April 24, 2008

Kuta Kinabalu

Hindi ko kailangan ng kung anumang dahilan kung bakit di ako nakakapag post nitong nakaraan. Blog ko to, me reklamo?

Pero dahil madami naman akong mga repapits, sempre laging me alibi. Ang aking dahilan kung bakit bihira ako makapag orbits sa ibang mga blogs ng me blogs at bihira din ako makapag update? WALA LANG. TRIP KO LANG!

Medyo napagamot ko na kasi ng pautay-utay (pakonti konti ang ibig sabihin) si Tagpi. At heto nga at nagbabalak na si Tagpi na lumipat ng ibang kuta. Medyo nabugbog kasi nitong nakaraang taon, kaya pahiyang muna. Kumbaga sa mga manunugal, "Las-ma ang bekata sa wakali!" Kung kaya naghahanap na naman ako ng panibagong batcave dito sa US of A.


(pogi na ulet..)

Pero kahit maglipat-bahay at magpanibagong kuta kami ni Tagpi, tuloy tuloy lang itong Kulapo, lumalakas ata raket dito.

Kaya naman, hoy... yung mga nag-aabang dyan sa bago kong pautot, sige abang abang lang... i mean, sali na! Libreng pabwenas ko yan sa aking mga cachupoy na suki.

Pasasalamat muna kay Badoodels ng Kwentong Barbero.Com dahil sempre, sa kanya ko nakuha ang ideya ng pautot na ito bukod pa sa sandamakmak na trapik na nakukuha ko mula sa kanyang site. Tenks!

4 ditokamagreklamo:

linglingbells ayon kay ...

ang gwapo ni tagpi! papabol!

Dakilang Tambay ayon kay ...

akin na lang si tagpi

De Lyzius ayon kay ...

anong kaututan na naman ang nangyayari dito?

BURAOT ayon kay ...

wala lang lizzy... hayan si miatots at si lingling naiinlab na ke tagpi. heheheh.