Heto na po ang sinasabi nilang delubyo. Kung di mo alam ang delubyo, itanong mo muna sa lolo mo. Mula sa pinagsama-samang hanging amihan at habagat mula sa mga aplaya ng Timbuktu at mga masamang hanging nagmula sa kumukulong tyan ni BURAOT... ang pinaka pautot ng mga pautot.
Yahoooooooooooo!
Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa April 01, 2008.
Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.
Ano ang kelangang gawin para makasali?
1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.
Example:
"Dear Lolo Buraot, napili ko po ang iyong post na Powder o Lotion dahil nakapagbigay po ito ng patok na ideya para makapag-libang. Oks. Babu. "
2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
4. Ikabit ang link ng site na ito gamit ang bagong url na www.kopongkopong.com.
5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges. (ako yun)
Ang Premyo? Kelangan ba meron? (Nyehehhe. Joke lang.)
Pagsapit ng alas dose ng gabi empunto ng October 31, 2008, sarado na ang botohan. Pyesta ng mga patay, ay bobolahin na ng mga hurado (ako ulit yun) ang mga sumali. Within 3 to 5 days ay ipapaalam na natin kung sino ang mga wagi. Ang tatanghaling mga maswerteng mga nilalang ay makakakuha ng premyong sumusunod:
Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)
Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above
Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT
Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)
Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.
Last date of entry: 11:59 PM, October 31, 2008 PST (sori, kelangan oras dito sa aking hide-out and susundin)
Babala/Paunawa/Paalala/Pahabol/P.S.:
* Kailangang may blog ka na gumagana na noon pang
* Kailangang may paypal ka para maipadala sa yo ang sandamakmak na sampera. Kung wala kang paypal, gumawa ka ng account. Sayang ang ibabayad sa western union.
*Ang mga premyo ay non-transferable (ibig sabihin di ko pwedeng i-transfer sa yo. heheheh. joke lang. ibig sabihin, kung ikaw ang nanalo, sa yo ko lang pwede ibigay di pwedeng mo)
* Kailangang nakaka-intindi ka ng Tagalog.
* The promotor have all the rights pertaining to the rules of this promo. Per DTO permit 02-10.
Para sa mga dagdag na tanong, reklamo, epal, mag-comment lang dito o mag-email sa buraot101@gmail.com.
Hala, game na!

















39 ditokamagreklamo:
di ga ako namamalik mata? 300 daan dolyareseseseseseseses!huwow ang yaman!talbog ang pacontest ng kahit sino man. aba sasali ako dine...ahehehe
Pucha ano ito panaginip ba? kapatid wake me up!!!!! Hala ayaw e tututs nga BURAOT YOU'RE THE MAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Grabe todo na sa lahat ng todo to ah! nanalo ka ba ng lotto jan o sadyang isa kang impostor na nagkukunwaring pulubi tapos isa palang tagapagmana ni Michael Jackson!!!!!!
Sasali ako aba ang laki nyannnnnn!!!!!!!!
huwawwww ang laki ng prize.
ano toh, house blessing? aba kelangan mabasa to ng mga kablogroll mo.
calling calling..
Ok Updated na yung last post ko Don Buraot. Dapat ganyan na ang tawag sa yo e anak ka ng kopongkopong sa laki ng premyo mo tinaob mo lahat ng contest hahahaha.
ahuhuy! ala-y bakit naman jan 08? yung blogspot ko ay march lang pero pede ko ba isali yung isa kong katauhan? nov 07 pa yun?
Haru, josku repapips, kahit na hindi ko sureness knug swak ako sa pakontest eh sumali na rin ako...
Haru, josku repapips, kahit na hindi ko sureness knug swak ako sa pakontest eh sumali na rin ako...
ang yaman ni buraottttt!!! panis un 5$ ni reynz! LOL hmmm kelangan pagisipan mabuti ang isasali ko na post :) pd bang ganda lang? LOL joke lang
heheh. aktwali, nanalo ako ng pa ending kahapon. hehehehe.
kala ko naman e sa palabunutan ng ice buko ka nanalo.ahehehe. kokontakin ko na si john chow,problogger,techcrunch at si madam auring para sure win!ahehehe
HUWAAAW!!! 300$$$??? Ang yaman ni Buraot!
Sasali aketch!!! Hehehehe!!! Congrats sa dot com!! FInallY!
~chuvaness
sali ako dito!! pag-iisipan ko ng mabuti ang post ko para manalo ako.. hehehehe!
tenkyu tenkyu! o sya, mag post na kayo. heheheheh.
sana naman pinatapus mumuna ang aking logo bwahahahaha
teka pala yong dollars na yan baka may mukha mo yan bwahahahahaha
ding dong... pwedeng sumali :D
pweding pwede gorgyus. hehehhe.
honga finkbiik, papasadya ako sa federal reserve. heheheh.
suplado ako, hindi ako sasali no. pero yung mga blogs ko daw e gustong sumali lahat. syempre, sino ba naman ang makakatanggi sa pakontes ka kakabog sa lahat ng pakontes. hahaha.
buraot, dapat may edge ako sa kontes mo dahil gumagamit pa ko ng prozy at kung anu-anong tweaks para lang makapasok at makapagcomment sa blog mo. si badoodles nga nakikipagsolian na ng kandila. hahaha
NGA PALA! Ang sarado nang pa-premyo mo eh berdey nang asawa kong si Matil-duh! HAHAHAHA
binasa ko na! Hmpt! PURO UTOS! PURO UTOS! PURO UTOS!
Gagawin ko lahat yan! Gagawin ko ang lahat manalo lang ako! Kung kinakailangang bayaran kita para manalo ako, gagawin ko!
nyeheheh. kasi naman kotsengkuba, masyado mahigpit ang host country mo. heheheh.
hmnnn.. sino kayang asawa yun ha mahal na reyna? hmmmnnn pa ulet..
siya si Matil-duh! http://matilduhscurse.blogspot.com/
sa totoong buhay, tiga-linis nang babuyan ni ms. pink biik! hehehe
hmnnnn.. parang kilala ko na sya. hehehe.
hmmm.... hehehe! saan kayo nagkakilala? aber? ma-imbistighan nga to! hehehe!
wow lumabo panigin qoe sa laki ng premyo mo... hekhek.... ma check nga lagi toh..
helow flor... okey lang. pag nanalo ka naman, me pambili ka na ng salamin. hehehehe.
Nakow, dami na sumali. At puro mga bigatin! Laos ako dyan, wala ako pambili ng boto. hehehe
oks na oks lang ely.. di naman ito popularity contest. heheehe. ala tsamba contest naman ito...
Wow,makasali nga,ok lang kahit hindi manalo ...basta mau premyo.
hehhe, dady-yo, sali kaw ha? konti pa lang nakakapag post. baka magkalimutan, e di pasok na agad yung nakasali. hehehhee.
Heto na po ang entry ho
Kapag nanalo ako,magpapa cheese burger ako.
okey sa olrayt dadt-yo. pag nakalimutan ng iba, sigurado wagi ka. hehehhe.
half filipina here!!
hehehhe. sali ka na din bryan ha?
Kay bilis naman. Kakapost ko laang ay narene na kaagad ang link. Aba'y bilib na ako ah!
sumali din po ako, kailangan ko bang ipost yung link sa site ko o mahahanap nyo na lang ako na parang may GPS kayo, pag nanalo ba ako may bawas ba na TAX yun?
hehhe. rhyannefranz, i link mo lang dun sa post mo yung bagong url ng site ko at yung link nung post dito sa kulapo na napili mo, pasok ka na.
yung sa tax, buo yun, walang bawas, bahala ka nang mag file nung tax. heheheh.
salamat po at hindi ako naitsapwera sa pakuntes na e2. salamat din po sa koment at salamat din po at dumayo ka sa kampo ko. salamat din sa mga tumangkilik ng website ko. salamat din dun sa tambay sa kanto na bumuhat sa akin ng baha dito.
wala pong anuman.
-tambay sa kanto
Mag-post ng isang Puna