo. Narito na. Magpakulo lang ng mantika. Laklakin ang kumukulong mantika! Garantisado, tanggal ang hika. Tanggal din ang iyong baga.

2. Opo. Sumasali po ako sa mga social networking sites. Pero hindi lang para i-promote ang aking blags. Kundi para i-promote ang aking sarili. Oo, showbis. I am my own product. Wag ka na pumalag. Minsan minsan lang naman ito.

3. Opo din. Katunayan paborito ko din yung mga kanta nya. "It's not the way we held each others arms... what matters most is how well we... huh?" Si Kenny Rankin yun di ba?

4. Opo ulet. pag wala akong magawa, kung anu-ano ang mga pinagpipipindut ko dito sa mga sites ko. Kabit, salpak, tanggal, kabit ulit, salpak ulit, tanggal ulit. Lahat ng mga naka-link sa kin, kinokopyahan ko at dinedekwatan ko ng widget at mga anik-anik.

5. Opo na naman. Mas regular pa nga ang mga post ko sa blog ko kesa sa paliligo ko. Pag di na ako mapakali, hindi ibig sabihin nun, me naiisip akong ideyang pang post. Ibig sabihin nun, kelangan ko nang ilipat yung brief ko sa Side B.

Hokey. Pinish na. eto naman ang mga tina-tag ko para dito. Eto na po ang mga wagi... sina.. Pusang Maganda, Lukaret, Pinoy Entrecard (oo, Itot ikaw ulit), Spokening Peso, at Chuvaness (tol, eto nosebleed din).

January 26, 2008

EntreChu: Achuchuchu?

Heto na naman po tayo sa mga walang kamatayang mga train meme. At nasagasaan na naman ako ng KotsengKuba na pagala-gala sa lupain ng mga hopia. Kaya kesa matambakan na naman ako ng meme, kakaririn ko na ulit isa-isa. Ang Original na titulo ng meme na ito, ayon sa nagmamaneho ng kotseng kuba ay EntreChu: I Choose You.

Ang tag na ito ay isa na namang pautot ni iRonnie, na sya ring promotor ng Demonito Demonita noong nakaraang pasko. Paksiw. Tinawag niya itong “I Want Your Entrecards" **** Game for Entrecard Filipino and Non Filipino users****. At ayon din sa kanya, heto ang napaka-complicated na mechanics:

1. Bakit Entrecard? Bakeeet? Gumawa ng makabagbag-damdamin at mala-nobelang wento kung bakit ka gumagamit ng sabong panlaba Entrecard.

2. Mambola ng 3-5 blogista na alam mong gumagamit ng Lintekard at i-tag sila

3. I-return to sender ang pabor at magsalpak ng card sa Lintekard widget nila

4. Ipa-xerox ang game/meme na ito, at i-post. (pabor kapag wala kang maisip na mai-post) at idagdag ang iyong blog na me lintekard. Eto ay multi-level marketing at pyramiding combo kaya swak na swak sa iyo.

5. Sempre ili-link mo upline mo, ibig sabihin AKO. Kung gusto mo pa i-link ang mas nauna sa akin, nasa sa yo na yun. Problema mo na yun. Ngayon kung talagang desidido ka, hanapin mo dun sa upline ko dito ke KotsengKuba. Ikabit mo lang yung blog mo pagkatapos nung akin.

Mambola lang ng downline, presto! Upline ka na rin!

***Game Over***

Para sa rule number wan, eto ang aking uber-habang success story sa Lintekard na yan....

"Dahil sa lintekard dumami bisita ko na puro quickie. Tapos." -BURAOT

Eto ang aking pyramid, flowchart, linktrain or wateber na gusto mo itawag dito:

iRonnie, - KotsengKuba - BURAOT - "Ikaw. Oo Ikaw nga!"

At ang aking tina-tag dito ay si .... Itot ng 100% Batangenyo. Oo tol ikaw nga! Ang lagay ba naman eh binoboto kita dun ke Mapiles ng walang kapalit? Tutal masipag kaw dito sa blog ko, ikaw na uunahin ko. Nyahahah!

Kayo namang iba dyan, kung gusto nyo rin, pasabi lang kayo at idadagdag ko dito.

January 13, 2008

Cachupoy Blogs Unite!

Heto na po, me update na ng bilangan dun sa pautot ng KwentongBarbero.Com na Best Cahupoy Blogs. Biruin mo, andami palang mala-cachupoy na blogs na gawa ng mga pinoy. Andami kong naispatan. Nung una, ni hindi ko nga naririnig kaya naman nung mapasyalan ko, nabingi ako.

At sempre katulad ng aking agam-agam, anlayo ng agwat ng aking syotang si Inday. Halos doble ang score nya sa number 2 na si mala-polvoron sa keseksihan na si Maruism. At opkors, nagpapasalamat din ako sa mga nagoyo bumoto sa akin. Kahit na bagito lang po ako dito sa kaekekan na ito, eh medyo nasa top ten naman. Naks!

At nasa 5-6 place ako katablahan si Jojitah.Com. Close kami ha? I'm sure magiging close kami talaga. Ehem. Heheheh.

Eto na po ang countdown ng mga nasa Top 20 (Twenty lang, handami eh). Para sa kabuuang listahan ng countdown, pasyal ka lang dito. Oo dyan.. Yung di pa nakakaboto, oi bumoto na kayo, at mapag-iiwanan kayo, ei kami pala.

Rank 1: Inday blogniinday.com 4,300 votes
Rank 2: Maruism maruism.com 2,900 votes
Rank 3: Reyna Elena reynaelena.com 2,300 votes
Rank 4 : Maldito thegreatmaldito.wordpress.com 1,800 votes
Rank 5 - 6: Spontaneity jojitah.com 1,700 votes
Rank 5 - 6: Anak ni Kulapo kopongkopong.blogspot.com 1,700 votes
Rank 7: Gagopolis poli-adik.blogspot.com 1,600 votes
Rank 8: Chuvaness mynosebleed.com 1,500 votes
Rank 9- 11: Chiksilog empermera.blogspot.com 1,400 votes
Rank 9- 11: Chillidobo chillidobo.wordpress.com 1,400 votes
Rank 9- 11: Mr. D deardiarya.blogspot.com 1,400 votes
Rank 12 - 13: Jon Cabron joncabron.wordpress.com 1,200 votes
Rank 12 - 13: Green Pinoy greenpinoy.com 1,200 votes
Rank 14 - 15: Gasti gasti.wordpress.com 1,100 votes
Rank 14 - 15: Defpotec defpotec.wordpress.com1,100 votes
Rank 16 - 17: Marijuana Den marcelomcrey.blogspot.com 1,000 votes
Rank 16 - 17: Pinoy Humor Blog paulding.blogspot.com 1,000 votes
Rank 18: King Daddy kingdaddyrich.blogdrive.com 900 votes
Rank 19 - 20: Anukayayun anukayayun.blogspot.com 700 votes
Rank 19 - 20: Blasted Brain Blog crost23.blogspot.com 700 votes

Hanggaling talaga ng pautot ni pareng badoodles. Making mala-tsunami waves. Hmmn. Mahigpit ang laban. Kelangang ko na ata kontakin si Garci. Si Lintang Bedol kaya? Oi, Batman bilis bilisan mo na dyan at napag-iiwanan ka.


(Huh? Bumoboto pa ko dito eh...Duh!!)

Naisip ko na rin na gumamit ng superpower para sa reinforcement, ang aking supah friends. Buti na lang, si repapits kotsengkuba ay me naisip na paraan. Ang maghakot ng flying voters. Para sa mga gustong humakot pa ng flying voters, pasyal ka dito sa Flying Voters Unite.

Galing talaga ni parekong KotsengKuba. Genuis. Hahakot na din ako maya-maya. Nyahahahha!

January 7, 2008

Pinay Scandal, Pinoy Iskadaloso

Hmppt. Sa sobra kong pagdadalamhati sa sinapit ni Tagpi, ilang araw din akong di nakapamburaot. Hikbi. Naalog ata ang aking utak at walang pumapasok na hangin sa aking brains. Salamat sa mga nakidalamhati sa aking pinakamamahal na si Tagpi.

Hokey naman na sya. Matapos kong paliguan limang gallon na betadine, tinapalan ko naman ng tatlong metrong salonpas, okey na sya. Pina chek ap ko na rin sya kay Dr. 90210 at solb na. Mabubuhay si Tagpi. Kaya lang medyo madugong salapi ang kinakailangan para sa kanyang surgery. Kelangan nya kasi ng facial reconstruction, kontiing nose lift, bukol reduction at continuous na skin toning. Kailangan din daw ng smart lypo.

Sabi ko, dok naman... baka naman pwedeng wala nang lypo, type ko kase yung medyo mola. hehehe.

Masaya naman ako. Kaso sempre, kelangan meron masisisi. At sabi nga ni kumareng Xienna Jollibee daw. Ayos!! 2 birds in one bato. Kase matagal na akong me utang ke repapits na Kotseng Kuba tungkol sa pagpo-post ng malaswang Pinay Scandal na hit na hit sa internet.

At heto nga naispatan ko ang pinaka-matinding Pinay Scandal sa balat ng YouTube. Malamang naispatan mo na ito matagal na, di mo lang nabanggit sa kin kasi nga luma na. Luma na kasing balita ang nasisinghap ko minsan. At para makabawi din ako, eto na ang aking paninirang-puri.

Palisin mo muna mga bata dahil , FOR ADULTS ONLI ito.

December 27, 2007

Just Another Slumbuk

Sempre, just another meme. Hataw ng hataw para pag pasok ng bagong taon, wala nang utang. Mas masarap yung pakiramdam nang ganon. Magaan.

Hindi sana ako kasali dito. Nabasa ko lang dun sa blog ni WanderingDeity. Medyo natawa ako at nag-comment, hayun napansin tuloy ako, na-tag tuloy ako. Hayan kase. Wahahahah!

1. How long have you been blogging?

Huling linggo ng September 2007 nang mag-umpisa akong mang-asar.

2. Who inspires you and who are your mentors?

Bale matagal na kong kinukumbinsi ni kumander na mag-blog para magkaron daw ako ng bagong hobby. Tingin ko nga, tinulak nya ko mag-blog para di na ko nakikipag-chat at nakikipag-cyber. Sakto naman naispatan ko yung dati kong repapits na si Tonyo na ngayon eh nasa Dubai na at nagba-blog na din. Kaya na-goyo na-engganyo ako. Eto ako ngayon, nambuburaot.

3. Are you trying to make money online, or just doing it for fun?

Wala lang, nag-aasar lang talaga ako dito. Pag nakapang-asar ako, masaya na ko. Pero.. sempre laging me pero.. kung makakabili ako ng bagong eroplano dahil sa pagba-blag, bakit hindi?

4. Tell me 3 things you LOVE about being online.

a. Sarap mang-asar. Lalo na't hindi ka naman nakikita ng inaasar mo.

b. Tahimik ang buhay. Kasi kahit nakikipagwentuhan ka, di naman kayo nagsasalita, type ka lang ng type. Pag wala ka naman masabi, daanin mo na lang sa mga smileys solb na rin.

c. Convenient. Di ko na kelangang magsuot ng costume. Kahit naka brief lang ako pwede.

5. Tell me 3 things you STRUGGLE within the online world.

a. Di ako webmaster. Kung kaya kapag me bago, aabutin muna ko ng siyam siyam bago ko matutunan ito. Di tulad nung iba, mabilis pa sa alas kwatro, naka set-up na.

b. Too little time. Sandamakmak na meme at sandamakmak na widgets, kulang sa panahon. Kahit gusto kong bumabad online, di pede. Kelangan magtrabaho ng totoong trabaho. Lalo pa at hanggang ngayon di ko pa rin nahahanap yung matagal ko nang hinahanap, si Kopong Kopong. Ilang buwan na ko dito di ko pa rin sya naiispatan.

c. Passwords. Sa dinami-dami din ng ga widget at mga kung anu-anong anik anik na susubukan mo kung okey, andami mo ring password na kailangang tandaan. Kahit pa solb ka na sa serbisyo nung anik-anik na napili mo, handami pa rin. Hindi naman pedeng pare-pareho password mo, kasi kapag na-hack ka ng minsanan, yari na lahat ang buto-buto mo.

Kaya ngayon hindi na lang PASSWORD ang password ko. Minsan ginagawa kong PASS, minsan naman WORD.

December 18, 2007

Award Award

Nung bata pa ko, lagi akong me award sa nanay ko.

"Hinayupak kang bata ka. Hindi ka ba talaga maliligo?" Hayun hahabulin ako ng palo maligo lang ako. Nung nasa elementary na ko, "Wala ka ba talagang balak maglaba ng mga damit mo? Tambak na mga lamog mo, anong palagay mo sa kin personal na labandera mo?". Nung na sa college naman na ako, "San ka na naman nanggaling, di ka na naman umuwi kagabi! Baka mamaya, me iuuwi ka na namang buntis dito?"

Hindi ako nawawalan ng award. Pero sa totoo lang, yun lang ang lambing sa kin nung Mama ko. Sa erpats ko naman wala masyado, kasi tahimik lang yun. Bigla na lang ako hahampasin ng martilyo nun. Ganun. Minsan nga, sa tindi ng high blood nun, bigla na lang ako pinalusot sa timba, kasya naman ako.

At dahil award ang nawewento ko, very timely ang mga award na naibigay sa akin ng iba pang mga ka-berks ko dito sa blogosphere. Siguro, wala na lang sila mapagpasahan, naipasa na nila sa lahat, kaya no choice kundi sa kin ibigay. Lols!

Unahin ko na itong blog award na galing kay Prue, na siya ring nagbigay ng super-habang meme sa akin na chinop-chop ko in 3 parts. Kung bakit nya ito inaward, siguro para bumawi dun sa pahirap nung meme nya. Hahahaha!

Bodacious? Kung ano man yun ewan ko, siguro sexy at cute. Feeling ko lang yun sempre. Parang bongga ang dating. Tenks Prue. Kaya naman ipinapasa ko ito sa mga bonggacious kong blogger friends. Ito ay sina lukaret ng Kalderweusch, sa reyna ng mga reyna na si Reyna Elena, at kay Pusang Maganda. Lahat sila ay bongga sa aking paningin.

Eto naman ay galing ke gamerchick Evilwoobie. Nakanaks Spreader of Love Award. Para akong si Mr. Kupido ha. Baka Joe D Mango. Ang pagkakaalam ko, asar ang ikinakalat ko. Natural kasi akong pang-asar. Tenks!

At ang award na ito ay sempre kelangan ipasa ko. Inaaward ko ito sa gorgeous and cute na Cebuana, si Maarni ng Midori-X, at kay Prue na very merry ang krismas.

Heto pa ang isa, para makarami. Galing naman ito kay Ipanema na isa pa ring walang katulad. Best friend award. Thanks Ipanema for having me as a friend.

At dahil tungkol sa best friend ang award na ito, ipinapasa ko naman ito sa mga ka-repakols kong makukulit din. Tagay para kina Coldman ng Anukayayun?, na katulad ko, ayaw ding magpa-piktyur ng nakaharap, kay #@&$$$@@ Ferbert na mabuti na lang hindi kamukha ni kokey na alien, si pareng Ambrosio ng Pinoyambisyoso.Com at para kay sister Nalen ng Manilenya.Com. Eh... ikaw, sinong bestfriend mo duon?

Heto may isa pa. Oo madami pa. Galing naman ito kay kumpareng Ding ng Inkblots. Nakanaks naman, amazing award. Feel ko tuloy si spiderman. Tenks!

At ang alam kong amazing din na mga mala-superheroes bukod kay spiderman ay si Evilwoobie na walang sawa sa pagma-market sa akin at sa aking mga blog. Kaswerte ko at may libre akong PR manager online. Tenks woobie. At pati na rin kay Ipanema for being simply amazing. Smart, brilliant, marunong mag belly dancing, multilingual din at higit sa lahat, a woman in every form.

At oo, Julia Julia, heto kasali ka rin, special mention pa. Dahil lahat ng award na yan kasali ka. Handami nyan! Baka naman magtampurorot ka pa ha?

December 14, 2007

2007 1st Christmas Tree Blog Parade


May Merry Krismas Tree ka na ba? Ako, oo, katatayo ko lang. Kundi pa ako nai-tag ni ambrosio di ko pa maitatayo agad. Kasi naman, andito ako, malayo sa amin. Nagpapaskong paksiw. At sempre pa kahit araw ng pasko, kelangang magtrabaho. Ala naman akong lablayfs dito. Kaya, kayod na lang ang gagawin para maiwasan ang homesick at lamig ng pasko.

Pero bago pa bumaha ang luha at mag best actor ako dito, heto na ang krismas meme na ito. Si bluepanjeet ang promotor nito at nasabit ako thru ka ambo. Kelangan mo lang naman, in the spirit of Christmas, piktyuran ang iyong krismas tree at i-post sa blog mo.

############ START KOPYA HERE ############

This is a First Annual 2007 Christmas Tree Blog Parade Meme created and conceptualized by OTWOMD of Bluepanjeet.Net. The purpose of this meme is to enliven the Christmas spirit by showing to the world our very own Christmas trees. They say that it is on the Christmas tree that best describes how a person celebrates Christmas.

So here are the rules: (oo laging me rules)

1. Make kopya the Logo of this meme (Pagtapos mo downoad, salpak mo sa sidebar mo, blaha ka kung papano style gusto mo) and post it on your entry.

2. Take a piktyur of your Christmas tree inside your haybols. A "whole" shot is the most appropriate photo. And post it on your entry. Siguraduhin mo lang na wholesome ang pic.

3. Tell something about your tree like sino nag-decorate, what are the anik-aniks and ek-eks, or what is the ka-eklakan and meaning of your Christmas tree this year.

4. You can put any title on your meme but don’t forget to include this “2007 1st Christmas Tree Blog Parade”.

5. Do the link MRT train history. Put the link of previous bloggers who tagged you and your own link.

Example: 1 is to 2 times the square root of 58 Tag History: Bluepanjeet - “you” -

The MRT link train will provide clue on “who tagged who” and at the same time a reference of data for the promotor of this meme. Ala blue's clues.

At sa Fiesta ng Three Kings (Tito Vic en Joey o APO Hiking?) on January (The official ending of the Christmas Season), Bluepanjeet.Net will launch a mini site that will feature all of the participant’s Christmas trees for 2007 with a link back to their site. That is why it is very vital that you maintain the link history so that your Christmas tree will be included in the Christmas tree blog parade of 2007 and will be a part of history.

So tagtag now, you only have one month 10 days to spread this meme.

My Krismas Tree Tag History: BluePanjeet - Pinoy Ambisyoso - BURAOT - “ikaw, oo ikaw nga!” (salpak mo link mo dito)

############ END KOPYA HERE ############


(ako at ang aking krismas tri)

Sowee nagmamadali ako di ko na nasuot yung costume ko. Bilis bilis eh. Sya sige na, magbabalot pa ko ng gips.

Kaya tuloy tuloy nyo lang itong choo choo MRT train na ito. Be Proud, Be Gay. Be proud and be gay this coming Krismas!

Ang MRT Krismas Train:

Somewhere in My Memory by Bluepanjeet.net
2007 1st Christmas Tree Blog Parade by Kotsengkuba.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Mynosebleed.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Enelym001.wordpress.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Jovi2hottie.wordpress.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Amorfrancis.com
2007 OTWOMD Christmas Tree Blog Parade by Pinoy Ambisyoso
2007 Christmas Tree Blog Parade by BURAOT

At ang sasagasaan ko ng tren an ito, si gamerchick na si Evilwoobie at sempre ang tampororot na si Julia Julia at ang gorgeously cute na si Maarni ng Midori-X.

Maligayang Pasko! Paksiw!

December 13, 2007

Wala Lang...


Nung huling uwi ko, pinasalubungan ko ang mga janakis ko at si kumander pati na rin yung isa nyang utol ng mga PSP.

Yung bunso ko naman, dahil maliit pa okey na yung Gameboy Micro. Kaso mo, natural na marunong sa mga kung anu-anong kalikot kalikot. Genius kasi yun. (*ehem* mana sa tatay) Kaya pag buraot yun, madalas pinagbubu-bura nya yung mga naka-program dun sa mga PSP nung mga utol nya. Kapag nagsumbong yung me ari sa nanay nila, ibinabalik naman nya. Kung papano, ewan ko, di ko din alam. Kaya para di nya pakelaman, ang hirit nya, PSP din. Sabi ko nga, rubik's cube na lang para mura.

Baka isipin mo, hanyaman ko, hindi. Sa ukay-ukay ko lang binibili yung mga yun. Ukay-ukay sa ebay. Saka okey lang, kasi sulit naman dahil matatalino sila lahat. Problema nito, usapan namin, pag honors sila ulit, laptop naman katapat. Madugo.

Kainis nga, kasi yung cellfon nung panganay ko na Hello Kitty, nanenok sa iskul, pati yung wallet nya. Natakot tuloy yung bata magsabi na nawawala pera nya at celfone. Kase dahil missing in action yung celfone nung panganay ko, sempre ia-upgrade ko phone nya. Sigurado matutuwa yun.

Wala lang, kasi sempre magpa-pasko na naman kaya naiisip ko lang sila. Naalala ko din yung mga laruan nung araw, walang elektronik elektronik. Holen, teks, trumpo, kitse (tansan), goma, pati mga balat ng kendi at balat ng kaha ng yosi katalo na rin.

Kaya, sa mga susunod na post, wento ko yung mga mala-impaktong laro namin nung bata pa kami. Yun yung mga panahong ka-taguan pung namin si Kopong Kopong at si Limahong. Yun lang. Gagawin ko pa yung santambak na tags. At sempre yung Krismas Tree piktyur para dun sa pakulo ni bluepanjeet, na-tag ako ni ambrosio eh.

Mukhang puro tags at meme kakaririn ko hanggang pasko..... paksiw!

December 12, 2007

Demonito Demonita!

Malapit na pasko, di ko pa nauubos mga meme ko. At dahil baka bagong taon na bago maubos, uunahin ko na yung pang pasko. Eto isa, na-tag ako ni kotsengkuba. Pang pasko ito at ala monito monita na pautot. Heto nga lang online. Sa pasko, kung sino mabunot para sa yo, syang papadalhan mo ng pera thru Western Union. Ehe. E-card lang pala.

Kaya sali na. Simple lang naman. Sakto ito dun sa mga nasa malayo at walang krismas parti na aatenan na katuylad ko. Huhuhuhu! Uwi na kooooo!

Papano sumali? Kopyahin mo lang ito. Cut en paste.

1. Fill-apan at ikabit ang detalye nimo here .

2. Kopyahin at ipost ang rules sa iyong blog. Hokey lang kumopya. Isama ang paurong na list (backward list= a record of how the tag reached you) at idagdag wag ibawas ang iyong name.

3. Mag-recruit ng downliner. Hokey lang hindi ito pyramiding. Be sure to get their consent. Pag aprub sila, i-update ang iyong post at ilagay ang name nila sa iyong forward list. (bloggers you’ve convinced to join). Ipaalala sa kanila na gawin ang item #1 para sigurado silang pasok sa bunutan.

Kailangan mo din ang FORWARD at BACKWARD. Kung ano yun, eto.

BACKWARD. Ang aking paurong na list (a record of how the tag reached me): Bluepanjeet to KotsengKuba to BURAOT to "salpak mo pangalan mo dito".

FORWARD. Mag fill ap din ng iyong forward list na gusto mo isali. Eto akin: At ang pagpapasahan ko nito ay sina: Dyaran! Si Anton at si Julia!

O di ba simpleng simple lang. Forward...Backward.. parang Up... Down... at Close... Open. Yakang-yaka. O hano pang hinihintay mo, sali na. Magpaparty tayo sa susunod. Pramis.

** This Monito Monita is officially entitled “Ronito Ronita” by iRonnie, this game’s originator
** Participants will be accepted until December 16 (Phil. time) only. On December 17, the organizer will email to you the details of your Ronito/Ronita. Send him/her a Christmas greeting via E-cards preferably on December 25. Should time be a constraint, you can send it earlier.

December 10, 2007

Calling Calling!

Sa aking mga dating kakosa sa Justice League:

Alam ko me kanya-kanya na tayong mga buhay at retirado na. Yung iba di na kinaya nung powers nila, dedbol na. Pero sa inyong mga natitira, nare-remember nyo pa ba ang saya nung nakatambay pa tayo sa Hall?

Nalala mo ba nung hainan natin si Superman ng kilawin? Hanggang ngayon di pa rin nya alam na si Superdog pala yun. Akala nya nag-istokwa lang yung kawawang aso. Eh nung yariin ako ng hinayupak na galising si Aquaman, tanda mo pa? Nung takbo ko papuntang crime scene eh chastity belt pala naisuot ko hindi utility belt? Hawa, kasi kelangan ko pang maghanap ng locksmith maka-dyingel lang. Dun ata ako nagkasakit sa bato. At naalala nyo pa ba nung sama-sama tayong namboboso ke Wonder Woman? Nagpustahan pa nga tayo kung anong tunay na kulay ng buhok nya? Hahaha. Pahiya tayo lahat kasi nga wala naman.

Eh nung sabay tayong nagpa-praktis magsuot ng costume, kinakantyawan nyo pa ako kasi ako nag-pauso ng nakapantalon pero nasa labas ang brief? Hah! Okey lang, at least itim ang brief ko, di gaya ni Superman, pula. Oy, Flash Gordon, asan ka na ba? Nagki-quickie ka na naman? Ang hilig hilig mo supot ka naman! Kung bakit naman kasi me pakpak ka nga, bukod sa anliit na, sa tenga pa naka-kabit, para ka tuloy isdang bilasa.

Hayyyyy.. da gud ol days!


Kinakalawang na lahat ang mga kauri ni Voltes V. Kaya wherever you are, paramdam lang kayo at ili-link ko kayo para madali tayong makapag-volt in. Me pauso akong tag para makapag-reunion tayong lahat.

Kung nagkataon naman na binabasa mo din ito pero ikaw ay nasawing di kasali noon sa Justice League at gusto mo ring sumali, kailangan mo ang mga sumusunod:

1. costume, (di pede gown)
2. pangalan ng isang superhero na iyong gagamitin
3. kelangan mo maglink ng at least tatlo (as in 3) na superhero site sa blog mo, kung gusto mo mas madami, mas masaya
4. Bio-Data at listahan ng iyong uperpowers, i email lang sa akin,
5. 2 x 2 picture ID, kelangan suot mo costume mo, at
6. magpadala ng P100 pesoses na processing fee

Chika lang yung 4-6. Kung wala ka namang blog, wag ka na, magtyaga ka na lang sa chat. Ito ay pay it forward, eat all you can, first come first serve. At kung binabasa mo ito, kasama ka sa tag. Oo, ikaw ang susunod.

Maitim pa rin,
Batman

DISKLEYMER: Ito ay hindi totoong tag o meme. Lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. Kung gusto mo seryosohin, ikaw blaha!

December 8, 2007

Be the Blog!

Di ako magkandatuto sa mga sandamakmak na tags at meme. Parang bumabalik ang aking remember nung elementary pa ko at first time kong magka-gerlpren. Kahit na puro pa kami mga uhugin, uso na ang kras kras. Langyang mga bata, ke liliit pa eh puro na mga kalandian ang nalalaman.

Pag gusto mo ligawan yung isa mong kaklase, ilalagay mo lang pangalan nya sa slumbook na crush mo ayos na buto-buto, follow up na lang, magsyota na kayo. Kahit pa Grade 2 pa lang kayo at wala kayong kamalay-malay sa mga ganung mga bagay. Hay, sarap bumalik sa pagkabata. Napaka-innocent. (innocent ka dyan!)

Gusto ko lang namang mag-tenkyu dito ke All About Auto sa pagbibigay sa kin ng award na ito bilang pinaka gwapong blogger sa balat ng cyberspace.

Be The Blog award


Joke lang sempre yung gwapo. Aktwali eh binigay yung meme award sa kin dahil sa aking pagiging "unique". Hmmnn.. di ba kapag pangit, sinasabi unique? Hmnnnn ulit, nakita nya na kaya piktyur ko? Me naka-discover na kaya nung pinakaka tago-tago kong pagmumukha?

Ah basta. At least meron na naman akong anik-anik na pangkabit sa sidebar. Tenks All About Auto for the award. And I will pass this meme award to the following blogs.

1. Si gamerchick Evilwoobie - dahil sa kanyang kakaibang site na marami akong natututunan, lalo na sa pamimik-ap ng mga bagong tsikababes. Lols!

2. Si Ka Ambo ng PinoyAmbisyoso.Com - dahil sa kanyang mga makabagbag damdaming mga post na laging nagpapaalala sa kin na "Ibalik nyo ko sa Pilipinas!"

3. Si Ella Baby ng Ella Ganda- dahil sa kanyang site na walang ginawa kundi ipa-alala sa kin ang Pasko kapag winter sa Amerika. Paskong pasko kasi sa site nya. Habang dedma ko ang pasko dahil malayo ako sa amin, tuwing papasyal ako sa kanya, parang gusto ko laging tumawag sa Pinas at mag Hello Garci.

4. Si Lukaret ng Kauderwelsch- dahil sa kanyang angking ka-ekekan na laging nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Ahahahay! Lukring na lukring ang dating nitong tropa ko na nasa Alemanya! Sprakenhayt!

At sa inyong apat na kulapo, kung naka-tanggap na kayo nitong award na to, sensya na. Bahala na kayo sa buhay nyo, basta sa akin lang, ni-recognize ko kayo bilang mga espesyal na blogs sa akin. Hokey? Meri Krismas sa inyo mga repapits!

December 3, 2007

My Peborit Tsibog!

Eto pa, isa pang tag mula kay kittikat. Sabi sa tag, kelangan ko mag-post ng piktyur ng aking peborit na tsibog. Kaso mo, baka pag ipinost ko dito yung aking talagang peborit na peborit na pagkain, baka maisara itong blog ko ala boy bastos. Hmnnnnn...

Kaya eto na lang, ang aking second peborit, filet mignon (naks sosi ka pre!). Katulad ng aking mga ninuno na mahilig maghanting ng mga kung anu-anong kahayupan at mahilig bumiyahe ng tapang dinosaur, natural kasi akong mahilig sa karne.


Parang bigla tuloy ako na-tomjones.

At pagkatapos nitong steak sempre, kelangan pasundan ng pampatunaw.

Yannnn... pwede yan cocktail o kaya dessert! (tama nga ba ispeling ko ng dessert? baka mamya buhangin makain ko)

Pag trip ko naman lokal, katalo na ko sa pritong galunggong at bahaw (jologs!). Basta lang sasabawan ko ng kape. Slrrrpp! Sarap. Ala ay kasarap!

Hay... tenkyu, Lord. Malapit ko na ring maubos ang mga meme at tags. Malamang abutin ako ng pasko nito. Pasko? Paksiw? Paskiw? Pakso? Ah basta!

November 28, 2007

Paks Yu Na!

Alam ko kinakabahan na yung iba dyan.... hehehe. Baka nga naman i-tag ko nitong pagka haba-haba na meme na ito. Pero pagkakataon ko na itong bumawi! At kelangan ko na ding tapusin ito dahil, habang kinakarir ko ito, ay patuloy namang dumadating ang iba pang tag. Baka abutin pa ko ng Pasko bago ko matapos. Iniisip ko nga, gumawa na lang ng blog na puro meme lang at tag. Sigurado dami kong link nun agad.

Kaya heto na madlang pipol ang huling yugto ng paks me na to. Kaya, after this paks yu na!

Sa hinaba-haba man daw ng tag, sa ending din ang tuloy. At kapag daw tumatakbo ka ng matulin, kung matinik ay malalim. Ewan ko kung ano koneksyon nung dalawang salawikain nayun. Naisip ko lang.

30 Paks Me Na Naman:

21. Ako ay Tirador ng Kaning Lamig. Di ko type ang bagong luto, mas gusto ko yung kaning-lamig. Bahaw tawag namin dun sa Timbuktu. At ayoko din ng medyo matubig. Mas enjoy ako kainin yung ilalim, yung tutong. Request ko lagi sa nanay ko, pag magsasaing sya, sunugin nya para maraming tutong.

22. Naks, collector. Kulektor ako ng mga kung anu-ano hindi ng kuryente. Kapag naka-hiligan ko, kinokolekta ko. Pag me nagustuhan akong author ng libro, lahat ng libro nya kinokolekta ko. Noon, nakahiligan ko magka-gelpren, ayun nangongolekta ako. (waw hampogi) Pati lumang tao kinikolekta ko.


23. Simple Pero Rock. Kahit medyo gurang na ko, naghe-headbang pa rin ako pag type ko tugtog. Madalas suot ko pa rin ang aking Doc Marten at maong. Rock on!

24. Presko ako. At kapag naka-maong naman ako, mas type ko pa rin syang suotin ng walang panloob. Feeling ko pa rin presko kahit medyo naiipit yagbols ko.


25. Insurance risk. Inaayawan na ako ng mga auto insurance. Bukod kasi sa hindi ko sila binabayaran, tadtad na ako ng tikets sa mga kung anu-anong violation. Di na rin uubra ang traffic schools.

26. Problema ko pa rin kapag nalalasing, ako ay nagba-blackout. Nai-wento ko na ito dun sa nakaraan kong post na Blackout Pare! Kaya di na ako gaanong umiinom. Gatas na lang.

27. Ako ay isang dakilang tae! Masyado mabilis ang aking metabolism kaya pagkakain ko, ilang minuto lang kelangan ko nang bumoto. (men's room) Ganun talaga ang healthy. (ekek)


28. Ako'y adik. Dumaan na ang kung anu-anong mga video games pero hilig ko pa rin ang Red Alert. Kahit paulit-ulit ang scenario at kahit lumpo na si Tanya pinapasugod ko pa rin. Yes Commander!


29. Pangarap ko pa rin ang bumili at mag-drive ng sarili kong eroplano. Pag tumama ako sa lotto siguro. Kaya lang kung lisensya ko lang sa pagda-drive ng auto, delikado na, lisensya pa kaya ng piloto? Problema ko pa kung saan ko siya ipa-park.


30. Hindi ako mahilig magpatawa. Kung ikaw ay natawa sa mga iba kong post dito sa Anak ni Kulapo, ito ay hindi ko sinasadya. I am sorry. Nagwewento lang ako dito ng aking mga buhay-buhay noon at ngayon and beyond. Mahiyain nga kasi ako kaya ayoko ng limelight, ayokong nagbibigay ng jokes, kasi baka pagtawanan lang ako.

PAHABOL: ANG LAHAT NG ITO AY GAWA-GAWA KO LANG! WAHAHAHAH! JOKE!

Eto na... Pinis na tong paks me na to. Sino kaya ita-tag ko susunod. Hmnnnnn... hmnnn pa ulit... Paks Yu! Wak na wawa ka naman. Sa ibang araw na lang.

November 24, 2007

Meme ng Meme

Yahuuuuu! Pangalawang installment na, isang tagna me na lang, tagna mo naman. Yari ang itatag ko nito... hehehhe.. can't wait.

O sya sya, tama na daldal. Heto na po and ikalawang yugto....

30 Paks Me Tu:

11. Mahilig ako sa dila, at mahilig din akong gamitin ang dila ko. Ayan ka na naman.... lenggua. Yun ang paborito ko, at mahilig din akong mag-aral ng ibang mga salita. Sempre two in one, dila as in tongue.

12. Pag ako'y nalulungkot, daliri lang ang ginagamit ko, gagaan na pakiramdam ko. Andyan lang naman sa tabi ko ang gitara, laging naka-abang na kalabitin ko. Tempalok!Tempalok!

13. Kahit di ako marunong kumanta, mahilig akong gumawa ng kanta, kahit na alang wenta. Likas kasi akong te-maarts, kaya yung mga tula ko na ala Huseng Batute, ginagawan ko ng tono. Basta me tono.

14. Mahilig ako sa KFC.(uy ads, me raket na naman) Minsan nga, mamamatay na ko, KFC pa rin hinahanap ko. Pinger lickin guudddd!

15. Maraming beses na rin akong dapat namatay. (morbid naman nito) Kaso likas na masamang damo, di makayanan ni Kamatayan ang powers ko. Sa sobrang kapal na ng mga hasang ko, di na umubra yung mapurol nyang karit. Kaya nga madalas feeling ko super hero din ako. Naks naman.(talaga lang ha?)


16. Tol, atin atin lang to, wag mo pagsasabi......ako talaga si Batman. Kasi noong kapanahunan namin ni pareng Kopong Kopong, di pa uso internet at cellphone, pager pa lang saka CB radio. Kaya handle ko na Batman. Bukod pa dun, napukpok na rin kasi ako ng baseball bat sa ulo. (Oo! Takaw bugbog talaga ako!) Saka paborito ko rin si Batman, kasi sya lang ang superhero na walang superpowers, o di ba? Kaya lang katulad nina Superman, aanga-anga pa rin, kasi kung magdamit, parating naka-labas yung brief.

17. Pero ako pala si Pepeng Kuryente (lokal).Akala ko nga nung una, meron na akong superpowers. Kasi kapag gabi at malamig, tuwing hahawak ako sa bakal, nag-i-spark. Oo tutut! Lalo na kapag winter. Kasi naman natural sa atin ang me static electricity sa katawan, nagkataon lang na mas malakas ang akin. Minsan nga pag ala ako magawa, papatayin ko ilaw sa kwarto, huhubarin ko sweater ko sabay ipapagpag ko, ayos na. Libre show ng watusi. Sparks sparks! Me sound epek pa.. duuuutttt! duuuuutttt!

Kaya pag me type akong tsiks, alang kawala. Lalapitan ko lang sabay.... duuutttt! duuutttt! Sigurado mapi-feel nila me nag-spark! Wahahahahahah!

18. Kahit uso na ang kalbo, di pa rin ako makapag-pakalbo. Yoko nga, di naman ako nagpapatawa ah. Okey sana kasi di mahahalatang napapanot na ko. Kaso bukod sa hugis itlog ang ulo ko, tadtad pa ng award. Puro tahi. Kasi nga di ba, takaw bugbog nga ako?

19. Ako ay gifted. Dalawa lang daw ang kinalalabasan ng isang menopause baby na katulad ko. Either isang genius o abno. Buti na lang ako ay half-half. Kaya naman noon sinubukan ko ding magka-dyowa din ng mga half-half. Half-German, half sheperd. Half-Persian, half cat. Eto matindi half-Filipino, half-Filipina.

20. Meron din akong mind power. Mind over matter kumbaga. Pag nilalamig ako, iisipin ko nasa disyerto ako, gumagawa ng sand castles. Pag mainit naman, iniisip ko nasa Antartica ako, nagha-halo-halo. Tulad ngayon, nalulungkot ako, kaya iisipin ko masaya ako.. wahahahahah! At pag sobrang saya ko naman iniisip ko malungkot ako... ahuhuhuhuu! Kaya naman pag me napag-interesan akong gawin, ginagamit ko lang ang aking mind power at konting praktis hokey na.

Napanood ko noon sa TV si Chiquito, pinapagalaw nya butas ng ilong nya, isang araw lang kaya ko na. Me naispatan ako sa Mad Comics, pinapagalaw nya tenga nya, limang araw lang oks na. Napanood ko si Zaldy Shornak pinapagalaw nya noo at bumbunan nya, isang linggo inabot ko bago ko natutunan. Me nakita akong sumisipol ng pabaligtad, sa halip na pabuga yung hangin, pahigop. Whoooopt! Whooooopt! Natutunan ko din naman, pagkatapos kong makalunok ng mga limang lamok.

O sya sya, malapit nang matapos ang tagna me na to, maya maya pa tagnamo naman! Isang paks me na lang paks yu na! Yahuuuuuuu!!!