
Grabe yung holdapan kamakailan dyan sa atin, ni-holdap na nga yung bangko, tsinugi pa yung mga empleyado. Grabe, me pera na nga eh, nakuha pang patumbahin yung mga wala namang kinalaman dun sa pera ng bangko.
Ayoko sanang haluan ng medyo madrama o kung anupamang ekek itong blog na ito, kaso di ko maiwasang di magkumento.
Kasi naman, naalala ko din nung nasa Pinas pa ako. Ilang beses din yata akong naholdap sa bus. Dalawa lang ata. Yung perstaym ko eh galing akong Timbuktu kasabay ko pa yung ate ko at yung asawa nya. Pagsakay pa lang sa Barakolandia, napansin ko yung isa na me parang hinihithit, medyo kinabahan na ako. Ayun nga, pagdating sa South SuperDuper Highway, me parang nag-aaway at nagsisigawan sa me bandang harap. Dahil sempre, lang-magu to-its, yung mga alahas ko at relo, hinubad ko at isinuksok ko dun sa me mga singit singit ng upuan.
Ayun, holdap nga pala. So dahil mabilis ako nakapag-esep esep, walang natangay sa akin ang mga ungas.
2nd time ko naman, nung sa Gapo na ako humahada ng
"wanna buy watch Joe?" type na raket. Papunta ako ng Manela para makita ang aking mader dear galing isteyts. Sa me San Fernando, Pampanga, me sumakay na maraming mga kelots. Nagkatinginan pa nga kami nung isa. Parang pamilyar kami sa isat isa. Di ko malaman kung bakit. Parang nag ala Madam Auring ako kasi me naramdaman ako.
Papasok pa lang sa North ExpressDupress Way, me pumara. Bumaba sabay kumaripas ng takbo. Nagkatinginan lahat kaming nasa me bandang una kasi kakasakay lang nung bumaba. Sabi ko, "
brad, baka naman naglagay lang yun dito ng bomba ah?" Uso kasi ang bombahan nun, yung pinapasabog ang mga bus, bukod pa sa mga bomba sa pelikula.

Kinabahan kami lahat, pero dedma lang ulit. Ayan na po, pagpasok pa lang sa highway....
Holdap!Holdap! Pera o Puri!!!Anim sila na de baril at 2 sa kanila me granada. Meron atang isa, dinamita ang dala.
(O sige joke lang yung dinamita, ano kami, isda?) Grabe parang bigla kong naisip na magsigarilyo. Di ko na inalam kung totoong granada yun o lighter lang, mahirap na. Mukhang mga beterano pa naman kung kumilos, maliban dun sa isang bumaba at nagtatakbo na kasamahan pala nila.
Unang pasada, isa isang kinapkapan, pati mga bag. Yung isang ale, nag-inarte. Kesyo nasa ospital daw yung anak nya kaya kelangan nya ng pera. So dahil subalit datapwat ngunit pero because likas namang maawain yung holdaper, yung nakuhang 5,000 sa kanya, isinoli yung 3,000.
Bait nya no? Sana kunin na sya ni Lord!Ako, wala, barya lang, WW ako eh
(walang-wala). Nung second wave
(galing no me second wave pa), yung aleng nag-inarte, me secret pocket pala yung bag, at me lamang 10,000 pesoses. Nabwisit tuloy sa kanya yung mamang holdaper, kasi natimbrehan nya na ginogoyo lang sya.
"
Walangya ka, drinamahan mo pa ako, maluha luha pa naman ako sa yo.." Ayun binawi lahat ng datung nya.
Ako naman, nakapa sa bulsa ko salikod yung aking Press ID. Dati kasi akong nagsusulat sa TikTik Magasin. Heheheh. Kaya nung makita yung ID, "
Tang$^% ka! Press ka pala ha?! Baka bukas, isulat mo kami ha?" Sabay suntok sa tyan ko. Punyemas, nabanatan pa ako. Hirap talaga ng takaw-bugbog.
Tiba tiba ang mga ungas. Pero dahil nga maawain naman sila, lahat halos eh binigyan ng pamasahe.
Ambait talaga! Ako di na ako humingi, kasi baka maupakan na naman ako.
Nung makababa na sila, diretso sempre kami sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis patola. Habang iniinterbyu kami, yung isa tawa pa ng tawa. Sabi ko,
"brod, bat parang ansaya saya mo pa? Eh naholdap na nga tayo."
"Eh kasi binigyan ako ng pamasahe nung holdaper, 100 pesos." sagot nya.
"Eh ano naman ngayon?" tanong ko ulit.
"Eh kundi ba naman tungak yung mga yun, eh singkwenta pesos lang ang nakuha nila sa akin. Mwahahaha (tawang ala Romy Diaz)"
"Walangya ka, kumita ka pa ng tapwe. Penge palang bente pamasahe?" ako ulit.
"Eh ikaw ba, magkano nakuha sa yo?" tanong nya.
"Bente."
" O sya, etong bente mo, kawawa ka naman." "Apir!"