Ipinapakita ang mga post na may etiketa na palatastas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na palatastas. Ipakita ang lahat ng mga post

July 19, 2008

Spam na Naman!!!

Araw-araw di na ako naubusan ng spam. Tinapay na lang nga ang kulang. Di na ako kumakain ng Ma-Ling kasi me kakaibang kwento dun. Spam na lang. Eniwey, sa dinami-dami ng spam sa one thousand syete mil kong mga email address, kahit mag-arkila ako ng sampung sekretarya taga-earse lang ng mga spam, eh kulang.

Kung sineryoso ko sana yung mga emails na yan, malamang mas mayaman pa ako ke Bill Gates dahil araw-araw, nananalo ako sa mga email lottery. At linggo linggo, me malayo akong kamag-anak na uber yaman na kamamatay lang at pinapamanahan ako ng milyun liyung pesoses. Wala pa dun yung mga nag-aalok sa kin ng negosyo mula sa Nigeria. At yung mga taga bangko sa Africa na naswertehang me namatay na kliyente at ako ang napiling pagkatiwalaang gawing claimant. Eh di sana meron na nga akong sampung secretary taga basa ng emails ko.

Pero malamang din, eh naubos na lahat ng kamag-anak ko dahil tuwing hindi ko sinusunod yung mga chain emails na sinasabihan akong i-forward sa sampung mga ka-repapits, eh me mamamatay daw na malapit sa akin. So far wala pa naman, maliban dun sa isa kong kuko sa paa.
Siguro din, kasing laki ng ng poste ang aking "future" (hinaharap, ano ka ba? rated PG dito) sa dami ng mga nag-ooffer sa akin ng mga viagra at kung anu-anong pampalaki ng.... katawan.

Pero minsan ika nga eh once in a blue moon, me naliligaw na ok. Kaya naman itinatabi ko para kapag wala pa akong ganang mag-sulat ng walang kawawaan, pwede kong i-post dito. At kahit yung ibang mga banat eh kopong-kopong pa at gasgas na gasgas na kagaya ng mukha ni Jograd, pang-asar pa rin.

Kaya eto ang iba. Ang ayaw ngumiti..... pangit!

In a pet shop... Customer talking to a parrot...
Customer: Hoy! Can you talk ha?! Imbecile!!!
Parrot: Wat do you think of me, deaf mute?! Can you fly ha? Pakyu!!!

Passenger taps taxi driver's shoulder...
Driver: WAAAAAHHHHHH! !!!
Pasahero: Bakit ka sumigaw?
Driver: Sorry bossing bago lang kasi ako sa taxi. 25 years kasi ako driver ng punenarya.

Isang chaka na babae, hinoholdap...
Holdaper: Holdap ito! Nyahah! Akin na gamit at pera mo!
Babae: RAPE! RAPE! RAPE!
Holdaper: Anong rape? Holdap nga to eh!
Babae: Wala lang.... Nagsusuggest lang naman...

(in a cabinet meeting ...)
GMA: Oshige ... kung shino man ang tamaan ng bola na 'to ay siyang magre-reshign ha?
(initsa ang bola, tumalbog pabalik sa kanya ...)
GMA: Oooo ... praktish lang un noh? Ulet!


Mom: Baby, you're good in math. Now I'm going to ask you a question.
Baby: Sure mom
Mom: If your daddy gives you 3 apples and I give you 4 apples, what's your answer?
Baby: Thank you po!!!

BF: Mahal, may malaki ako problema, eh...
GF: Wag mo sabihin problema MO lang... problema NATIN dahil nagmamahalan tayo. Ngayon anong problema natin?
BF: Nabuntis natin si Inday at tayo ang ama.

Pare1: Pare mukhang anlalim ng iniisip mo ah?
Pare2: Nanaginip kasi ako kagabi, kasama ko daw 50 contestants ng Ms. Universe.
Pare1: Swerte mo naman teng! E ano problema dun?
Pare2: Kasi tol, ako nanalo!!!

Pare1: Pare, bat ba hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?
Pare2: Meron! Manhid ka lang!!! Chaka to.....

Killer: Father mangungumpisal po ako.
Father: Ano ba ang kasalanan mo iho?
Killer: Nakapatay na po ako ng 20 tao.
Father: Bakit?
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos, kayo po ba naniniwala din sa Diyos?
Father: Dati yun no?... pero ngayon trip trip na lang!

Pasyente: Doc takot po ako sa bunot..
Dentista: Ganun ba? Eto gamot pampatapang ng loob.
Pasyente: (ininom ang gamot)
Dentista: Ano matapang ka na ba?
Pasyente: Oo doc! Puta pag may gumalaw ng ngipin ko basag ang bungo!

Ang mga Bisaya di ko maintindihan English nila. English ng isda... pis. English ng mukha... pis. Ng pandikit... pis. Ng kapayapaan.. . pis. Tinanong pa ako kung saan ako nakatira... Pis 1 o Pis 2? Pisti!

Oh.. ang bisayang magagalit, mapipisti? Pis tayo bay. Kadyot lang man ba.


(DISCLAIMER: Hindi sa akin galing ang mga joke na yan kundi sa spam. At bisaya din ako.. minsan.)

April 5, 2008

Palatastas #12: Dotcom na Ako!


Kung napapansin ninyo mga repapits, iba na ang url nitong site ko na ito. Finally, sa pangungulit nung isang tabachingching dyan, eh bumili na ko ng domain. Sya na rin ang tumutulong sa akin na ayusin yung mga templates ng mga sites ko.

Salamat sa patuloy na pangungumbinsi ng mga trops na tumatabo na ng sandamakmak na salapi mula sa pagba-blog at naisipan ko na din, matapos ang ilang gabing puyat, na gawin nang dotcom ang mga blogs na ito.

Syempre special mention sila dito. Sila ay sina:

Pinoy Ambisyoso
Kotseng Kuba
Itot
Reyna Elena
Manilenya
Bluepanjeet
PinkBiik

Kung me nalimutan ako ma mention, sensya na tao lang.

Tutal recession na dito sa pinagkukutaan ko, kelangan na ng ekstrang raket. Sa ngayon ay nag-aayos pa din ako ng mga anik-anik. Mga forty payb years siguro tapos na. Kasi naman sa dami ng sites ko, wan tawsand syete mil din ata yung mga anik anik na nakasalpak.

Kung kaya naman, kung sinisipag ka, paki-palit mo na lang yung link ko ha? Mula sa www.kopongkopong.blogspot.com, gawin mo nang www.kopongkopong.com.

Ulet...... www.kopongkopong.com

Pag natapos na ko mag-ayos, magpapakontest din ako para bumalik yung technorati link ko na nawala. Biruin mo naman, mula sa 163 na link, heto bokya ako ulit.

April 4, 2008

Oink Oink


In the tradition of Reyna Elena, ang ating fellow blogger na si Fink Biik ay may pakontest na logo making ekek sa kanyang piggery.

At dahil din hindi naman ako marunong gumawa ng ganung kaekekan, ipo-post ko na lang dito yung kanyang pautot para naman mas marami ang maka-alam at makasali na rin.

Pasyal lang kayo sa kanyang site na www.mspinkbiik.com o kaya ay dito sa link na ITO..... at DITO din.

At ITO dito pa. Para walang kawala sa link.

Ang rules? Aba eh kinamalayan ko, di naman ako ang me pakontest no? Itanong mo dun ke Fink Biik. Pero sempre me pakontest, e di sempre me premyo din.. free accomodation sa kanyang piggery. Joke lang. Basta me premyo. Eh kung pinapasyalan mo kaya sya nang hindi ako tinatanong mo?

O eto pa ang link, magsawa ka sa link.

February 21, 2008

Palatastas #11

Okey! Okey! Gising na ko...

Di ko malaman kung hibernate mode ako o hiatus.. tagal ko kasi mag-post. Para kasing me hang-over pa ko. Di ko maisip na naman kung ano ipo-post ko. Sarap kasi matulog lang ng matulog *ahem*.

Para lang masabing nagpo-post ako kaya eto. Palatastas muna ulit.
1. Wala na po ang blog na ito sa entrecard. Nabisto rin nilang puro Tagalog pala ang laman nito kaya kung si Reynz, nilaglag nya ang entrecard, dito, ako ang nailaglag. Hayufff. Dami pa naman na noypi na me entrecards. Pero ayoko namang mag-spokening Mekeni dito, gusto ko Tagalog lang. Nosebleed na nga yung ibang blogs ko, pati ba naman ito. Kaya kung ayaw nila wag nila!

2. Until further notice muna ang aking dotcoms. Hindi umabot ng valentayms kaya extended na muna ulit ang opening. Di ko pa maasikaso kasi. Kung mag-post nga ng blog di ko maharap ngayon, mag dotcom pa. Saka na lang ako magpapayaman tulad nina KotsengKuba, Itot at Ambo na me account na sa Banco de Reyna.

Ala ay yun laang naman.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

February 13, 2008

Halo-Halong Gawa sa Snow

Sensya na mga repapits. Ngarag pa byuti ng lolo nyo eh. Natambakan na naman tuloy ako ng mga meme.

Sempre, kagaya ni Ambo, kelangan ko din naman magliwaliw ng hindi gumagamit ng internet. Kaya dumayo ako sa me bandang norte para makatikim ng special na halo halo. Gawa sa snow. Nagbaon lang ako ng condensed milk, katalo na.


Yun lang. Okey balik na sa mga tag at meme. Oissst Miatots at Reynz naghahanap pa ko ng piktyur ko na pinaka-gwapo kaya di ko pa naipo-post.. Oo ganun kahirap humanap ng pic ko na gwapo.;)


(kunyari marunong mag-ski)

Ooops.. nalimutan ko.. valentayms na nga pala. Hay naku, hayan humingi kayo ke Itot ng discount card dahil sigurado ako member yan ng Flower's Club.

Kung nagmamadali ka naman at kelangan mo nag mga payo at puntos para sa date mo eto pagtyagaan mo na yung luma kong posts tungkol dito. Eto salpak mo sa browser mo. >>> Flower's Club at eto pa >>> Powder o Lotion?

January 20, 2008

Palatastas Bilang #10
Linking Park

Matagal tagal na din akong walang palatastas. Kung kaya naman heto na naman po ako ulet.

**********

Minsan, namasyal ako sa isang forest park di kalayuan sa LA. Napadpad ako sa isang ilog, pero wala akong makitang tulay. Me naispatan akong isang chikabeyb sa kabilang side. Oi, blonde. Ngumiti sya sa akin, kung kaya naman, napagdesisyunan kong magpakyut at puntahan sya sa kabila.

Sinigawan ko sya. "Hellooooo! How can I get to the other sideeeee? (side... side... side... sempre me echo)" Eksayted pa ako.

Luminga linga muna sya sabay pabalik na sumagot na.. "Helloooo? You are on the OTHER sideeeeee!"


Hanggaling.


**********


Anyhoo, kaya ako andito, eh dahil bubulabugin ko muna ulet yung aking mga links. Di ko na kase makayanan ang sobrang haba kung kaya, ilalagay ko na lang sa isang link page. Sempre kasama nun ang kategorya kung ang blog mo ay mala-cahupoy din o prenseep lang talaga tayo.

Kung kaya naman, kung sakaling mawala yung link mo o/at sadyang wala pa dun, magpa-kyut ka lang at isasalpak ko link mo oks?

Oks!

December 22, 2007

Abogado ni Kopong Kopong

Magrereklamo ako. Discrimination, racial profiling at kung anu ano pa. My rights were violated. Kukuha ako ng pinakamagaling na abogado para ipaglaban ko ang aking niyurakang dangal.

Yang PPP na yan, Entrecard at kung anu-ano pa. Ayaw nila sa akin, kasi di raw ako marunong mag-English. Ang sabi nila, mag-aral daw muna ako. Kahit konti lang daw, baka daw sakali pumasa ako. Ayoko nga! Marunong pa sila sa ken. Ayokong ipagpalit ang integridad ng blog na ito. Ayokong ipagkanulo ang aking pananagalog dito. Makabayan ata ako. Kung ayaw nila sa blog ko, wag nila. Yun na lang ibang blogs.

Bakit, pag ba magaling kang magsalita ng Ingles, matalino ka na? Kapag ba english ang version ng salita mo, maiintindihan ka na ng madla? Eh pano kung jologs ang aking madla na nag-eenjoy namang makichukchak sa Tagalog? Papano kung nauuta ka na sa English at gusto mo ng native? Papano kung mas trip kong gamitin yung ibang salitang para kang nakikipag-usap sa mga ibon?

Kaya ba sikat si Inday kasi high polluting ang Ingles nya? Masarap pa rin ba pakinggan yun sa tenga kung umaagos na ang dugo sa ilong mo? O nakapikit ka lang kasi di mo naman talaga naiintindihan at nakiki-ride ka lang? Bakit kapag ibang contestant sa Miss Pulis Pangkalawakan, pwede kumuha ng interpreter, bakit pag tayong Pinoy hindi? Bakit pag Pinoy ang nag-iingles ng pilipit, nakakatawa, pero pag Amerkano nagta-tagalog ng pilipit, kyut? Bakit tanong ako ng tanong, di ka rin naman sasagot?

Kinusulta ko ang isa sa pinakamagaling na abogado ni kopong kopong, si Atty. Dacuycoy. Sabi nya, malaki daw laban ko kaya makakabawi ako. Kailangan ko lang daw siguruhin na itataktak ko at di ako tatakbo. Sabi ko, atorni, kahit pa ubod ng nakngteteteng super duper arte si Wille, TFC pinapanood ng nanay ko dito. Ngumiti lang sya at tumitig sa hangin.

Di mo naitatanong, matagal nang abogado itong si atorni. Matindi ang kanyang bio data. Sumikat sya nung maging isa sya sa legal counsel ni Pepe sa Fort Bonifacio. Sabi nya ke Pepe.....

"Hokey lang yan kahit mayaman ka, mas mahirap ka pa rin sa mga prayle, kaya sigurado, magiging bayani ka. Pero para mas epektib yung photo ops mo kapag binaril ka, tatalikod ka muna, sabay biglang harap, parang model ng shampoo, oks?"

Kung kaya naman, sya ang kinuhang abugado nina Procopio at Andres noong nililitis ito ng tropa ni Aginaldo sa kasong rebelyon. Sabi nya...

"Hokey lang yan, mas patok sa pipol ang underdog, kaya wag na kayong magkudeta, kopo na nina Aginaldo ang mga sundalo. Kung ma-salvage man kayo, at least bayani kayo di ba? Kaya lang bawal ang kamera, walang piktyur! Wala na ba talaga kayong iba pang kapatid na pede isama, mas marami kasi mas patok!"

Sya rin ang nag-arbitrate nung peace agreement nina Lapu-Lapu at Magellan.

Lately, tingin ko sya ang nag-advise ke Trillanes na mag walk out sa korte at magkuta sa Manila Pen. Di lang sinunod ni Trillanes yung advise nya na maging bayani, allergic kasi yun sa usok.

"Ano, game ka na ba?" tanong ni atorni. "Wak na lang atorni, baka ma-whammy pa ko. Gimme some money lang naman gusto ko." sagot ko.

"KJ ka naman, anti-hero kaw."
"Anti-hero ka dyan, anti-hero mo mukha mo."

December 10, 2007

Calling Calling!

Sa aking mga dating kakosa sa Justice League:

Alam ko me kanya-kanya na tayong mga buhay at retirado na. Yung iba di na kinaya nung powers nila, dedbol na. Pero sa inyong mga natitira, nare-remember nyo pa ba ang saya nung nakatambay pa tayo sa Hall?

Nalala mo ba nung hainan natin si Superman ng kilawin? Hanggang ngayon di pa rin nya alam na si Superdog pala yun. Akala nya nag-istokwa lang yung kawawang aso. Eh nung yariin ako ng hinayupak na galising si Aquaman, tanda mo pa? Nung takbo ko papuntang crime scene eh chastity belt pala naisuot ko hindi utility belt? Hawa, kasi kelangan ko pang maghanap ng locksmith maka-dyingel lang. Dun ata ako nagkasakit sa bato. At naalala nyo pa ba nung sama-sama tayong namboboso ke Wonder Woman? Nagpustahan pa nga tayo kung anong tunay na kulay ng buhok nya? Hahaha. Pahiya tayo lahat kasi nga wala naman.

Eh nung sabay tayong nagpa-praktis magsuot ng costume, kinakantyawan nyo pa ako kasi ako nag-pauso ng nakapantalon pero nasa labas ang brief? Hah! Okey lang, at least itim ang brief ko, di gaya ni Superman, pula. Oy, Flash Gordon, asan ka na ba? Nagki-quickie ka na naman? Ang hilig hilig mo supot ka naman! Kung bakit naman kasi me pakpak ka nga, bukod sa anliit na, sa tenga pa naka-kabit, para ka tuloy isdang bilasa.

Hayyyyy.. da gud ol days!


Kinakalawang na lahat ang mga kauri ni Voltes V. Kaya wherever you are, paramdam lang kayo at ili-link ko kayo para madali tayong makapag-volt in. Me pauso akong tag para makapag-reunion tayong lahat.

Kung nagkataon naman na binabasa mo din ito pero ikaw ay nasawing di kasali noon sa Justice League at gusto mo ring sumali, kailangan mo ang mga sumusunod:

1. costume, (di pede gown)
2. pangalan ng isang superhero na iyong gagamitin
3. kelangan mo maglink ng at least tatlo (as in 3) na superhero site sa blog mo, kung gusto mo mas madami, mas masaya
4. Bio-Data at listahan ng iyong uperpowers, i email lang sa akin,
5. 2 x 2 picture ID, kelangan suot mo costume mo, at
6. magpadala ng P100 pesoses na processing fee

Chika lang yung 4-6. Kung wala ka namang blog, wag ka na, magtyaga ka na lang sa chat. Ito ay pay it forward, eat all you can, first come first serve. At kung binabasa mo ito, kasama ka sa tag. Oo, ikaw ang susunod.

Maitim pa rin,
Batman

DISKLEYMER: Ito ay hindi totoong tag o meme. Lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. Kung gusto mo seryosohin, ikaw blaha!

December 8, 2007

Be the Blog!

Di ako magkandatuto sa mga sandamakmak na tags at meme. Parang bumabalik ang aking remember nung elementary pa ko at first time kong magka-gerlpren. Kahit na puro pa kami mga uhugin, uso na ang kras kras. Langyang mga bata, ke liliit pa eh puro na mga kalandian ang nalalaman.

Pag gusto mo ligawan yung isa mong kaklase, ilalagay mo lang pangalan nya sa slumbook na crush mo ayos na buto-buto, follow up na lang, magsyota na kayo. Kahit pa Grade 2 pa lang kayo at wala kayong kamalay-malay sa mga ganung mga bagay. Hay, sarap bumalik sa pagkabata. Napaka-innocent. (innocent ka dyan!)

Gusto ko lang namang mag-tenkyu dito ke All About Auto sa pagbibigay sa kin ng award na ito bilang pinaka gwapong blogger sa balat ng cyberspace.

Be The Blog award


Joke lang sempre yung gwapo. Aktwali eh binigay yung meme award sa kin dahil sa aking pagiging "unique". Hmmnn.. di ba kapag pangit, sinasabi unique? Hmnnnn ulit, nakita nya na kaya piktyur ko? Me naka-discover na kaya nung pinakaka tago-tago kong pagmumukha?

Ah basta. At least meron na naman akong anik-anik na pangkabit sa sidebar. Tenks All About Auto for the award. And I will pass this meme award to the following blogs.

1. Si gamerchick Evilwoobie - dahil sa kanyang kakaibang site na marami akong natututunan, lalo na sa pamimik-ap ng mga bagong tsikababes. Lols!

2. Si Ka Ambo ng PinoyAmbisyoso.Com - dahil sa kanyang mga makabagbag damdaming mga post na laging nagpapaalala sa kin na "Ibalik nyo ko sa Pilipinas!"

3. Si Ella Baby ng Ella Ganda- dahil sa kanyang site na walang ginawa kundi ipa-alala sa kin ang Pasko kapag winter sa Amerika. Paskong pasko kasi sa site nya. Habang dedma ko ang pasko dahil malayo ako sa amin, tuwing papasyal ako sa kanya, parang gusto ko laging tumawag sa Pinas at mag Hello Garci.

4. Si Lukaret ng Kauderwelsch- dahil sa kanyang angking ka-ekekan na laging nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Ahahahay! Lukring na lukring ang dating nitong tropa ko na nasa Alemanya! Sprakenhayt!

At sa inyong apat na kulapo, kung naka-tanggap na kayo nitong award na to, sensya na. Bahala na kayo sa buhay nyo, basta sa akin lang, ni-recognize ko kayo bilang mga espesyal na blogs sa akin. Hokey? Meri Krismas sa inyo mga repapits!

December 5, 2007

Palatastas Take # 9
Wagi and Anime

Paningit muna ulet. Katatapos lang nung pautot na eleksyon dun sa gilid at ang milyun-milyon pong nakilahok sa halalan ay nakapag-desisyon na.

Ba't ko ba nailagay yung kung-fu, san naman ako kukuha ng mga music na ala Jaki Tyan.

Salamat po sa Sipsip and Velayo, ang ating inarkilang accounting firm na tagapamahala ng bilangan na nahirapang magbilang ng milyun-milyon ninyong mga boto na nagmula pa all over the world.

Salamat din po sa mga tumangkilik at dun sa mas gusto na manahimik na lang ang blog ko, sowee ka. Kahit pa nanalo ka, maglalagay pa rin ako ng music dito kasi blog ko to. Heheheh.

At dun sa nagtangkang mang-hijack nitong blog na ito kahapon.. brad, idaan na lang natin sa inuman yan. Sori di epektib ang kulam mo, me kasangga ata akong albularyo. Better luck next time.

Eto po ang countdown:

Anime 10

Kungfu 6

Tito Vic & Joey 4

Instrumental lang 4

Yoyo Vilame 2

at Manahimik ka na lang 2

Anyhoo, yun laang naman. Kaya naman balik sa Voltes V ang sounds natin dyan. Saka na lang yung ibang anime musik. Kaya ano pang hinihintay mo... let's volt-innnn!

Sensya na, nangangarir pa rin ako ng mga tags nina CHUVA, WOOBIE, A2V, KOTSENGKUBA at AMBO at hmnn.. parang me nalimutan pa ako....

December 4, 2007

Best Cachupoy Blogs!

Eto, me magandang pakulo si badoodles. The Search for the Best Humor Blogs of 2008. Kung may alam kang ala-cachupoy na blogs na kumiliti sa tinggel mo o nagpataas ng balahibo mo sa ilong, o kaya me blog na kapag binasabasa mo eh parang me umiihip sa tenga mo, pagkakataon mo na to....

Eh ano naman ngayon? Eh kasi me chance kang manalo ng sandamakmak na salapi mula ke badoodles. (hanyaman!)

Eto ang mga premyo:

1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final Top 10, pasok ang name mo sa bubunuting raffle ng isang independent 3rd party committee (dont wori, hindi Comelec, pramis!). Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesoses. Wow! Hanyaman talaga!

2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng isang kahong diatabs, ehe certificates at exclusive bragging rights pala. (ako si cachupoy, me reklamo?) Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na Kwentong Barbero sa 2008.

Hello... Pinoy Blogosphere! Wala pa ring nagpaparamdam dun sa premyo ko dun sa pinoyblogero.com. Sabi kasi dun sa pinoyblogero site, yung October raffle winners nila, eh isa ako sa wagi ng webhosting package mula daw sa PBS. Hanggang ngayon, wala pang nagpapa-ramdam. Hmnn.. me kinalaman kaya yung pagka-hiatus ni Karlo? Heniway, abang-abang lang muna... ehem!

Bwenas ata ako sa mga raffle raffle. Naalala ko nung bata pa ako, tuwing bibili ako ng plastic baloon lagi ako me nabubunot na premyo. At dahil, maganda premyo ni badoodles, sali na ko dito! Heto na boto ko, ipa-patrol ko!

1. Ang Blog ni Inday. Da best pa rin sa akin si Inday. Tuwing dadalawin ko siya, pinapadugo nya ilong ko. High-polluting! Naa-arouse ang aking brains. Haylafits!

2.Anak ni Kulapo. Sempre, sino pa eh di ako. Patronize your own. Ilalagay ko sanang number wan, kaso overkill na yun. Baka mamya me magreklamo pang media.

3.Tanginang Alien ni Ferbert. Ibang klase kasi etong tirada nitong repapits ko, kahit me mura, hindi katulad nung mura nung ibang mga blogs na walang kwenta. Dito pag nakatikim ka ng lumalagutok na PI, you are loved.

4.Blog ni Ella mula kay Ella Baby. Matindi din ito, seryoso mga banat parang nobela na drama. Yun pala nasa huli punch lines. Madalas nagugulat ako. Whoa!!! Whoa pa ulit!!!

5.Dear Diarya ni Mr. D. Simple lang pero rock! Tindi ng mga one-liners nito, pwedeng pang showbiz, ala "You are nothing but a second rate, trying hard, copycat! Swoosh!". Alam mo na ang nagsusulat eh intelehente.

Ano, ha? Sali ka na? Ooppss opps.. teka muna, wag ka masyado excited. Eto rules. Oo sempre me rules.

1. Kailangang may sarili kang blog. Kung wala kang blog, wag ka na. Gumawa ka muna.
2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit cachupoy blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 to 5.
3. Ang mga binotong cachupoy blogs ay magkakamit ng kaukulang boto:
  • Number 1 – 5 votes
  • Number 2 – 4 votes
  • Number 3 – 3 votes
  • Number 4 – 2 votes
  • Number 5 – 1 vote
    4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong maisip mo, kahit korniks.
    5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog.
    6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com
    7. Kung sa tingin mo ala-Cachupoy din ang blog mo, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos i-evaluate ng me pakulo kung humor blog ka din, ay sasabihan ka nila kung cachupoy ka nga.
    8. Tandaan, 3 hanggang 5 lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tabla sa iyong ranking.
    9. Mag-iwan ng comment sa kwentongbarbero.com under Project Lafftrip Laffapalooza para malaman ng may pakulo kung may pinost ka nang cachupoy blogs sa blogsite mo .
    10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform ang may pakulo.
    11. Heto ang sample entry ng pagboto.

    O sya, meron ka bang nakatagong Cachupoy in you? Me kilala ka bang blog na mala-Palito ang dating, o kaya kamukha ni To-Chiquits? Kung oo, pasyal na ke Kwentong Barbero at magpakilala kang manager nila, ehe botante nila pala. Apir!
  • November 27, 2007

    Palatastas Take#8
    Kumersyal Muna

    Oo, alam ko... naiinip ka na sa kasunod ng meme at sa sagot dun sa nakaraan kong eksperimento. Pero kotseng kuba, wag mo muna susunugin bahay ko ha? Eto naman eh maikling kumersyal lang muna hane? Habang mainit-init pa at medyo malakas pa ang raket nitong si Kulapo.

    Sa mga nagkukusa, ehem.. ala ay hindi po ako tumatanggap ng donasyon. Hindi pa. Wahahahaha! Ang raket pong ito ay papunta lahat sa charity. Buti pa si Charity, mayaman na. Ang charity ko po ay ang aking iba pang blog na pinag-aaksayahan ng oras. Balak ko kasi every two months, isang blog. (joke lang, ano palagay mo sa kin, si Curacha, walang pahinga?)

    Ang blog na The Antisocial ay matagal na pong bukas, noon pang undas. At ang isa pa, ang Ibangon ang Bayan na kasalukuyang binubuo pa (nag-aaral pa ng wordpress) ng aking technical team (ako) at malapit nang mag-ribbon cutting. Harinawa bago mag-Disyembre eh mabuksan na.

    Pero kung akala mo me patawa dun, sori ka, pang-asar meron. Nasanay ka naman masyado.

    Sa mga nag-link po dito ke Kulapo, tenkyu. Busina lang kayo para naman mai-return of the comeback yung favor. Sa mga links na nawawala sa aking jootsroll, pakikalabit lang po ako.

    "Honey.....ahiiiihihihi"

    "Ano yun? Kitang busy ako sa blogging eh...hmmpt!"

    "Honey..... wala na ko panty......ahihihihi"

    "Siya, siya... tigil! Bukas bibili!"

    November 22, 2007

    Meme na Bunso...

    Naalala ko nung Grade 3 ako, uso na ang slumbuk. What's your favorite color? ROYGBIV. What is your motto? AJINOMOTO. Who's your crush?Secreettttt ... Kahit nun pa, tuwang tuwa na akong mambalatuba ng slumbuk ng me slumbuk. Sabi nung kaklase ko, sinasayang ko lang daw yung mga page.

    Gusto ko pa rin sanang itago ang mga bagay na personal sa kin dito sa pagba-blag ko, para Mr. Yoso dating. Kaso, ang likas daw na maantut, ispreyan mo man ng pabango, aamoy at aamoy pa rin. Uso na rin ang "cyber slumbook" at inabot din ako, kaya ako taya walang kawala.

    At dahil medyo madugo ang tag na ito, tinapyas tapyas ko sa tig-sasampu. Heto ang unang kabanata.

    30 Personal Paks Me :

    1. Isa akong Milk Drinker. Kahit nirarayuma na ko, paborito ko pa ring uminom ng gatas ng ina (ng baka) fresh cow's milk! sempre ina yun, kasi yung ama, toro yun, walang gatas.

    2. Isa akong strike anywhere, everywhere. Mahilig akong mangabayo. (anobayan, parang medyo green ang nagiging dating lagi) as in kabayong ala Leon Guerero, shortcut: koboy. Kahit san mo ko dalhin, kaya kong dalhin sarili ko wag lang yung paa ko.

    Pinanganak ako sa Mindoro (Timbuktu), Erpat ko ay tubong Isla Verde (ala eh), lumaki ako at nag-aral sa Maynila (puro pang-kaparian) kung kaya nagkaron ako ng "breeding". Bata pa ako, pagala-gala na ako sa mga peryahan (hindi bilang clown) kasi operator erpats ko ng mga pasugalan. Kaya kung saan-saan sa Pinas ako nakakarating at kaya dehins mo ko maiisahan, lang-magu toits, lahat ng kadayaan alam ko. Bago ako napadpad dito sa Merika, tumira ako sa Gapo, Bataan at Zambales. (ayan ha dami nyan fersonal paks)

    3. Gulp Buddy. Bata pa ko, mahilig na ko sa golf (gulp, as in ang bata kong manginginom) pero ngayon, di na, pagatas-gatas na lang.


    4. Bunsokononoy ako sa sampung magkakapatid. Namatayan pa ermats ko ng dalawa nun. Likas kasing farmer erpats ko, masipag mag-araro.

    5. Yosigawane? Bata pa ko nag-umpisa magyosi, kasi dahil ako bunso, ako lagi inuutusan ng mga kuya ko bumili. "O eto 2 piso, bumili kang limang malboro, sindihan mo na ha!" Kaya nag-umpisa ako sa Marlboro, nagpalit sa Phillip with matching stork (brr!lamig!), More (yung blue seal na brown na manipis para sosi), hanggang madiscover ko yung Marlboro Military kung tawagin, blue seal na Marlboro Green. Ngayon, tabako na yosi ko, para Hemingway ang dating, pwe! (Black & Mild Cigar), sarap lasa tsokoleyt!

    6. Been There Done That! Sawa na ko sa buhay. Di ko ibig sabihin na magsu-suicide na ko. Wat ay min tu sey is, been there done that! Masyado makulay buhay ko (oo mas makulay pa ke Wahab Akbar) walang sinabi ang rainbow.

    7. Virginal. Maaga akong nabinyagan, kung kaya maaga din akong nag-feeling mature. (proof: rayuma at HIV as in Hair Is Vanishing)

    8. Laglag Panti Gang Member. Dati nagongolekta ako ng panty ng mga gerlpren ko. Mas type ko kasi sya isuot di masikip. Ngayon hindi na, bumibili na lang ako ng boxers.


    9. Mahaba talaga ang aking..... pasensya. tahimik lang talaga ako, patingin-tingin lang. Kelangan makuha ka sa tingin, wag mong hintaying magalit ako....IIYAK AKO DITO... *hikbi*

    10. Tigas-saing. Ang akala ng mga kaibigan ko, matapang ako, di nila alam mas takot pa ako sa kanila. Puro kasi astig mga kuya ko, kaya no choice kundi mag astig-astigan din. Me maganda akong wento dito ipo-post ko na lang next years. Astiggggg!

    Minsan, nakatambay ako, me nagwawala. Walang maka-awat. Takbuhan sila sa likod ko. Ang alam ng marami, ako lang pede makapag-paalis kasi nga "matapang" daw ako. Lapit yung nag-aamok, "Sino matapang dito, mga hinayupak kayo!" napatapat sa kin, "Ano ikaw papalag ka?" sigaw nya sa kin.

    Tumayo ako, sabay sigaw ng mas malakas, "O bakit ano ha? Gusto mo away? Ha? Matigas na buto mo ha? Naghahanap ka talaga ng away ha? O sige, kanya-kanya tayo.. maghahanap din ako, dun ka.. dito ko.. anakanang..."

    Alis naman si tanga! Hay naku. Olags!

    Pag natapos itong paks me na to, paks you naman, ha?

    November 14, 2007

    PalatastasTake # 7
    Wala ng Taympers!

    Seryosohan na to. Kala ko nung una laru-laro lang. Wala nang taympers taympers. Eto game na.

    Naisip ko kase hindi lahat ng nabuburaot sa blag kong ito, me blag din. Kaya naman, para sa inyong madlang pipol na walang pinagbablagan o walang nais na mag-aksaya ng oras na gumawa ng blag. Para sa yo to pare (at mare) ko.

    Salpak nyo na lang ang inyong email address sa mga feeder ekek dyan sa gilid-gilid, updated na kayo sa mga kabulastugan ni Kulapo. Hokey?

    Sa mga dati nang nakapag-subscribe, sensya na po, tao lang. Kaya dagdag na pang-asar, kailangan nyong mag-subscribe ulit, kasi yung dati nyong subscription, dedbol na. Ngayon inorganize ko na yung aking mga feeders. Hindi na lang yan props, totoo na yan.

    Paki-report na rin lang po kung madalas sumasabog yung kampyuter ninyo dahil dun sa Sticam na me tugtog. Sa sobrang tagal mag-load, madalas sumasabog pc ko dun. Nakailang palit na ako. Simot na budget ko. Bago ata ako matuto talaga nitong html ekek na to, pulubi na ko.

    Sa mga nabuburaot at nagtatanong parati kung sino ako at bakit BURAOT ang pangalan ko, pwede ba manahimik na kayo. Hehehe. Type ko lang yun eh. Gusto mo palitan ko ng Kwatog? Kasi naman, talaga namang Buraot akong tao. At yun na talaga ang alyas ko mula pa noong nasa kolehiyo ako. At ang totoong pangalan ko ay.... secreeeet!

    At bakit daw ala akong piktyur na naka-harap, puro naka side view at nakatalikod. Me itinatago ba daw ako? Oo, yung mukha ko, obvious naman di ba. Kanya-kanyang trip lang yan. Takot kasi ako sa camera, kaya hindi ako humaharap talaga. Buti nga at least ngayon me piktyur, dati wala.

    November 4, 2007

    Palatastas #6A
    Sa Wakas (Ulit)

    Tenkyu Fiona at Tonio for letting me know na palpak pala ang sound system sa mga blogs ko. Ang akala ko pa naman ay ayos na ang ikinabit kong trompa. Hawa!

    Sa ngayon ay kinakalikot ko ulit ang mga html-ekek dito at pinagkakalas-kalas ko ulit yung mga spare parts ng kampyuter ko. Habang pabalik-balik ako sa pc ko at sa pc ng me pc para malaman kung epektib na nga ba.

    Yoko naman kasi lagyan ng mp3 player widget yung webpage ko. Baka sa sobrang dami na ng mga anik-anik dito eh sumabog na.

    Pag okey na, okey na. Okey?

    November 2, 2007

    Palatastas #6
    Sa Wakas

    Bago ko umpisahan ng kung anu-ano na namang kabulastugan itong buwan na ito, maikling patutsada muna po ulit. Dun sa mga namboboso, eto gud news sa iyo, bukas na (haaay sa wakas!) ang aking bagong blog, ang Antisosyal.

    Nag-premier night na nung isang gabi pa. Habang naglalamay ka sa kamposanto at nagtitirik ng kandila (sigurado ka kandila ha?), sumalisi na ko at binuksan ko na. Nakakahiya na kasi dun sa nag-aabang at panay ang silip. Hehehehehe. Nakaka-300 hits na ala pang laman. (yabang, kala mo naman andami nun)

    Sigurado na magugustuhan yun nung mga amasona. Siguraduhin nyo lang na naka-on ang speakers ng kampyuter nyo, kase me makabagbag damdamin dung kanta. Dito sa Kulapo eh ilang beses ko ding pinaglaruan yung bakgrawn musik, mula sa kanta nina titovic at voltes v na ikinabit ko nung una. Kaso mo kahit nakakatawa yung kanta, di mo naman maintindihan yung binabasa, so sa sumatotal lugi rin ang negosyo. Kaya hokey na tong medyo instrumental lang.

    O siya, pasyal na. Ang unang 1000 visitors, me premyo. Libreng plastic balloon.

    Ala ay yun laang naman.

    October 27, 2007

    Palatastas Take #5
    Updates

    Updates muna tayo.

    Sa mga naiinip dun sa bagong-bago kong blag, ang The Antisocial, relaks lang muna kayo, masyado kayong mainit. Malapit na ang Araw ng Kaluluwa dun ko opisyal na bubuksan yun. Ako nga naiinip eh, kayo pa. Muntik-muntikan ko na ngang buksan ng maaga dahil sa mga development sa Pinas. Kaso ayoko namang masira sa iskedyul. Baka yariin ako ng producer ko.

    Pero salamat sa mga walang kupas na bumibisita duon kahit na alam ko, umuuwi kayong luhaan dahil ala kayong napapala, eh nagpupumilit pa rin kayong pumasyal. Layout pa lang ang andun, ala pang post.

    Kung napapansin nyo, iba na ulit ang kulay ng blag na ito. Yung isa ko pa na Literary Ekek, iba na rin. Pansamantala, ititigil ko na muna sa ganyang mga lay-out at kulay. Nauubos na kasi oras ko kakapalit.


    Ang kulay ng mga blag na ito ay pinirmi ko na muna sa pastel colors. Nakuha ko kasi ang inspirasyon sa mga kulay ng briefs ko.

    At salamat din sa labingisang (grabe, super dami) bumoto sa survey na isinalpak ko dito. Di ko lang alam kung palpak lang ako ng paglalagay ng voting booth kase andun sa kailalim-ilaliman ng webpage o talaga lang na ganun talaga kadami ang nagbabasa dito. Nasan na yung isanglibong bisita ko? Nangawala na ata.

    Pero oks na din kase so far, puros mga strike anywhere and nangunguna, ibig sabihin karamihan mga kawawang koboy. Sa susunod na eleksyon, Comelec na papahawakin ko para naman umabot kahit isang milyon man lang.

    "Hello Garci, oo ako ito. Ha? Wak na! Sobra ka naman, ok na sa kin wag lang sampu."

    October 23, 2007

    Ang Antisosyal, Ayan na!


    Salamat po sa mga bago kong mga online trops na naligaw at naburaot din sa blog kong ito. As usual calling-calling muna ulit.

    Dahil po lubos akong nalilibang sa pag-epal online, naisipan kong mag-reorg. Inunahan ko na si GMA na sipain ang aking mga midnight cabinet. Habang hinihintay ko pang ma-confirm ang ibang mga detalye, nai-set up ko na yung aking bagong... oo alam ko na alam mo na. Eh yung iba hindi pa.. ang aking bagong blog.

    At oo din, alam kong alam mo na alam ko na alam mo na kung anong nalalaman ko. Eh malay ko bang alam mo na pala na alam kong alam mo na ang alam ko. Eh yung di pa alam, kelangan ipaalam ko din sa kanila ang nalalaman ko para naman malaman din nila ang alam ko na alam kong alam mo na din. Maliwanag?

    Pinangatawanan ko na ang titulo, the Antisocial. Nakakatuwa kasi kahit wala pang mga laman, marami nang bumibisita. Siguro, nagmamasid lang at medyo curious kung anung ipaglalalagay ko dun. Siguro nag-iisip, "ano na naman kaya itong pakulo na to ni Buraot," " di na nagsawa, hay naku, wala talagang magawa sa buhay, " at "walaaaaang kadala-dala!". Sa araw ng mga kaluluwa, pormal ko itong bubuksan, para naman meaningful di ba.

    Dun sa isang walang kawenta-wentang blog ko na Literary Ekek, dun ko na lang ilalagay ang aking mga feature stories at mga akdang ala Huseng Batute at mga karanasan ko dito sa kabilang dulo ng mundo. Don't wori, dahil malakas ang raket nitong Anak ni Kulapo, itutuloy ko lang ang naumpisahan ko na ditong kabulastugan. Yeey! Basta magreklamo ka lang parati.

    Dun sa ilang mga nakakakilala sa akin, sigurado maiintindihan ito kapag nakapag-post na ako. Dun sa mga hindi pa, ito po ay isa lamang sa king napakaraming personalidad. At eto po ang medyo madilim at maligalig. Kaya naman sinunog ko din ang background. Kaya kung nasanay kang kenkoy kolokoy ako dito sa Kulapo, baka madis-ilusyon ka pag napasyal ka dun. Kung gusto mo, maghanda ka na ng abogado, baka mai-demanda mo pa ko.

    Dito, ilalabas ko na lahat ng powers ko!

    Ding, ang bato? Darna!!!!!!!!!! Akkkkkk! Tangna ka, sabi ko bato.

    October 22, 2007

    Palatastas Take # 4

    Sempre pa, palatastas na muna.

    Busy pa po akong maglamyerda sa blag ng me blag. At sa pag-orbit ko na yun, di ko mapigilan ang sarili ko na umepal dun sa mga kumento nung iba. Minsan nga, kala ko mauubusan na ko ng espasyo sa haba ng ma-epal kong comments.

    Anyhoo, busina lang muna po dun sa mga naliligaw kong mga trops na nagtyayaga sa aking munting ka-epalan sa blag na ito. Sa mga susunod na araw eh malamang bubulabugin ko ulit ang lay-out dito. Baka kase me peborit kang link na hindi mo mahanap. Kapag naispatan mong iba na naman ang hitsura ng Anak ni Kulapo, isipin mo na lang na tinopak na naman ako at kinarambola ko na naman ang lay-out.

    Meron akong bagong anik-anik na survey ekek. Para malaman ko lang ang feedback sa mga bagay-bagay at mga buhay-buhay. Gaya ngayon inumpisahan ko na sa survey na ito kung ikaw ba ay:

    1. Jologs, 2. Conyo, 3. Somewhere in between, o 4. Strike anywhere.

    Kelangan ko lang kase ng extra feedback kung sino-sinuong ulupong ang mga nagbabasa nitong blag ko. At nang malaman ko rin tuloy kung me kawawaan ba itong pinag-gagagawa kong kabulastugan na ito, o bibili na lang ako ng notbuk dun sa kanto.

    Wag kayong mag-alala. Hindi po Comelec ang nangangasiwa ng botohan.

    October 21, 2007

    Dont Tenkme, Tenkyu!

    Eto na naman ako, ala na namang magawa, kung anu-anong mga anik-anik ang pinaglala-lagay dito sa blog. Kasi naman, bagito pa ako sa ganitong mga bagay. Saka may hinihintay pa kasi akong mga piktyurs. (hehehe) Malay ko ba namang gumawa ng website eh alam ko lang magtype gamit ang dalawa kong daliri.

    Pero lam mo mga tsong, dami ko napasyalang mga blog-blogan na yan, dami pala. Sarap magbasa ng magbasa. Kasi naman kaming mga timawa na nagpapanggap na maging merkano dito sa land op da pri en howm op da breyb, ganito talaga. Kasi subsob kami sa pagpapa-alipin sa dolyares, wala na kaming panahon makapag-lamyerda. Internet na lang ang pag-asa.

    Kaya naman enjoy ako magbasa ng mga kung anu-ano tungkol sa aking pinagmulang bayang Pilipinas. Pag trip kong magpaka-intelektwal, dami. Pero madalas naman, gusto ko lang libangin ang sarili ko, at andami ring mababasa na nagmumukha akong engot kasi tumatawa akong mag-isa. Yung ibang mga napasyalan ko, inilalagay ko yung link dito sa blag kong ito.

    Don't wori pipol, di ko kelangan ang tenkyu ninyo, di ko nilalagay yung link nyo sa site ko para i-advertise kayo. Para sa kin yun, para pag buraot na naman ako, madali kong mauuto ang sarili ko thru reading your blogs. Dont tenk me, tenkyu!

    Hu! Lapit na naman pasko. Yari na naman rayuma ko.