Nau-uryong na naman ako.Two weeks na naman akong mala curacha, walang pahinga. Kasi naman yung isang kapalit ko sa trabaho, bigla na lang nag-quit. Wala tuloy ako pamalit. Tuloy di ko magawa yung ibang bagay na kelangan kong tapusin.
Pati yung mga anik-anik ng mga sites ko di ko mai-update tuloy. Kasi pagdating ko sa bahay, antok na antok na ako. Pati mga tubal (lamog, maduming damit) ko di ko na malabhan. Kaya ata walang gustong pumasok sa utak ko, di tuloy ako makapagsulat ng mga mala-impaktong pampadugo ng ilong.
Di na ako makatulog ng mahaba. Dati rati, ansarap ng tulog ko. Dahil pang-gabi ang byuti ko, pagdating ko sa bahay ng alas otso ng umaga, kakain lang ako ng breakfast, diretso ng tulog. Gigising ako nun, alas diyes na ng gabi para maligo at dumiretso na ulit sa trabaho. Sarap ng tulog. Dire-diretso, 14 hours.
Ngayon, maswerte na ko makakuha ng 6 hours sa dami ng aayusin at iisipin.
At dahil wala na nga akong ka-substitute sa trabaho ko, 2 weeks akong diretso na walang day op. Tapos me ppasok pang isang kumag na bago, sempre ite-train ko pa yun. Di bale kung mabilis maka pik-ap. Eh kung eng-eng? E di mas masakit sa ulo.
Mahirap din naman ang mag train ng bago, lalo na at walang experience. Kasi umpisa kayo sa zero.
Hay naku, buraot pa rin.

















7 ditokamagreklamo:
weee.. kaya mo yan buraot. pabertday ko nasan na?
parating na! nagpa balikbayan box ako ng house en lot. heheheh.
14hrs? grabe ka matulog. makatulog lang ako ng diretsong 6 na oras swerte na.
ot naman ata ung extra working hrs di ok lang, laki ng sahod ayaw mo?
hmmm mari din hingi ng pabertdey?
kaso last week pa.
hay naku... di na ko nabigla sa maaaring mabasa ko. wahehe! nagpalitan na naman sila ng nakakaumay na kasweetang comment. nyahaha!
anyhook, ako din buraot sa pagiging curacha kaya madalang nalang makapagblog at makagala. kung dati liwaliw sa saturdays, ngayon extended ang opis. pano kasi umalis din yong isang empleyado dito sa pinapasukan kong opis. kaya ayon, designated kapalit ako. ang maganda lang sumasahod din ako. teka ang gulo... basta designation, company slash designation, company ako. in short dalawang work, double compensation, one opis. union! natumbok ko rin... pero yun nga bawas sosyal layp at liwaliw..
at yun lang ate charo... di ko namalayan gumagawa na ko ng liham sayo. wahaha!
buraot, pakanton ka naman daw sabi ni mia...
mia, house and lot daw oh. may ibig sabihin yan... h&l pang-marriage proposal lang yan ah. hahaha!
langya ka talaga islander.. nyahahahah! inintriga mo na naman kami ni miatots. heheheh. house en lot na naka drawing yun. pang asar lang. heheheh.
opo toniboy 14 hours ako matulog. buong araw. sa gabi ako work, tapos tulog sa araw. bawal kasi ako masikatan ng araw, naa-agnas ako.
Istorbo talaga yang trabaho! Buti na lang wala akong istorbo ngayon, kaya tuloy ay ligaya sa blogging. He he.
BTW, alam mo pala ang salitang 'tubal'. He he.
hehhe. buti ka pa walang istorbo. heheh. oo naman, tubal. me factory ako nun, nung college. hehehehe.
Mag-post ng isang Puna