Bago pa ako naging buraot at pakelamero, wala akong paki. Bata pa ako nun, dedma lang ako. Walang pakelaman. Blaha ka sa buhay mo. May sarili akong mundo.April 28, 2008
Dedma Lang
Bago pa ako naging buraot at pakelamero, wala akong paki. Bata pa ako nun, dedma lang ako. Walang pakelaman. Blaha ka sa buhay mo. May sarili akong mundo.November 28, 2007
Paks Yu Na!
Alam ko kinakabahan na yung iba dyan.... hehehe. Baka nga naman i-tag ko nitong pagka haba-haba na meme na ito. Pero pagkakataon ko na itong bumawi! At kelangan ko na ding tapusin ito dahil, habang kinakarir ko ito, ay patuloy namang dumadating ang iba pang tag. Baka abutin pa ko ng Pasko bago ko matapos. Iniisip ko nga, gumawa na lang ng blog na puro meme lang at tag. Sigurado dami kong link nun agad.Sa hinaba-haba man daw ng tag, sa ending din ang tuloy. At kapag daw tumatakbo ka ng matulin, kung matinik ay malalim. Ewan ko kung ano koneksyon nung dalawang salawikain nayun. Naisip ko lang.
30 Paks Me Na Naman:
21. Ako ay Tirador ng Kaning Lamig. Di ko type ang bagong luto, mas gusto ko yung kaning-lamig. Bahaw tawag namin dun sa Timbuktu. At ayoko din ng medyo matubig. Mas enjoy ako kainin yung ilalim, yung tutong. Request ko lagi sa nanay ko, pag magsasaing sya, sunugin nya para maraming tutong.
22. Naks, collector. Kulektor ako ng mga kung anu-ano hindi ng kuryente. Kapag naka-hiligan ko, kinokolekta ko. Pag me nagustuhan akong author ng libro, lahat ng libro nya kinokolekta ko. Noon, nakahiligan ko magka-gelpren, ayun nangongolekta ako. (waw hampogi) Pati lumang tao kinikolekta ko.
23. Simple Pero Rock. Kahit medyo gurang na ko, naghe-headbang pa rin ako pag type ko tugtog. Madalas suot ko pa rin ang aking Doc Marten at maong. Rock on!
24. Presko ako. At kapag naka-maong naman ako, mas type ko pa rin syang suotin ng walang panloob. Feeling ko pa rin presko kahit medyo naiipit yagbols ko.
26. Problema ko pa rin kapag nalalasing, ako ay nagba-blackout. Nai-wento ko na ito dun sa nakaraan kong post na Blackout Pare! Kaya di na ako gaanong umiinom. Gatas na lang.
27. Ako ay isang dakilang tae! Masyado mabilis ang aking metabolism kaya pagkakain ko, ilang minuto lang kelangan ko nang bumoto. (men's room) Ganun talaga ang healthy. (ekek)
28. Ako'y adik. Dumaan na ang kung anu-anong mga video games pero hilig ko pa rin ang Red Alert. Kahit paulit-ulit ang scenario at kahit lumpo na si Tanya pinapasugod ko pa rin. Yes Commander!
29. Pangarap ko pa rin ang bumili at mag-drive ng sarili kong eroplano. Pag tumama ako sa lotto siguro. Kaya lang kung lisensya ko lang sa pagda-drive ng auto, delikado na, lisensya pa kaya ng piloto? Problema ko pa kung saan ko siya ipa-park.
30. Hindi ako mahilig magpatawa. Kung ikaw ay natawa sa mga iba kong post dito sa Anak ni Kulapo, ito ay hindi ko sinasadya. I am sorry. Nagwewento lang ako dito ng aking mga buhay-buhay noon at ngayon and beyond. Mahiyain nga kasi ako kaya ayoko ng limelight, ayokong nagbibigay ng jokes, kasi baka pagtawanan lang ako.
PAHABOL: ANG LAHAT NG ITO AY GAWA-GAWA KO LANG! WAHAHAHAH! JOKE!
Eto na... Pinis na tong paks me na to. Sino kaya ita-tag ko susunod. Hmnnnnn... hmnnn pa ulit... Paks Yu! Wak na wawa ka naman. Sa ibang araw na lang.
November 27, 2007
Palatastas Take#8
Kumersyal Muna
Oo, alam ko... naiinip ka na sa kasunod ng meme at sa sagot dun sa nakaraan kong eksperimento. Pero kotseng kuba, wag mo muna susunugin bahay ko ha? Eto naman eh maikling kumersyal lang muna hane? Habang mainit-init pa at medyo malakas pa ang raket nitong si Kulapo.Sa mga nagkukusa, ehem.. ala ay hindi po ako tumatanggap ng donasyon. Hindi pa. Wahahahaha! Ang raket pong ito ay papunta lahat sa charity. Buti pa si Charity, mayaman na. Ang charity ko po ay ang aking iba pang blog na pinag-aaksayahan ng oras. Balak ko kasi every two months, isang blog. (joke lang, ano palagay mo sa kin, si Curacha, walang pahinga?)
Ang blog na The Antisocial ay matagal na pong bukas, noon pang undas. At ang isa pa, ang Ibangon ang Bayan na kasalukuyang binubuo pa (nag-aaral pa ng wordpress) ng aking technical team (ako) at malapit nang mag-ribbon cutting. Harinawa bago mag-Disyembre eh mabuksan na.
Pero kung akala mo me patawa dun, sori ka, pang-asar meron. Nasanay ka naman masyado.
Sa mga nag-link po dito ke Kulapo, tenkyu. Busina lang kayo para naman mai-return of the comeback yung favor. Sa mga links na nawawala sa aking jootsroll, pakikalabit lang po ako.
November 12, 2007
Kilala mo ba si Kopong Kopong?
Kaya naman nung buksan ko itong Anak ni Kulapo, kung anu-anong mga salita ang nagmumura sa utak ko. Mga salitang matagal na nating ginagamit pero di natin alam ang pinagmulan. Bata pa tayo, yun na yun. Basta yun yun.
Katulad na lang ng mga salitang "panahon pa ni Mahoma", "19 kopongkopong", "itanong mo ke kopong kopong", "itanong mo ke limahong, ke kalantiao, o ke kulafu,".
Pero kilala ba natin sila? Malamang hindeee.
Kaya naman habang nakikipagbuno ako dito sa rayuma ko, naisipan kong ituloy ang aking naunsyaming 'great philisophical quest', ang hanapin sila.
Si Mahoma, nahanap ko na. Ang salitang Mahoma pala ay Spanish translation ng salita o pangalan ni Mohammad. Kaya malamang matagal na itong ginagamit, panahon pa ng mga kastilaloy. At sempre, maiintindihan na natin bakit ito ginagamit. Sempre naman, tsong, kakumpetensya sila nung mga alagad ni Kristo.
Si Kalantiao, matagal ko nang kilala, suskoday, Pilipin history pa yun no. I-gugel mo lang yung Code of Kalantiao, yun na yun. Me TV series pa nga noon na Alagad ni Kalantiao di ba.
Si Limahong naman sikat na talaga sa atin. Kasi naman nung panahon pa ng mga kastilaloy, asar na talaga yun. Sya ang lumang pirates of the caribbean na walang ginawa kundi mambalatuba sa mga kastila nung kapanahunan nila. Muntik na nga nyang makopo ang Maynila noon. Nasa Pilipin history din ito. Kung gusto mo shortcut eto, salpak mo sa browser mo, Limahong sa Kamaynilaan.
Kung ang Kulafu ay pamilyar sa atin dahil sa shoktong na iniinom ng mga lola natin, di pa pala yun yun. Kasi naispatan ko ito sa isang blag ng me blag. Si Kulafu pala ay isang komiks karakter noong panahon ng hapon.
Ayon sa blag na Pilipino Komiks, si Kulafu pala ay likha ni Francisco Reyes para sa komiks na Liwayway. Sa sobrang sikat nga daw nito, nagkaroon ng Vino Kulafu na madalas tinotungga nung mga dabarkads nung panahon na yun. Natawa pa ako, kasi di na pala original yung titulo nitong blag ko, kasi meron palang Anak si Kulafu.
Naalala ko tuloy nung bubwit pa lang ako, kasi bago ko pa ma-discover yung Funny Komiks, eh batikan na ko ng Liwayway, Aliwan, Wakasan, pati Lovelife Komiks, ok na rin. Madalas akong naka-tanghod dun sa nanay ko, hinihintay kong matapos nya yung Liwayway, kasi ako susunod.
Kaso mo, matapos ang ilang araw na pagratsada ko online, hindi ko pa rin maispatan si Kopong Kopong. Sya pa naman ang pangunahin kong suspek. Wala, umuwi akong luhaan. Ni anino nya, di ko man lang nakita.
Me naispatan ako na isang maliit na bayan sa Botswana na kung tawagin ay Kopong, pero malabo naman na mapadpad yung salitang yun dito sa Pilipins. Wala namang naligaw na mga egoys dito kahit bali-baliktarin mo yung Pilipin history. Maliban na lang kung ipagpipilitan mong me lahi nila yung mga Ita sa atin.
Baka pa yung mga taga-Indonesia. Kasi naman ang salitang Kopong ay translation ng salita nila na ang ibig sabihin ay Coral sa salitang Ingles. (Sorry brad di ko alam Tagalog ng Coral)Katunayan me isang sikat na lugar ng mga corals dun sa Indonesia, ang Karang Copong.
Maliban dun, ala na.
Ikaw tol, kilala mo ba si Kopong Kopong? Pasuyo naman o. Pag nakita mo nga sya, sabihin mo hinahanap ko sya, ha? Mabatukan man lang ang kumag.
October 23, 2007
Ang Antisosyal, Ayan na!
Dahil po lubos akong nalilibang sa pag-epal online, naisipan kong mag-reorg. Inunahan ko na si GMA na sipain ang aking mga midnight cabinet. Habang hinihintay ko pang ma-confirm ang ibang mga detalye, nai-set up ko na yung aking bagong... oo alam ko na alam mo na. Eh yung iba hindi pa.. ang aking bagong blog.
At oo din, alam kong alam mo na alam ko na alam mo na kung anong nalalaman ko. Eh malay ko bang alam mo na pala na alam kong alam mo na ang alam ko. Eh yung di pa alam, kelangan ipaalam ko din sa kanila ang nalalaman ko para naman malaman din nila ang alam ko na alam kong alam mo na din. Maliwanag?
Pinangatawanan ko na ang titulo, the Antisocial. Nakakatuwa kasi kahit wala pang mga laman, marami nang bumibisita. Siguro, nagmamasid lang at medyo curious kung anung ipaglalalagay ko dun. Siguro nag-iisip, "ano na naman kaya itong pakulo na to ni Buraot," " di na nagsawa, hay naku, wala talagang magawa sa buhay, " at "walaaaaang kadala-dala!". Sa araw ng mga kaluluwa, pormal ko itong bubuksan, para naman meaningful di ba.
Dun sa ilang mga nakakakilala sa akin, sigurado maiintindihan ito kapag nakapag-post na ako. Dun sa mga hindi pa, ito po ay isa lamang sa king napakaraming personalidad. At eto po ang medyo madilim at maligalig. Kaya naman sinunog ko din ang background. Kaya kung nasanay kang kenkoy kolokoy ako dito sa Kulapo, baka madis-ilusyon ka pag napasyal ka dun. Kung gusto mo, maghanda ka na ng abogado, baka mai-demanda mo pa ko.
Dito, ilalabas ko na lahat ng powers ko!
October 15, 2007
Tubiiiiiiiiig!
Eh ano namang kinalaman nun dito sa Anak ni Kulapo? Wala lang. Kasi ngayon ang araw na kelangan kong mag-paskel ng isang pautot na me kinalaman sa kapaligiran. Di mo ba nakita yung banner dun sa gilid? One voice for the environment ekek? Alam mo naman kahit papano, nakikisawsaw pa rin ako. Nung una, naisip ko, seryosong topic yun ah, papano ko kaya ipo-post yun dito sa blag ko eh, puro kabulastugan lang ang laman ng blag ko? Kaya pasensya ka na kung medyo seryoso to. Kasubuan na.
Alam mo ba na kapareho lang ang sustansya, kundi man mas marami pa, ang makukuha mo sa tap water kesa sa mineral water? Oo. Pareho lang yun. Pero bakit mas marami na ang umiinom ng bottled water? Sempre para sosi. Ano poor?
Alam mo rin bang ang total na kombinasyon ng power output na ginagamit sa paggawa ng mga plastik na bote na yan eh tone-tonelada ang konsumo. Oo, halos pwede nang ipang-gamit ng Napocor sa konsumo natin ng kuryente ng mahigit sampung taon, sobra sobra pa. Yun eh kung hindi yun kakat-kungin nung mga nasa Malakanyang.
At alam mo bang sa kasalukuyang kalakaran ng paglaklak natin ng tubig at ang pagtatapon nito, sa loob lang ng ilang dekada, maari nang maubos ang inuming tubig sa whole wild world? Sya, sya, oo na! Dami mo satsat! Patanung-tanung ka pa. Malapit nang maubos ang balon ng tubig ng mundo. At kahit triplehin mo pa ang bayad mo sa Maynilad, di ka nila kayang bigyan ng kahit na ga-patak. Dahil bukod sa puro kalawang ang laman ng mga tubo nila, wala nang dadaloy na tubig kahit saan.
Natuyot na at nahuthot na lahat ng sangkatauhan. Wala nang matitira. Simot.
Pero wag kang mag-alala. Andaming tubig sa dagat. O, sandali lang, di pa ako tapos. Alangan namang inumin mo yun eh sempre alam ko maalat yun. Nasubukan mo na bang uminom ng tubig-dagat kung anong lasa? Lasang sipon. Nakatikim ka na ba nun? Ako oo, kasi nung bata pa ko, naaalala ko lasa nun. Wag mong sabihin ikaw hindi. Hu, wag ka ngang mag-inarte dyan. Lahat ng bata nakatikim na nun. Baka lang hindi mo matandaan.
Oo, naisip ko na yung ulan. Pede pa ring source ng inumin yun. Kaso teng, sempre pagdating sa future na yun, high tech na. Kaya ang ulan high tech na rin, acid rain na, di na pupuwedeng inumin, kasi sigurado di mo na magagamit yang dila mo, dahil lapnos na. Ayan, green ka na naman, saan ba mainly ginagamit ang dila, di ba sa pagsasalita? Sabi sa yo tigilan mo na ang pagbili-bili ng Maxim eh. Sinasayang lang nun ang mga puno. Di bale kung recycled yung papel na ginagamit.
Ilang taon pa, marami nang gagamit ng desalinisation plant para maging kainom-inom ang tubig dagat. Sa Sim City nga meron na eh. Ang kaso, parang hindi ko ata maatim na inumin yun. Kasi di mo ba alam na kung anu-anong dumi ang tinatapon natin sa dagat?
Hindi ba't lahat ng sewers ay papunta sa dagat. Isipin mo, lahat ng mga kung kani-kaninong ebak napupunta dun. Yuk. Pero sempre, pagdating ng panahon na hi-tech na, no choice na tayo kundi inumin yun. Sigurado naman na lilinisin na yun ng mga planta. Pero kahit na, yun ngang mga kampyuter nagkaka-virus, yun pa.
Kaya mga tsong, conserve water, take a bath together! Alam ko luma na yung slogan na yan, panahon pa ni kopong kopong. Pero ayaw mo nun classic. Saka ubra pa rin naman. Konting tipid lang, wag aksaya. Ngayon naman, kung gusto mo naman talagang magtipid, wag kang maligo ng isang taon. Kaso mo, di rin uubra yun, kasi sigurado sa antut mo, lalo lang mabubutas ang ozone layer. Bulls eye pa yun, nasa tapat ng Pinas.
Honey, taralets na sa jacuzzi!























