Ipinapakita ang mga post na may etiketa na alamat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na alamat. Ipakita ang lahat ng mga post

July 15, 2008

Ang Alamat ng Singkong Kulot

Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!

Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can't afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.

Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.

Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma'am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma'am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.

At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo't lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.

Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70's, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.

Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.

Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.

May 5, 2008

Lang-magu To-its!

Minsan mahirap din kapag ang mga kasama mo eh puro magugulang (street smart po). Kasi lahat kayo magugulang, walang pwede malamangan. Pero paminsan minsan, pipilitin at pipilitin ng ilan na manggulang (manlamang) hanggat makakalusot. Kung makakalusot lang naman! Kung pupwedeng kitain ang pera sa madaling paraan, gagawin, hindi pagpapaguran.

Matagal na din naman akong hindi nakakauwi, pero hanggang ngayon sikat pa rin ang Recto. Kasi naman kung ang mga kolehiyo ay tinatawag na diploma mill ng ilan, and Recto ay literal na pagawaan ng mga diploma. Gusto mo, sa Harvard ka pa grumadweyt, pwede dun, meron din sila.

Madalas din ako noon dun. Pero hindi para magpagawa ng diploma, kundi ang magpagawa ng mga registration papers tuwing enrollment. Kasi naman noon, wala pa akong computer, sila meron pati mga scanner at kung anu ano pang gadget. Nagpapagawa kasi ako dun ng mga papeles na pang enroll.

Para sempre, mailagay ko dun sa mga papeles ang presyong gusto ko. Kung ang enrollment fee ko ay 12,000 pesoses, ipapalagay ko doble. O di ba, sarili kong magulang kina-katkongan ko. (Katkong tawag dun sa "cut" at/o patong)

Kaya naman tuwing enrollment, paldo ang lolo mo. Psst isang round pa nga!

Ngayon, di lang diploma marami dun, lahat ng raket meron. Lalo na ang mga murang cellphone. Alam na natin kung san galing yung mga yun. Kaya nga hindi ako magtataka kung makakabili ka ng iPhone dun. Ganun sila katindi.

Ewan ko na lang kung sa Luneta eh tuloy pa din ang mga raketeers. Kasi madalas noon, me mga "photographers" don na nakapwesto. Mag-aalok ng piktyur piktyur sa mga tatanga-tanga. Ang ulaga naman papayag sempre, magpapa-piktyur para ika nga me remember. Hihingan ni potograper si tanga ng deposit. Kasi nga naman, baka pagbalik ng potograper e wala na sila, malulugi nga naman si potograper di ba?

E di po-pose na yung mga pipiktyuran, ala pang FHM, sasabihin nung potograper...

"say Cheese!"
"okey, good.... one more... 1....2....4!"

"Klik! Kilik! Klik!" "Klik pa ulit!"



Ang di alam nung tatanga-tanga, wala namang lamang film yung camera, flash lang!

Kaya, hayun, ang kawawang pobre, gabi na, naghihintay pa dun sa me skating rink, hinihintay yung piktyur nila. Ang dehins nila alam, sa Timbuktu na dine-develop yun. Ang potograper, kung hindi nakauwi na, andun sa underground ng Luneta at nagpapalipas ng oras. Kung di mo alam, me underground po sa Luneta. Yung mga nakikita mong parang bilog na takip na parang papunta sa sewer system? Yung mga manhole? Me mga kwarto po dun na parang opis.

Dun kasi ako nag-oopisina noon kaya alam ko.

Mahirap ang nanlalamang sa kapwa. Lahat ng bagay umiikot at bumabalik. Ang tawag ng iba dito, karma. Pero sa totoo lang, natural ng ikot yun ng buhay.

Kaya naman natawa din ako nung mabalitaan ko itong isang pinsan ko, natural kasi na wais daig pa si Lumen. Minsan naglalakad sya papasok ng mabundol sya ng isang kotse. Daplis lang naman pero sempre natumba sya.

Nung matumba sya, parang me nag-spark na bumbilya sa kanyang brain. Kahit na walang masakit, nagkunwari syang me nararamdaman. Para nga naman bayaran sya ung nakabundol sa kanya. So ayun, sakit sakitan ang lolo mo. Dinala sya sa ospital. Siguro iniisip nya, kunwari magsa-shock shockan sya.

Ayun, nung dinala sa ospital, sempre check ap check ap. Wala namang bali or kung anupaman. Pero dahil sempre check ap, me nadiskubre ang doktor. Meron daw pala syang tuberculosis.

Ang galing ano po?

March 13, 2008

Sakit Chupoy

Parang kakagising ko lang nang mapansin ko na mahigit isang linggo na naman pala akong walang post. Tinamaan na naman kasi ako ng walang kupas na lagnat bata trangkaso.

Lagnat na umaabot ng 500 degrees, katawang parang nabugbog sa hazing, ilong na parang walang butas sa sobrang barado sa bibig ka na lang humihinga kung minsan sa tenga, pag hindi naman barado bumabaha naman na basta na lang sya lumalabas na parang gripong naiwang bukas o kaya ay linya ng Nawasa na maraming butas....

Hatsing na sangkatutak para syang baby armalite, ubong para kang inaatake ng hika na mukha ka nang hinahapo na asong gala, sakit ng mga siko, tuhod at mga kasu-kasuan (joints po yun), sakit sa ulong parang minamartilyo, minamaso at ginagamitan ng drill, madalas bigla ka na lang giginawin na para kang mina-malaria o kaya naman e parang me humahaplos sa yo na mumo. Oo ganun.

Grabe. Hirap ng me sakit. Wala pa naman nag-aalaga sa kin dito.. (paawa)

Sa totoo nga lang, mas gusto ko pa mabugbog kesa magkasakit. Eh kasi nga takaw-bugbog ako kaya sanay na ko dun. Sisiw! At least yun, muscles mo lang ang masakit. Eto buong katawan, pati mga atay at balun-balunan mo masakit.

At sempre pag me sakit ka pa, magde depress depressan ka rin. Kesa naman mag senti na naman ako dito at pahirapan ko sarili ko, tamang imagine na naman ako at pilit na nililibang at inuuto ang sarili ko.

Naalala ko tuloy si Doctor Kwak Kwak. Naisip ko tuloy kung sino nga ba yun at kung sino nag-imbento sa kanya. Siguro, pag magaling na ko, hahantingin ko din sya tulad ng paghahanting ko ke Kopong Kopong. Naalala ko din namang kontakin si Ernie Barong, baka me suggestion syang remedyo sa mga problema ko. Kaso naalala ko din, matagal na nga palang nag-Saudi yun na walang balikan. No choice ako kundi hanapin na lang si Doctor Kwak Kwak.

Alam ko noon, me walang kamatayang mala-cachupoy na generic drug para dito sa sakit ko eh. Kisspirin at Yakapsule.

Eto baka gusto mo ding subukan.... Togmolodon? Gusto mo?

March 6, 2008

Kwek Kwek na Lang!

Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.

"How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?"

"Whatever," sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. "ok, medium rare."

"What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob..."

"Whatever... ok veggies." hay dami choices, nagka migraine na ata ako.

"How do you want your bread, white or wheat toast?"

"Whatever... white." Nagugutom na talaga ako.

"What drink would you like.. we have..."

"Okay okay! Just coffee!" lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..

"You want regular or decaf? For regular coffee we have.."

"You know what? I'll just have water. Tap water." Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..

"Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine... what would you prefer? caber..."

"Okay okay!!! I changed my mind! I don't want it anymore. Too many choices. I'll just have spaghetti instead."

"Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have..."

"You know what? Forget about it.. " Kaasar. Busog na ko. Taena.

Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.

Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.

Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view...

Miss ko na ang kwek kwek.

January 7, 2008

Pinay Scandal, Pinoy Iskadaloso

Hmppt. Sa sobra kong pagdadalamhati sa sinapit ni Tagpi, ilang araw din akong di nakapamburaot. Hikbi. Naalog ata ang aking utak at walang pumapasok na hangin sa aking brains. Salamat sa mga nakidalamhati sa aking pinakamamahal na si Tagpi.

Hokey naman na sya. Matapos kong paliguan limang gallon na betadine, tinapalan ko naman ng tatlong metrong salonpas, okey na sya. Pina chek ap ko na rin sya kay Dr. 90210 at solb na. Mabubuhay si Tagpi. Kaya lang medyo madugong salapi ang kinakailangan para sa kanyang surgery. Kelangan nya kasi ng facial reconstruction, kontiing nose lift, bukol reduction at continuous na skin toning. Kailangan din daw ng smart lypo.

Sabi ko, dok naman... baka naman pwedeng wala nang lypo, type ko kase yung medyo mola. hehehe.

Masaya naman ako. Kaso sempre, kelangan meron masisisi. At sabi nga ni kumareng Xienna Jollibee daw. Ayos!! 2 birds in one bato. Kase matagal na akong me utang ke repapits na Kotseng Kuba tungkol sa pagpo-post ng malaswang Pinay Scandal na hit na hit sa internet.

At heto nga naispatan ko ang pinaka-matinding Pinay Scandal sa balat ng YouTube. Malamang naispatan mo na ito matagal na, di mo lang nabanggit sa kin kasi nga luma na. Luma na kasing balita ang nasisinghap ko minsan. At para makabawi din ako, eto na ang aking paninirang-puri.

Palisin mo muna mga bata dahil , FOR ADULTS ONLI ito.

December 15, 2007

PSP: Ang Alamat ng Larong Sumpit

Hindi ito tungkol sa Playstation Portable na uso ngayon. Ito ay sa larong uso noon nung kapanahunan namin ni pareng kopong kopong, ang PSP, PaSumPit. As in Sumpit.

Ngayon kasi uso na ang mga war games war games gamit ang paintball o airgun. Enjoy di ba? Kala mo real life, minus the totoong mga baril. Kaso mo mabigat din sa bulsa.

Naalala ko tuloy (dami ko naaalala), mula sa bahay namin sa Dimasalang, dadayo pa kami nina Limahong dun sa Blumentritt, lakad lang. Hindi para mamalengke kundi para bumili ng supot supot na balatong (munggo). Tapos dadaan kami dun kina Mang Sebyo na Intsik para naman bumili nung pang sumpit. Di ko na matandaan tawag dun, kopong kopong pa eh. Yun yung plastik na parang straw kaso medyo mas makapal at mas mahaba sya. Yun ang ginagawa naming sumpit.

Didesenyuhan pa namin yung sumpit na animo eh baby armalite gamit ang rubber bands at kung anu-anong maisip namin. Meron pang magasin na gawa sa bahay ng posporo. O di ba hitech. War games na! Yung iba, lumalabas ang natural na pagka-creative kasi meron pa silang belt na puno ng magasin (bahay ng posporo na puno ng munggo), galing. Reload lang ng reload kapag naubusan ng bala sa gyera.

Meron din kaming mga armor at bullet-proof vest gawa sa mga karton na nahingi namin dun sa tindahan nina Aling Charing. Sempre, masakit din kaya makatama yun. Minsan nga, natamaan ako sa mata, sakit. Eh di pa naman uso goggles nun. Kaya bawal magpatama sa mata, delikado. Ang style ko, sa tenga ko pinupuntirya, para iging.

Bukod pa sa masakit sya makatama, mabantut pa minsan. Kasi yung nangsumpit sa yo kakagising pa lang, di pa nagtu-tutbrash. Madalas pagkatapos ng war games, no choice ka kundi maligo kasi basang-basa ka sa laway kakasumpit sa yo nung kalaban. Kadalasan pa naman, kala mo automatic rifle ang style nung sumpit nila kung magbuga. Mas marami pang laway kesa sa bala. Lagkit. Amoy araw ka na nga, amoy laway ka pa.


O di ba? Bukod sa mura na, libre exercise at enjoy pa. Siguraduhin mo lang magdamit di kagaya nung nasa piktyur sa itaas. Kase bukod sa baka mapulmunya ka, sigurado maliligo ka sa laway.

November 19, 2007

The Fast and the Spurious!

Matapos kong hanapin at makita yung mga pangalang panahon pa ni kopong kopong (pwera ke Kopong Kopong mismo, wanted pa rin hanggang ngayon) iba naman ang napagbalingan ko ng sama ng loob. Hindi ko kasi lubos na maisip yung ibang mga eklat nating pinoy na natural na nagmula pa sa mga ninuno natin at panahon pa ni (plugging muna ulit sempre) Kopong Kopong. Ginawa ko na atang misyon sa buhay ang maghanap ng mga nawawala.

Ikaw ba inabot ka na ba ng siyam siyam? Madalas ko kasing marinig ito sa mga papagong pagong na mga nilalang. "Walastik! Inabot ka na ng siyam-siyam!" Ano ba talaga ibig sabihin nun? Malay ko, kaya ko nga pinost ko dito eh, baka kasi buhay pa yung lolo ng lolo ng lolo mo, maitanong natin.

Pero ang dating talaga sa akin nun e parang sobrang bilis pa rin ni siyam-siyam kahit na anong gawin natin. Kasi di mo naman pwedeng sabihin na mabagal ang siyam siyam kasi nga inabutan ka di ba? E di op kors, mabilis.

Pero nung humarap ako sa mahiwagang salamin... akalain mo, tinanong ako. Mas mabilis ba ang siyam siyam sa alas kwatro? Kung si Lydia deVega at Elma Muros ay mabilis pa sa alas kwatro, abutin naman kaya sila ng syam syam?

Nak ng teteng, mukhang paduguan na naman ang ilong to.

Kinailangan kong magsagawa ng mala-impaktong eksperiment. Para scientific. Feeling ko mythbuster kaya kumuha ako ng dalawang big-time wall clock at ipinako ko sa pader nitong apartment namin. Magkasabay ang oras, sabay ko itong binuksan, synchronized para parehas. Itinutok ko sa kanila yung webcam ko para recorded at walang siguradong mandadaya. Magkaka-alaman na dito kung sino ba talaga ang maituturing na Pilipins fastest.

Inabot kana ba ng siyam siyam... o Mabilis ka pa sa alas kwatro?

Nakipusta pa nga sa akin yung rumeyt ko, kung alin sa alas kwatro at syam syam ang mauuna. Ha! Ang ungas, para syang nagtampo sa bigas! Maki-pusta ba naman. E di pinatulan ko, sayang pang-yosi din. O, eh di natauhan sya, tatanga-tanga kasi.Potopinis.

O bakit? Uyyyy...... interesado.... nag-aabang ng sagot! Bakit inabot ka na rin ba ng syam-syam? O katulad ni speedy gonzales aldale andale, mabilis ka pa rin sa alas kwatro?

At ang resulta ng eksperimento ko? Sa susunod na post sasabihin ko. Kung ayaw mo at kating-kati na paa mo, mag-eksperimento ka ding mag-isa mo.

November 12, 2007

Kilala mo ba si Kopong Kopong?

Magbuhat ng mag-umpisa akong magblag ng magblag, matagal nang palaisipan sa aking brain ang ibang mga bagay-bagay na unique sa ating mga Pinoy.

Kaya naman nung buksan ko itong Anak ni Kulapo, kung anu-anong mga salita ang nagmumura sa utak ko. Mga salitang matagal na nating ginagamit pero di natin alam ang pinagmulan. Bata pa tayo, yun na yun. Basta yun yun.

Katulad na lang ng mga salitang "panahon pa ni Mahoma", "19 kopongkopong", "itanong mo ke kopong kopong", "itanong mo ke limahong, ke kalantiao, o ke kulafu,".

Pero kilala ba natin sila? Malamang hindeee.

Kaya naman habang nakikipagbuno ako dito sa rayuma ko, naisipan kong ituloy ang aking naunsyaming 'great philisophical quest', ang hanapin sila.

Si Mahoma, nahanap ko na. Ang salitang Mahoma pala ay Spanish translation ng salita o pangalan ni Mohammad. Kaya malamang matagal na itong ginagamit, panahon pa ng mga kastilaloy. At sempre, maiintindihan na natin bakit ito ginagamit. Sempre naman, tsong, kakumpetensya sila nung mga alagad ni Kristo.

Si Kalantiao, matagal ko nang kilala, suskoday, Pilipin history pa yun no. I-gugel mo lang yung Code of Kalantiao, yun na yun. Me TV series pa nga noon na Alagad ni Kalantiao di ba.

Si Limahong naman sikat na talaga sa atin. Kasi naman nung panahon pa ng mga kastilaloy, asar na talaga yun. Sya ang lumang pirates of the caribbean na walang ginawa kundi mambalatuba sa mga kastila nung kapanahunan nila. Muntik na nga nyang makopo ang Maynila noon. Nasa Pilipin history din ito. Kung gusto mo shortcut eto, salpak mo sa browser mo, Limahong sa Kamaynilaan.

Kung ang Kulafu ay pamilyar sa atin dahil sa shoktong na iniinom ng mga lola natin, di pa pala yun yun. Kasi naispatan ko ito sa isang blag ng me blag. Si Kulafu pala ay isang komiks karakter noong panahon ng hapon.

Ayon sa blag na Pilipino Komiks, si Kulafu pala ay likha ni Francisco Reyes para sa komiks na Liwayway. Sa sobrang sikat nga daw nito, nagkaroon ng Vino Kulafu na madalas tinotungga nung mga dabarkads nung panahon na yun. Natawa pa ako, kasi di na pala original yung titulo nitong blag ko, kasi meron palang Anak si Kulafu.

Naalala ko tuloy nung bubwit pa lang ako, kasi bago ko pa ma-discover yung Funny Komiks, eh batikan na ko ng Liwayway, Aliwan, Wakasan, pati Lovelife Komiks, ok na rin. Madalas akong naka-tanghod dun sa nanay ko, hinihintay kong matapos nya yung Liwayway, kasi ako susunod.

Kaso mo, matapos ang ilang araw na pagratsada ko online, hindi ko pa rin maispatan si Kopong Kopong. Sya pa naman ang pangunahin kong suspek. Wala, umuwi akong luhaan. Ni anino nya, di ko man lang nakita.

Me naispatan ako na isang maliit na bayan sa Botswana na kung tawagin ay Kopong, pero malabo naman na mapadpad yung salitang yun dito sa Pilipins. Wala namang naligaw na mga egoys dito kahit bali-baliktarin mo yung Pilipin history. Maliban na lang kung ipagpipilitan mong me lahi nila yung mga Ita sa atin.

Baka pa yung mga taga-Indonesia. Kasi naman ang salitang Kopong ay translation ng salita nila na ang ibig sabihin ay Coral sa salitang Ingles. (Sorry brad di ko alam Tagalog ng Coral)Katunayan me isang sikat na lugar ng mga corals dun sa Indonesia, ang Karang Copong.

Maliban dun, ala na.

Ikaw tol, kilala mo ba si Kopong Kopong? Pasuyo naman o. Pag nakita mo nga sya, sabihin mo hinahanap ko sya, ha? Mabatukan man lang ang kumag.

October 31, 2007

Ang Mahiwagang Lansones

Undas na sa atin. Uso na naman ang mga horror movies. Lahat halos ng blog, me patutsada tungkol sa mga kababalaghan at mga katatakutan. Naisip ko rin sempre mag-post ng kwentong katatakutan, dami ko din experience sa ganyang mga multo-multo no. Dun ata ako galing sa probinsiya namin sa timbuktu, dami nun dun.

Kaso naisip ko din, eh ano namang magiging kakaiba sa isusulat ko, e di wala. Sa aking pagaagam-agam, naalala ko yung mga palabas sa Tv noon na Regal Shockers na hindi naman nakakatakot, nakakagulat lang. Naalala ko din si Chuckie, yung manikang killer ekek. Minsan napanood namin sa HBO sa Pinas, ililipat ko na sana kasi biglang dumating yung anak kong babae, 2 years old pa lang kasi sya nun, baka matakot sa palabas. Kaso mo, sa halip na matakot yung bata, enjoy pa sya at tawa ng tawa ke Chuckie. Kala mo comedy palabas.

Di naman talaga ako mahilig manood ng pelikulang horrors, kapag me date lang. Mas nakakatakot mas oks. Sempre yung ka-date mo matatakot, no choice kundi yumakap sa yo. Swak na swak.

Minsan, me nagturo sa akin ng sikreto ng mahiwagang lansones. Sabi ko, ano na namang kabalbalan yun? Nung ibinulong nya sa kin, natawa pa ko. Sabi ko, hmmmmmnnn....sige nga masubukan....

Kaya nung minsang magyaya yung syota ko na manood ng sine, horror na naman. Sabi ko gusto mo ng horror ha? Sige. Pag hindi ka natakot sa gagawin ko ewan na lang sa yo. Kaya sa halip na sinangag na mani ang bibilhin kong baon sa sinehan, dun ako bumili sa bangketa ng isang supot na lansones. Sabi nung syota ko, "bakit lansones na ata trip mo ngayon?, di ako sumagot, sa halip naka ngiti lang ako. Isip isip ko, yari ka mamaya. Wehehehehe. Nyehehehehe.

Pasok na nga kami sa sinehan, sempre pa madilim. Okey sa olrayt! Yung supot na papel ng lansones, nilagyan ko ng butas sa ilalim pagkatapos ay ipinatong ko sa aking lap (ano ba sa tagalog ang lap?). Maya-maya pa nga, dumukot na si syota ng lansones sa supot. Yari ka ngayon!

"Ayyyy!!!" nagulantang at napasigaw sya,
"ayyy, ano yun?" pinisil-pisil pa nya hanggang....
"uyyyy, kaw talaga.....ahihihihii"...........

Walanjo at walastik, wa epek, di natakot.

Kaya yung nagturo sa kin nun, sa kanya ko na lang pinakain yung natirang lansones. "O hayan saksak mo sa baga mo! Walanghiya ka....... epektib!" "Ang galing mo! Kanino mo natutunan yun, ke kopongkopong?"

Horror classic.

October 24, 2007

Ang Mahiwagang Balat


Minsan, wala na naman kaming magawa. Wala ring mapagkwentuhan. Kaya sempre, mauuwi sa walang kamatayang payabangan.

Yung isa kong kaklase sa Ermita, me pagawaan sila ng sapatos dun se me Mabini. Bale, balat ang kanilang main product. Mga balat ng ahas, buwaya, ganun. Kaya naman minsan naisipan nyang ipagyabang yung sapatos nya na gawa ng kanyang artisanong erpat.

"Tol, tingnan mo sapatos ko, oh, balat yan ng buwaya, at etong nasa gilid, balat naman ng ahas, mahal to pag binili mo sa SM," pagyayabang ni Topher.

Kami naman sempre, ma at pa. Kinamalayan ba naman namin sa mga balat-balat na yan. Eh basta kami point-point lang kami pag bumibili, di na namin inuusisa kung san nanggaling ang mga yun no. Pakialam namin dun.

Kaya nag-imbento na lang kami para naman di kami mapag-iwanan at nang makapang-asar na din tuloy. Nagkindatan na lang kami ni Siruis at alam na agad namin ang gagawin. Tinanong ko siya, "ikaw tol, anong balat yang sapatos mo?", napapangisi na ako.

"Naku, tol, mura lang to, balaaaaat ng sibuyas! Di ko nga masyado tinitingnan kasi baka maluha na naman ako," drama ni Sirius. Ok ah, orig ang banat.

Sumunod naman si Tukayo, "ako tol, mas mura, nahuli lang nung katulong namin tong pinagkuhanan ng balat nitong sapatos ko, ayun ginawang sapatos nung tatay ko," wento nya. Seryoso ang hinayupak.

Ano namang balat ba yan? Tanong namin. "Balat ng langaw. Medyo lumayo-layo kayo, baka masagi nyo, eh, mangamoy" dagdag nya. Orig din, mukhang me tulog ako ah. Galing mag-isip ng mga ungas.

"Eh ikaw naman Buraot anong balat naman yang sapatos mo?" tanong ni Tukayo na nagpipigil lang tumawa. Kakapigil nya, muntik nang lumabas ang uhog nya.

"Ah ako, ala, eto na ata ang pinaka-murang balat. Libre ko nga lang nakuha. Ayun ginawa ko na rin lang na sapatos. Para naman me pangtapat din ako sa mga sapatos nyo,kakahiya naman sa inyo kung ala," seryoso din ako.

"Eh bakit, balat ba ng ano yan?" gatong ni Tukayo at Sirius habang lapit ang mga tenga nila dahil pihadong excited na sila malaman kung anong naisip ko.

"Balat ng sugat!" bulalas ko sa kanila.

"Iniiwasan ko ngang matapakan eh, kasi sigurado magdudugo na naman. Tingnan mo kulay oh, kulay nana. Hapdi! Whoo!" , pagiinarte ko.

Si Topher naman, nakahalata rin, hayun asar na nilayasan kami.

Hagalpakan kaming tatlo. "La palang sinabi si yun eh, di ko pa nababanggit lolo ko nun!" habol pa ni Tukayo. Wala ka sa lolo ko!


(ang mga piktyurs po eh hindi akin at naispatan ko lang dito)