Hay naku. Day off na naman. Bihira naman na akong mag off na ulit. Ngayon, nakakainip na naman. Nakakaburaot. Obvious ba na wala na naman ako magawa? Kasi nagpo post na naman ako sa mga kablogan ko.Heto na naman ako. Pagkatapos ko paliguan si Tagpi, petik petik muna ulit. Ayoko namang lumabas kasi mainit na dito. Kaya tambay na naman ako dito sa lungga ko. Nakakatamaaaad!
Pati pagligo, tinatamad ako. Di bale, yung brief ko ililipat ko na lang sa Side B. Yukkie.
Sempre me naalala na naman ako. Dati kasi sa Dimasalang, sempre pag wala magawa, nakatambay lang. Minsan, nakaupo lang ako sa tambayan namin. Pa yosi yosi, nagpapaka pilosopo, nag-iisip kung bakit ako ipinanganak, nagbibilang ng sasakyan, at namimintas ng mga dumadaan.
Di ko napapansin, napapakamot ako. Parang me lamok na dumadapo sa batok ko. Maya maya pa, nakikita ko yung ibang mga tropa ko, na kanda ihi sa kakatawa sa akin. Sabi ko, bakit, ano nakakatawa? Wala lang, tawa lang sila ng tawa.
Dahil nakakahawa naman talaga yung hagalpakan nila, tawa din ako. Kahit di ko alam kung bakit.
Hanggang mapalingon ako. Yung isang tropan namin, walangya! Walang t-shirt, at naghihilod ng kanyang katawan gamit ang kamay at naglilibag. Kada hilod nya, binibilot nya yung kanyang libag ng kanyang daliri at ibinabato sa akin.
Hinayupak. Yukkie talaga. Kaya pala. Muntik ko na masapak ang kabron.

















7 ditokamagreklamo:
lunes e side a,martes e side b, miryekules e rewind!ahehehe!naalala ko tuloy yun wento ng isang kchat ko.naglalaro daw sila dun s kuarto ng kapatid n babae ng kaibigan niya.may nakita dw siya na hiwang calamansi.kaya ang ginawa niya e dinilaan at sinupsop niya ito.bigla siya nakita ng kaibigan niya at napasigaw sa kanya ng,"hoooy wag mong supsupin yan dahil ipinapahid yan ng ate ko sa kilikili niya..." sabay tapon niya at sinabi ang salitang,"yuck".
anyway, blog ko yun pinoromote ko s kabilang entry mo.balak ko sana magphoto blog ayun ang kinalabasan e drawing blog.promote ko uli ah.ahehehe''
paint54.blogspot.com
senxa na s drawing ko kc paint s pc at mouse lng gamit ko.thanks!
yun ang yuck! nyeheheh. oks. ni add ko na link nung drowing site mo. heheheh.
ewwww!!!
ewwww! nga. nyehehehe.
OMG! ang gross!!!!
kadiri nga. hehehehhe.
sana man lang binato ka nang shampoo para naman feeling concerned at helpful yung nambato! kulang ang story mo, anong ginawa mo? hahaha
Mag-post ng isang Puna