March 3, 2008

Tulog Mantika

Ewan ko ba. Lahi na ata namin talaga nuknukan ng sarap matulog. Tanghali na at tirik na ang araw, tulog pa rin.

Noon sa bahay namin sa Dimasalang, dahil nga sangkaterba kaming magkakapatid, hiwalay ang kwarto ng babae at lalaki. Ang kwarto ng mga babae, malinis palagi maliban sa kalawanging arinola na naka istasyon doon kapag gabi na. Ang kwarto naming mga lalaki, ubod ng kalat. Maghapon magdamag, ni magtupi ng kumot walang gumagawa. Kasi naman, tanghali na lahat kami kung bumangon.

Tirik na tirik na ang araw, nakababad pa sa kama. Minsan nga, palubog na rin ang araw, dun lang magigising. Kahit pa nga nagkakasunog na, sarap pa rin ng tulog, para lang nananaginip. Pag me lindol naman, mas lalo pang napapasarap kasi parang pinaghehele lang. Tulog mantika talaga.

Lahat kasi kami, me mga nunal sa batok. Naks, habulin ng tsiks! Ganun daw pag me nunal sa batok. Actually mas tutut ata yung takaw-tulog.

Nalaalala ko pa nga. Kapag bumanat na sa TV yung 3 o'clock habit, kelangan ko na gisingin yung iba, kasi kinakabahan na ang nanay ko. Baka daw hindi na humihinga yung iba.

Minsan, napasok kami ng magnanakaw. Mga akyat-bahay. Napag-alaman yata na sobra kaming sasarap matulog. Wala man lang sa aming nakaramdam, ubos na ang gamit. Yung isa kong kuya, kung makatulog naka-alahas pa ata. Basta ang alam daw nya, suot suot nya ang relo nya ng matulog, ultimo paghuhubad ata ng relo nakatamaran pa.

Ayun. Paggising namin, ubos na ang gamit. Pati yung suot suot na relo ng kuya ko, natangay din. Grabe. Grabe kung matulog.

Kaya sensya na pipol. Napasarap ata ng husto tulog ko. Kala ko nga tuloy tuloy na gising ko, naalimpungatan lang pala. O hayan me post na ko ha? Pwede na uling matulog.

22 ditokamagreklamo:

madbong23 ayon kay ...

grabe naman yung kuya mo, hindi man lang naramdaman yung pagtangal ng relo niya. may dati akong kaopismeyt na mantika din matulog. parati siya tuloy ginagawan ng practical jokes. nung minsan nga e nagising na lang na may puting manikyur na sa mga kuko niya.

xienahgirl ayon kay ...

hanep sa picture
mabangisss

ako naman giniging ng nanay ko kapag angelus na
haha

pero mantika din ako matulog
ang masama pa niyan
kapag tulog pa ako
at maaga silang lahat
umaalis sa bahay
e naiiwan na
nakabukas ang pinto
gusto yata ako
ipagahasa sa mga
kapitbahay namin
tsk tsk tsk

BURAOT ayon kay ...

nga madbong, hehhe. kmi din, pag me ganun matulog, kinukulayan nmin ng pentel pen. hehehhe.

hay xiennagurl, buti hindi naliligaw senyo yung nang-gagahasa ng kutsilyo, nipper, at gunting.. heheh! Gahasa Kayo Jan!!!

itot54joni ayon kay ...

ako din sarap tulog.nagahasa na ako e di ko p alam.pinaglihi ata ako s ahas tulog.ahehehehe

MsPinkBiik ayon kay ...

i love the pecture dong... ha ha ha

itot54joni ayon kay ...

hi ms pink!ummmwaaaahhhh!HERE

toni/nonblogger ayon kay ...

nkakainggit naman kayo, eh lahi namen kung matulog normal na ung 5 oras.
pano na lang kung meron magnanakaw na pati mga suot ng ninanakawan eh pinagiinteresan pa?

FerBert ayon kay ...

kababalik mo lang mawawala ka na naman ba ulet? bigyan kita madaming kape para di ka na matulog...

BURAOT ayon kay ...

asus, kunyari ka pa jan itot.. gising ka naman.. kunyari tulog tulogan lang para sadya kang magpa gahasa. nyahahahah!

helow biik na fink.. ;)

oi toniboy, bata bata mo pa, kaigsi mo na matulog.. baka di ka na lumaki. hehehe

taena pareng ferbert, kelan ang dotcom mo? para makapamigay na ko ng lobo na me tatak na trust?

Dakilang Tambay ayon kay ...

namiss kita buraot! hihi.. ano antukin ka na at tulugero.. pareho tau apir! nagigising ako kasi ung sikat ng araw nasa mukha ko na! wahahaha..

tataba ka nyan.. hahaha!

MsPinkBiik ayon kay ...

naku ung lahik ni itot may laway laway pa ha ha ha ha

Coldman ayon kay ...

e sa masarap naman talagang matulog lalo na kung malamig at may kayakap! hahaha!

itot54joni ayon kay ...

@miss pink honga e.tuwing gigising ako e may mapa ng batangas ang pisngi ko.tpos may mapa ng US ang dingding namin.ahehehehe!

@ninong buraot, sayang naudlot yun padotcom ko.ahehehe.pero kapag kumita ako ng malaki sa pekpekpek e itutuloy ko.ahehehe.may pr n din kc ako.ahehehe. nga pala need ng pinas ang tulong mo.magmamahal n ang presyo ng mantika kasi short n dw s soure.nyahahaha!wag mo n pangarapin kumain pa ng pandesal s umaga pag uwi mo dine at mamumulubi ka kasi nagmahal na din.magmonay ka na laang.ahehehe

BURAOT ayon kay ...

heheh miatots.. lam ko miss mo na ko... heheheh.. dmi gelay nakakamiss sa kin... nyeheheh.

oi itot. oks lang yung padotcom mo, di ko din naman tatanggapin... hehehhe.. pero kung gusto mo, monay na lang. nyahahah!

coldman... musta mga photo shoot mo?

dyosa ayon kay ...

ganun pala yun...pag may nunal sa batok, habulin ng chicks? pag babae din ba may nunal sa batok, habulin din ba ng chicks? pilit ko ngang nililingon ang batok ko para tignan kung merong nunal, pero for some reason, inde ko makita kung meron nga. oh well, buti naman at nagpost ka ulet. :-)

Dakilang Tambay ayon kay ...

haahha.. kinikilig ka naman nyan? hahaha!

BURAOT ayon kay ...

honga dyosa.. naalala ko yung kanta ni vincent dafailong.. kopong kopong pa yun.. tungkol sa mga nunal.. hehhehe

sempre naman miatots.. im just human.. nyeks!

itot54joni ayon kay ...

naku dyosa yan si buraot ay nakatira dti malapit s poultry kya maraming chicks!ahehehehe

kurisujae ayon kay ...

grabe naman pala kayo matulog...ako naman konting kaluskos lang- nagigising na. yung tipong kahit halinghing lang ng ipis na nag-sesex magigising ako.hehe.

koboy ako pare...padaan ha? :D

Dakilang Tambay ayon kay ...

nye nye,, hahaha.. tae ka, bumalik ka na.. wala nang makulit..hahaha

BURAOT ayon kay ...

nyahaha. itot.. nag-alaga talaga ako ng mga chicks... 45 days.. lols!

helow kuris.. bagong salta kaw? me welkam palo! hehehe. joke lang. ako din naman madaling magising kapag... tuuuuttt!

miatots.. dito lang naman ako.. pasulpot sulpot.. namimiss ko na tuloy ang palitaw..

linglingbells ayon kay ...

ganyan din kami sa bahay.. puro tulog mantika!! ang pinagkaiba nga lang natin, kasama naming magkakapatid ang nanay namin sa pagtulog ng sobrang himbing..