February 21, 2008

Palatastas #11

Okey! Okey! Gising na ko...

Di ko malaman kung hibernate mode ako o hiatus.. tagal ko kasi mag-post. Para kasing me hang-over pa ko. Di ko maisip na naman kung ano ipo-post ko. Sarap kasi matulog lang ng matulog *ahem*.

Para lang masabing nagpo-post ako kaya eto. Palatastas muna ulit.
1. Wala na po ang blog na ito sa entrecard. Nabisto rin nilang puro Tagalog pala ang laman nito kaya kung si Reynz, nilaglag nya ang entrecard, dito, ako ang nailaglag. Hayufff. Dami pa naman na noypi na me entrecards. Pero ayoko namang mag-spokening Mekeni dito, gusto ko Tagalog lang. Nosebleed na nga yung ibang blogs ko, pati ba naman ito. Kaya kung ayaw nila wag nila!

2. Until further notice muna ang aking dotcoms. Hindi umabot ng valentayms kaya extended na muna ulit ang opening. Di ko pa maasikaso kasi. Kung mag-post nga ng blog di ko maharap ngayon, mag dotcom pa. Saka na lang ako magpapayaman tulad nina KotsengKuba, Itot at Ambo na me account na sa Banco de Reyna.

Ala ay yun laang naman.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

February 17, 2008

Social Climbing Logo Contest ni Reyna Elena

Ayoko sana patulan itong pautot ni kabisyong Reyna Elena. Kaya lang baka hindi na ko papasukin sa palasyo nya pag di ako sumali. Pero esep esep ko, mas maraming link ng mahal na reyna, mas madami din akong bwisitors kase lahat ng blogs ko naka-links sa kanya. O di ba? Yun ang ganansya ng mga link love link love ekeks na yan. Kaya sali lang ng sali.

Ayoko pa rin sanang sumali kasi la na ko masyado time sa mga blogs ko. Seryoso pa naman yung ibang blogs kaya kelangan ko ng inspirations at concentration para makapag-post ako ng mga mas malulufet na articles. Ika nga sa showbis, you're only good 'til your last movie. Kaya ang bloggers parang ganun din ang standards, we are only good until our last post.

Ayoko pa rin sana bumoto kasi lahat ng mga nasa top five na pagpipilian sa contest ni Reynz eh puro mga repapits. Baka magkatampuhan pa kapag namili ako ng number 1 at yung iba number 5.

Eh ayaw mo pala bumoto eh, anong pinag-iinarte mo jan!

Baka kasi magtampo yung promotor at yung lalo na yung mga kontestants kaya sali na rin. Sempre, eepal muna ako sa una, alangan namang boto agad ng walang pa-ekek. Sempre kelangan palagi me foreplay.

Teka muna, segway muna sandali. Pipol hindi po ako 41 or 42. Ang totoo, ako ay 35 years old na going 36 dis year. Ako ay martial law baby. Pero oo, nirarayuma na ko at nakakalbo na ko. As i have explained on my other posts, maaga kasi ako nag-umpisa at oo na, maaga akong na-devirginize, kaya maaga din akong nakakalbo at nirarayuma.

Mukha kasing medyo iniintriga na ang mga piktyur kong nakatalikod. Kanya kanyang trip lang yan. Kung ayaw mong nakatalikod ako, e di ikaw humarap ka. Kung bakit naman kasi interesado yung iba sa hitsura ko, di naman ako kapogian (nakanaks). Pero me link po ako na andun ang aking mga piktyurs. Hindi ko sasabihin kung aling link. Blaha ka maghanap no.

Eto na, back to the topic na tayo. Eto ang mga boto ko sa pautot ng reyna na Social Climbing Logo Contest. Eto ay base sa type kong logo at hindi dahil sa tropa ko ang gumawa. Lahat sila naman ay trops at lahat sila eh me utang ako. Nyahahahha!
1. Eto ang entry ni Itot ng 100% Batangenyo. Sya ang napili ko para sa number wan di dahil binibili nya ng 1 year dotcom ko, kundi dahil trip ko yung me koronanang tsik. Heheheh. Tol, wak nang 1 year dotcom, hindi nabibili boto ko. Heheheh. Yan bigay mo na lang ke Dakilang Tambay gusto na rin daw mag dotcom.
2. Eto naman ang Namber 2. Galing ke Chuvaness. Type ko sana syang number wan, kaso sana mas maganda yung stilleto heels. Nyehehehehe.
3. Eto naman ang ke Pareng Ambo. Aktwali para sa kin sya pinaka patok. Kaya lang eh handami nang logo ng mahal na reyna na katulad nito. Hehehehehee.
4. Eto naman ang entry ni Repapits Kotsengkuba. Mukha lang, ewan ko, parang unang tinginnin ko, eh parang engkanto at engkantada ang dating sa kin. Nyahahha! Peace tol!
5. Eto ke Chuvaness ulet. Hokey sya kaya lang ayoko ke Paris Hilton eh. Kasi hampangit nung video nya. Blak en wayt! Nyahhhaha!

O hayan, congrats sa lahat tutal puro naman na kayo sure winner. Painom kayo ha?

February 14, 2008

Piktyur Piktyur! Para Me Remember!

Hay naku.. hirap pala maging sikatchupoy... yoko pa naman nung sinasalpak pagmumukha ko sa mga magazines. Kasi I love my privacy. Kahit na kaututang-dila ko si Kuya Boy nun, ayoko madiscover. Ayoko ng showbis. Nyahaha! Kung di lang kahiyaan na to, di ako magpapa piktyur at magpo-pose sa mga fibonacci paparazzi.





Nyahahahah!

O sige na nga.. baka... eto na totoo na to..

Eto kuha habang nag-iikot ako sa amazon nung hinahanting ko yung higanteng sawa na nakalaban ni JLo. Tinirador ko sya ng kanyon. Durog!


Eto naman rak na rak ang dating. Nung nakikipag-headbangan pa ako sa Bistro 70's at sa Mayrick's. Rak en rolllll!



At eto naman nung nagmo-mongha ako nung nakaraang taon. Papahabain ko pa sana balbas ko na ala SunTzu kaso sa kakatabako ko, nasunog.



February 13, 2008

Halo-Halong Gawa sa Snow

Sensya na mga repapits. Ngarag pa byuti ng lolo nyo eh. Natambakan na naman tuloy ako ng mga meme.

Sempre, kagaya ni Ambo, kelangan ko din naman magliwaliw ng hindi gumagamit ng internet. Kaya dumayo ako sa me bandang norte para makatikim ng special na halo halo. Gawa sa snow. Nagbaon lang ako ng condensed milk, katalo na.


Yun lang. Okey balik na sa mga tag at meme. Oissst Miatots at Reynz naghahanap pa ko ng piktyur ko na pinaka-gwapo kaya di ko pa naipo-post.. Oo ganun kahirap humanap ng pic ko na gwapo.;)


(kunyari marunong mag-ski)

Ooops.. nalimutan ko.. valentayms na nga pala. Hay naku, hayan humingi kayo ke Itot ng discount card dahil sigurado ako member yan ng Flower's Club.

Kung nagmamadali ka naman at kelangan mo nag mga payo at puntos para sa date mo eto pagtyagaan mo na yung luma kong posts tungkol dito. Eto salpak mo sa browser mo. >>> Flower's Club at eto pa >>> Powder o Lotion?

February 8, 2008

Gusto Mo Ba Mag-Pakaskas?

Langya. Antagal ko na tinanggal yung grin department dito sa blog ko, pero parang laging green ang dating ng mga post ko. Buti na lang kahit papano me diskleymer ako dun sa gilid.

Kasi naman dumating kahapon yung ate ko galing ng Pinas. At dahil hindi naman ako mahilig magpabili ng kung anu-ano dun, wala naman ako ibinilin. Kadalasan kasing mga pinoy na andito, magpapadala ng pera at magpapabili doon. Lalo na ang yosi kasi kalaking mura. Dito ang isang kaha ng yosi ay halos 5 dollars samantalang nga naman sa pinas, halos isang rim na yun.

Eh hindi naman ako nagyo-yosi no. Tabako gamit ko. Saka wala naman na atang Liwayway sa atin. Hindi rin naman ako nag-yoyosi ng Champion kasi yung usok nun, pababa. Mas lalo na yung Hope kasi nakaka-ngongo yun.

Kaya natuwa naman ako kasi me dala syang...... Tyaran! Pakaskas.


(hanlabo ko kumuha ng piktyur)

Antagal ko na kasing nanghahanting nun. Nung last ko uwi, wala naman sa Maynila noon. E di lalo namang wala nun dito. Ibang kaskas kasi ang marami dito. Pero yung pakaskas na gusto ko na gawa sa gata ata ng niyog na nakasalpak sa dahon ng sasa, tagal ko nang di nakakatikim. Sa amin lang kasi sa Timbuktu uso yun at sa Batangas. Me nadaanan daw kasi ate ko at inalok sya.

Okey sa olrayt kase siguradong ako lang uubos nito dito. Peborit ko kasi ito.

Si Itot alam ko nakatikim na nyan. Kasi katulad ko, nagsasabaw din yan ng kanin sa kape. Ikaw ba naka-try ka na ba mag-pakaskas?

February 7, 2008

XXX Award

Sensya na. Eh ganun talaga pag bagong blogista na tulad ko, kulang na lang gawaran ng Mr. Friendship Award. Heheheh. At kahit na santambak ang mga meme at tags na kinakarir ko, no choice ako kundi ang isingit muna ito. Mataray yung nagbigay, baka awayin na naman ako at sugurin ako sa bahay ko.

~~ make kopya here ~~

u got these...

XXtra Ordinary Blogger Award!



"These blog award is intended only for blogger, who has that intense passion for blogging, always there at my BLOG to greet us, and finally the BLOGGER who is simply XXTRA ORDINARY"

1. Pass this to 7 or more of your worthy friends.
2. You can also pass this to the one who gave it to you.
3. Pass this award to only DESERVING bloggers.
4. No rule number four.
5. Please refer to Rule number 4

~~ end kopya here ~~


O di ba. Ganda ng graphics nitong pautot ni Julia Julia. Tenkyu sa award tol! At dahil "centennnial" anniversary na nya, eto ang kanyang pakulo sa mga naging "supportive" sa kanya at sa kanyang blog. Ang dasal ko ay sana umabot pa ng 100 years si Julia ang blog nya.

At eto naman ay sempre ipinapasa ko sa aking mga repakols na suki sa tags na sina Spokening Peso, Ka Ambo, Itot, Reyna Elena, Chuvaness, at mga bagong repapits na sina Holy Kamote, Blogalag at Dakilang Tambay. Naway dumami pa kayo.

February 5, 2008

Siopao na Special

Habang nagpapalit ako ng soundtrack, naispatan ko yung mga kanta nina Caloy at ako ay napangiti. Kasi bumalik na naman ang aking remembers noong nasa kolehiyo pa ko.

Di pa sila ganun kasikat noon.... habang nakasakay ako sa dyip, naulinigan ko yung sounds. Usong uso pa naman nun ang grunge at sempre patok din yung kantang Creep ng Eraserheads RadioHeads. At hayun nga narinig ko yung version na Tagalog. Tawa ako ng tawa kase ang ganda ng tunog, rak na rak pero patawa yung lyrics. Hindi sya yung mala-cachupoy na payat ang sounds na ala Yoyoy Villame dating.

Hinanting ko talaga sa Recto at Avenida kung sino ang kantatero na yun at nung naispatan ko na, takbo ako sa Quiapo at nagpa-record ako dun sa Raon dala-dala ko yung aking tigli-limang pisong blank tape.

Eh sino ba naman ang hindi nakarinig nung Siopao na Special (karneng pusa). Super Special! Biruin mo, hello kitty flavor. Ang sabi nung tropa kong si kopong kopong, taste like chicken daw. Eh lahat naman taste like chicken no. Kahit na yung bayawak, buwaya, ahas at unggoy na natikman ko sa Timbuktu, lasang chikenjoy din. Pero yung pusa daw malamig sa tyan. Sarap daw pampulutan sa gin bulag. Ukkk.


(Miyawwwwwrrrr!)

Buti na lang kase mas tayp ko pa rin sa Kowloon. All time peborit ko yun. Kase nung tambay pa ko sa Dimasalang, si kumander pag umuuwi galing trabaho, laging me pasalubong na Kowloon para sa kanyang panganay. Ako yun tol.

Di bale nang hindi malamigan ang tyan ko.

February 4, 2008

Me Libre Kan Tutbras!

Grabe. Galing lang ako sa dentista. Ayoko sana kaso mo, naisip-isip ko, sayang yung mga kinakaltas sa sweldo ko kung hindi ko gagamitin yung benepisyo ko.

Langya. Sa tinanda tanda ko na ito, sa totoo lang takot ako sa dentist. Kasi naman nung bata pa ko, napanood ko yung ate ko na binubunutan ng ngipin. Kaya ako natakot, kasi masyadong madugo. Parang ala Sweeney Todd. Naka-upo sya sa dentist chair at me takip na puting kumot tapos tumitilamsik ang kanyang dugo. Yung dentistang bumubunot ng ngipin nya, naliligo na rin sa dugo. Hitsura ng massacre nina Carlo Caparas.

Kaya hayun, buhat noon, di na ko pumupunta ng destista. Kahit na ibagsak pa ako ng titser ko sa Health en Grooming, oks lang. Baka ma ala-Sweeney Todd pa ko wak na!

Tutal, ekspert naman ako sa old iskul na pagbubunot ng ngipin. Sabi ng nanay ko, kapag umuuga na na yung sirang ngipin, kukuha lang ako ng sinulid, isang basong tubig, at maliit na kaserola. Ipupuplupot ko yung sinulid sa ngipin ko, ilalagay ko sa harap ko yung kaserola. Sabay wan.. tu..tri.. HILA!

Minsan naman, itatali ko yung kabilang dulo ng sinulid sa door knob ng pinto para mas malakas ang pwersa. Tanggal kang ngips ka!

Kaya naman nung magpunta ako ng dentista, tinanong ako na para bang naglalandi.. "First time?" Sabi ko naman.. "At my age? Are you kidding? Hell no!"


Sabay tawa at hirit nya na "I mean.. to a dentist?" Esep esep ko, ayan linawin mo. "Well, kind of."

Halata ata na naginginig pa tuhod ko dahil nga takot ako. Dyoskoday! Ganun pala. Dalawa silang nag-aagawan sa panga ko. Nung una, x-ray. Kung anu-ano sinasalpak sa bunganga ko habang pinipiktyuran yung bawat anggulo ng panga ko. Pagkatapos, nilinis. Parang kinukudkod yung ngips ko ng bakal na papel de liha. Sirang sira ang poise ko. Biruin mo ba naman kitang-kita nila ang aking ngala-ngala. Tapos me tig-isa silang maliit na hose na nakasalpak sa lalaugan ko. Yung isa me lumalabas na tubig, at yung isa naman pang-higop.

Kaya pala sa dami ng tubig na pumupulandit hanggang sa mukha ko, di ako nalulunod, kase me pang-higop din.

Makaraan ang halos dalawang oras ng pakikipag-buno ko sa dalawang tsikabeybs.. hah! Napagod din sila. "Buraot, we cannot finish this in one sitting, we need you to come back." O di nagsawa din kayo.

Sabi nung kasama ko, ganda nung isa dun no? Eh ano namang paki ko? Kahit na pinaka-maganda sya sa lahat, malabong makapagpa-kyut ako dun no. Eh kitang-kita na nila bituka ko eh.

Pero in fairness, parang nabawasan ako ng dalawang kilo.

February 2, 2008

Prensheeps


Tama kaw Kabayang Itot, bukod sa mga asuntong mga natanggap ko, natabunan na din ako ng sandamakmak na meme. At no choice ako kundi ubusin, dahil habang me nakabinbin ako, wala akong maesep na ipost dito.

Naka attend ka na ba ng mga awarding ceremony? Di ka ba inaantok sa dami ng mga pa-epal sa umpisa? Yung bago dumating yung pagbibigay ng award, laging me mga eklat muna at mga walang kamatayang speeches ng mga kung sinu-sinong ponsyo pilato? At yung camerang dala dala mo, ubos na ang flash at ang memory, wala pa yung mismong kukunan mo. Hay nako...

At eto.. ganito din yun. Eklat ko lang yung unang paragraph. Kase sempre, me natanggap na naman akong prensheep badge sa mga kapwa ko blogista na mga chikababes. At sempre, welkam na welkam yang mga yan. Kasi bukod sa dumadami na kasangga ko sa blogosphere, me pangsalpak pa ko sa page ko.


Eto ang una, mula kay Lukaret na nasa Alemanya. Ako lang ba nakakapansin na kahawig sya talaga ni KC? Oo, KC...... KC Montero. Nyahahah! Joke lang pakner. Hinde, tutut, hawig nya si KC Concepcion. Naks! Ganda ni Mommy. Tenkyu pakner sa award.


Dahi pareho din lang naman ang tema, isinabay ko na din yung galing ke Pusang Maganda. Eto rin isa pa sa mga chikababe sa blogosphere. Gandang Belo. Ehe. Gandang Morena. Meow!! Tenkyu tol sa prensheeps. Kaso, baket ka naman nag-hiatus? Guilty tuloy ako kasi nung ni-tag kita bigla kang nag-hiatus. Nabigla ba kita? Dahan-dahan naman ako ah? Nyahahah!

At ang mga ito dapat daw ay ibinabato pabalik sa iba pa to keep the friendship on growing. Pero baka yariin na naman ako ni Haring Gugel kase baka magmukha na naman itong link farm sa dami. Kase ipinapasa ko ito sa lahat ng mga nasa aking tootsie roll. Asus, andun sa kanan, hanapin mo yung tootsie roll dun!

Kase lahat sila deserving. Di ko naman basta basta kinakabit yung link ng me link no? Kaya lahat sila prensheeps.

Kung kaya kung nasa tootsie roll kita, pakipitas mo na lang ang mga badge na ito dahil kasama ka dito.

Sya sya... hanggang sa susunod. Na Award. Lekat dami ko pa nakabinbin.