April 28, 2008

Dedma Lang

Bago pa ako naging buraot at pakelamero, wala akong paki. Bata pa ako nun, dedma lang ako. Walang pakelaman. Blaha ka sa buhay mo. May sarili akong mundo.

Kuntento na ako sa mga laruan kong ginagawa lang. Kung meron mang binibili hindi naman kamahalan di tulad ngayon na ang mga laruan ay super hi tech. Mga trumpo, sumpit, teks, goma, holen, sipa. Yang mga yan binibili.

Me mga laruan naman kami na di mo na kelangang bilhin, pupulutin mo lang kung san, me instant toy ka na. Mga tansan ng sopdrink, pwede mo pitpitin at gawing paining. Nalimutan ko na tawag dun, pero pinipitpit namin yun at nilalagyan ng butas sa gitna, lalagyan mo ng tali at hihilahin mo iikot na sya ng mabilis na mabilis. O kaya yung mga palara at kaha ng yosi, ginagawa naming play money. Mas mahal pag Phillip kasi green parang dollars.

Ang intercative games namin ay good for the health kasi libreng exercise pa. Mga tumbang preso, patintero, tyato, habulan, luksong baka, moro-moro, pwede ring suntukan ala fight club ni Brad Pitt.

Pag medyo pang petik lang, pwede na ang kindergarten at bahay bahayan.

Pinaka type ko sa lahat yung moro-moro. Kasi ang version namin parang rugby football, bugbugan. Kaya madalas nauwi sa suntukan. Kahit pag recess, laro kami. Kaya kapag makikita ng titser namin na gula-gulanit na mga uniform namin at nagpuputik na mga mukha namin, pare pareho kaming nababatukan at dinadala sa guidance office.

Wala lang, naaalala ko lang nung bata kasi kapag bata ka pa, wala ka pa talagang pakelam. Kahit pa nagkakagulo na, dedma lang ako. Ewan ko sa yo. Siguro nagkaron lang ako ng concern nung ipina-ban ni Marcos yung Voltes V sa tv. Yun medyo napa isip na ko. Kaya kahit uhugin pa ko, gusto ko na rin makirally sa edsa nun. Kaso bawal daw ang bata sabi ng nanay ko kaya hindi rin ako naka punta.

Kaya ayun, nakuntento na lang ako dun sa mga tau-tauhan ko.

13 ditokamagreklamo:

De Lyzius ayon kay ...

nyahahaha..nahahalata ang generation..inabutan pa yung pagpapaban sa voltes v sa tv...hihihihi... wala pa kasing kuryente sa bongabong nung mga panahon na yun...nyahahaha!

De Lyzius ayon kay ...
Ang post na ito ay tinanggal na ng may-akda.
repah ayon kay ...

nku di ko naabutan ang rehimen ni marcos.. tlgang bagets na bagets ka pa nung panahon na yun.. dedmakels ka lng sa mga pangyayari buti hindi ka nila hinuli.. hahaha

itot54joni ayon kay ...

paborito kong laro non arw e telebers!ahehehe.buti naman at hinugot mo na.ahehehe!welcome bak ebak!nyahaha

mia ayon kay ...

ako kababae kong tao gusto ko ang laruang panlalaki.. hahaha:)

linglingbells ayon kay ...

yung moro-moro ba ay kapareho lang ng agawan base??

ako din nung bata ako, batang-kalye din ako.. pag bata ka talaga, wala kang pakialam basta makalaro lang.. :D

nakakamiss yun! simple lang ang buhay..

xienahgirl ayon kay ...

ay
dedma lang din ako
sa entry mo
blaha ka
hahahaha

kaya masarap maging bata
kasi di ka required
mamroblema
ang problema mo lang
kung paano ka
hindi mapapagalitan
ng magulang
hahahaha

BURAOT ayon kay ...

eh kasi naman lizzy, sa manela ako lumaki. heheheh. manela boy ako. pero sa timbuktu ako pinanganak. tpos nag grade 1 na ko sa manela. dun me kuryente na. sa timbuktu wala kami pang tv. tb meron. hehehe.

oi repah, di pa pede ang 8 yrs old sa kulungan nun. heheheh.

sori itot lagi nakababad eh. nyahahahah!

BURAOT ayon kay ...

eh miatots, lalaki ka naman ata eh. hehehe. joke. me lalaki bang ganyan kabeauty. ehem.

ay oo lingling un din yun, nagkakaiba lang minsan sa rules, depende sa maglalaro kung gano kabrusko.

lam mo mareng xienahgurl, kahit san ka mag comment, kahit ibahin mo pangalan mo, alam ko agad na ikaw yan. kse structured ang mga comment mo. hehehhe. cute.

itot54joni ayon kay ...

ahehehe.nga pala promote ko laang are.mga iginuhit ko. http://paint54.blogspot.com

tnx!ahehehe uli!

BURAOT ayon kay ...

hoy itot, site mo din ba yan?

kengkay ayon kay ...

hahaha, i lab them all -- voltes v, mazinger z, star rangers, prinsipe abante :D

BURAOT ayon kay ...

hehehhee. oy showing na yung speed racer.anme cartoons din yun.