Ipinapakita ang mga post na may etiketa na alamat ng tropang x. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na alamat ng tropang x. Ipakita ang lahat ng mga post

July 17, 2008

Byahilo sa San Pablo

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X")

Katatapos lang ng mid-term. Kahit na minamani lang namin ang mga exam, sempre kelangan pa rin naming i-relaks ang aming brain. Kaya sempre pa, bakasyon muna ang tropa. Dahil sempre kakaiba dahil kami ang bida rito, kailangan yung gimik namin mala-impakto rin.

Napagkaisahan ng trops na dun na lang muna kami kina Kitkat sa San Pablo, Laguna mag-relak. At dahil medyo malayo ng konti sa Maynila, at para me adventure din, napagkaisahan naming wag nang dalhin ang Wrangler na pang-harabas ni McGyver, commute na lang kami.

Nang hapon ding yun, nauna na sina Kitkat, Omar at McGyver. Nakanaks, me advance party. Ang maganda sa min, kahit di pa kami nakakarating sa lugar at kahit walang direksiyon, address lang, okey na. Para ka lang naghahanap ng Yamashita treasure.

Naalala ko tuloy nung dumayo ako sa baksyun nina Bekbek dun sa Pangasinan. Sabi ko susunod ako, akala nila drowing ko lang yun. Walang address-address basta pangalan lang ng bayan at apelyido nina Bekbek, larga na ko. At dahil first time ko makarating dun, sa sobrang haba ng byahe, akala ko sa Taiwan na ako makakarating. Nagulat pa sila nung makasalubong nila ako sa plaza, papetik-petik, papitu-pitoo.

Kinabukasan ako bumiyahe papuntang Laguna. Para mas feel, pinapatugtog ko pa ang kanta ng Hotdog na "Laguna" sa aking walkman (di pa uso ang mp3 player nun) na binili ko pa sa Raon. (eh kasi naman sa Quiapo lang ako makakakita nun kasi nga kopong kopong na yun nung panahon namin)

Pagdating ko dun, nakita ko naman kaagad yung advance party. Ganda ng kwarto ni Kitkat, bachelor na bachelor's pad ang dating. Sakto me drum set pa at isang electric guitar at bass guitar. Ayos, jamming. Kaso mo di naman ako marunong mag-gitara. Vocalist sana, kaso sabi nga nung High School principal ko, boses pekpek daw ako. Kaya, wala panis, alalay at band-aid ang labas ko.

Hapon na ng dumating si Amboy. Sempre pa, naka skateboard. Naglaro agad ng bass guitar. Marunong pala magpaiyak ng gitara ang hunghang. Ihampas ba naman sa pader. Gabi na wala pa sina Clapton at Jordan. Tawa kami ng tawa kasi baka naligaw. Hay naku, anlapit lapit ng San Pablo eh. E di lalo na kung sa Batanes namin naisipang magbakasyon.

Madaling-araw na dumating ang mga kumag at namumutla, parang nagpa meyk-ap sa Funeraria Paz. Akala daw nila masa-salvage na sila. Kasi dahil ginabi na sila, naubusan na sila ng bus. At para dagdag na adventure, naki-hitchhike sila sa isang van na papuntang Quezon. Doon daw sila isinakay sa likod at mukha daw mga kriminal yung naangkasan nila. At sa buong byahe daw, nagkukwentuhan yung mga sakay ng parang mga iligal at kung saan nila "itatapon ang mga bata."

Kaya naman, buong byahe silang tameme at kulang na lang ay maihi sa sa shorts. At dahil naawa naman kami sa mga ulol, pinakain na muna namin at di na lang kami gumimik nung gabing yun, dun na lang kami sa pad ni Kitkat at para kaming mga psychiatrist nung dalawang natameme habang nag-inuman. Hik!



Sa susunod: Ang mala-impaktong mga gimik namin mula sa San Pablo, the City of Seven Lakes. O hayan promotion yan ha, Dept. of Tourism, ang lagay ba naman eh.... Hik! pa ulet!

January 9, 2008

Pare Pa-Kiss!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X")

One day isang araw, nakatambay kami ni Clapton sa me gilid ng library. Nakita namin yung mga chikababes, lumalabas ng CR, holding hands. Dahil sempre, iskulmeyt naman, alam namin na hindi sila mga tibo.

Ewan ko ba, bakit nga ba pag mga babae, pwede mag-akapan, at magpuluputan, hokey lang. Hindi masagwa. Katunayan, tanggap pa ng lahat at walang halong malisya kapag papanoorin mo. Okey din naman kahit na sila ay mag HHWW. (Holding Hands While Walking, anokaba!) Pero imaginin mo kung pareho silang lalaki, ano sa tingin mo?

Parang medyo alam na namin ang sagot sa tanong namin. Pero dahil wala na naman kaming magawa, nag social eksperiment na naman kami. So ang ginawa namin, lumakad lakad kami sa catwalk. Ako at si Clapton. HHWW. Pa sway sway pa. Subok lang. Sabay banat pa ni Clapton, gamit ang mala Rey Langit na boses, "Pare, pa-kiss."

Di pa kami nagangalahati sa nilalakad namin, naghanap na kami ng Bonamine kasi muntik na kami masuka sa pinag gagawa namin.

"Yuck, tol kadiri." sabi ni Clapton. "Honga, tumindig balahibo ko. Wag na natin ulitin ha?" Sabay hagalpakan kami ng tawa. Yung ibang mga ekis naman, halos maihi.

Natural ata tayong me diskriminasyon sa balat.

Me mga tropa naman kaming mga badinger-z at mga ex-men. Open naman kami sa mga ganung bagay. Pero masagwa pa rin siguro kung ikaw ay straight. Ewan ko. Basta.

Sabi pa nga nung isang kebigan kong bading. "Siguro kaya kayo takot eh dahil, 1. bading ka din or 2. me karanasan ka na sa bading." Namula ako sa sinabi nya, muntik ko nang upakan (joke lang) trops kame. I-psychologize ba kami. Wahahahah!

(same-o same-o)

Kahit ngayon, in na in dito yung babae sa babae na relasyon, mas in demand pa nga. Pero yung sa kapwa lalaki, open din pero di ganun kataas ang public demand. Katunayan mas gusto pa nga ng mga kelots yung ganun. Kung bakit? Secreeeet.

Dami mo satsat pare. Pa-kiss na lang!

December 6, 2007

Patok na Pik-Ap Lines!

Masyado ako natawa sa mga nabasa ko sa article na Pick-Up Lines ni pareng badoodles sa kanyang site na kwentongbarbero.com. Ito sempre ay mga sikat na pik ap lines na ginagamit o pauso na gagamitin pa lang ng mga kelot para maka-porma sa mga bebots.

Maraming okey, marami ding korniks, marami aprubado at epektib, marami ding sablay. Naalala ko lang yung ibang mga linya na ginamit na ng aking dating mga ka-trops na kadalasan, palpak. Kesa naman gumawa ako ng ala-nobelang comment dun sa site ni badoodles, sempre, ginawa ko na lang post, para pampalaman ng blog. Heheheh. Tenkyu badoodles sa ideya.

Heto na po ang mga mala-impaktong true to life na mga pik-ap lines na siguradong kung hindi papatok eh ikaw eh masasapok. Katunayan, me nasapok na akong tropa dahil dito.

Mala-Impaktong ala Cachupoy na Pik-ap Lines:

1. Miss, ano shampoo gamit mo? (sabay hawak sa buhok nung tsiks) Nung ginamit ito ni McGyver ng Tropang X, kulang na lang kami mismo bumatok sa kanya. Eh papano kung gugo gamit nun.

2. Miss May I Softdrink You? Napanganga lang yung tsik, malamang di nya naintindihan ang kabastusan.

3. Would you like some lollipop? Nung una, medyo mukhang di naintindihan ng chikababes, makailang segundo, mukhang nag-register sa brain, biglang .. Pak! Bumakat yung kamay sa pisngi nung tropa ko.

4. Would you like some ice cream? Parang naintindihan ata, kasi wala namang tindang sorbetes yung tropa ko.

5. Pssst! Haylabyu! Sagot sa kanya nung tsik, "Neknek mo!"

6. Miss, pwede ako, pwede ka ba? Eto ginamit nung tropa kong taga-Timbuktu. Sagot sa kanya nung bebot, "Maligo ka muna kaya!" Wahahaha. Pahiya. Kaya hayun bilang special award, niregaluhan namin sya ng tabo.

Eto, di akalain nung tropa ko na magiging epektib, me nakita kasi kaming yosi girl na koboy, astig na kolehiyala. Lapit sya.. "Miss, pasindi!" Sagot ng kolehiyala, "Sus, style mo! Pasindi.... Kulasa (sempre iibahin natin pangalan para protektahan ang identity) pangalan ko at oo, libre ako."

Yan ang pasok. Walang kiyeme-kiyeme. Di makapaniwala tropa ko. Tsamba!

Kung gusto mo naman ng totoong advice mula sa expert, pasyalan mo itong tropa kong hotchick na si Evilwoobie sa kanyang site. Wag mo kalimutan na sabihing pinadala ka dun ni Buraot para makuha mo yung giveaway na house and lot. Hokey?

November 8, 2007

Sir Mong Mukha Mo!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X)

Yahuuuuuuuuuu!!!

Eto na po kami sa aming second peborit subject, and P.E. Oo, second lang. Para ka namang bago ng bago, sempre first peborit yung recess. Kaw naman, bata pa tayo yun na ang number wan. Kopong kopong pa yun eh.

Tuwang-tuwa kaming mga ekis, sempre makakakita na naman kami ng mga seksing mga kolehiyala na nakasuot malamang ng mga swimsuit na kala mo eh sasali sa Bikini Open o kaya naman eh mga nakasuot ng nagsisikipan at naghahapitan na mga damit na kala mo mga suman na kulang na lang eh isawsaw sa asukal. O kaya naman eh ang kanilang mga nag-gagandahan at nagkikinisan na mga labahita na kala mo eh pino-floor wax at mga legs na naghahabaan na kasinghaba ng sinturon ni hudas.

Sabi sa iskedyul namin, dun daw kami sa gym. Takbo naman kami. Sempre excited. Maya-maya pa dumarating na ang isang lalaking hapit na hapit ang jogging pants na halos bakat mo na ang kanyang yagbols sa sobrang sikip. Athletic daw kasi sya talaga. Naka puti syang t-shirt at medyo maikli ang gilid para daw masilayan mo ang kanyang nagmumurang masel. Sa totot lang di naman masel, kundi dating masel. Ngayon bilbil na. Sempre pa, di mawawala ang kanyang pito na nakasukbit sa kanyang ala-ninja turtle na leeg. Prrrrrrrrrrrrrrt! Foul!

Sya si Mr. Dizkarte. Ang aming PE teacher na parang ultimo eh pinagbiyak na kulangot ni Ben David (sumalangit nawa) at Jimmy Santos.

Prrrrrrrt! Roll call. Ibinigay ang aming mini-kurikulum na tatakbuhin ng klase sa buong taon. Basketball at swimming? Langya, basketbol, e di kami-kami din lang yun? Saka, dun lang kami sa gym parati sempre dahil andun ang court. Hawa.

Me umepal. "Sir, baka naman pedeng unahin na natin yung swimming?" baka nga naman kasi me makasabay kaming chikababes sa pool. "Swimmingin mong mukha mo!" sagot sa kanya ni sir. Tameme.

Yung inaasam-asam naming makita, ala. Akala pa naman namin, sa PE kami makakakilala ng seksing kolehiyala na balang araw eh magiging watot, syota, dyowa, bata, gerpren, mama-san, kakuladidang, kachukchakan at kung anu-ano pa. Sira ang mga pangarap namin. Wala sa PE ang aming hinahanap.

Kaya ayun, ganun-ganun na lang. Kami-kami lang ang nagtitinginan. Tuwing me hihirit, "Hiritin mong mukha mo!"

Kaya naman minsan pag ala kaming magawa at medyo nalulungkot kami dahil wala kaming makitang chikababes pag PE, hihirit lang kami ke sir para mapakinggan ang kanyang magic words, "Magikin mong mukha mo!", buo na ang araw namin.

Tingin mo ba gumaling kami magbasketbol? Ala, ganun pa rin. E sa swimming? Asa ka pa. Bakstrok, saydstrok,isprikitok, anlabo. Sisid lang ang natutunan namin. At sempre pa si sir ang nagturo sa amin nun.

"Sisirin mong mukha mo!"

October 29, 2007

Mga Amasona ng Intramuros

Eto na. Inaabangan na to nung ibang mga buraots dyan sa gilid-gilid.


Ipakikilala ko na po ang mga ma-alamat na mga bebots na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Mula sa isang pagiging strike anywhere, anyhow, anytime at anyone (ooops), sinulsi nila ang aking naghihingalong walang kawenta-wentang buhay na walang katuturan at pinilit na maging isang mabuting mamamayan. Naks.

Sila ang mga mala-impaktong mga amasona ng Intramuros.

Naispatan namin silang tatlo duon sa Batibot na nasa harapan lang ng opisina ng National Press Club. Masarap kasing mag-yosi don dahil malilim at para kang nasa isang maliit na park. Kaya Batibot tawag dun, kasi kamukha yun sempre nung nasa Batibot.

Andyan si Bekbek na sanpits pala ni Jordan. Ganda babae. Seksi. Kaso astang lalake. "ano ha? bakit papalag ka, ha?Baka gusto mo konyatan kita?". Ganun ang dating. Sa ginanda ganda ng mukha nyang mala-sutla at mamink-mink na balat na parang ibinabad sa astringen, astig na astig ang dating. Yun bang magkamali ka ng sasabihin, umbag ang abot mo. Kahit lalaki ka, di ka uubra sa kanya sa suntukan teng. Naku, wag mo na subukan, me nakita na kong lalaki na nabugbog nun. Kahit mga batikang mga fratman, di umubra dun, kaw pah!

Si Ivy, isang dalagang Pilipina na tipikal na kayumanggi ang balat. Maliit din lang kaya di mo mapapagkamalang amasona pala. Cute na cute ang dating. Sweetums kumbaga. Wag mong gagalitin kasi magmimistula syang Pokemon na cutie na magiging higanteng dragon. Wag mo pagsasalitain, malulula ka sa kanyang malalim at matanlinhagang mga banat. Madalas nga di ko na alam pinagsasasabi nya, pero dahil masarap pakinggan at malalalim na parang hinuhugot sa karimlan ng mahiwagang balon, para akong hini-hypnotize. Haaaaay!

Eto pa ang isa, si Shohan, sya ang laging kakabit nung dalawa. Amasona din sya pero sya ang tipong tahimik lang at ngingiti-ngiti. Payosi-yosi lang. Kumbaga dun sa Dating Daan ni Brod Pete, sya yung brader na di nagsasalita. Amen! At dun naman sa bagong version sa Bubble Gang, sya si Michael V na ang dating kapag tinanong mo eh,"Wala!" at pag pinilit mo pa, "Wala, wala, wala, wala, wala, wala!". Tinawag din namin syang "Ang Bababaeng Nawawala sa Sarili". Kasi tuwing makikita namin sya, parang laging nakalutang sa alapaap ang kanyang brain. Parang parating me amnesia. "Ha? Ano kaaaaaaamo?"' Nasan na nga ba ko?"

Sila ang nagbigay daan para makilala ko pa ang isang mas matinding nilalang na magiging karelas ko ng mahabang panahon, si Karina.

Sila din ang umero unong mga kolehiyala na mga amasona na kina-inlaban ko sa kolehiyo. Pero kahit inlab na inlab ako sa kanila dahil sa kanilang mga mala-impaktong style, di ko naman naisip na talunin sila, tropa yun brad.

Oo naman, me pinapalampas din naman ako, anong palagay mo sa kin? Bwakaw sa chicks?

October 26, 2007

Hoy, Mr. Bungol!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X")

Me propesor yung ibang kaklse namin dun sa ibang subject. Di namin sya titser kasi, di naman namin kelangan yung subject nya para grumadweyt, di kasali sa kurikulum namin. Kaya lang masyado sya sumikat sa mga kwentuhan naming mga ekis, kaya, natural kasali rin sya sa wento.

Tawagin na lang natin syang si Mr. Bungol. Kaya yun ang naisip kong itawag sa kanya kasi sa sobrang baba ng boses nya, walang binatbat si Diomedes Maturan. Kung di mo nakikilala si Diomedes, itanong mo muna sa lolo mo kung sino yun. Kase natural, panahon pa ni kopongkopong kumakanta na yun.

Bukod sa sobrang baba ng boses ni Mr. Bungol, kung magsalita yun, parang parating bumubulong at laging sa ilong lumalabas. Para atang kahit di nya ibuka yung bibig nya, makakapagsalita pa rin sya, dun nya pinapadaan sa butas ng ilong nya, ganun. Oo, ganun. Madalas pa nga syang nabubulol at nango-ngongo na di mo malaman.Tingin nga namin malamang totoong ngongo si sir, magaling lang magtago.

Ngalaga! Oo, ara alagang ngongo!

Subukan mong pagsalitain ng "Pag tumayo ang testigo, kay susan tayo!", kung hindi malaswaan ka rin.

Heto ang isa pang propesor na isang pa ring walang kamatayang nilalang na nagturo dun sa kanto ng Intra. Di ko matandaan kung anong subject nya, kung English ba o Humanities, pero ang sigurado ko sikat yun nung panahon namin. Parati syang topic sa canteen, sa mga tambayan, sa mga bilyaran, at sa mga kainang point-point sa Intramuros.

Minsan, nagpagawa yun ng project dun sa isang estudyante nya na Dean's lister. Pina-compose nya ng isang makabagbag-damdaming sulat ke ponsyo pilato na kunwari ang me akda ng sulat eh naholdap at nawala lahat ng mga ID, credit cards, at kung anu-ano pang importanteng papeles na kelangan mong ipa-blotter para me pulis report ka at katunayang nawala nga. E di gawa naman si estudyante ng sulat. Sempre highly-polluting yung ingles kaya pihado mai-impress sempre yung babasa.

Kinamukat-mukat mo, nabuking ng lahat, yun palang "project" na pinagawa ke Dean's lister, eh para pala ke sir. Kasi naholdap si sir at nawala yung mga papeles nya.

Si sir namaaan, di pala marunong mag-compose ng Englesh letter namaaaan. Simple English, cannot do! All he need is to add one letter then borrow two. And to think he's the professor of the school teaching subject English matter? How poor naman his English! How naman can he teach us his teaching if he cannot English spokening, you know?

Kaya hayun, sikat na sikat sya.

Minsan, sa klase, napikon si sir, kasi mukhang sya ang pinagkwe-kwentuhan ng mga estudyante. Tinawag nya yung tatlong nag-dadaldalan. Pinagtutu-turo nya at sinabing, "You, you and you! Both of you! Get out!"

Sabi ng tatlo, ano daw? "Both of us three?" Tawanan ang buong klase.

Sempre mas lalo pang sumikat si sir. Galing kasi naman talaga. Bungol.

October 23, 2007

We Are the Champion!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang X)

"Champion ka talaga tol!"


Parang napapansin ko, niloloko na ata ako ng mga kupal na to. Kanina pa panay ang champion. Nung una, kala ko totoong elib na elib sila sa kin, kung bakit, hindi ko alam. Basta dedma lang ako, baka kasi mga lasing na lang talaga, ako napapag-tripan.

Buhat pa sa iskul, hanggang sa dyip, at hanggang ngayon nga at lumalaklak na kami ng San Mig Lite dito kina Grazie sa Blumentritt at naglilibang mag-pictionary, champion pa rin ng champion ang mga ungas. Lalo na tong si Jordan, seryoso pa kung bumanat, aakbay pa sa kin saka, "hinde tol, champion ka talaga," sabay ngingiti ng ngising aso.

Kaya kahit nababanas na ko, isip-isip ko pa rin kung bakit. At tuwing magkukunot ang noo ko, maghahagalpakan na sila lahat. Alangya, asar-talo ako ngayong gabi na to, ah. Di bale, makakabawi din ako next time.

Sigurado me kabalbalang ginawa ang mga to sa kin na hindi ko nalalaman. Kahit na anong pag-a-agam-agam ang gawin ko, di ko talaga maisip kung ano. Tinitingnan ko nga sa salamin yung likod ko, baka mamya me naka-dikit na salitang Champion! Ala naman. Kinukulit ko nga sila kung bakit. Wala ako mapiga, matitibay, walang tumutuga. "Basta, champion ka talaga, malalaman mo bukas!" Halos mamatay-matay naman ako sa kakaisip. Di bale, malalaman ko din yun.

Pag-uwi ko kasi sa bahay namin, nung buksan ko yung knapsack ko, anakanang teteng! Me lamang mga trophy. Tinalo ko pa si Jaworski sa dami ng trophy. Nampucha, kaya pala ambigat ng bag ko! Nagulat pa nga ako kasi trophy yun na naka-display dun sa library. Langya, mayayari ako nito sa iskul, mapapagkamalan na dinugas ko ang mga to.

Kasi naman, meron akong extra na susi dun sa library namin, kung papanong nagkaron ako, secreeet!, wag mo na itanong, dati ko kasing part time yung mag-akyat bahay. Kaya kahit gabi na at sarado na yun, sumasalisi kami para mag-research. Hehehhe. At nung gabing yun nga, pumasok kami ni Jordan dun. Yun pala ang ungas dinekwat yung mga trophy at inilagay sa bag ko.

Anak ka ng champion! Akala ko ninja na ako, nasalisihan pa rin ako.

Kinabukasan, nung magkita-kita kami sa iskul, "Champion!" sigaw agad nila sa akin. Natawa na lang ako sabay sigaw, "mga ulol!". Tawanan na kami lahat. Alangya! Niyari ako. At yung mga trophy? Andun, naka-display sa bahay namin sa Dimasalang. Para me souvenir ako sa pagiging champion ko nung gabing yun. Balak ko nga ibigay na lang ke Dudut.

Champion!!!! Championin mong mukha mo!

October 18, 2007

Wham! Bam! Bye Ma'am!

Ayan na si ma'am!

Dumarating na nga si Dr. Asarpikon, palinga linga, taas-noo na parang parating me stiff-neck, pero nagkakandirit pa rin kung maglakad.

Si ma'am, matalino din naman kahit papano sempre, psyche doktor, balingkinitan, maputi. O, wag mo nang pag-interesan, baka masuya ka lang. Kasi itong si ma'am kahit dalaga pa, nahuli lang ke Bb. Goldfish ng 50 years. Saka tumangkad lang ng ilang gabuhok ke Prof. Nuno.

Walang uubra diyan kundi si Arnold. Sinong Arnold? Sino pa eh di si Governator. Patay na patay yan dun. Lahat na ata ng pelikula ni Arnold napanood nya. Biruin mo yung niliit-liit nya na yun, type na type nya si Conan da Barbarian. Eh, kasinlaki lang sya nung masel nun sa kili-kili. Baka pag-inat nun, mapisa sya nang di sinasadya.

Madalas nga nyang nai-bibida si Arnold, yun bang parang magka-inuman lang sila nung nakaraang gabi. Para lang silang mag-trops kumbaga. At aminado sya na yung Last action Hero ang kanyang da best. Akala namin man-hater si ma'am. Di naman pala. Me iba lang talagang type. Malamang nga sya ang tanghaling the last virgin ng Intramuros kakahintay ke Arnold.

Nung una si ma'am mukhang okey at mabait. Sa una lang pala. Mukha lang pala. Yun pala me pagka-terror na di mo malaman.

Kahit na halos ka-size lang nya yung patpat na hawak nya, yakang-yaka nyang durugin at pulbusin yun ala FPJ. At wag na wag kang mami-milosopo ha, baka di ka nya matantya at ma-pompyang ka nya ala Erap. At wag mong sasabihing mas malaki ka sa kanya, kayang-kaya ka nyang duru-duruin ala Mike Arroyo. Bhakh oooooooppppppp!



(ang piktyur ay kinupit ko lang ke Tonio na kinupit naman nya sa Inquirer.net)

At huwag na huwag mong kokontrahin si Freud, mapagdududahan ka nyang may penis-envy. (ma'am chauvinist lang po si Freud at ang penis-envy ay na-imagine lang nya sa sobrang kaka-tabako nya. At kung yun pong penis-envy ang center ng Freud Psychology, eto po me pangontra na ko dun, and Buraot Psychology kung saan base sa tatlong dekada kong hands-on na pagre-research, ang mga lalaki po ang me trait na "tits-envy" sa mga chikababes, sorry ma'am di kayo kasama dun sa mga subjects)

Minsan, nasermunan nya buong klase. Parang me malaking krimen kaming nagawa at kulang na lang e ipako kami lahat sa krus. Tindi nga tampo nya sa aming lahat, habang kami naman eh naka-kunot lang ang noo dahil di namin maintindihan ang ibig nyang sabihin. Yung iba, kamot lang sa ulo.

Yun pala, dahil ang topic for the day eh altruism ekek, hinihintay pala nya na me magsabi sa amin na altruism is good for everybody. Na kahit na hindi totoong me ganung bagay, mabuti pa rin ito sa pipol op da world lalu pa't mga Katoliko kami lahat.

Pare-pareho ang reaksyon ng mga mukha namin. "eh tungak ka pala eh," "yun lang ba?" "anak naman ng teteng oo," "alangya,""eh di ka naman nagtatanong eh," "ano kaaaaamo,".

E hindi naman Theo yung subject, Psychology. Talaga naman oo pag sinusuwerte ka oo, daig mo pa ang juma-jackpot at napukpok ng alagad ni kalantiao. Sa galit nya at sama ng loob, wala syang kinausap man lang kahit isa sa amin na para bang sobrang laki ng tampo nya sa amin na di ko malaman na ewan. Walang makasagot ni isa sa amin at makapag-paliwanag, baka kasi ngayong akmang mag-aamok si ma'am eh maduro lang nya kami at maidikdik sa upuan namin. Bhakk oooooopppp!

Wam! Bam! Binalagbag pa nga nya yung pinto at naiwan kaming lahat na naka-tunganga, nagtitinginan lahat na para bang, "ano yun?" Para tuloy kaming apektado na apektado lahat at binagsakan ng langit at lupa. Nung makalabas na sya ng pinto, at ilang segundo na ang lumipas.... "wala na si ma'am!". Bye ma'am.

Yeheeeey! Tara na tol, nood tayo ng sine. Wak na, tambay na lang tayo megamall. O sino sasama dyan? Kameeeeeee!!!!! Ayos, field trip.

October 9, 2007

Ang Daan kay Professor Nuno

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")

Eto na, subject sa Theology. Pagpapaka-banal na naman.

Ngarag na ngarag na ako sa pagpapaka-banal. Buhat pa nung uhugin ako, yun na ata ang ibinigay sa aking hobby. Kaya naman nung medyo tumigas na ang buto ko, pinalaya ko na rin ang sarili ko.

Biruin mo ba naman mula pa elementary, lagi akong bumabagsak sa mga iskul na pinapatakbo ng kaparian. Sa maniwala ka't sa hindi, noon, banal na banal ako, muntik muntikanan na nga akong ipa cannonize sa Vatican. Amen?

Sumusungaw pa lang ang araw, takbo na ko sa iskul kasi magsa-sakristan pa ako ke pader sa unang misa bago ako tumuloy sa klase ko. Araw-araw yun lagare. Tapos sa sabado naman, takbo ako ulit sa iskul para naman mag-praktis ng choir ng simbahan. Eto pinaka-matindi, pag linggo, pagkatapos naming mag-aleluyah sa misa, magkukulong naman kami sa isang kumbento at magdadasal ng abaginoongmarianapupunokananggrasya hanggang hapon para sa aming Legion of Mary.

Pag hindi pa ako natanggap sa langit nun, ewan ko na lang. Amen? Amen naman dyan!

Buti na lang nung kolehiyo, kakaiba. Enjoy ang Theo ko. Kakaiba din kasi ang teacher namin. Eto si Prof. Nuno, teacher namin sa Theology 5000. Seminarista ata si sir. Di mo sya mapag kakamalang basketbol player, iskorer pwede pa. Bansot na bansot kasi, siguro hanggang tuhod ko lang. O sya sige na, palag agad, di naman hanggang tuhod. Sempre kelangan me konting eksahirasyon para naman me wenta tong mga anik-anik ko dito.

Ayon pa nga sa kanya, meron daw siyang mga palaki at mga pinaa-aral na mga bagets. Pilantropo ang dating. Tawag ng mga seminarian "benefactor". Tingin naming mga ekis, ninang.

Pamatay niya kapag nagle-lecture, nakahalukipkip yung dalawang kamay nya sa magkabilang kili-kili. Kahit pag nagsusulat sya sa blakbord, nakahalukipkip pa rin yung isa. At ang boses nya, teng, parang ke wengweng. Ang liit.

Masaya naman kami sa klase nya. Lagi mo pa nga siyang makikita na nakatawa lalo na kapag napapalingon sa amin. Nung una di namin alam. Lalo na at ang ngiti nya eh yung super tamis na mala-bukayo ang dating.

Dun sa iba, lalo na't hindi natatawa sa jokes nya medyo asar ang bruhilda. Me kakilala nga akong taga-Letran galit na galit ke "sir". Kase naman ibinagsak sya kasi mukha daw asar sa kanya. Sabi ko, eh seryoso ka kasi eh, sana nagpatawa ka.

Sa subject nya, kakaiba. Sa halip na sa likuran kami, andun kami sa bukana, sa harapan nya. Syempre, kami kasi ang bida. Kase, sa klase ni Prof, kelangan lagi nya kaming mapapansin, lalung-lalo na yung bunso namin na si Kitkat. Kase naman ...ahahaaay!, mukhang type ni sir.

Kaya kahit puro kabulastugan lang ang gawin namin, panigurado, pasado. Aakbayan lang ni Kitkat yun, patay, laglag na ang panty (tol, sigurado hindi brief suot ni sir).

Kadalasan nga, hinihimas ni Kitkat sa tyan para lang makita namin ang reaksyon nya. Dyosko, parang nasa alapaap. At ang mga tingin nya, parang isang probinsiyanang dalagitang nagtatampisaw sa tabing-ilog at ngayon lang nakakita ng guwapong tega-Maynila.

Wala lang kaming ginawa kundi magkangkarot sa klase at gumawa ng kung anu-anong mga ka-kenkoyan. Kahit yung ibang mga kaklase namin, nakokornihan na at medyo naaasar, si prof naman parating enjoy. Bawat kindat ni Kitkat, nasa ika-pitong langit. Bawat patawa namin, dagdag na grade sa kanya. Kaya si Kitkat, panay ang gatong namin na kausapin si sir. Sempre, sya ang padrino namin ke sir. Fafa!

Kaya kami, sus naman, brad. Kahit iskul bukol, oks lang. Kahit indyanin namin ang klase nya araw-araw, sigurado pasado. Pasalamat nga sila di namin inambisyong maging highest. Kaya namin yun, kaso garapal naman na. Sobrang kapalmuks na dating namin nun.

Saka baka me mag-isip pa na me "iniregalo" kami ke sir. Mahirap na.

October 6, 2007

Flower's Club

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis"


"Oi Clapton asan na? Kelangan ko mamayang gabi yun." tanong ko nung makita ko sa Batibot si Clapton. Ipinahiram ko kasi sa kanya yung membership card ko nung isang linggo, di pa binabalik.

"Ala sa kin, na ke Jordan na ginamit nya kagabi," sagot naman nya.

Ewan ko ba kung kelan nauso yang mga rewards-rewards na yan. Pero bago pa sumikat noon yung ganitong style ng marketing, alam na namin yun. Kasi meron kaming ganito noon pa. Pinaghihiraman namin. Isa kasi kami sa mga stockholders ng Flower's Club.

Kung hindi mo alam yun, naku teng, bumalik ka na lang sa kumbento.

Eto yung membership card sa mga paboritong pasyalan ng mga kabataan. At least nung kapanahunan ko, ewan ko lang sa yo. Madalas kasi kaming pumapasyal ke Anito noon para sumamba, at saka dun ke Aling Victoria para makapag-relax at magpalipas-oras, at sa iba pang mga lugar na me bulaklak sa logo. Tahimik kasi at malamig sa mga ganung klaseng lugar. Masarap magkwentuhan. Opo kwentuhan lang po. Promise.

Simple lang ang style namin, kasi me mga tropa kami sa iskul na mga nene pa kaya, yung mga ibang gimik namin na Rated PG, secret lang. Kami-kami na lang. Wag mong pagsasabi ha?

Nagkataon naman nung araw na yun na me lakad ako. Tapos, alangan ang budget. Kaya kelangan ko yung card. Kasi ang siste dun sa card na yun, kada pasyal mo tatarahan, palaki ng palaki ang discount hanggang sa maging libre na ang huli. Kumbaga sa bingo, punuan ang laban. Eh ang alam ko malapit nang magblackout, bibingo na.

Nung malaman nga ni McGyver na ala akong pera pero me date ako, namrublema din. Sa sobrang bait nya, isinangla namin yung singsing nya na bigay ng syota nya. Para daw me baon ako. Bait ni Daddy.

Maya-maya pa andyan na si Jordan, ayun, kinuha ko yung card. Sabi pa nung dyowa niya na kasama nya, "ala namang wenta yang tropa nyo eh, tinutulugan lang ako." Pinayuhan na lang namin sya na sa susunod, busugin nya muna kasi ng balot.

Basta para sa kin ayos na buto-buto mamaya. Papa-change oil ako. Chuckchak tienes.

Kinabukasan, abang-abang sila sa kin. Excited lahat. Lalo na si McGyver, sempre sya financer eh. "Ano na?." tanong nila. Ayoko sana silang biguin kaso, ayoko namang gumawa ng wento. "Ala, repapits, parang patay na lukan, eh. Bokya."

Inulan ako ng batok. "anak ka ng teteng, sinayang mo lang yung puhunan ko," galit na galit na sabi ni McGyver, "eh nasan na yung budget?". "Eh wala na pinang-taxi ko pa eh." sagot ko sa kanya. "Papano na yung singsing, baka hanapin yun nung syota ko?" tanong nya. "E sa ala eh, e di tubusin natin pag me pera." sagot ko naman.

Langya buong maghapon, puro kantiyaw inabot ko sa mga Ekis, lalo na ke McGyver. Naisip ko, hu, gusto nyo lang wento eh, mga ulol. Malamang kung me wento ako, yung singsing nakalimutan na.

Bilib ko lang sa tropa, pag me bitin, sinasalo nila. Tropa talaga. At dahil palpak ang lakad ko kagabi, pinasyalan na lang namin si Aling Bising para doon na lang namin ibuga ang aming mga sama ng loob.

At least dun, di na kelangan ng membership card.

Ma'am Pulboron

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")

Lagi kong inaabangan klase nya. Kahit MWF lang ang Philo, okey na. Sana nga araw-araw.

Kasi naman itong si Ma'am Pulboron, impressive. Kahit pa kapag dumadating sya sa klase na parang humahalimuyak na pulburon, no problem. Konti lang naman sya mag mek-ap kaso parang lagi syang bagong panganak na tadtad ng jonhnsons. Ayos lang, super bango naman.

Nung una niya kong tinawag para mag-recite, "Mr. Buraot, what is the cause of the succeeding cause of the final cause?," Yari. Tayo naman ako habang palinga-linga at nag-iisip at nagpapacute. Dedma ang ibang tropa sabay yuko, di rin kasi nila alam. Cause...cause... konting kuskos, ayos? Patay ala ako maisagot. Kakahiya ke ma'am. Mukhang wa epek ke ma'am ang pagka-cute ko, kelangang mag-aral, dun ko lang sya mapapa-impress.

Pero di rin nagtagal, kasi magaling naman talaga din syang magturo, okey na. Pakiramdam ko nga ako na ang paborito nya sa klase kasi ako ang lagi nyang tinatawag. Kung yung ibang ekis, tinatago ang mga mukha para hindi matawag, ako nagpapa-cute pa.

Sa galing nya sa larangan ng Pilosopiya, malamang matutunan mo ring pag-isipan pati na rin ang dahilan kung bakit ang bungang-araw eh sa likod tumutubo at hindi sa dibdib. Ganun ang dating.

At siguradong paglabas mo ng klase nya, kayang-kaya mong makipag-debate kahit ke Dean at matututo kang gumamit ng mga salita at mga tanong na siguradong walang makakasagot sa yo, tulad ng "Tinataghiyawat ka ba sa mani?". Ganun pre. Yakang-yaka mong magpaka-pilosopo.

Di siya tulad nung ibang mga babae dyan na puro porma, ala namang wenta. Magaganda nga ang wankata, no-brainer naman. Puro pang-display lang. Etong si ma'am, macha-challenge ka. Kasi kulang na lang bigyan ka ng rubik's cube at crossword puzzle araw-araw.

Ibig ko sabihin, super talino nun. Saka single pa. Kakahiya nga lang pumorma kase, bukod sa estudyatnte ka lang nya, mukhang di ka papasa. Mukha kasing kastila na haciendera. Lagi syang naka-designers at disente ang porma. Me hawig pa nga syang artista. Para syang pinag-halong Chanda Romero at saka nung artistang anak ni Paraluman na naging sikat na ST star nung 90's.

At saka tol, lagi syang mabango. Tuwing maamoy ko nga yung amoy nya na yun, hinahabol ko. Parang laging bagong laba. Yun bang amoy na hindi naman amoy pagkain pero nakakabusog. Lam mo yun? Ni hindi ko nga ata sya nakitang pinag-pawisan kahit kelan. Malamang mabango din yun.

Ilang taon ko rin bago nalaman kung anong tatak nung pabango niya. At tuwing maaamoy ko, sya naa-alala ko.

Kaya enjoy ako lagi sa klase nya. Bukod pa sa na-challenge nya akong mag-isip, nabigyan din nya ako ng chance na isipin, kahit sandali lang, na wag nang mag-bulakbol.

Kaya naman kahit nagbibilyar na yung ibang Ekis, ang lolo mo, present.

October 5, 2007

Binibining Goldfish

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")


Lagi namin syang naikukumpara ke Garfield. Kase naman tsong, ang lamlam ng mga mata. At sa ibaba nito, dalawang punungpunong eye-maleta. Pero dahil ke Bob Ong, naisip ko, tama siya. Goldfish nga pala, mas uubra.

Si Bb. Goldfish ay titser namin sa Pilipino. Imaginin mo naman, kaming mga Ekis, yun ang pinaka-paboritong subject nung kolehiyo. Napaka-interesanteng subject naman kasi. Charing.

Tapos nataon pang siya ang titser, masisisi mo ba ang mga tulad namin?

Wala akong sinasabing hindi siya magaling. Kaso, kahit sino naman tatamarin. Kasi sa bigat ng talukap ng mga mata niya, pati ikaw aantukin. Yun bang parang pag me itinanong ka ang sagot sa yo ng mukha ay, "Ano kaaaamo?"

At oo, two hundred years old na siya, yung one hundred dun, yun ang itinagal nya sa pagtuturo ng Pilipino sa Letran. At oo din, dalaga pa siya hanggang ngayon. Strict kasi ang parents. Kung interesado ka, sige ilalakad kita.

Pero tol, huwag na huwag kang tititig, kasi mahi-hypnotize ka. Walang sasalo sa yo.

Minsan nga naalala ko, isa sa amin, walang assignment. Di ko na matandaan kung si Clapton ba o si Jordan. Ang aming takdang-aralin ay ang paggawa ng isang orihinal na tula. Oo tula. As in poem. Ah, naalala ko na, si Jordan pala yun.

Nang matawag si Jordan ni Bb. Goldfish, kamot sa ulo, ala kasing assignment si kolokoy. Pero, dahil ekis, nagawan ng paraan. Nagmana ata ke McGyver. Biruin mo, on the spot, naka-imbento ng tula. Tindi.

E di inumpisahan na nya ang tula nyang na-compose nung oras na yun. Tandang-tanda ko pa nga ang umpisa....

"Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw...."

Hagalpakan kami lahat. Etong si Bb. Goldfish, walang napapansin, ang dating ng mukha ganun pa rin, "ano kaaaamo?".

Kaya etong si Jordan, dire-diretso hanggang matapos nya ang kanyang "tula". Ganda pa nga ng pagkabigkas nya nung tula nya, me tono. Kulang na lang kantahin.

Di na ko nakapag-pigil kaya takbo na ako ng banyo, kasi halos maihi na ko sa katatawa, sasabog na pantog ko.

Ano, gusto mo tapusin ko yung tula?

October 2, 2007

Tameme

(Hango sa librong "Alamat ng Tropang X")

Nakasakay kami sa isang karag-karag na jeep, pauwi na. Kahit medyo amoy alak pa kami, okay lang dun sa ibang pasahero, iilan lang naman kaming sakay. Yung isang mama mukha ngang galing pang beerhouse, me tsikinini pa sa leeg.

Etong si Omar nagwawala pa. Awat awat namin kasi baka mahulog sa jeep. Sige sya ng kasisigaw, "Papatayin ko talaga yun, tol. Papatayin ko!".

Dahil nakakahiya na sya at pinagtitinginan na kami, sinapok na sya ni Jordan. "Tangina ka, ngayon ang tapang-tapang mo, kung kelan wala na. Kanina binigyan ka ng mag-asawang sampal, tameme ka."

Nung maaga-aga pa kase, dumayo kaming mga Tropang X dun sa me central market sa me kanto ng Recto. Me naispatan kasi akong mukhang magandang inuman dun na medyo ok sa budget. Kumpleto kaming tropa. Me bilyaran pang isa kaya mas okey.

Habang nagangalahati na kami sa inuman, etong si Omar nagbanyo. Maya-maya pa bumalik. Nakatungo at ngumu-nguyngoy. Me nakabangga daw sya paglabas ng kubeta at sinampal sya. Nung akmang magrereklamo sya, sinundan pa sya ng isa pang sampal, sa kabilang pisngi naman. Di na siya naka-palag.

Sempre panting ang mga tenga namin, di kami papayag na walang resbak, nampucha, tropa ata namin yung naagrabyado. Tinanong namin sya kung nasaan ang ulupong na sumampal sa kanya. Andun pala ang mokong sa me di-kalayuang mesa at halos kasindami din namin sila. Nagtatawanan pa at titingin-tingin ke Omar.

E di nagtayuan na kami. Si McGyver binunot ang pamatay nyang ballpen. Pag daw kase me away yun ang gamit nya kasi pamatay daw yun. Pinapang-saksak daw nya sa leeg. Yahuuu! Sa wakas makikita din namin yung kanyang secret weapon in action.

Trobol na. Syempre ngawngawan na muna, sigawan, at sindakan. "Sige nga hawakan mo nga sa tenga o, o ha?".

Dahil mukhang mga tigasin din kami, yung isa sa kanila, nagpautot pa. "Pare, kilala kita. Di ba kilala mo ko?" Sabi ko, "Tarantado! Di kita kilala, papalusot ka pa ha?" Hinampas ko nga ng upuan. Ayos umpisa na ng rambulan. Walang nagawa yung bartender kundi manoood at magdasal na sana konti lang ang masira.

Maya-maya pa, sempre (kami ang bida dito eh) nagtakbuhan na ang mga kolokoy papunta sa likod ng bar. Me daan pala dun.

Hahabulin pa sana namin kaso sabi nung bartender, "Bos, wag nyo na habulin, delikado ang eskinita diyan sa likod," kaya hinayaan na lang namin. Kunsabagay bugbog naman na ang mga kupal. Saka mahirap na, madilim dun, baka masumpak pa kami.

Tinuloy na lang naming ubusin ang mga natitirang beer, sayang bayad na yun. Buti na lang puro plastik lang pala yung mga baso at pitsel dun, kaya hindi nabasag. Yung mga mesa kahoy, kaya inayos na lang namin ulit. Pero nakikiramdam din naman kami, baka kase mag return of the comeback.

Awa naman ni Lord, alang bumalik. Wagi ang mga lolo.

Kaya nang matapos ang inuman, kanya-kanya na kaming sibatan. Magkakahiwalay kasi ang bahay namin. Si Jordan at ako magkalapit lang sa may Retiro at si Omar at si Clapton naman sa Meycauayan pa. Kaya magkakasama kaming sumakay papuntang Blumentritt. Yung iba naman dun pa sa borbokolon. Kung di mo alam yung borbokolon, basahin mo muna yung una kong kwento, cheating ka. Basa ka ng basa diyan di mo pa pala nababasa yung unang parts.

At dahil nagwawala pa rin si Omar sa dyip sa sobrang lasing, panay ang hirit ng "Hinde ako lasheng," at "Patapatayin ko yun tol, pahhh... pahhhh.... pahhhhh...hik!". Ngenge na talaga. Inuto-uto na lang namin habang kinakamot ni Jordan sa tiyan. Ayun inantok.

Tameme.

October 1, 2007

I Now Pronounce You... Tropang X!

(hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")

Kampai!!!!! Kampai!!!

Ayos, nagkapangalan na din ang grupo. As usual, pakana yun ni Jordan. Sya kasi ang pinaka-alaskador sa grupo namin kaya sya rin ang nangunguna sa pagbibigay ng alyas at pangalan sa kung anu-ano, mapa-tao man yan o hayop. Hayop.

At eto na nga, andito kami sa loob ng isang VIP room ni Aling Bising, nagpapaka-saya at sempre, (Kampai!!!) nagpapakalasing sa kaligayahan. Pinagdiriwang namin ang isang importanteng araw sa buong kasaysayan ng Intramuros.

Hinde. Hindi ito ang araw na sinalvage si Rizal. Saka hindi dito yun, dun sa kabilang side nung makapal na pader.

Sa araw na ito, pormal nang nabuo at itinatag ang mala-impaktong samahan na babago sa mga buhay ng mga taga-Letran. Mga nilalang na siguradong matatameme sina Quezon, Samboy, mga Sotto at kung sinu-sino pang mga sikat na alumni ng eskuwelahan.

Intro muna. (Ta-dann!) Yan ang Tropang X (pronounced as Ekis).

Sa kasaysayan ng Pilipinas at kung saang lupalop pa man, ang pagbibigay ng pangalan sa isang samahan o grupo ay pinag-iisipan ng mabuti, pinag-dedebatehan, pinag-pupuyatan at minsan pinag-bubuwisan pa nga ng buhay. Kadalasan ito ay bunga ng mahabang pakikipaglaban at determinasyon mula sa mga natatangi nitong myembro.

Kaya nga dahil isang linggo na din kaming magkakasama sa mga gimik, kabulastugan at toma, napilitan na din kaming bansagan ang sarili namin. Ang pangalan ng grupo namin ay sooobrang tagal na pinag-isipan ni Jordan. Grabe. Kani-kanina lang.

Kanina kasi, pagkatapos ng isang klase kay Prof. Nuno, bumaba kami sa hagdanan ng main lobby para mag-yosi break. Etong si Omar, palibhasa tadtad ng biton yung bago nyang sapatos, nadulas habang bumababa kami. Patawa talaga kahit kelan. Biruin mo, sa pagkadulas nya, napataas ang paa nya sa ere, at ........ Dugdugdugdugdugdugdugdug! Nagpatalbug-talbog sya pababa ng hagdanan gamit ang kanyang pwet.

Freeze!, ay Cheese pala! Na-imagine kasi ni Jordan na pinikturan nya si Omar nung oras na yun. At sa kuha ng kanyang mahiwagang kamera, naka-nganga si Omar habang ang mga kamay nya naka-taas at ang paa naman ay nakabukaka. Bisaklat na bisaklat kaya ang hitsura nya ay animo isang higanteng letter X.

Habang pinipicturan ni Jordan sa isip nya si Omar, kami naman, dedma, kunwari di namin kilala. Kakahiya sa mga chicks. Yukkie, how lampa naman nung mama. How hampaslupa.

Tawa pa rin kami ng tawa habang naka-tambay sa Batibot habang si Omar panay ang masahe sa pwet at galit na galit. Nang humupa ang lahat at balik sa aming mga kanya-kanyang pagaagam-agam, dun humirit si Jordan.

At dahil lahat kami sangkot dito at nakasalalay dito ang reputasyon at kinabukasan naming lahat, kailangang pag-usapan muna naming maigi ang bagay na yun at kelangan lahat kami pumabor sa pangalan.

Kaya nang seryosong sinuggest ni Jordan ang pangalan at tahimik na naghintay sa aming mga komento, "Mga brod, Tropang Ekis?".

McGyver (nakatingin sa latay nya): "Ok.Pero wag mo kong tawaging brod.Di kita ka-brod."
Amboy (inaayos ang gulong ng skateboard): "Bahaaala kayo sa buhay nyo."
Omar (nagkukumpuni ng ngipin nya gamit isang palito ng posporo): "Kahit ano."
Clapton (nagpo-floorwax ng gitara nya): "Ayos lang tsong"
Buraot (dedma lang habang nagbibilang ng sasakyan): "Sige. "
Kitkat (alang pakelam): "Ok lang. Penge ngang yosi."

Ayos. Wala man lang kumurap, aprubado na kaagad. Parang railroading sa kongreso. Galing talaga ni Jordan.

Kaya, eto ngayon kami, ngongo na sa beer-gin na pilit naming inuubos. At least ngayong araw na ito, me dahilan kami para uminom. Me binyagan.

Kung inaakala mo, me matinding dahilan o medyo highly philosophical na rason sa likod ng pangalang Tropang Ekis, sorry tsong. Akala mo lang yun. Kaya kung meron man kaming napatawa o napahanga man, nagkataon lang yun. At kung nabitin ka sa inaasahan mong mala-impaktong rason, sensya na. Sabi nga, the image preceeds us. Ganun talaga. Naks.

Regular lang kaming mga kupaloids sa Letran. Ang mahalaga sa amin hindi ang pangalan, kundi ang pinagsamahan (Sorry hindi San Miguel ang iniinom namin. Beer na Beer).

Kaya ang mabuti pa, kung masama loob mo, iinom mo na lang yan.

Ngayon, alam mo na? Kampai!!!!!!!!!

September 28, 2007

Powder o Lotion?

(hango sa libro ng "Alamat ng Tropang Ekis")

Powder o lotion? Kahit ni minsan di mo pa nasubukang pumasok sa sauna bath, alam mo nang ito ang itatanong nung masahista sa yo. Napapanood kasi ito palagi sa mga palabas sa sine tuwing me papasok sa ganung lugar.

Sa mga panahong ito, usong-uso ang mga spa-spa. Kumbaga in na in ngayon ang ganitong negosyo. Dito kasi pwede kang mag-relax, mag-sauna, magpa-facial, magpamasahe, at kung anu-ano pa na siguradong magpapa-envigorate ng katawan mong bugbog na bugbog na sa kakatrabaho.

Naalala ko tuloy noon, walang ganito. Ang alam ko lang, mga sauna bath na hindi naman talaga masahe ang totoong serbisyo na makukuha mo.

Kaya minsan, dahil sempre kami ni McGyver, promotor sa mga kung anu-anong kabulastugan, nagyaya. Kasi naman etong mga ibang myembro ng Tropang X, di pa pala nakakapasok sa ganung lugar. Kya nagprisinta kaming maging "ninong". Excited na excited naman ang mga mokong.

Dumating ang araw ng lakad. Sakto puro paldo, mga bagong dating ang allowance. Etong si Omar as usual, kapos at nagda-drama pang hindi sasama. "Pasensya ka na tol, mahirap lang kaibigan mo eh". Nabatukan pa sya ni Clapton, "Ulol, drama ka pa diyan, alangan namang maiwan ka,". Naks, totoong kaibigan. Syempre, pinunuan na lang namin ang kulang.

Painit muna kami sa kung saang beerhouse. Tapos diretso na kami sa may QC. Akala pa nga nila dun kami pupunta sa Maalikaya. Sabi ko, nagngangarap ba kayo, eh pang showbiz lang yun saka pulitiko. Saka 1,500 doon kada ulo, eh tigto-200 lang budget. Kaya, doon ko sila dinala sa Happy sa me Kamuning. Okay na rin, makapasok lang.

Pagdating namin dun, halatang-halata naman na hindi masahe ang lakad namin. Me mga bagets bang magpapamasahe sa sauna bath, kaw naman.

Labas ang mama san. Lapit kaagad ako, sabay bigay ng bayad. Binilang pa nga nun kung ilan kami, baka daw kasi magpalusot pa. Etong ibang ekis, halata pang kinakabahan, baka daw kasi ma-raid, kakahiya. Nung masiguradong kumpleto ang pondo, dinala na kami sa aquarium. Yahoo!

Time out muna. Bago kami tumuloy, sempre team meeting muna. Review muna ng game plan. Baka kasi pumalpak yung iba. Baka ma techical foul, e di out of the game agad sila. Kasi sigurado me itatanong muna yung masahista sa yo, parang puzzle, hihingan ka muna ng password bago ka makapasok. Kailangan mo muna ng magic words tulad ng "Open sesame!"

Nung masiguradong kabisado na nila ang play, game na, tuloy na ang basketbol.

Pagkatapos naming magtuturo sa aquarium, diretso na kami sa kanya-kanyang cubicle. As in cubicle, dingding lang ang pagitan at bukas yung itaas ng mga divider kaya rinig mo yung usapan sa kabila. Nag-roll call pa nga kami pagkapasok para masigurado kung nasan ang bawat myembro. Ayos, magkakatabi lang pala kami.

Tipikal na tipikal na sauna, pula ang ilaw, para kang ine-x-ray. Pero sempre proud na proud ako. Ang mga inaanak ko magiging mga mama' na. Naks.

Maya-maya pa, me nagmura. Boses babae. "Langya, anong palagay mo sa akin, aso?!". Nasira konsentrasyon naming lahat kase hagalpakan na kami. Alam kasi namin kung saang cubicle naggaggaling yung sigaw. Wahaha. Dun sa cubicle ni McGyver. Pati tuloy yung mga partner naming dikya, nagtawanan. Napa-overtime tuloy kami lahat, kasi nga sira yung play. Pero kwela.

Umaga na nung mag-uwian kami. Problema, sa sobrang pagmamadali namin at katangahan namin, wala palang isa man lang sa amin ang nagsuot ng kapote. Yari! Baka mamaya makuryente kami. Bopols, hindi kumpleto ang game plan. Kamot lahat kami sa ulo. Kung kelan kasi tapos na ang game, doon lang namin naisip yung defense, puro offense lang ang naisip namin. Tsk-tsk.

Buti na lang sa me Cubao kami naghiwa-hiwalay at me naispatan kaming Mercury Drug. 24 hours kasi yun. Takbo kami. At kahit na nakataas ang kilay nung tindera, pinagbilhan pa rin nya ako ng sangkaterbang Cortal. Tapos punta kami sa isang tindahan, order kami ng Coke.

"Buraot, sigurado ka ba dito?", sabi ni Jordan. "Oo, epektib yan, sampung cortal saka itulak mo ng isang coke five hundred, walang sakit sakit," sagot ko. Kung papano ko nalaman yun, ewan ko di ko na matandaan, panahon pa kasi ni kopong-kopong alam ko na yun. Ang importante, paniwala sila, kaya kanya-kanya kami ng laklak.

Ayos, uwian na. Mamayang hapon, kitakits na lang sa iskul. Kanya-kanyang sakay ng dyip. Tapos na gimik. Pero kahit puro mga puyat ang mga mokong, at medyo pasuray-suray ang lakad, kakaiba ang ngiti ng mga ulol.

Powder o lotion? Sensation.

Pag ngayon mo sinabi yang magic word na yan sa spa, hindi sarap ang makukuha mo, SAPAK.

September 27, 2007

Alamat ng Tropang Ekis


Ang Simula

Unang araw namin sa Psychology. Lahat kami nasa last row. Ewan ko ba kung bakit laging stereotyped na laging ang mga nasa last row, puro pasaway. Hindi naman gaano. Nagkataon lang siguro na kaming mga nasa last row, medyo mahiyain sa personal, kaya kami pumupwesto sa me bandang hulihan. Kasi alapa ka naman talaga kapagka nasa harapan ng kamera di ba?

Habang abala ang mga kaklase namin na daldalan ng daldalan, kami dahil hindi magkakakilala sempre pakiramdaman muna. Sempre astig-astigan muna.

Mauna na akong magbibida, ako nagkukwento eh. Ako si Buraot. Pang-tatlong iskul ko na ito bale. Dropout ako mula sa isang pipitsuhing kolehiyo sa me Sta. Cruz. Kasi naman pagkadumi ng banyo nila dun, parang sa lumang sinehan sa malayong probinsiya, maantut. Pagkatapos nun, nag-PMA muna ako. Oo, Pahinga Muna Anak.

Naka isang taon din akong PMA, patambay-tambay, patagay-tagay. Tapos, enroll ako ulit sa isang kolehiyo sa may E. Rodriguez sa QC. Dun kasi graduate yung isa kong ate, at kasalukuyang varsity yung utol kong isa. Wa epek din, tinamad din. Sinubukan ko ding mag-STI sa Espana. As usual, isang sem lang, drop na naman.

Kaya ako, eto, alang kadala-dala, umpisa na naman. Andito ako sa hulihan kasi sempre dyahi na ko, medyo matanda kasi kumpara dito sa ibang kaklase ko.

Katabi ko noon si McGyver. Kamukha ko nanggaling na din syang STI, di rin ata natapos. Taga-Las Pinas at pamangkin ng isang pulitiko doon. Mukhang kasing edad ko na rin sya, pero mukha lang. Himas-himas nya ang isang stick ng Marlboro kaya medyo nagkagaanan kami, Malboro din kasi yosi ko.

Nung nagkakilala kami, natawa pa ako kasi kapangalan nya yung isang komedyante sa TV. Nalaman ko pa na fratman din pala sya. Pinagyabang pa nya yung mga latay nya sa me binti dahil sa welcome palo. McGyver ang tawag namin sa kanya kasi lahat ng bagay alam nya at nagagawan nya ng paraan. Handyman na handyman ang dating. Galing.

Andun din sa hulihan si Amboy, koboy na koboy ang dating at medyo malaki din katulad namin ni McGyver. Ok naman din sya, yosiboy din tulad namin. Walang bukambibig kundi yung skatebord nya. Pero oks ang trip sa sounds, so pre-preho kami. Sempre, galing merika kaya Amboy ang ipapangalan ko sa kanya. Pero oks din siya.

Sya yung tipong strike anywhere dude. Siya ang nagturo sa amin kung paano magsuot ng pantalon ng walang brief. Pareho sila ni McGyver ng frat kaso hindi sya nagpa-welcome.

Si Clapton naman, yosi din ang dahilan at nasa last row, kaya pasok din sa wentuhan. Takot nga akong bigyan ng yosi kasi baka malaglag yung baga. Mukhang isang bulate na lang bibigay na. Sya yung tipikal na papayat payat tapos straight ang buhok. Pero sounds nya ok din, Lennon fan din sya kaya Lenon na Lenon ang hitsura.

At sa gitara, grabe mala-impakto. Kumakain ng kwerdas. Sya nga nagturo sa kin, kumain ng kwerdas.

Katabi nya si Omar, di ko na iibahin ang pangalan niya tutal matagal ko na naman syang di nakikita. Sabi nga namin baka patay na ang kumag. Di man lang magparamdam. Awuuuu. Siya ang pinakakwela sa amin na nasa likuran, pero hindi nya alam yun. Kaya wag mong papabasa to.

Natural kasi sa kanya yung mga pinag-gagagawa nya, di nya alam nakakatawa. Parang Chiquito ang dating. Tapos feeling guapo pa. Swabe. Me sarili din syang style ng pananamit. Orig. Kasi sya lang ang me style. Kakaiba. Minsan darating yun naka-pang tennis. Sa Meycauyan din sya umuuwi tulad ni Clapton kaya magkakailala na sila nung una pa.

Sa me kabilang dulo nakaupo si Jordan, nakikisali lang yun sa usapan namin noon, pero dahil nasa hulihan din sya at nagyoyosi din, pasok na din sya. Yun pala me talent din naman pala, kaya minsan pinag-gitara namin si Clapton sa stage at sya ang pinakanta namin ng Patience. Patay ah, dami nainlab.

Jordan itatawag ko sa kanya kasi si Jordan ang laging ginagaya nya tuwing magbabasketball kami. Hawig naman. Medyo. Gayang-gaya nga nya. Pag dumidila si Jordan. Sya ang numero unong alaskador sa amin. Pag napikon ka, talo ka. Tagaron lang sya sa Retiro na malapit sa inuuwian ko.

Sa kabilang side ko, andun naman ang isang mukhang totoy na nagtataka kami kung bakit sa amin sumiksik, eh mukha kaming mga haragan samantalang sya mukhang dumedede pa. Sya si Kitkat, mukhang fresh na fresh kagagaling lang ng elementary at na-accelerate sa college. Mukhang walang bisyo sa katawan at nagpipilit lang mag-aral. Sinali na rin namin para matuto ng kalokohan, kawawa naman eh. Takot nga kami baka magsumbong sa nanay.

Me mga ibang sumali sa tropa namin pero kami ang mga original na myembro ng Tropang X. Kung bakit yun ang tawag sa amin, saka ko na lang ikukwento. Kung gusto mong malaman, i-fast forward mo kwento ko. O kaya kung gusto mo ikaw na lang magkwento. Apurado ka.

Noong una, tambay lang at yosi ang trip namin, sempre bago pa lang kaya la pa kami masyado alam sa lugar. Puro wento lang muna.

Pero di rin nagtagal ayan na, mala-impakto na. Matindi kaya naisip ko isulat yung mga kabulastugan namin. Sayang baka kasi malimutan ko.

September 26, 2007

Hari ng Magsasaging

(Hango sa librong "Alamat ng Tropang Ekis")

Minsan, dinala kami ni McGyver sa Baclaran. Me tropa daw sya dun na pwede naming tambayan, siga daw yun dun kaya ok na ok kami. Sama naman kami kase sempre Baclaran yun, baka minsan maligaw kami dun, iba na ang me sanggang dikit di ba. Para walang babangga sa yo.

So ayun na nga, napadpad kami dun isang gabing wala kaming mapuntahan.

Nalimutan ko na ang pangalan nung sinasabing astig na yun pero di ko malilimutan ang pagmumukha nun, maaskad kasi. Saka ganster na gangster kung umasta. Naka suspender pa. Bostsip na bostsip ang dating nun sa Baclaran. Habang nagiinuman kami me mga alalay pa na taga masahe at runner. Me mga bataan. Maya't maya me dumadating na nag-aabot ng sambungkos na pera me kasama pang barya. Godfather ang dating. Me sarili pa syang service na bagong-bago at makintab na owner na jeep.

Habang nagtatagal ang inuman namin, napapansin namin puro saging ang nakapaligid sa amin.

Yun pala sya pala ang supplier ng saging doon sa Baclaran. Kaya lahat ng mga makikita mong me kariton o wala na nagbebenta ng saging doon, hawak nya sa leeg. Kasi nga naman pag wala syang ibibigay na saging e di wala silang kikitain. Tindi pre. Hari ng magsasaging.

Pero kahit na anong sama ng mukha at porma nun, wow naman brad ganda ng syota, saka seksi at makinis. Di nga namin maisip kung ano nakita nun dun sa astig na yun. Kaaskad naman. Nung gabi na yun, ilang beses nga namin na naisip na aswangin yun, kaso sempre takot kami dun sa hari ng magsasaging.

Kahit pa nga mukhang nag-iinarte pa yung tsik sa amin, panay ang papansin at himas dun sa hita nya, dedma na lang kami. Ala kaming ibang tinititigan ng matagal kundi yung bote. Mahirap na. Bata pa kami no.

Sabi ko kay Jordan, tol patulan mo na kaya? Ano ka, ikaw na lang kaya, sagot niya. Eh kung saksakin ako nun sa mata.

Inumaga na kami umuwi pero parang wala man lang nalasing sa amin. Wala ring naglakas loob na patulan yung kiri na dyowa nung hari ng magsasaging.

Kunsabagay di naman yun ang pinuntahan namin dun.