April 1, 2008

Me Fool at Special Pink Biik

Oist Fink Biik, eto na ha. Special na special pa dating nito ha? Parang pang Laloma. Sa totoo lang, andun yung link mo sa Pinoy Entrecard na tootsie roll ko. Pero dahil panay ang reklamo mo dyan, isinalpak ko na rin dun sa Kaututang Dila at sa Cachupoy Blogs.

Nag-eesep kasi ako ng pang post ko na mala-cachupoy na pang April Fools Day. At sa sobrang kakaisip ko, kinulang na naman ako sa tulog. Tuloy kaninang umaga, madaling araw pa lang umuwi na ko galing trabaho. At sempre dahil nga kulang sa tulog ang lolo nyo, nakatulog na naman ako sa pagmamaneho.

Nagising na lang ako eh nasa ibabaw ako ng tulay at lumilipad yung si Tagpi ko. Buti na lang kamo yung binagsakan ng kotse ko, sakto sa daan na dadaanan ko talaga. Hanggaling. Para lang syang stunt sa pelikula. Sayang nga walang piktyur piktyur, e di sana me remember kung gaano ako kagaling magmaneho.

Buti nga hindi nagkalas kalas si Tagpi. Ubos pa naman na yung supply ko ng salonpas. Tinadtad lang ng gasgas yung ilalim nya kaya baka madadala sa sangkaterbang kuritas (band aid po yun). Ayan, me natutunan ka na namang word op the day na galing Timbuktu.

Nawala tuloy ng diretso yung antok ko, daig ko pa ang suminghot ng isang kilong kapeng barako na katulad ni Itot at napahithit pa ako ng isang dosenang tabako ng di oras.

Sakto sana yung R.I.P. ko April Fools Day. Nabatukan ko tuloy sarili ko, you fool!

19 ditokamagreklamo:

itot54joni ayon kay ...

walastik, balak mo ata isali sa gran turismo 5 yan si tagpi mo ah.ahehehe!sabagay wala atang mini cooper doon! kaano ano mo ga si alonzo at schumaker, balak mo atang maging race car driver e? pwede k ng stunt driver s pelikula!ahehehe

toni/nonblogger ayon kay ...

nay ko po! feeling mo ba stunt ka sa action movie? di naman kaya umiinom ka ng syoktong sa trabaho, ang dami ko kilala nasa graveyard shift at ung iba talagang lasing kung mgdrive pero nde man magasgasan mga sasakyan.
malas nga lang madaanan nila.
konting ingat naman po.

speaking miss pinkbiik..nanalo sya last week kaya kelangan mo uli bumoto para naman sa hall of fame.

BURAOT ayon kay ...

nga itot, pang gran turismo. oist toniboy galing mo mangampanya ha?

malapit na ko magpautot ng sarili ko kaya kokontrtahin na kita para ikampanya ako ha?

De Lyzius ayon kay ...

nyahahahaha... masamang damo mahirap gapasin talaga... ibig sabihin nun me special job ka pang gagawin sa mundo sabi ni papa jitut...

linglingbells ayon kay ...

wow! naimagine ko yung nangyari! ang galeng!!!! hahaha!! (natuwa pa talaga ako e noh?!)

kawawa naman si tagpi..

BURAOT ayon kay ...

ala naman lizzie, di ata nila alam yung salitang gapas. nyeheheh.

honga ling2, durog na naman si tagpi ko.

Ambo ayon kay ...

Bomber Moran ikaw ba yan? hahaha. Lekat ang galing mo para kang si Knight Rider! Ngayon naniniwala na ako ikaw nga si Batman! hahahaha

Gabriel ayon kay ...

hi, po hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you

http://flipclan.com/unang-pagtingin/

MissPinkBiik ayon kay ...

Hoy BURAOT! ako daw ang female version mo @ honga.. batman ka pala talaga pero i tenk mas gusto ko si Mr. Monggo (mister bean) bwahahahaha.. la james bond baga

BURAOT ayon kay ...

nyahhah. ikaw ambo, buhay pa ba yung si bomber moran? hehehe. panahon pa ni dante varona yun ah! wahahaha.

helow gabby, hokei pasyal ako sa site mo. check ko yung song.

oist finkbiik, female version kita? hmnnn.. bakit kaya? lols!

Ambo ayon kay ...

Teka text ko si Chiquito ask ko ha kung buhay pa so Bomber Moran! Just wait! lols

Teka me female version ka na si Ms. Pink? Hala mula ngayon Buraat na tawag ko sa Ms Pink.

Buraat - ang lalakeng Buraot? lols

toni/nonblogger ayon kay ...

huhummm asan ba si kuya blue at me naaamoy akong panibagong labteam d2.
palagay ko bagay kayo,
@ambo ke pangit naman ng buraat, bat di na lang batgirl o batwoman.
@buraot sige pakulo ka, bahala sila malaga. ahahaha

MissPinkBiik ayon kay ...

pasensya na kayo at na in lababo ako sa magandang batok ni buraot... tapus mag kasing asal pa kami kaya sorry na lang kayo dyan sya na si Mr.Pinkbiik bwahahahahaha

BURAOT ayon kay ...

psst ambo, si to-chiquits im sure dedbol na. heheheh. si chupoy ata buhay pa.

lapit na pautot ko toniboi. nag-aayos lang ako ng bahay.

pssst.. finkbiik...

MissPinkBiik ayon kay ...

na gandahan ka na naman sa kin ha ha ha ha ha

MissPinkBiik ayon kay ...

ay check out my new pektur sa


www.myspace.com/chika38

syotanijuan ayon kay ...

san ba kita mahuhuli? anak ka ng tinapa! nobela na ang kwnto ko, halaka aakyat na ako ng timbuktu pag hindi mo ko kinausap within this week wwoooo walang net sa timbuktu!

Dakilang Tambay ayon kay ...

hindi bagay sau mging stunt man.. haha

BURAOT ayon kay ...

oist piatots... tagal natin di nag-aabot. di mo ko mahuli. hehehe.

miatots, anonena? nag exam na kaw?

finkbiik, mamya po post ko yung tungkol sa pautot mo.