Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pinoybakaw?. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pinoybakaw?. Ipakita ang lahat ng mga post

July 15, 2008

Ang Alamat ng Singkong Kulot

Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!

Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can't afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.

Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.

Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma'am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma'am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.

At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo't lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.

Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70's, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.

Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.

Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.

May 21, 2008

Holdap!

Grabe yung holdapan kamakailan dyan sa atin, ni-holdap na nga yung bangko, tsinugi pa yung mga empleyado. Grabe, me pera na nga eh, nakuha pang patumbahin yung mga wala namang kinalaman dun sa pera ng bangko.

Ayoko sanang haluan ng medyo madrama o kung anupamang ekek itong blog na ito, kaso di ko maiwasang di magkumento.

Kasi naman, naalala ko din nung nasa Pinas pa ako. Ilang beses din yata akong naholdap sa bus. Dalawa lang ata. Yung perstaym ko eh galing akong Timbuktu kasabay ko pa yung ate ko at yung asawa nya. Pagsakay pa lang sa Barakolandia, napansin ko yung isa na me parang hinihithit, medyo kinabahan na ako. Ayun nga, pagdating sa South SuperDuper Highway, me parang nag-aaway at nagsisigawan sa me bandang harap. Dahil sempre, lang-magu to-its, yung mga alahas ko at relo, hinubad ko at isinuksok ko dun sa me mga singit singit ng upuan.

Ayun, holdap nga pala. So dahil mabilis ako nakapag-esep esep, walang natangay sa akin ang mga ungas.

2nd time ko naman, nung sa Gapo na ako humahada ng "wanna buy watch Joe?" type na raket. Papunta ako ng Manela para makita ang aking mader dear galing isteyts. Sa me San Fernando, Pampanga, me sumakay na maraming mga kelots. Nagkatinginan pa nga kami nung isa. Parang pamilyar kami sa isat isa. Di ko malaman kung bakit. Parang nag ala Madam Auring ako kasi me naramdaman ako.

Papasok pa lang sa North ExpressDupress Way, me pumara. Bumaba sabay kumaripas ng takbo. Nagkatinginan lahat kaming nasa me bandang una kasi kakasakay lang nung bumaba. Sabi ko, "brad, baka naman naglagay lang yun dito ng bomba ah?" Uso kasi ang bombahan nun, yung pinapasabog ang mga bus, bukod pa sa mga bomba sa pelikula.

Kinabahan kami lahat, pero dedma lang ulit. Ayan na po, pagpasok pa lang sa highway....

Holdap!Holdap! Pera o Puri!!!

Anim sila na de baril at 2 sa kanila me granada. Meron atang isa, dinamita ang dala. (O sige joke lang yung dinamita, ano kami, isda?) Grabe parang bigla kong naisip na magsigarilyo. Di ko na inalam kung totoong granada yun o lighter lang, mahirap na. Mukhang mga beterano pa naman kung kumilos, maliban dun sa isang bumaba at nagtatakbo na kasamahan pala nila.

Unang pasada, isa isang kinapkapan, pati mga bag. Yung isang ale, nag-inarte. Kesyo nasa ospital daw yung anak nya kaya kelangan nya ng pera. So dahil subalit datapwat ngunit pero because likas namang maawain yung holdaper, yung nakuhang 5,000 sa kanya, isinoli yung 3,000. Bait nya no? Sana kunin na sya ni Lord!

Ako, wala, barya lang, WW ako eh (walang-wala). Nung second wave (galing no me second wave pa), yung aleng nag-inarte, me secret pocket pala yung bag, at me lamang 10,000 pesoses. Nabwisit tuloy sa kanya yung mamang holdaper, kasi natimbrehan nya na ginogoyo lang sya.

"Walangya ka, drinamahan mo pa ako, maluha luha pa naman ako sa yo.." Ayun binawi lahat ng datung nya.

Ako naman, nakapa sa bulsa ko salikod yung aking Press ID. Dati kasi akong nagsusulat sa TikTik Magasin. Heheheh. Kaya nung makita yung ID, "Tang$^% ka! Press ka pala ha?! Baka bukas, isulat mo kami ha?" Sabay suntok sa tyan ko. Punyemas, nabanatan pa ako. Hirap talaga ng takaw-bugbog.

Tiba tiba ang mga ungas. Pero dahil nga maawain naman sila, lahat halos eh binigyan ng pamasahe. Ambait talaga! Ako di na ako humingi, kasi baka maupakan na naman ako.

Nung makababa na sila, diretso sempre kami sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis patola. Habang iniinterbyu kami, yung isa tawa pa ng tawa. Sabi ko, "brod, bat parang ansaya saya mo pa? Eh naholdap na nga tayo."

"Eh kasi binigyan ako ng pamasahe nung holdaper, 100 pesos." sagot nya.

"Eh ano naman ngayon?" tanong ko ulit.

"Eh kundi ba naman tungak yung mga yun, eh singkwenta pesos lang ang nakuha nila sa akin. Mwahahaha (tawang ala Romy Diaz)"

"Walangya ka, kumita ka pa ng tapwe. Penge palang bente pamasahe?" ako ulit.

"Eh ikaw ba, magkano nakuha sa yo?" tanong nya.

"Bente."

" O sya, etong bente mo, kawawa ka naman." "Apir!"

May 8, 2008

Starbaraks

Pwede sa akin ang decaf. Pero di talaga ako sanay sa regular na kape.

Sumakit ang batok ko kanina. Wala kasi akong magawa kaya, naisipan kong magkape. Wala naman kasing pangalan yung lalagyan kung decaf ba o hinde kaya nagbaka-sakali na ako. Pagkainom na pagkainom ko, bigla kong naramdaman na me gumuguhit sa batok ko. Yun ata yung mga ugat ko. Pati ang mga nerves ko sa katawan, nararamdaman ko na tumitibok at pumipitik. Grabe tama ko sa kape. Hyper ang katawan ko. Kape pa lang yun ha?

Ewan ko kung bakit ganun. Wala naman akong hypertension. Basta ganun ang epek ng kape sa akin minsan. Isip isip ko kung me bagay na nagpa high blood sa akin bago ako uminom ng langyang kape na yun. Wala naman. So kape talaga ang salarin.

Bata pa kasi akong regular na manginginom ng Nescafe tuwing umaga. Sya din ang pinaghuhugasan ko ng pandesal na me palamang Dari Creme. Minsan Star Margarine din para daw tumangkad ako, kaso wa epek naman, di naman ako tumangkad.

Pag tanghalian at hapunan naman, kasama ko din ang kape. Pag walang Nescafe, okey na rin kahit Great Taste. Depende sa ulam. Pag paborito ko ang ulam (pritong galunggong na tustado), yun di pwedeng wala akong kape. Kasi sya ang ginagawa kong sabaw sa kanin. Lalo na at bahaw ang kanin. Rapsadudels!

Kasi naman di pa ata uso noon ang mga decaf decaf na yan. Di uso ang health conscious noon ano.

Kaya siguro ngayong tumanda na ako, lumalabas ang epekto ng pagiging adik ko sa kape. Konting kape lang, lakas tama na ako at super hyper. Pati yata mata ko nakamulagat agad parang cartoons.



Kaya kahit masarap mag Starbaraks at umorder ng singol shorts nanpat banila lattey o kaya naman ay tol mokha parangalpaccino araw-araw, hindi na. Baka hindi kayanin ng powers ko, masapak ko kasalubong ko.

May 5, 2008

Lang-magu To-its!

Minsan mahirap din kapag ang mga kasama mo eh puro magugulang (street smart po). Kasi lahat kayo magugulang, walang pwede malamangan. Pero paminsan minsan, pipilitin at pipilitin ng ilan na manggulang (manlamang) hanggat makakalusot. Kung makakalusot lang naman! Kung pupwedeng kitain ang pera sa madaling paraan, gagawin, hindi pagpapaguran.

Matagal na din naman akong hindi nakakauwi, pero hanggang ngayon sikat pa rin ang Recto. Kasi naman kung ang mga kolehiyo ay tinatawag na diploma mill ng ilan, and Recto ay literal na pagawaan ng mga diploma. Gusto mo, sa Harvard ka pa grumadweyt, pwede dun, meron din sila.

Madalas din ako noon dun. Pero hindi para magpagawa ng diploma, kundi ang magpagawa ng mga registration papers tuwing enrollment. Kasi naman noon, wala pa akong computer, sila meron pati mga scanner at kung anu ano pang gadget. Nagpapagawa kasi ako dun ng mga papeles na pang enroll.

Para sempre, mailagay ko dun sa mga papeles ang presyong gusto ko. Kung ang enrollment fee ko ay 12,000 pesoses, ipapalagay ko doble. O di ba, sarili kong magulang kina-katkongan ko. (Katkong tawag dun sa "cut" at/o patong)

Kaya naman tuwing enrollment, paldo ang lolo mo. Psst isang round pa nga!

Ngayon, di lang diploma marami dun, lahat ng raket meron. Lalo na ang mga murang cellphone. Alam na natin kung san galing yung mga yun. Kaya nga hindi ako magtataka kung makakabili ka ng iPhone dun. Ganun sila katindi.

Ewan ko na lang kung sa Luneta eh tuloy pa din ang mga raketeers. Kasi madalas noon, me mga "photographers" don na nakapwesto. Mag-aalok ng piktyur piktyur sa mga tatanga-tanga. Ang ulaga naman papayag sempre, magpapa-piktyur para ika nga me remember. Hihingan ni potograper si tanga ng deposit. Kasi nga naman, baka pagbalik ng potograper e wala na sila, malulugi nga naman si potograper di ba?

E di po-pose na yung mga pipiktyuran, ala pang FHM, sasabihin nung potograper...

"say Cheese!"
"okey, good.... one more... 1....2....4!"

"Klik! Kilik! Klik!" "Klik pa ulit!"



Ang di alam nung tatanga-tanga, wala namang lamang film yung camera, flash lang!

Kaya, hayun, ang kawawang pobre, gabi na, naghihintay pa dun sa me skating rink, hinihintay yung piktyur nila. Ang dehins nila alam, sa Timbuktu na dine-develop yun. Ang potograper, kung hindi nakauwi na, andun sa underground ng Luneta at nagpapalipas ng oras. Kung di mo alam, me underground po sa Luneta. Yung mga nakikita mong parang bilog na takip na parang papunta sa sewer system? Yung mga manhole? Me mga kwarto po dun na parang opis.

Dun kasi ako nag-oopisina noon kaya alam ko.

Mahirap ang nanlalamang sa kapwa. Lahat ng bagay umiikot at bumabalik. Ang tawag ng iba dito, karma. Pero sa totoo lang, natural ng ikot yun ng buhay.

Kaya naman natawa din ako nung mabalitaan ko itong isang pinsan ko, natural kasi na wais daig pa si Lumen. Minsan naglalakad sya papasok ng mabundol sya ng isang kotse. Daplis lang naman pero sempre natumba sya.

Nung matumba sya, parang me nag-spark na bumbilya sa kanyang brain. Kahit na walang masakit, nagkunwari syang me nararamdaman. Para nga naman bayaran sya ung nakabundol sa kanya. So ayun, sakit sakitan ang lolo mo. Dinala sya sa ospital. Siguro iniisip nya, kunwari magsa-shock shockan sya.

Ayun, nung dinala sa ospital, sempre check ap check ap. Wala namang bali or kung anupaman. Pero dahil sempre check ap, me nadiskubre ang doktor. Meron daw pala syang tuberculosis.

Ang galing ano po?

April 7, 2008

Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Heto na po ang sinasabi nilang delubyo. Kung di mo alam ang delubyo, itanong mo muna sa lolo mo. Mula sa pinagsama-samang hanging amihan at habagat mula sa mga aplaya ng Timbuktu at mga masamang hanging nagmula sa kumukulong tyan ni BURAOT... ang pinaka pautot ng mga pautot.

Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Yahoooooooooooo!

Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa April 01, 2008.

Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.

Ano ang kelangang gawin para makasali?

1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.

Example:

"Dear Lolo Buraot, napili ko po ang iyong post na Powder o Lotion dahil nakapagbigay po ito ng patok na ideya para makapag-libang. Oks. Babu.
"

2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
4. Ikabit ang link ng site na ito gamit ang bagong url na www.kopongkopong.com.

5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges. (ako yun)

Ang Premyo? Kelangan ba meron? (Nyehehhe. Joke lang.)


Pagsapit ng alas dose ng gabi empunto ng October 31, 2008, sarado na ang botohan. Pyesta ng mga patay, ay bobolahin na ng mga hurado (ako ulit yun) ang mga sumali. Within 3 to 5 days ay ipapaalam na natin kung sino ang mga wagi. Ang tatanghaling mga maswerteng mga nilalang ay makakakuha ng premyong sumusunod:

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:

a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)


Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above


Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT


Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.

Last date of entry: 11:59 PM, October 31, 2008 PST (sori, kelangan oras dito sa aking hide-out and susundin)

Babala/Paunawa/Paalala/Pahabol/P.S.:

* Kailangang may blog ka na gumagana na noon pang January (sorry pow)April 01, 2008 o mas luma pa.
* Kailangang may paypal ka para maipadala sa yo ang sandamakmak na sampera. Kung wala kang paypal, gumawa ka ng account. Sayang ang ibabayad sa western union.
*Ang mga premyo ay non-transferable (ibig sabihin di ko pwedeng i-transfer sa yo. heheheh. joke lang. ibig sabihin, kung ikaw ang nanalo, sa yo ko lang pwede ibigay di pwedeng mo)
* Kailangang nakaka-intindi ka ng Tagalog.
* The promotor have all the rights pertaining to the rules of this promo. Per DTO permit 02-10.
*Bawal Omehe Deto! Ang Mahole Bogbog!

Para sa mga dagdag na tanong, reklamo, epal, mag-comment lang dito o mag-email sa buraot101@gmail.com.

Hala, game na!

April 4, 2008

Oink Oink


In the tradition of Reyna Elena, ang ating fellow blogger na si Fink Biik ay may pakontest na logo making ekek sa kanyang piggery.

At dahil din hindi naman ako marunong gumawa ng ganung kaekekan, ipo-post ko na lang dito yung kanyang pautot para naman mas marami ang maka-alam at makasali na rin.

Pasyal lang kayo sa kanyang site na www.mspinkbiik.com o kaya ay dito sa link na ITO..... at DITO din.

At ITO dito pa. Para walang kawala sa link.

Ang rules? Aba eh kinamalayan ko, di naman ako ang me pakontest no? Itanong mo dun ke Fink Biik. Pero sempre me pakontest, e di sempre me premyo din.. free accomodation sa kanyang piggery. Joke lang. Basta me premyo. Eh kung pinapasyalan mo kaya sya nang hindi ako tinatanong mo?

O eto pa ang link, magsawa ka sa link.

March 28, 2008

The Day The Penis Asked for a Raise

Eto, wala na naman akong magawa. Naipasa lang sa kin to thru email at naisip ko sempre na isalpak dito. Kids, takpan ang inyong mga tenga...




The Day the Penis asked for a Raise...

Dear Ma/am:

I, the Penis, hereby request a raise in salary for the following reasons:
I do physical labor.
I work at great depths.
I plunge headfirst into everything I do.
I do not get weekends or public holidays off.
I work in a damp environment.
I work in a dark workplace that has poor ventilation.
I work in high temperatures.

My work exposes me to contagious diseases.

Sincerely,
P. Niss


The Response:

Dear Penis:

After assessing your request, and considering the arguments you have raised, the administration rejects your request for the following reasons:
You do not work 8 hours straight.
You fall asleep after brief work periods.
You do not always follow the orders of the management team. You do not stay in your designated area and are often seen visiting other locations.
You do not take initiative - you need to be pressured and stimulated in order to start working.
You leave the workplace rather messy at the end of your shift. You don't always observe necessary safety regulations, such as wearing the
correct protective clothing.
You will retire well before you are 65.
You are unable to work double shifts.
You sometimes leave your designated work area before you have completed assigned task.
And if that were not all, you have been seen constantly entering and exiting the workplace carrying two suspicious-looking bags.

Sincerely,

V. Gina

*******

Nalala ko tuloy si Erap.

Titser: Erap spell vagina..
Erap: Ah eh... di ko matandaan ma'am eh... nasa dulo lang ng dila ko yun kagabi eh...

O.. o.. walang magre react. Wala pa akong balak gawing porn site ito.

March 24, 2008

Papaya

Oist... Bago ka mag-isip ng kung anong papaya, General Patronage ito. nasanay ka naman na PG.

Kasi naman as usual, late na naman ako sa balita. Napanood ko lang kasi ito kahapon sa TFC. Sempre yung TFC, late din ng isang araw, so malamang dalawa o tatlong araw na itong bilasa. Naisip ko lang isalpak dito kasi naman nakakatuwa talaga. Paminsan minsan din naman pala, tayo ang ginagaya.



O hayan di lang si Paqiuao ang sikatchupoy, tayo lahat.

March 22, 2008

Ang Kyut Pakurot!

I know I know. Linggo na ng pagkabuhay sa atin. Pero dito sa pinagkukutaan ko, Sabado de Gloria pa lang. Kung kaya bawal pa rin ang karne.

Tapos na rin ang nagpe-penitensya. Pero me pahabol pa ako. Nung bata pa kasi ako, dahil lahat me kanya kanyang style ng pahirap sa sarili para makabawas ng kasalanan, sempre kahit bata pa kami, kelangan me kontribusyon din kami. Ang lagay eh sila lang?

Kung kaya nagpunta kami nung bespren ko dun sa nakaparadang kotseng bulok nung kapitbahay namin sa Dimasalang. Dahil luma at walang susi naman, nakapasok kami dun, isinara namin ang bintana at nagkulong kami dun kahit di kami makahinga. Tumambay kami dun hanggang sa kakayanin namin. Para sa amin, malaking pahirap na yun sa min, kasi ayaw na ayaw namin yung kotse na yun.

Yung kotse kasi na yun, ala pang Bonnie en Clyde pa ang dating. Isang turnilyo na lang, bibigay na. Kung kaya yun ang naisip namin, kasi yukkieng yukkie kami dun. Makalipas ang tatlong oras, di na namin kinaya kaya lumabas kaming naliligo sa pawis at halso hinihika na. Yun na. Yun ang aming penitensya.

Kung ikaw naman ay blogista, eto suggestion ko na pang- penitensya mo.

Maghanap lang ng 20 to 100 na kakilala mong bloggers at mag set ng eyeball. At bilang penitensya mo sa mahal na araw at pambawas sa mga kasalanan mo na pangongopya ng mga post nila, lahat sila kukurutin ka. O di ba kyut?

Pero ang ipang-kukurot nila sa yo, nipper. Tapos, ako magdadala ng water gun at lalamanan ko ng alkohol. Pagkatapos ka nila pagkukurutin, iisprayan ko nung water gun kada pinagkurutan.

Ang kyuuuut! Pakurot!

March 19, 2008

Punitensya

Sempre eto na yung kasunod. Mga mala-impaktong ideya sa pagpe-penitensya. Kumabaga lahat ay nag-e-evolve kaya dapat medyo bago bago na rin ang style dapat sa pagpe-penitensya.

Pero kahit medyo bago ito kung susubukan, mala kopong kopong na rin naman ito dahil subalit datapwat ngunit because... matagal na itong naiisuggest nung mga tropa ko noong araw.

Eto ang suggestion number wan.

Mga kakailanganin: isang pasadyang slide, 100 pirasong blade (siguraduhing walang kalawang), isang toneladang kalamansi, at sandamukal na lakas ng loob.

Sa halip na magpahiwa ng blade sa likod bago hagupitin ng mga latigo, (opo, ganun po ang ginagawa kaya dumudugo yung likod nila, kasi kapag hindi nila sinugatan yun, hindi yun dudugo, maglalatay lang).. kung kaya sa halip na ganun, ganito na lang....

Magsalpak ng sandamakmak na blade sa isang pasadyang slide. Yung slide na makikita sa playground, ganun. Itapat sa gilid ng swimming pool. Itapon ang isang toneladang katas ng kalamansi sa swimming pool. Wala! Tapos na ang iyong props.

Ngayon, umakyat sa itaas ng slide at magpadulas. O di ba? One quick slide lang hiwa-hiwa na likod mo. Pagkatapos, yung babagsakan mong swimming pool na puno ng katas ng kalamansi. O di ba hapdi? Mas okey pa kasi sigurado mabilis na gagaling yung mga sugat mo.

Yan ang penitensya. Pang Guiness Book.

DISCLAIMER SEMPRE: MGA BATA WAG ITONG GAGAYAHIN. MGA MATATANDA PROPESYUNAL LAMANG PO ANG GUMAGAWA NITO. KUNG GUSTO MO DING SUBUKAN, BLAHA KA SA BUHAY MO.

March 18, 2008

Mahal ang Araw

Mahal na araw na po. Holy Week, Semana Santa. Kung bakit mahal na araw ang tawag dito, di ko alam. Kung sa atin, busyng busy na ang lahat pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya, dito sa Merika, dedma.

Para tuloy ang sarap sarap magbakasyon. Sa amin sa Timbuktu, parang pyesta pag ganitong mga araw. Masaya.

Umaga pa lang, me parada na. Parada na yung mga naka-hubad at me dala-dalang panghagupit na me nakakabit na parang tinik. Enjoy na enjoy sila at napapa-ahhhh sa bawat hataw sa likod nila. Ang mga bata naman, nakabuntot at nanonood. Hinuhulaan kung sino yung mamang nagpe-penitensya kasi nga nakatakip naman yung mga mukha.

Meron namang iba, me bitbit pang mga alalay. Yung alalay ang me dala-dalang pamalo at syang humahataw sa likod nila. Yung iba naman ang dala ay dos por dos, para nga naman mas cute. Paminsan minsan, pina-flying kick din nila para mas masaya.

Pagdating ne Biyernes Santo ang main event. Me mga nag-iikot na mga naka-maskara na ang tawag namin ay mga Morion (hango sa tradisyong Moriones Festival na kinopya sa kapit-bahay na probinsya) at nanghahabol ng mga bata. Pagkatapos, pupunta sa sentrong lugar at doon, me ipapako sa krus. Minsan me totoong ipinapako, minsan naman medyo nababahag yung buntot ng iba, baka nga naman matetano sa pako kaya nagpapatali na lang. Sempre abaka ang gamit para makabayan.

Sabado, tahimik lahat. Walang pyesta maliban dun sa mga manginginom na di pwedeng lilipas ang gabi na hindi nasasayaran ng alak yung kanilang mga sawa sa tyan.

Sa Linggo naman ng pagkabuhay, sa madaling-araw me salubong. Me magpapanggap na anghel na kunyari-kunyarian ay bababa sa ulap. At pagkatapos non, diretso na lahat sa beach. Yun ang hinihintay ng lahat. Kasi super daming tao. Kumbaga kapag Easter Sunday, yun ang the place to be. Hindi ka "in" kung wala ka dun. Kinahapunan naman, me pakontest sa plasa ng mga higanteng saranggola. Pero hindi naman yun ang pinapanood ng mga tao kundi yung mga bakasyonistang galing sa kung saan.

At dahil Holy Week, at uso ang penitensya... isasalpak ko sa susunod na mga post yung mga kakaibang penitensya na nai-epal sa akin na siguradong matutuwa yung mga masokista dyan.

March 13, 2008

Sakit Chupoy

Parang kakagising ko lang nang mapansin ko na mahigit isang linggo na naman pala akong walang post. Tinamaan na naman kasi ako ng walang kupas na lagnat bata trangkaso.

Lagnat na umaabot ng 500 degrees, katawang parang nabugbog sa hazing, ilong na parang walang butas sa sobrang barado sa bibig ka na lang humihinga kung minsan sa tenga, pag hindi naman barado bumabaha naman na basta na lang sya lumalabas na parang gripong naiwang bukas o kaya ay linya ng Nawasa na maraming butas....

Hatsing na sangkatutak para syang baby armalite, ubong para kang inaatake ng hika na mukha ka nang hinahapo na asong gala, sakit ng mga siko, tuhod at mga kasu-kasuan (joints po yun), sakit sa ulong parang minamartilyo, minamaso at ginagamitan ng drill, madalas bigla ka na lang giginawin na para kang mina-malaria o kaya naman e parang me humahaplos sa yo na mumo. Oo ganun.

Grabe. Hirap ng me sakit. Wala pa naman nag-aalaga sa kin dito.. (paawa)

Sa totoo nga lang, mas gusto ko pa mabugbog kesa magkasakit. Eh kasi nga takaw-bugbog ako kaya sanay na ko dun. Sisiw! At least yun, muscles mo lang ang masakit. Eto buong katawan, pati mga atay at balun-balunan mo masakit.

At sempre pag me sakit ka pa, magde depress depressan ka rin. Kesa naman mag senti na naman ako dito at pahirapan ko sarili ko, tamang imagine na naman ako at pilit na nililibang at inuuto ang sarili ko.

Naalala ko tuloy si Doctor Kwak Kwak. Naisip ko tuloy kung sino nga ba yun at kung sino nag-imbento sa kanya. Siguro, pag magaling na ko, hahantingin ko din sya tulad ng paghahanting ko ke Kopong Kopong. Naalala ko din namang kontakin si Ernie Barong, baka me suggestion syang remedyo sa mga problema ko. Kaso naalala ko din, matagal na nga palang nag-Saudi yun na walang balikan. No choice ako kundi hanapin na lang si Doctor Kwak Kwak.

Alam ko noon, me walang kamatayang mala-cachupoy na generic drug para dito sa sakit ko eh. Kisspirin at Yakapsule.

Eto baka gusto mo ding subukan.... Togmolodon? Gusto mo?

March 6, 2008

Kwek Kwek na Lang!

Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.

"How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?"

"Whatever," sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. "ok, medium rare."

"What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob..."

"Whatever... ok veggies." hay dami choices, nagka migraine na ata ako.

"How do you want your bread, white or wheat toast?"

"Whatever... white." Nagugutom na talaga ako.

"What drink would you like.. we have..."

"Okay okay! Just coffee!" lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..

"You want regular or decaf? For regular coffee we have.."

"You know what? I'll just have water. Tap water." Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..

"Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine... what would you prefer? caber..."

"Okay okay!!! I changed my mind! I don't want it anymore. Too many choices. I'll just have spaghetti instead."

"Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have..."

"You know what? Forget about it.. " Kaasar. Busog na ko. Taena.

Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.

Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.

Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view...

Miss ko na ang kwek kwek.

February 5, 2008

Siopao na Special

Habang nagpapalit ako ng soundtrack, naispatan ko yung mga kanta nina Caloy at ako ay napangiti. Kasi bumalik na naman ang aking remembers noong nasa kolehiyo pa ko.

Di pa sila ganun kasikat noon.... habang nakasakay ako sa dyip, naulinigan ko yung sounds. Usong uso pa naman nun ang grunge at sempre patok din yung kantang Creep ng Eraserheads RadioHeads. At hayun nga narinig ko yung version na Tagalog. Tawa ako ng tawa kase ang ganda ng tunog, rak na rak pero patawa yung lyrics. Hindi sya yung mala-cachupoy na payat ang sounds na ala Yoyoy Villame dating.

Hinanting ko talaga sa Recto at Avenida kung sino ang kantatero na yun at nung naispatan ko na, takbo ako sa Quiapo at nagpa-record ako dun sa Raon dala-dala ko yung aking tigli-limang pisong blank tape.

Eh sino ba naman ang hindi nakarinig nung Siopao na Special (karneng pusa). Super Special! Biruin mo, hello kitty flavor. Ang sabi nung tropa kong si kopong kopong, taste like chicken daw. Eh lahat naman taste like chicken no. Kahit na yung bayawak, buwaya, ahas at unggoy na natikman ko sa Timbuktu, lasang chikenjoy din. Pero yung pusa daw malamig sa tyan. Sarap daw pampulutan sa gin bulag. Ukkk.


(Miyawwwwwrrrr!)

Buti na lang kase mas tayp ko pa rin sa Kowloon. All time peborit ko yun. Kase nung tambay pa ko sa Dimasalang, si kumander pag umuuwi galing trabaho, laging me pasalubong na Kowloon para sa kanyang panganay. Ako yun tol.

Di bale nang hindi malamigan ang tyan ko.

January 21, 2008

Pinoy Entrecard

Dahil medyo inaayos ko na na naman itong site na ito, uunti-untiin ko na pong ihiwalay ng page ang mga links ko. At dahil ito ay in-demand, uunahin ko na ito.

Mga Noypi na Members ng Entrecard, kunyari in alphabetical order. Sempre, mauna na links ko.

1-20 Anak ni Kulapo, The Antisocial, Literary Ekek, 100% Batangenyo, About my Recovery, Aiza d Great, Ambothology, Anito Kid, Angsawariko, Baddieverse, Baklaako.com, Banco de Reyna, Batang Yagit, Beautiful and Happy, Belolats.com, Blogalag, BlogComics, Blogtambayan, Bluepanjeet...

21-40 Breaking the Silence, Bury Me in This Dress, Chronicles from the Middle of Nowhere, ChuckieDreyfus, Chuva Chienes, Chuvaness, CMA Quest, Culture Shiok, Different Faces of Me, Digital Frap, Diwa ng Pinoy, Eagleman, Ed Arevalo, Es2pido, Evilwoobie, Fingers.Crossed, Hanap Bahay, HappyTripper, Hulag, I Am Balong....

41-60 JaypeeOnline, Jester in Exile, Joiz.Org, JoanJoyce, Juliana's Lair, Keyboard Monologues, KotsengKuba, Lukaret, Macuha.com, Manilenya, Mapiles, Marjienalized, Marikenya, Marriage and Beyond, Mar Roxas 2010, McBilly, Mike Villar, Mom by Choice, My Own Universe, OrangeInks....

61-80 Paulo Martinez, Pet 101, PinoyAmbisyoso.Com, Pinoy Entrecard, Pinoytek, Pinoyblogero.com, Pipeline Fixation, Prudence and Madness, Pusang Maganda, Putech Naman, Reodica, ReynaElena, Rhapsody, Rhyan Dot Net, Scarty, Sidebits, Slap Happy, SpokeningPeso, Spontaneity, Stentorized....

Sumbongera, The New World of After Earth, Toingks, UP Alumni, Wapita, Yatot, Yaw-Yan, Pinoy Blog Directory, Dakilang Tambay, ChuvaChienes, Pink Biik, Repah, Klitorika, Flip, Vince Celeste .....

More to come.... ano naman palagay mo sa kin, si Curacha, walang pahinga?

January 15, 2008

Pinoy Entrecard

O hayan, isinali ko na din etong blag na to sa entrecard. Kinukulit na ko nung me-ari nung BlogTambayan saka ni itot ng 100% Batangenyo at me pautot din ng Pinoy Entrecard. Yoko kasi nung una, kase masunurin ako. Bawal daw hinde English spokening. Eh nakita ko me bumbay at instik. Walastik!

Sa tutut lang, dami kong nagogoyo na bumisita dito na dumadaan sa entrecard. Hokey lang kahit wag nyo basahin post ko, hokey din lang kahit di nyo naiintindihan pinagsasa-sabi ko dito. Ang mahalaga, isaksak nyo lang ng isaksak yung cards nyo dyan. Tutal puro naman walang kwenta mababasa nyo dito. Puro mga kabalbalan lang.

Pero tenkyu sa aking kababayang ala eh na si itot na isa ring walang magawa sa buhay at naisip nya magtayo ng Pinoy entrecard na site. At least nalaman ko na yung iba palang mga naandun, eh mga pango din na kagaya ko.

Salamat din at me super sipag na kagaya ni Joyce Jinemes ng JoanJoyce.Net at naglagay sya ng links sa kanyang site para sa mga pinoy na members ng entrecard. Ngayon, mabilis na ko makakapag-salpak ng aking card sa mga kapwa pinoy. O diba, hambilis tuloy mag-orbit sa mga pinoy blogs at umani ng sandamakmak na credits.

At heto, isasalpak ko ulet mga links dito hane. Eto ay mula sa Pinoy Entrecard at ke JoanJoyce.Net

Pinoy Entrecard list

JoanJoyce.Net

Kaya mga kapwa ko pango, ano pa hinihintay mo pasko? Tapos na. Ikot lang ng ikot at laglag lang ng laglag ng mga card!

Mabuhey!

January 13, 2008

Cachupoy Blogs Unite!

Heto na po, me update na ng bilangan dun sa pautot ng KwentongBarbero.Com na Best Cahupoy Blogs. Biruin mo, andami palang mala-cachupoy na blogs na gawa ng mga pinoy. Andami kong naispatan. Nung una, ni hindi ko nga naririnig kaya naman nung mapasyalan ko, nabingi ako.

At sempre katulad ng aking agam-agam, anlayo ng agwat ng aking syotang si Inday. Halos doble ang score nya sa number 2 na si mala-polvoron sa keseksihan na si Maruism. At opkors, nagpapasalamat din ako sa mga nagoyo bumoto sa akin. Kahit na bagito lang po ako dito sa kaekekan na ito, eh medyo nasa top ten naman. Naks!

At nasa 5-6 place ako katablahan si Jojitah.Com. Close kami ha? I'm sure magiging close kami talaga. Ehem. Heheheh.

Eto na po ang countdown ng mga nasa Top 20 (Twenty lang, handami eh). Para sa kabuuang listahan ng countdown, pasyal ka lang dito. Oo dyan.. Yung di pa nakakaboto, oi bumoto na kayo, at mapag-iiwanan kayo, ei kami pala.

Rank 1: Inday blogniinday.com 4,300 votes
Rank 2: Maruism maruism.com 2,900 votes
Rank 3: Reyna Elena reynaelena.com 2,300 votes
Rank 4 : Maldito thegreatmaldito.wordpress.com 1,800 votes
Rank 5 - 6: Spontaneity jojitah.com 1,700 votes
Rank 5 - 6: Anak ni Kulapo kopongkopong.blogspot.com 1,700 votes
Rank 7: Gagopolis poli-adik.blogspot.com 1,600 votes
Rank 8: Chuvaness mynosebleed.com 1,500 votes
Rank 9- 11: Chiksilog empermera.blogspot.com 1,400 votes
Rank 9- 11: Chillidobo chillidobo.wordpress.com 1,400 votes
Rank 9- 11: Mr. D deardiarya.blogspot.com 1,400 votes
Rank 12 - 13: Jon Cabron joncabron.wordpress.com 1,200 votes
Rank 12 - 13: Green Pinoy greenpinoy.com 1,200 votes
Rank 14 - 15: Gasti gasti.wordpress.com 1,100 votes
Rank 14 - 15: Defpotec defpotec.wordpress.com1,100 votes
Rank 16 - 17: Marijuana Den marcelomcrey.blogspot.com 1,000 votes
Rank 16 - 17: Pinoy Humor Blog paulding.blogspot.com 1,000 votes
Rank 18: King Daddy kingdaddyrich.blogdrive.com 900 votes
Rank 19 - 20: Anukayayun anukayayun.blogspot.com 700 votes
Rank 19 - 20: Blasted Brain Blog crost23.blogspot.com 700 votes

Hanggaling talaga ng pautot ni pareng badoodles. Making mala-tsunami waves. Hmmn. Mahigpit ang laban. Kelangang ko na ata kontakin si Garci. Si Lintang Bedol kaya? Oi, Batman bilis bilisan mo na dyan at napag-iiwanan ka.


(Huh? Bumoboto pa ko dito eh...Duh!!)

Naisip ko na rin na gumamit ng superpower para sa reinforcement, ang aking supah friends. Buti na lang, si repapits kotsengkuba ay me naisip na paraan. Ang maghakot ng flying voters. Para sa mga gustong humakot pa ng flying voters, pasyal ka dito sa Flying Voters Unite.

Galing talaga ni parekong KotsengKuba. Genuis. Hahakot na din ako maya-maya. Nyahahahha!

January 7, 2008

Pinay Scandal, Pinoy Iskadaloso

Hmppt. Sa sobra kong pagdadalamhati sa sinapit ni Tagpi, ilang araw din akong di nakapamburaot. Hikbi. Naalog ata ang aking utak at walang pumapasok na hangin sa aking brains. Salamat sa mga nakidalamhati sa aking pinakamamahal na si Tagpi.

Hokey naman na sya. Matapos kong paliguan limang gallon na betadine, tinapalan ko naman ng tatlong metrong salonpas, okey na sya. Pina chek ap ko na rin sya kay Dr. 90210 at solb na. Mabubuhay si Tagpi. Kaya lang medyo madugong salapi ang kinakailangan para sa kanyang surgery. Kelangan nya kasi ng facial reconstruction, kontiing nose lift, bukol reduction at continuous na skin toning. Kailangan din daw ng smart lypo.

Sabi ko, dok naman... baka naman pwedeng wala nang lypo, type ko kase yung medyo mola. hehehe.

Masaya naman ako. Kaso sempre, kelangan meron masisisi. At sabi nga ni kumareng Xienna Jollibee daw. Ayos!! 2 birds in one bato. Kase matagal na akong me utang ke repapits na Kotseng Kuba tungkol sa pagpo-post ng malaswang Pinay Scandal na hit na hit sa internet.

At heto nga naispatan ko ang pinaka-matinding Pinay Scandal sa balat ng YouTube. Malamang naispatan mo na ito matagal na, di mo lang nabanggit sa kin kasi nga luma na. Luma na kasing balita ang nasisinghap ko minsan. At para makabawi din ako, eto na ang aking paninirang-puri.

Palisin mo muna mga bata dahil , FOR ADULTS ONLI ito.

December 22, 2007

Abogado ni Kopong Kopong

Magrereklamo ako. Discrimination, racial profiling at kung anu ano pa. My rights were violated. Kukuha ako ng pinakamagaling na abogado para ipaglaban ko ang aking niyurakang dangal.

Yang PPP na yan, Entrecard at kung anu-ano pa. Ayaw nila sa akin, kasi di raw ako marunong mag-English. Ang sabi nila, mag-aral daw muna ako. Kahit konti lang daw, baka daw sakali pumasa ako. Ayoko nga! Marunong pa sila sa ken. Ayokong ipagpalit ang integridad ng blog na ito. Ayokong ipagkanulo ang aking pananagalog dito. Makabayan ata ako. Kung ayaw nila sa blog ko, wag nila. Yun na lang ibang blogs.

Bakit, pag ba magaling kang magsalita ng Ingles, matalino ka na? Kapag ba english ang version ng salita mo, maiintindihan ka na ng madla? Eh pano kung jologs ang aking madla na nag-eenjoy namang makichukchak sa Tagalog? Papano kung nauuta ka na sa English at gusto mo ng native? Papano kung mas trip kong gamitin yung ibang salitang para kang nakikipag-usap sa mga ibon?

Kaya ba sikat si Inday kasi high polluting ang Ingles nya? Masarap pa rin ba pakinggan yun sa tenga kung umaagos na ang dugo sa ilong mo? O nakapikit ka lang kasi di mo naman talaga naiintindihan at nakiki-ride ka lang? Bakit kapag ibang contestant sa Miss Pulis Pangkalawakan, pwede kumuha ng interpreter, bakit pag tayong Pinoy hindi? Bakit pag Pinoy ang nag-iingles ng pilipit, nakakatawa, pero pag Amerkano nagta-tagalog ng pilipit, kyut? Bakit tanong ako ng tanong, di ka rin naman sasagot?

Kinusulta ko ang isa sa pinakamagaling na abogado ni kopong kopong, si Atty. Dacuycoy. Sabi nya, malaki daw laban ko kaya makakabawi ako. Kailangan ko lang daw siguruhin na itataktak ko at di ako tatakbo. Sabi ko, atorni, kahit pa ubod ng nakngteteteng super duper arte si Wille, TFC pinapanood ng nanay ko dito. Ngumiti lang sya at tumitig sa hangin.

Di mo naitatanong, matagal nang abogado itong si atorni. Matindi ang kanyang bio data. Sumikat sya nung maging isa sya sa legal counsel ni Pepe sa Fort Bonifacio. Sabi nya ke Pepe.....

"Hokey lang yan kahit mayaman ka, mas mahirap ka pa rin sa mga prayle, kaya sigurado, magiging bayani ka. Pero para mas epektib yung photo ops mo kapag binaril ka, tatalikod ka muna, sabay biglang harap, parang model ng shampoo, oks?"

Kung kaya naman, sya ang kinuhang abugado nina Procopio at Andres noong nililitis ito ng tropa ni Aginaldo sa kasong rebelyon. Sabi nya...

"Hokey lang yan, mas patok sa pipol ang underdog, kaya wag na kayong magkudeta, kopo na nina Aginaldo ang mga sundalo. Kung ma-salvage man kayo, at least bayani kayo di ba? Kaya lang bawal ang kamera, walang piktyur! Wala na ba talaga kayong iba pang kapatid na pede isama, mas marami kasi mas patok!"

Sya rin ang nag-arbitrate nung peace agreement nina Lapu-Lapu at Magellan.

Lately, tingin ko sya ang nag-advise ke Trillanes na mag walk out sa korte at magkuta sa Manila Pen. Di lang sinunod ni Trillanes yung advise nya na maging bayani, allergic kasi yun sa usok.

"Ano, game ka na ba?" tanong ni atorni. "Wak na lang atorni, baka ma-whammy pa ko. Gimme some money lang naman gusto ko." sagot ko.

"KJ ka naman, anti-hero kaw."
"Anti-hero ka dyan, anti-hero mo mukha mo."

December 15, 2007

PSP: Ang Alamat ng Larong Sumpit

Hindi ito tungkol sa Playstation Portable na uso ngayon. Ito ay sa larong uso noon nung kapanahunan namin ni pareng kopong kopong, ang PSP, PaSumPit. As in Sumpit.

Ngayon kasi uso na ang mga war games war games gamit ang paintball o airgun. Enjoy di ba? Kala mo real life, minus the totoong mga baril. Kaso mo mabigat din sa bulsa.

Naalala ko tuloy (dami ko naaalala), mula sa bahay namin sa Dimasalang, dadayo pa kami nina Limahong dun sa Blumentritt, lakad lang. Hindi para mamalengke kundi para bumili ng supot supot na balatong (munggo). Tapos dadaan kami dun kina Mang Sebyo na Intsik para naman bumili nung pang sumpit. Di ko na matandaan tawag dun, kopong kopong pa eh. Yun yung plastik na parang straw kaso medyo mas makapal at mas mahaba sya. Yun ang ginagawa naming sumpit.

Didesenyuhan pa namin yung sumpit na animo eh baby armalite gamit ang rubber bands at kung anu-anong maisip namin. Meron pang magasin na gawa sa bahay ng posporo. O di ba hitech. War games na! Yung iba, lumalabas ang natural na pagka-creative kasi meron pa silang belt na puno ng magasin (bahay ng posporo na puno ng munggo), galing. Reload lang ng reload kapag naubusan ng bala sa gyera.

Meron din kaming mga armor at bullet-proof vest gawa sa mga karton na nahingi namin dun sa tindahan nina Aling Charing. Sempre, masakit din kaya makatama yun. Minsan nga, natamaan ako sa mata, sakit. Eh di pa naman uso goggles nun. Kaya bawal magpatama sa mata, delikado. Ang style ko, sa tenga ko pinupuntirya, para iging.

Bukod pa sa masakit sya makatama, mabantut pa minsan. Kasi yung nangsumpit sa yo kakagising pa lang, di pa nagtu-tutbrash. Madalas pagkatapos ng war games, no choice ka kundi maligo kasi basang-basa ka sa laway kakasumpit sa yo nung kalaban. Kadalasan pa naman, kala mo automatic rifle ang style nung sumpit nila kung magbuga. Mas marami pang laway kesa sa bala. Lagkit. Amoy araw ka na nga, amoy laway ka pa.


O di ba? Bukod sa mura na, libre exercise at enjoy pa. Siguraduhin mo lang magdamit di kagaya nung nasa piktyur sa itaas. Kase bukod sa baka mapulmunya ka, sigurado maliligo ka sa laway.