Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buraot101. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buraot101. Ipakita ang lahat ng mga post

June 29, 2008

Kuko-rookookooo! Rayuma!

Malabo akong maging D.O.M. Kasi kahit feeling ko old man na ako, di naman ako dirty. Ganun ka-simple. Di rin ako yung tipong matandang mayamang madaling mamatay. Kasi kahit medyo tumatanda na ko, di naman ako mayaman. At mas lalong di ako madaling mamatay. Masama ata akong damo.

Puro lang tama, pero di namamatay. Ala Lito Lapid. Yun bang kahit nakaluwa na ang bituka nya sa pelikula, buhay pa rin at nauubos pa nya ang kalaban. Ganun.

Ganun na ata ang katulad ko. Kahit puro tama na ko, di pa rin ako mamatay-matay. Bukod kasi sa HIV ko, eto at ilang araw na akong pagapang-gapang sa isa pang sakit na minana ko sa tatay ko. Gout, rayuma, arthritis, kainis.

Nung una akala ko, me bali lang ako. O kaya naman eh me naputol lang akong nerve endings sa me bandang paa. Kasi minsan, nagbubuhat kami ng utol ko ng cabinet mula sa third floor pababa nang (bwenas) masalugsog ang kuko ko sa hinlalaki sa paa. Grabe teng sa sakit! Nung tingnan ko yung kuko ko, nakalawit na lang sya at konting hibla na lang ng laman ang nagko konek sa kuko at dun sa daliri sa paa.

Pero kahit masakit, umiral na naman ang aking pagka Ernie Barong. Naesep ko, kung hahayaan ko lang syang nakalawit, mas lalong masakit tuwing igagalaw ko. Baka mas lalong ma-impeksyon. Kaya mas wais kung aalisin ko na ng husto yung kuko. Kaya ang ginawa ko, dahil lahing andres bonifacio ata ito, hindi atakbo, buong tapang akong kumuha ng unan, kagat kagat ko, sabay kuha ng plies at hinugot ko yung kuko kong nakalawit sa hinlalaki ko. Nung araw ding yun, mas naiintindihan ko na kung ano ang naramdaman nung mga pinoy na tino-torture nung mga sakang noong panahon ng Hapon. Very educational.

Buhat noon, sumasakit na palagi. Kaya akala ko yun ang dahilan ng pananakit ng paa ko. Hanggang di na rin ako nakatiis, nagpa doktor na ako. Ang sabi, rheumatoid arthritis daw. Nung pumapalag ako kasi sabi ko pangmatandang sakit lang yun, kahit daw pala bata nagkakaganun, at mana mana din daw. Ang gamot? Sinaksakan ako ng steroids. Akala ko nga naliliitan sya sa akin eh, kala ko papalakihin nya masel ko. Di pala. Para daw pala yun dumaloy ang dugo dun sa paang masakit. Ganun pala yun.

Kaso mo, di pwedeng steroids palagi, kasi baka sumobra na ng laki ang madali daw kapitan ng virus kapag nag-i-steroids. Saka baka masanay ang katawan ko dun, mahirap na, di naman ako athlete.

Kainis pa, dahil sa marami kaming magkakapatid at malaking pamilya, talo ako lagi kapag tine-trace ang medical history ng pamilya. Kaya nung iniisa-isa nung doktor ang mga sakit at kung meron nito ang kamag-anak ko, pasok ako lahat.

Buraot, any in your family have diabetes? My uncle and my utol. TB? My dad used to have one. Heart problem? My other brother had a valve replaced. Lung disease? My erpats. High blood pressure. My ermats. Stroke? My other utol. Arthritis? My erpats and other utol. Cancer? my lola on the other side. Magtatanong pa ata kaya pinutol ko na... name it we have it! Sa dami ba naman namin, e di sempre, lahat pasok.

Kaya sa dami ng history ng sakit sa pamilya, kulang na lang sabihin sa akin na bawal akong kumain. Anong palagay nya sa kin, si Mahatma Gandhi?

Kaya eto, kahit mahapdi na ang tyan ko sa mga gamot, inom pa rin ng inom, no choice. Kaso mo yari naman ang bituka ko, yung tyuhin ko pa naman namatay sa ulcer. Di bale sana kung me pito-pito dito.

June 24, 2008

Tag ni Enday

Forty-payb years na rin ng huling sumagot ako sa mga tag-tag na ganito. Madami pa rin akong naka-imbak sa baul. Sensya na sa mga nag-tag. Me Alzeimer na ata ako eh. Pero eto, ibabalik ko na, pampalaman sa blog. Heheheh.

Unahin ko na itong isang galing sa bagong presheep na si Enday. Ala slumbook ang dating nito, buti na lang 5 questions lang.. oopps 6 pala.

1. What was I doing 10 years ago?

Anong year na ba ngayon? Ahhh.. 1998... naglalamyerda ako sa Subic noon. Nagje-jetski ako hila hila ko yung barko ng US Navy.

2. What are 5 things on my to-do list today?

Una, mag log in sa aking blog...
Pangalawa,sagutin ang tag na ito sempre....
Pangatlo, maghanap ng makulit na piktyur para isalpak sa pautot na ito ...
Pang-apat, ipost ang entry na ito sa blog ko....
At panglima, mag-logout at matulog.

3. Snacks I enjoy:

Adobong mani, nilagang mani, nagaraya (mani pa rin), kwek kwek, betamaks (isaw), helmet (ulo ng manok), adidas (paa ng manok), curly tops, flat tops, at serge (tsokoleyt yun ni kopong kopong).

Kelangan me kasamang sarsi. Di pedeng wala.

4. Places I’ve lived:

Pinanganak ako sa Oriental Mindoro, lumaki ako sa Dimasalang. Madalas ako magbakasyon sa Isla Verde, Batangas kasi tagaron ang tatay ko. Tumira ako ng matagal sa Olongapo at Hermosa, Bataan at Los Angeles (California hindi sa Pampanga). Suki ako sa Iba, Zambales. Lagalag ako sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon. Oo buong Southern Tagalog. Pati na rin sa Pangasinan, La Union, Benguet hanggang sa Romblon at Palawan. Di na ako rumonda sa masyadong south, takot kasi ako makidnap ng Abusayap.

5. Things I’d do if I were a billionaire

Ipapamigay ko yung iba para di na ako billionaire, millionaire na lang. Takot nga ako makidnap eh.
Hello, Garci... ako ito. Oo si Buraot daw billionaire na.

6. People I want to know more about

Sempre, yung abusayap. Nukaba? Para hindi nila ako makidnap.


O sino ang gustong magpa-link dyan... yuhooooo.. paramdam lang at ita-tag ko dito.

June 17, 2008

May HIV Ka Na Rin Ba?

Edad trenta ako nang malaman ko. Buraot na nga ako, nadagdagan pa ang pagka-buraot ko. Kaya yata buhat noon, hindi na ako nagbe-bertdey. Napako na sa trenta ang edad ko. Ayoko kasing mawala sa kalendaryo. At mas lalong ayoko na mapasama sa bingo. Tutal baka hindi na rin naman ako umabot ng sitentay singko (yung huling numero dun sa bingo card, hello?).

Hindi ko malaman kung saan ko nakuha. Sabi kasi nila, ganon daw kapag palikero ka. Di naman ako palikero talaga. Palengkero pwede pa. Di rin naman ako skirt-chaser tulad ng iba. Nagkataon lang talagang likas akong mapagbigay (ahem). At lalong hindi ako chikboy. Yung pwede sa chick pwede sa boy.

Siguro dahil maaga akong nag-umpisa sa buhay. Maaga akong nagbisyo. Madalas nga noon, napapansin ng nanay ko kung bakit hingi ako ng hingi ng barya. Akala nya nya, nagugumon ako sa tong-its. Di nya alam, binibili ko ng yosi. Madalas na rin akong lasing noon, di lang napapansin nung mga kuya ko. Madalas kasi, mas lasing sila kesa sa akin.

At hindi din nila alam na kahit bagets pa ako, nakakapasok na ako sa mga lugar na patay-sindi at mga lugar na mapupula ang ilaw. Kasi naman napapaligiran nung mga ganung klaseng lugar yung eskwelahan namin. Ang akala lang nila, diretso ako sa iskul. Kahit pa Sabado at Linggo. One time akala nila aquarium ang "school project" namin kasi madalas namin pagkwentuhan nung kaklase ko yun. Sempre kelangan ng gastusin para sa aquarium. Di nila alam ibang aquaruim yung project namin. Yung walang isdang lumalangoy. Di rin kelangan ng tubig, pwera na lang siguro pagkatapos mong lumangoy.

Kung magkwento ako, parang sobrang tanda ko na. Di naman ako kasingtanda ng lolo ko. Maaga lang talaga akong nag-mature.

Pero tingin ko talaga, nagmana ako sa tatay ko. Me HIV din kasi yun. Kung bakit naman kasi isang dosena kaming magkakapatid, ako lang ang nakamana. Hawa!

Lahat na nga nasubukan ko para lang gumaling ang HIV ko, pero wala talaga. Eh ano magagawa ko eh sa meron ako. Kaya ang siste ko na lang, maging proud. Yun daw ang pruweba na ikaw eh sweet lover. Hehehehehe.

May Hair Is Vanishing ka na rin ba? Pareho tayo. Subukan mo mag-sabila, ikaskas mo sa anit mo. O kaya naman yung shampoo ng kabayo. Wag mo lang kalimutan yung tapa-oho mo, tapos punta kang San Lazaro magdala ka ng dividendazo.

June 15, 2008

Me Internet na Ako!

Ayun, matapos ang fortypayb years, nagka-internet na din ako. Nauna pa sa linya ng telepono. Kasi naman sa PLDT pa ako nagpa-kabit. Naisip ko nga baka ang telepono na ibibigay sa akin yung kulay itim pa. Yung de-ikot ang numero. Hi-tech.

Nakakaburaot na din kasi. Ipinahiram nga sa akin ng kasera ko yung mala-higanteng TV nila sa akin, kaso mo wala naman akong mahagilap na channel. Hanggaling. Wala naman akong DVD player sa kwarto ko. Wala naman akong atik na ipapambili pa kasi kakalipat ko pa lang. Ayun hitech nga ang TV, props lang.

Nilagyan din nila ng microwave ang room ko, dyoskoday, kasinglaki naman ng kabinet. Okay na rin kesa sa wala. Di ko pa naman balak bumili ng bago, magagastusan pa ako. Tuatl wala pa naman akong balak ipalagay sa Architecture Digest yung piktyur ng rum ko, o kaya ipa feature sa Cribs sa MTV.

Di rin ako makapag update ng aking mga ka-blogan. Dumadayo pa ako sa starbaraks para lang makapag-check ng email. Hirap pa nun, para na naman akong me epilepsy. Adik na adik tuloy ang dating ko pag nagta-type. Bukod sa super lamig sa labas ng starbaraks (bawal magyosi sa loob no), nanginginig na naman ako sa sobrang kape.

Buti na lang me naispatan akong internet provider na pwedeng walang telefon at di na rin kelangan ng cable. Kaya swak na swak. Okey sa olrayt, pwede na ulit akong makipag-cyber mag-online. Para syang wi-fi na satellite. Binigyan lang ako ng kahon na parang balikbayan box, oks na. Kahit san ko daw dalhin yung laptop ko, basta dala ko yung box, me internet ako? Heller? Gawin ba akong kargador?

Basta, at least, online na ako. Makapag-post na nga.

June 9, 2008

Rumeyts!

Heto na nga po ako. Sa kayabangan kong magsolo at masubukan ang totoong buhay Amerika, nag-trip akong maglipat. At hindi lang basta basta lipat-bahay ang ginawa ko, lumipat pa ako ng ibang state.

Sempre hanap-hanap muna ako ng apartment. Pero dahil handami din palang tsetese buretse sa pagrenta ng apartment dito, no choice ako kundi umupa na lang muna ng room. Kadalasan, hinahanapan ako ng reference at history dun daw sa mga nakaraang inupahan ko. Eh kundi ba naman sila mga ungas eh, wala naman ako nun. Kasi naman sa LA, di naman ako umuupa, kasama ko sa bahay ang mga utol ko at si ermats. So, di din uubra.

Kaya hanap pa rin ako kahit room na lang muna, tutal bagong salta lang ako, okey na din para tipid. Hanggang me naispatan akong super mura. Nung una, akala ko nga scam, kasi marami din dito sa Amerika ng ganun. Me style pa nga na kesyo, nasa ibang state yung magpapa-upa, at ipapadala mo sa kanya dun ang bayad, tapos saka lang nila ipadadala sa yo ang susi. Ano bale? Ito ba namang karakas ko na ito eh mauuto pa nila ako? Dehins ano! Lang-magu ata to-its!

So balik sa topic... itong naispatan ko, super mura. As in $200 a month lang. So sempre, subok din. Nung makita ko yung me-ari ng bahay, mukhang ok naman. At di lang yun, walang bayad ang utilities (tubig,kuryente,cable). Me libre ka pang tutpik at tubras microwave at ref sa loob ng room mo. What a deal!

Pagkalipat ko pa nga, tinanong ako kung me TV ako, sabi ko wala. Ayun ipinahiram din sa akin yung HDTV na malaki. Hmnnnnn.... medyo kinakabahan nga ako eh. Esep-esep ko, di kaya ala Texas Chainsaw Massacre ang ending nito?

Para kasing too good to be true. Eniwey, nakikiramdam din ako, at lalagyan ko ng double-lock at kadena yung pinto ko, mahirap na.

Bale 4 bedroom house sya. Yung master's bedroom, sempre andun ang me-ari. Isang matandang byuda na me kapansanan. Parang me problema sya sa kanyang motor skills, nalimutan ko na tawag dun. Pero mas kinakabahan ako, tipikal kasi na katulad nung mga nasa pelikula. Sinusubukan ko ngang silipin yung kanyang ref sa kusina, baka mamaya, me mga chop-chop na body parts doon.

Yung tatlong extra rooms naman, pinapaupahan nya. Yung nasa isang room, nakita ko na, puti na lalaki, mukhang di naman galing sa mental kaya medyo nakahinga (konti) ako ng maluwag. Yung nasa isa pang room, di ko pa nakikita. Takot ata sa tao. Minsan lalabas ako, saktong lalabas din sya at magbubukas ng pinto, pero kapag naramdaman nyang me ibang tao, di na sya tutuloy. So esep-esep ko, baka si Freddie Kruger yun, o kaya si Jason.

Nakaka-isang linggo na ako dito, so far wala pa naman akong nararamdamang kakaiba maliban dun sa isa kong rumeyt na ayaw magpakita.

Pero kapag isang buwan na wala pa akong post dito sa blog ko, eh alam nyo na ibig sabihin nun. Joke lang. Takot ako sa dugo.

June 6, 2008

Lipat Bahay (Sayang Wala Akong Baong EraseYourHead CD)

Eto na naman po ako. Walaaaaang kasawa-sawa. Sa tinanda-tanda kong ito, di pa rin nagsasawa na mag-ala Indiana Jones. Hindi, di ako nagpunta sa mga gubat para maghanap ng dyamante o kung anupaman.

Nagpanibagong kuta lang naman ako. At kung sa atin, kelangan mong umupa ng trak para maglipat bahay, dito U-haul ang nirerentahan. Pero di ko rin kelangan yun. Pinagkasya ko lahat ke Tagpi yung mga gamit na kailangan ko. Iniwan ko na lang yung iba. Mula sa Los Angeles, Californication ay nag drive ako papuntang norte. Wala lang, trip ko lang. Sabi ng nanay ko na kasama ko sa bahay, "bakit, wala bang ibang trabaho dito sa LA? Anong kaibahan ng trabaho dun sa Portland?".

Hay naku, e gusto kong pahirapan ang sarili ko eh. Henube. Kaya ayun. Drive na ang lolo mo. At dahil madugo ang byahe, chinop chop ko. Nag stop over ako sa San Francisco. Hinto muna ako sa Jobilee doon para bumili ng chibog. Pagkatapos diretso sa Golden Gate. Susubukan kong patalunin dun si Tagpi.

Pero bago ako nakarating sa San Francisco, me nadaanan akong lugar na Whaw! Galing tol! Hokey sa olrayt! Mga bundok na kakaiba ang tanim! Mga higanteng wind turbines. Para silang mga laruang nabibili noon sa labas ng school na ipinapaikot at lumilipad. Ano na ngang tawag nun? Ah basta yun.

Ihininto ko si Tagpi at ipinarada sa gilid ng freeway. Kahit delikado at bawal, huminto ako. Enubeh! Kelangan kong mag piktyur piktyur! Kung papano, bahala na. Paglabas na paglabas ko ng kotse, Whaw ulit! Ang hangin, super duper lakas. Kasinlakas nang pinagsamang hanging amihan at habagat. Muntik na akong tangayin. Buti na lang, kakakain ko lang kaya medyo mabigat. Ganda ng view! Kakaiba! Andaming mga elesi. Di rin ako nagtagal, kasi mas lumalakas yung hangin, tingin ko tatangayin talaga ako. Dito ata nakuha ni Pareng Ely yung kantang Elesi.
Dun yata ako ginutom sa super lakas na hangin. Tamang-tama, malapit na sa San Francisco, dun naman talaga ako hihinto at kakain. Kaya ayun dumaan muna ako sa downtown para mag to-go sa Jobilee. Nakita ko pa nga dun si Alma Moreno. Sabi sa kanya nung nasa counter, "Ma'am for here or for take-out?" Sagot ni Ness, "ah eh... for Vandolph!" Talaga namaaaan. Me paningit pang cahupoy at kopong-kopong na joke.

Pagkatapos akong pabaunan nung tindera ng balde-baldeng gravy, diretso na ako sa me Vista point sa me Golden Gate para dun magpahinga at tsumibog. Pero sempre, bago ang lahat, posing posing muna. Kelangan magpa-kodak para me remember.

Matapos ang walang katapusang pagda-drive at rest area, nakarating din ako. Grabe ang driving teng. Pagkalampas ko ng Mt. Shasta, umpisa na ng sign na sinasabing PORTLAND. Nilubugan na ako ng araw, di pa rin nauubos yung sign, walaaaang katapusan. Ngarag na ngarag ang lolo mo. Sayang talaga, wala akong baong EraseYourHead CD. Kasi kung gusto nilang mag-drive, ako ata nagsawa bigla.

Ilang araw na nga ako dito sa bago kong kuta, ngarag pa rin ang byuti ko.

May 27, 2008

Me Libre Kan Tutpik!

Galing na naman akong dentista. Kung dati libre ang tutbras, ngayon me libre kan tutpik naman. Sinasagad ko kasi yung benepisyo ko bago pa ako lumipat ng raket.

As usual, kabado na naman ako. Kasi bukod sa regular na pasta (hindi spaghetti) eh bubunutan pa daw ako. Yun daw kasing isa kong molar eh durog na, di na madadala sa are-areglo ng pasta.

Para nga akong bata nung tinanong ko kung "dok pwede bang walang turok?" Natawa pa si dok at sabi "Sige, kung gusto mo na itatali ka ulit namin.." E susko, para naman akong nasa saykopatik kapag nakatali sa upuan katulad nung nakaraang session. Kaya, sige payag na akong turukan.

Unang turok pa lang, para nang kagat ng langgam. Langgam na kasinlaki ni mazinger z. Napilitan tuloy akong hawakan nung assistant nung napa-igtad ako sa sakit.

Ayun, naroong ginamitan ng kikil ata yun, kasi parang kinakayod ng husto ang bagang ko. Gumamit ng plies, pinilit hilahin. Sabi ni dok sabihin ko lang daw kung masakit.

Walangya, me anasthesia na nga masakit pa. Kaya sabi ko, dok...masakit.!Tinurukan na naman. Sabay kaskas ulit sa bagang ko. Dok masakit pa din! Turok na naman. Sabay hila sa gilagid ko. Dok masakit pa din! Tinurukan ulit. Sabay hila ulit sa bagang ko. Dok masakit pa din! Tinurukan ulit.

Ayun di ko na nararamamdaman yung kagat ng langgam. Kasi pakiramdam ko anlaki laki na ng nguso ko, mas malaki pa ke mazinger z.

Di ko naramdaman nuung sinusungkit nya yung sirang molar. Kaso ramdam na ramdam ko naman ang pamamaga ng nguso ko. Ewan ko ba, yun bang ramdam mo na namamaga yung nguso at gilagid mo walang sinabi yung nguso ni Angelina Jolie, pero pag hinawakan mo naman, hindi mo makapa. Pakiramdam ko nawawala yung nguso ko.

Matapos ang humigit kumulang, nahila na din yung natitira kong durog na molar. Kukunin ko sana souvenir kaso ayaw ni dok. Dahil sya daw ang bumunot noon, property nya na yun. Kanya daw souvenir. Hmmpt. Damot.

Kung bakit kasi di na lang ako nagpabili sa Blumentritt nung ibinebenta sa bangketa. Yung ipinapahid mo lang sa gilagid kung saan me masakit na ngipin. Pagkatapos mo ipahid yung "langis", kusang nalalaglag yung ngipin. Kaso mo, pati yung healthy na ngipin, nalalaglag din.

Saka na lang siguro kapag kelangan ko na ng pustiso. As for now, papaputukin ko muna itong lumolobong nguso ko.

May 21, 2008

Holdap!

Grabe yung holdapan kamakailan dyan sa atin, ni-holdap na nga yung bangko, tsinugi pa yung mga empleyado. Grabe, me pera na nga eh, nakuha pang patumbahin yung mga wala namang kinalaman dun sa pera ng bangko.

Ayoko sanang haluan ng medyo madrama o kung anupamang ekek itong blog na ito, kaso di ko maiwasang di magkumento.

Kasi naman, naalala ko din nung nasa Pinas pa ako. Ilang beses din yata akong naholdap sa bus. Dalawa lang ata. Yung perstaym ko eh galing akong Timbuktu kasabay ko pa yung ate ko at yung asawa nya. Pagsakay pa lang sa Barakolandia, napansin ko yung isa na me parang hinihithit, medyo kinabahan na ako. Ayun nga, pagdating sa South SuperDuper Highway, me parang nag-aaway at nagsisigawan sa me bandang harap. Dahil sempre, lang-magu to-its, yung mga alahas ko at relo, hinubad ko at isinuksok ko dun sa me mga singit singit ng upuan.

Ayun, holdap nga pala. So dahil mabilis ako nakapag-esep esep, walang natangay sa akin ang mga ungas.

2nd time ko naman, nung sa Gapo na ako humahada ng "wanna buy watch Joe?" type na raket. Papunta ako ng Manela para makita ang aking mader dear galing isteyts. Sa me San Fernando, Pampanga, me sumakay na maraming mga kelots. Nagkatinginan pa nga kami nung isa. Parang pamilyar kami sa isat isa. Di ko malaman kung bakit. Parang nag ala Madam Auring ako kasi me naramdaman ako.

Papasok pa lang sa North ExpressDupress Way, me pumara. Bumaba sabay kumaripas ng takbo. Nagkatinginan lahat kaming nasa me bandang una kasi kakasakay lang nung bumaba. Sabi ko, "brad, baka naman naglagay lang yun dito ng bomba ah?" Uso kasi ang bombahan nun, yung pinapasabog ang mga bus, bukod pa sa mga bomba sa pelikula.

Kinabahan kami lahat, pero dedma lang ulit. Ayan na po, pagpasok pa lang sa highway....

Holdap!Holdap! Pera o Puri!!!

Anim sila na de baril at 2 sa kanila me granada. Meron atang isa, dinamita ang dala. (O sige joke lang yung dinamita, ano kami, isda?) Grabe parang bigla kong naisip na magsigarilyo. Di ko na inalam kung totoong granada yun o lighter lang, mahirap na. Mukhang mga beterano pa naman kung kumilos, maliban dun sa isang bumaba at nagtatakbo na kasamahan pala nila.

Unang pasada, isa isang kinapkapan, pati mga bag. Yung isang ale, nag-inarte. Kesyo nasa ospital daw yung anak nya kaya kelangan nya ng pera. So dahil subalit datapwat ngunit pero because likas namang maawain yung holdaper, yung nakuhang 5,000 sa kanya, isinoli yung 3,000. Bait nya no? Sana kunin na sya ni Lord!

Ako, wala, barya lang, WW ako eh (walang-wala). Nung second wave (galing no me second wave pa), yung aleng nag-inarte, me secret pocket pala yung bag, at me lamang 10,000 pesoses. Nabwisit tuloy sa kanya yung mamang holdaper, kasi natimbrehan nya na ginogoyo lang sya.

"Walangya ka, drinamahan mo pa ako, maluha luha pa naman ako sa yo.." Ayun binawi lahat ng datung nya.

Ako naman, nakapa sa bulsa ko salikod yung aking Press ID. Dati kasi akong nagsusulat sa TikTik Magasin. Heheheh. Kaya nung makita yung ID, "Tang$^% ka! Press ka pala ha?! Baka bukas, isulat mo kami ha?" Sabay suntok sa tyan ko. Punyemas, nabanatan pa ako. Hirap talaga ng takaw-bugbog.

Tiba tiba ang mga ungas. Pero dahil nga maawain naman sila, lahat halos eh binigyan ng pamasahe. Ambait talaga! Ako di na ako humingi, kasi baka maupakan na naman ako.

Nung makababa na sila, diretso sempre kami sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis patola. Habang iniinterbyu kami, yung isa tawa pa ng tawa. Sabi ko, "brod, bat parang ansaya saya mo pa? Eh naholdap na nga tayo."

"Eh kasi binigyan ako ng pamasahe nung holdaper, 100 pesos." sagot nya.

"Eh ano naman ngayon?" tanong ko ulit.

"Eh kundi ba naman tungak yung mga yun, eh singkwenta pesos lang ang nakuha nila sa akin. Mwahahaha (tawang ala Romy Diaz)"

"Walangya ka, kumita ka pa ng tapwe. Penge palang bente pamasahe?" ako ulit.

"Eh ikaw ba, magkano nakuha sa yo?" tanong nya.

"Bente."

" O sya, etong bente mo, kawawa ka naman." "Apir!"

May 14, 2008

Haaayyy!

Nau-uryong na naman ako.

Two weeks na naman akong mala curacha, walang pahinga. Kasi naman yung isang kapalit ko sa trabaho, bigla na lang nag-quit. Wala tuloy ako pamalit. Tuloy di ko magawa yung ibang bagay na kelangan kong tapusin.

Pati yung mga anik-anik ng mga sites ko di ko mai-update tuloy. Kasi pagdating ko sa bahay, antok na antok na ako. Pati mga tubal (lamog, maduming damit) ko di ko na malabhan. Kaya ata walang gustong pumasok sa utak ko, di tuloy ako makapagsulat ng mga mala-impaktong pampadugo ng ilong.

Di na ako makatulog ng mahaba. Dati rati, ansarap ng tulog ko. Dahil pang-gabi ang byuti ko, pagdating ko sa bahay ng alas otso ng umaga, kakain lang ako ng breakfast, diretso ng tulog. Gigising ako nun, alas diyes na ng gabi para maligo at dumiretso na ulit sa trabaho. Sarap ng tulog. Dire-diretso, 14 hours.

Ngayon, maswerte na ko makakuha ng 6 hours sa dami ng aayusin at iisipin.

At dahil wala na nga akong ka-substitute sa trabaho ko, 2 weeks akong diretso na walang day op. Tapos me ppasok pang isang kumag na bago, sempre ite-train ko pa yun. Di bale kung mabilis maka pik-ap. Eh kung eng-eng? E di mas masakit sa ulo.

Mahirap din naman ang mag train ng bago, lalo na at walang experience. Kasi umpisa kayo sa zero.

Hay naku, buraot pa rin.

May 8, 2008

Starbaraks

Pwede sa akin ang decaf. Pero di talaga ako sanay sa regular na kape.

Sumakit ang batok ko kanina. Wala kasi akong magawa kaya, naisipan kong magkape. Wala naman kasing pangalan yung lalagyan kung decaf ba o hinde kaya nagbaka-sakali na ako. Pagkainom na pagkainom ko, bigla kong naramdaman na me gumuguhit sa batok ko. Yun ata yung mga ugat ko. Pati ang mga nerves ko sa katawan, nararamdaman ko na tumitibok at pumipitik. Grabe tama ko sa kape. Hyper ang katawan ko. Kape pa lang yun ha?

Ewan ko kung bakit ganun. Wala naman akong hypertension. Basta ganun ang epek ng kape sa akin minsan. Isip isip ko kung me bagay na nagpa high blood sa akin bago ako uminom ng langyang kape na yun. Wala naman. So kape talaga ang salarin.

Bata pa kasi akong regular na manginginom ng Nescafe tuwing umaga. Sya din ang pinaghuhugasan ko ng pandesal na me palamang Dari Creme. Minsan Star Margarine din para daw tumangkad ako, kaso wa epek naman, di naman ako tumangkad.

Pag tanghalian at hapunan naman, kasama ko din ang kape. Pag walang Nescafe, okey na rin kahit Great Taste. Depende sa ulam. Pag paborito ko ang ulam (pritong galunggong na tustado), yun di pwedeng wala akong kape. Kasi sya ang ginagawa kong sabaw sa kanin. Lalo na at bahaw ang kanin. Rapsadudels!

Kasi naman di pa ata uso noon ang mga decaf decaf na yan. Di uso ang health conscious noon ano.

Kaya siguro ngayong tumanda na ako, lumalabas ang epekto ng pagiging adik ko sa kape. Konting kape lang, lakas tama na ako at super hyper. Pati yata mata ko nakamulagat agad parang cartoons.



Kaya kahit masarap mag Starbaraks at umorder ng singol shorts nanpat banila lattey o kaya naman ay tol mokha parangalpaccino araw-araw, hindi na. Baka hindi kayanin ng powers ko, masapak ko kasalubong ko.

May 5, 2008

Lang-magu To-its!

Minsan mahirap din kapag ang mga kasama mo eh puro magugulang (street smart po). Kasi lahat kayo magugulang, walang pwede malamangan. Pero paminsan minsan, pipilitin at pipilitin ng ilan na manggulang (manlamang) hanggat makakalusot. Kung makakalusot lang naman! Kung pupwedeng kitain ang pera sa madaling paraan, gagawin, hindi pagpapaguran.

Matagal na din naman akong hindi nakakauwi, pero hanggang ngayon sikat pa rin ang Recto. Kasi naman kung ang mga kolehiyo ay tinatawag na diploma mill ng ilan, and Recto ay literal na pagawaan ng mga diploma. Gusto mo, sa Harvard ka pa grumadweyt, pwede dun, meron din sila.

Madalas din ako noon dun. Pero hindi para magpagawa ng diploma, kundi ang magpagawa ng mga registration papers tuwing enrollment. Kasi naman noon, wala pa akong computer, sila meron pati mga scanner at kung anu ano pang gadget. Nagpapagawa kasi ako dun ng mga papeles na pang enroll.

Para sempre, mailagay ko dun sa mga papeles ang presyong gusto ko. Kung ang enrollment fee ko ay 12,000 pesoses, ipapalagay ko doble. O di ba, sarili kong magulang kina-katkongan ko. (Katkong tawag dun sa "cut" at/o patong)

Kaya naman tuwing enrollment, paldo ang lolo mo. Psst isang round pa nga!

Ngayon, di lang diploma marami dun, lahat ng raket meron. Lalo na ang mga murang cellphone. Alam na natin kung san galing yung mga yun. Kaya nga hindi ako magtataka kung makakabili ka ng iPhone dun. Ganun sila katindi.

Ewan ko na lang kung sa Luneta eh tuloy pa din ang mga raketeers. Kasi madalas noon, me mga "photographers" don na nakapwesto. Mag-aalok ng piktyur piktyur sa mga tatanga-tanga. Ang ulaga naman papayag sempre, magpapa-piktyur para ika nga me remember. Hihingan ni potograper si tanga ng deposit. Kasi nga naman, baka pagbalik ng potograper e wala na sila, malulugi nga naman si potograper di ba?

E di po-pose na yung mga pipiktyuran, ala pang FHM, sasabihin nung potograper...

"say Cheese!"
"okey, good.... one more... 1....2....4!"

"Klik! Kilik! Klik!" "Klik pa ulit!"



Ang di alam nung tatanga-tanga, wala namang lamang film yung camera, flash lang!

Kaya, hayun, ang kawawang pobre, gabi na, naghihintay pa dun sa me skating rink, hinihintay yung piktyur nila. Ang dehins nila alam, sa Timbuktu na dine-develop yun. Ang potograper, kung hindi nakauwi na, andun sa underground ng Luneta at nagpapalipas ng oras. Kung di mo alam, me underground po sa Luneta. Yung mga nakikita mong parang bilog na takip na parang papunta sa sewer system? Yung mga manhole? Me mga kwarto po dun na parang opis.

Dun kasi ako nag-oopisina noon kaya alam ko.

Mahirap ang nanlalamang sa kapwa. Lahat ng bagay umiikot at bumabalik. Ang tawag ng iba dito, karma. Pero sa totoo lang, natural ng ikot yun ng buhay.

Kaya naman natawa din ako nung mabalitaan ko itong isang pinsan ko, natural kasi na wais daig pa si Lumen. Minsan naglalakad sya papasok ng mabundol sya ng isang kotse. Daplis lang naman pero sempre natumba sya.

Nung matumba sya, parang me nag-spark na bumbilya sa kanyang brain. Kahit na walang masakit, nagkunwari syang me nararamdaman. Para nga naman bayaran sya ung nakabundol sa kanya. So ayun, sakit sakitan ang lolo mo. Dinala sya sa ospital. Siguro iniisip nya, kunwari magsa-shock shockan sya.

Ayun, nung dinala sa ospital, sempre check ap check ap. Wala namang bali or kung anupaman. Pero dahil sempre check ap, me nadiskubre ang doktor. Meron daw pala syang tuberculosis.

Ang galing ano po?

May 3, 2008

You're so Kadiri

Hay naku. Day off na naman. Bihira naman na akong mag off na ulit. Ngayon, nakakainip na naman. Nakakaburaot. Obvious ba na wala na naman ako magawa? Kasi nagpo post na naman ako sa mga kablogan ko.

Heto na naman ako. Pagkatapos ko paliguan si Tagpi, petik petik muna ulit. Ayoko namang lumabas kasi mainit na dito. Kaya tambay na naman ako dito sa lungga ko. Nakakatamaaaad!

Pati pagligo, tinatamad ako. Di bale, yung brief ko ililipat ko na lang sa Side B. Yukkie.

Sempre me naalala na naman ako. Dati kasi sa Dimasalang, sempre pag wala magawa, nakatambay lang. Minsan, nakaupo lang ako sa tambayan namin. Pa yosi yosi, nagpapaka pilosopo, nag-iisip kung bakit ako ipinanganak, nagbibilang ng sasakyan, at namimintas ng mga dumadaan.

Di ko napapansin, napapakamot ako. Parang me lamok na dumadapo sa batok ko. Maya maya pa, nakikita ko yung ibang mga tropa ko, na kanda ihi sa kakatawa sa akin. Sabi ko, bakit, ano nakakatawa? Wala lang, tawa lang sila ng tawa.

Dahil nakakahawa naman talaga yung hagalpakan nila, tawa din ako. Kahit di ko alam kung bakit.

Hanggang mapalingon ako. Yung isang tropan namin, walangya! Walang t-shirt, at naghihilod ng kanyang katawan gamit ang kamay at naglilibag. Kada hilod nya, binibilot nya yung kanyang libag ng kanyang daliri at ibinabato sa akin.

Hinayupak. Yukkie talaga. Kaya pala. Muntik ko na masapak ang kabron.

April 28, 2008

Dedma Lang

Bago pa ako naging buraot at pakelamero, wala akong paki. Bata pa ako nun, dedma lang ako. Walang pakelaman. Blaha ka sa buhay mo. May sarili akong mundo.

Kuntento na ako sa mga laruan kong ginagawa lang. Kung meron mang binibili hindi naman kamahalan di tulad ngayon na ang mga laruan ay super hi tech. Mga trumpo, sumpit, teks, goma, holen, sipa. Yang mga yan binibili.

Me mga laruan naman kami na di mo na kelangang bilhin, pupulutin mo lang kung san, me instant toy ka na. Mga tansan ng sopdrink, pwede mo pitpitin at gawing paining. Nalimutan ko na tawag dun, pero pinipitpit namin yun at nilalagyan ng butas sa gitna, lalagyan mo ng tali at hihilahin mo iikot na sya ng mabilis na mabilis. O kaya yung mga palara at kaha ng yosi, ginagawa naming play money. Mas mahal pag Phillip kasi green parang dollars.

Ang intercative games namin ay good for the health kasi libreng exercise pa. Mga tumbang preso, patintero, tyato, habulan, luksong baka, moro-moro, pwede ring suntukan ala fight club ni Brad Pitt.

Pag medyo pang petik lang, pwede na ang kindergarten at bahay bahayan.

Pinaka type ko sa lahat yung moro-moro. Kasi ang version namin parang rugby football, bugbugan. Kaya madalas nauwi sa suntukan. Kahit pag recess, laro kami. Kaya kapag makikita ng titser namin na gula-gulanit na mga uniform namin at nagpuputik na mga mukha namin, pare pareho kaming nababatukan at dinadala sa guidance office.

Wala lang, naaalala ko lang nung bata kasi kapag bata ka pa, wala ka pa talagang pakelam. Kahit pa nagkakagulo na, dedma lang ako. Ewan ko sa yo. Siguro nagkaron lang ako ng concern nung ipina-ban ni Marcos yung Voltes V sa tv. Yun medyo napa isip na ko. Kaya kahit uhugin pa ko, gusto ko na rin makirally sa edsa nun. Kaso bawal daw ang bata sabi ng nanay ko kaya hindi rin ako naka punta.

Kaya ayun, nakuntento na lang ako dun sa mga tau-tauhan ko.

April 7, 2008

Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Heto na po ang sinasabi nilang delubyo. Kung di mo alam ang delubyo, itanong mo muna sa lolo mo. Mula sa pinagsama-samang hanging amihan at habagat mula sa mga aplaya ng Timbuktu at mga masamang hanging nagmula sa kumukulong tyan ni BURAOT... ang pinaka pautot ng mga pautot.

Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Yahoooooooooooo!

Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa April 01, 2008.

Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.

Ano ang kelangang gawin para makasali?

1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.

Example:

"Dear Lolo Buraot, napili ko po ang iyong post na Powder o Lotion dahil nakapagbigay po ito ng patok na ideya para makapag-libang. Oks. Babu.
"

2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
4. Ikabit ang link ng site na ito gamit ang bagong url na www.kopongkopong.com.

5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges. (ako yun)

Ang Premyo? Kelangan ba meron? (Nyehehhe. Joke lang.)


Pagsapit ng alas dose ng gabi empunto ng October 31, 2008, sarado na ang botohan. Pyesta ng mga patay, ay bobolahin na ng mga hurado (ako ulit yun) ang mga sumali. Within 3 to 5 days ay ipapaalam na natin kung sino ang mga wagi. Ang tatanghaling mga maswerteng mga nilalang ay makakakuha ng premyong sumusunod:

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:

a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)


Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above


Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT


Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.

Last date of entry: 11:59 PM, October 31, 2008 PST (sori, kelangan oras dito sa aking hide-out and susundin)

Babala/Paunawa/Paalala/Pahabol/P.S.:

* Kailangang may blog ka na gumagana na noon pang January (sorry pow)April 01, 2008 o mas luma pa.
* Kailangang may paypal ka para maipadala sa yo ang sandamakmak na sampera. Kung wala kang paypal, gumawa ka ng account. Sayang ang ibabayad sa western union.
*Ang mga premyo ay non-transferable (ibig sabihin di ko pwedeng i-transfer sa yo. heheheh. joke lang. ibig sabihin, kung ikaw ang nanalo, sa yo ko lang pwede ibigay di pwedeng mo)
* Kailangang nakaka-intindi ka ng Tagalog.
* The promotor have all the rights pertaining to the rules of this promo. Per DTO permit 02-10.
*Bawal Omehe Deto! Ang Mahole Bogbog!

Para sa mga dagdag na tanong, reklamo, epal, mag-comment lang dito o mag-email sa buraot101@gmail.com.

Hala, game na!

April 5, 2008

Palatastas #12: Dotcom na Ako!


Kung napapansin ninyo mga repapits, iba na ang url nitong site ko na ito. Finally, sa pangungulit nung isang tabachingching dyan, eh bumili na ko ng domain. Sya na rin ang tumutulong sa akin na ayusin yung mga templates ng mga sites ko.

Salamat sa patuloy na pangungumbinsi ng mga trops na tumatabo na ng sandamakmak na salapi mula sa pagba-blog at naisipan ko na din, matapos ang ilang gabing puyat, na gawin nang dotcom ang mga blogs na ito.

Syempre special mention sila dito. Sila ay sina:

Pinoy Ambisyoso
Kotseng Kuba
Itot
Reyna Elena
Manilenya
Bluepanjeet
PinkBiik

Kung me nalimutan ako ma mention, sensya na tao lang.

Tutal recession na dito sa pinagkukutaan ko, kelangan na ng ekstrang raket. Sa ngayon ay nag-aayos pa din ako ng mga anik-anik. Mga forty payb years siguro tapos na. Kasi naman sa dami ng sites ko, wan tawsand syete mil din ata yung mga anik anik na nakasalpak.

Kung kaya naman, kung sinisipag ka, paki-palit mo na lang yung link ko ha? Mula sa www.kopongkopong.blogspot.com, gawin mo nang www.kopongkopong.com.

Ulet...... www.kopongkopong.com

Pag natapos na ko mag-ayos, magpapakontest din ako para bumalik yung technorati link ko na nawala. Biruin mo naman, mula sa 163 na link, heto bokya ako ulit.

March 22, 2008

Ang Kyut Pakurot!

I know I know. Linggo na ng pagkabuhay sa atin. Pero dito sa pinagkukutaan ko, Sabado de Gloria pa lang. Kung kaya bawal pa rin ang karne.

Tapos na rin ang nagpe-penitensya. Pero me pahabol pa ako. Nung bata pa kasi ako, dahil lahat me kanya kanyang style ng pahirap sa sarili para makabawas ng kasalanan, sempre kahit bata pa kami, kelangan me kontribusyon din kami. Ang lagay eh sila lang?

Kung kaya nagpunta kami nung bespren ko dun sa nakaparadang kotseng bulok nung kapitbahay namin sa Dimasalang. Dahil luma at walang susi naman, nakapasok kami dun, isinara namin ang bintana at nagkulong kami dun kahit di kami makahinga. Tumambay kami dun hanggang sa kakayanin namin. Para sa amin, malaking pahirap na yun sa min, kasi ayaw na ayaw namin yung kotse na yun.

Yung kotse kasi na yun, ala pang Bonnie en Clyde pa ang dating. Isang turnilyo na lang, bibigay na. Kung kaya yun ang naisip namin, kasi yukkieng yukkie kami dun. Makalipas ang tatlong oras, di na namin kinaya kaya lumabas kaming naliligo sa pawis at halso hinihika na. Yun na. Yun ang aming penitensya.

Kung ikaw naman ay blogista, eto suggestion ko na pang- penitensya mo.

Maghanap lang ng 20 to 100 na kakilala mong bloggers at mag set ng eyeball. At bilang penitensya mo sa mahal na araw at pambawas sa mga kasalanan mo na pangongopya ng mga post nila, lahat sila kukurutin ka. O di ba kyut?

Pero ang ipang-kukurot nila sa yo, nipper. Tapos, ako magdadala ng water gun at lalamanan ko ng alkohol. Pagkatapos ka nila pagkukurutin, iisprayan ko nung water gun kada pinagkurutan.

Ang kyuuuut! Pakurot!

March 13, 2008

Sakit Chupoy

Parang kakagising ko lang nang mapansin ko na mahigit isang linggo na naman pala akong walang post. Tinamaan na naman kasi ako ng walang kupas na lagnat bata trangkaso.

Lagnat na umaabot ng 500 degrees, katawang parang nabugbog sa hazing, ilong na parang walang butas sa sobrang barado sa bibig ka na lang humihinga kung minsan sa tenga, pag hindi naman barado bumabaha naman na basta na lang sya lumalabas na parang gripong naiwang bukas o kaya ay linya ng Nawasa na maraming butas....

Hatsing na sangkatutak para syang baby armalite, ubong para kang inaatake ng hika na mukha ka nang hinahapo na asong gala, sakit ng mga siko, tuhod at mga kasu-kasuan (joints po yun), sakit sa ulong parang minamartilyo, minamaso at ginagamitan ng drill, madalas bigla ka na lang giginawin na para kang mina-malaria o kaya naman e parang me humahaplos sa yo na mumo. Oo ganun.

Grabe. Hirap ng me sakit. Wala pa naman nag-aalaga sa kin dito.. (paawa)

Sa totoo nga lang, mas gusto ko pa mabugbog kesa magkasakit. Eh kasi nga takaw-bugbog ako kaya sanay na ko dun. Sisiw! At least yun, muscles mo lang ang masakit. Eto buong katawan, pati mga atay at balun-balunan mo masakit.

At sempre pag me sakit ka pa, magde depress depressan ka rin. Kesa naman mag senti na naman ako dito at pahirapan ko sarili ko, tamang imagine na naman ako at pilit na nililibang at inuuto ang sarili ko.

Naalala ko tuloy si Doctor Kwak Kwak. Naisip ko tuloy kung sino nga ba yun at kung sino nag-imbento sa kanya. Siguro, pag magaling na ko, hahantingin ko din sya tulad ng paghahanting ko ke Kopong Kopong. Naalala ko din namang kontakin si Ernie Barong, baka me suggestion syang remedyo sa mga problema ko. Kaso naalala ko din, matagal na nga palang nag-Saudi yun na walang balikan. No choice ako kundi hanapin na lang si Doctor Kwak Kwak.

Alam ko noon, me walang kamatayang mala-cachupoy na generic drug para dito sa sakit ko eh. Kisspirin at Yakapsule.

Eto baka gusto mo ding subukan.... Togmolodon? Gusto mo?

March 6, 2008

Kwek Kwek na Lang!

Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.

"How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?"

"Whatever," sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. "ok, medium rare."

"What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob..."

"Whatever... ok veggies." hay dami choices, nagka migraine na ata ako.

"How do you want your bread, white or wheat toast?"

"Whatever... white." Nagugutom na talaga ako.

"What drink would you like.. we have..."

"Okay okay! Just coffee!" lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..

"You want regular or decaf? For regular coffee we have.."

"You know what? I'll just have water. Tap water." Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..

"Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine... what would you prefer? caber..."

"Okay okay!!! I changed my mind! I don't want it anymore. Too many choices. I'll just have spaghetti instead."

"Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have..."

"You know what? Forget about it.. " Kaasar. Busog na ko. Taena.

Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.

Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.

Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view...

Miss ko na ang kwek kwek.

March 3, 2008

Tulog Mantika

Ewan ko ba. Lahi na ata namin talaga nuknukan ng sarap matulog. Tanghali na at tirik na ang araw, tulog pa rin.

Noon sa bahay namin sa Dimasalang, dahil nga sangkaterba kaming magkakapatid, hiwalay ang kwarto ng babae at lalaki. Ang kwarto ng mga babae, malinis palagi maliban sa kalawanging arinola na naka istasyon doon kapag gabi na. Ang kwarto naming mga lalaki, ubod ng kalat. Maghapon magdamag, ni magtupi ng kumot walang gumagawa. Kasi naman, tanghali na lahat kami kung bumangon.

Tirik na tirik na ang araw, nakababad pa sa kama. Minsan nga, palubog na rin ang araw, dun lang magigising. Kahit pa nga nagkakasunog na, sarap pa rin ng tulog, para lang nananaginip. Pag me lindol naman, mas lalo pang napapasarap kasi parang pinaghehele lang. Tulog mantika talaga.

Lahat kasi kami, me mga nunal sa batok. Naks, habulin ng tsiks! Ganun daw pag me nunal sa batok. Actually mas tutut ata yung takaw-tulog.

Nalaalala ko pa nga. Kapag bumanat na sa TV yung 3 o'clock habit, kelangan ko na gisingin yung iba, kasi kinakabahan na ang nanay ko. Baka daw hindi na humihinga yung iba.

Minsan, napasok kami ng magnanakaw. Mga akyat-bahay. Napag-alaman yata na sobra kaming sasarap matulog. Wala man lang sa aming nakaramdam, ubos na ang gamit. Yung isa kong kuya, kung makatulog naka-alahas pa ata. Basta ang alam daw nya, suot suot nya ang relo nya ng matulog, ultimo paghuhubad ata ng relo nakatamaran pa.

Ayun. Paggising namin, ubos na ang gamit. Pati yung suot suot na relo ng kuya ko, natangay din. Grabe. Grabe kung matulog.

Kaya sensya na pipol. Napasarap ata ng husto tulog ko. Kala ko nga tuloy tuloy na gising ko, naalimpungatan lang pala. O hayan me post na ko ha? Pwede na uling matulog.

February 21, 2008

Palatastas #11

Okey! Okey! Gising na ko...

Di ko malaman kung hibernate mode ako o hiatus.. tagal ko kasi mag-post. Para kasing me hang-over pa ko. Di ko maisip na naman kung ano ipo-post ko. Sarap kasi matulog lang ng matulog *ahem*.

Para lang masabing nagpo-post ako kaya eto. Palatastas muna ulit.
1. Wala na po ang blog na ito sa entrecard. Nabisto rin nilang puro Tagalog pala ang laman nito kaya kung si Reynz, nilaglag nya ang entrecard, dito, ako ang nailaglag. Hayufff. Dami pa naman na noypi na me entrecards. Pero ayoko namang mag-spokening Mekeni dito, gusto ko Tagalog lang. Nosebleed na nga yung ibang blogs ko, pati ba naman ito. Kaya kung ayaw nila wag nila!

2. Until further notice muna ang aking dotcoms. Hindi umabot ng valentayms kaya extended na muna ulit ang opening. Di ko pa maasikaso kasi. Kung mag-post nga ng blog di ko maharap ngayon, mag dotcom pa. Saka na lang ako magpapayaman tulad nina KotsengKuba, Itot at Ambo na me account na sa Banco de Reyna.

Ala ay yun laang naman.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz