Ipinapakita ang mga post na may etiketa na SEOpaw. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na SEOpaw. Ipakita ang lahat ng mga post

January 17, 2008

Si Boy Bastos, Bastush!


Minsan isang araw, napadpad na naman ako dito sa blag ng tinaguriang Porno King. Hindi para manghagilap ng mga wento at piktyur ng mga tsikabeybs. Pramis, sa edad kong ito, wala ng lumulukso sa akin kundi ang aking mga veins sa sobrang kakainom ng starbaraks.

At pag minamalas-malas ka pa, baka sa halip na porno makita mo dun sa site nya, eh maispatan mo pa yung kanyang "vedio" na so yuckie. Nyahahahah! Ngayon kung matigas talaga ulo mo, eto pasyalan mo dito. OO DYAN!

Pero dahil nga sa kanyang mala-SEO na pautot na kanyang naamoy ke Macuha, totoo naman nga na dumami ang kanyang bwisitors.

Ano ba meron si Boy Bastos? At bakit ba sya sikatchupoy? Talaga bang sadyang mahihilig ang mga pinoy o mahilig lang talagang mag-aral ng mga bagay-bagay na ikauunlad ng kanyang kaalaman. (oi, sex ed yun no)

Nung kakaumpisa ko pa lang dito sa blag na ito, me wento ako tungkol sa mga kumag na me mga alyas na Boy sa aking post na Oh Boy!. Actually, mga kapit-bahay namin sila sa Dimasalang. Dun na yata ako maraming nakilalang Boy. Andun si Boy Basura, Boy Paa, Boy Kulot, Boy Bahog, Boy Nana, Boy Bunganga, Boy Rosie, Boy Tabog, at kung sino sino pang Boy na hindi naman alalay. Kaso mo ang naging bwisita ko dun, eh isa lang... ako. Galing! Suki!

Pero di ko naispatan si Boy Bastos. Eh kasi naman etong si Boy Bastos, sosi, taga-Alabang eh ako Dimasalang lang. Gusto ko nga sana pasyalan si Boy Bastos, kaso sarado na shop nya. Tenks to Manay Loren na hindi umano mahilig sa porn.




Boy.. Boy.... ano pinipiktyuran mo dyan?.... ay bastush!