Parang kakagising ko lang nang mapansin ko na mahigit isang linggo na naman pala akong walang post. Tinamaan na naman kasi ako ng walang kupas na Lagnat na umaabot ng 500 degrees, katawang parang nabugbog sa hazing, ilong na parang walang butas sa sobrang barado sa bibig ka na lang humihinga kung minsan sa tenga, pag hindi naman barado bumabaha naman na basta na lang sya lumalabas na parang gripong naiwang bukas o kaya ay linya ng Nawasa na maraming butas....
Hatsing na sangkatutak para syang baby armalite, ubong para kang inaatake ng hika na mukha ka nang hinahapo na asong gala, sakit ng mga siko, tuhod at mga kasu-kasuan (joints po yun), sakit sa ulong parang minamartilyo, minamaso at ginagamitan ng drill, madalas bigla ka na lang giginawin na para kang mina-malaria o kaya naman e parang me humahaplos sa yo na mumo. Oo ganun.
Grabe. Hirap ng me sakit. Wala pa naman nag-aalaga sa kin dito.. (paawa)

Sa totoo nga lang, mas gusto ko pa mabugbog kesa magkasakit. Eh kasi nga takaw-bugbog ako kaya sanay na ko dun. Sisiw! At least yun, muscles mo lang ang masakit. Eto buong katawan, pati mga atay at balun-balunan mo masakit.
At sempre pag me sakit ka pa, magde depress depressan ka rin. Kesa naman mag senti na naman ako dito at pahirapan ko sarili ko, tamang imagine na naman ako at pilit na nililibang at inuuto ang sarili ko.
Naalala ko tuloy si Doctor Kwak Kwak. Naisip ko tuloy kung sino nga ba yun at kung sino nag-imbento sa kanya. Siguro, pag magaling na ko, hahantingin ko din sya tulad ng paghahanting ko ke Kopong Kopong. Naalala ko din namang kontakin si Ernie Barong, baka me suggestion syang remedyo sa mga problema ko. Kaso naalala ko din, matagal na nga palang nag-Saudi yun na walang balikan. No choice ako kundi hanapin na lang si Doctor Kwak Kwak.
Alam ko noon, me walang kamatayang mala-cachupoy na generic drug para dito sa sakit ko eh. Kisspirin at Yakapsule.
Eto baka gusto mo ding subukan.... Togmolodon? Gusto mo?

















18 ditokamagreklamo:
immune na katawan ko sa togmolodon. Hampasamen 500 ang umubra na sa akin LOL
Get well soon buraot!
wawa ka naman... kaya mo yan! magpagaling ka kahit walang nag-aalaha sayo.. hehe!
hey bluepj... heheh.. hampasamen 500.. naalala ko din, meron ding Ipitren. nyeheheh..
hei lingling.. tenks...
Bossing, Good am, tag you here: http://www.fatherlyours.com/?p=207
anong mga klaseng gamot naman yang togmolodon at hampasamen.
kelangan nyo mgsuot ng sombrero or hooded jacket kung malamig panahon.
lam nyo naman nde kayo pabata no ho?
bka kelangan mo ng flu shot.
nung bata ako lagi kong pinadarasal na magkasakit ako para wag pumasok sa school ngayon naman takot na takot na akong magkasakit... adik ako nung bata ako..
unang komento ng http://kokeymonster.com ito dito sa blog mo Pareng Kuya Buraot!
todas na si ka ernie.aheheheheh
ako nga din d p nalipas ang ubo.may love letter ako s frndster mo.ge mamya n uli.gagawa muna ako ng pagkakaperahan.ahehehe
meron din isang gamot dyan-togmoron capsule. sing-bisa pero di sing-mahal. hehe
ayaan mong alagaan kita... lols...
Togmolodon - bagong gamot pa yan??
kisspirin? hahahaah.. natatawa ako sau buraot! haha
uy kuya mon.. tenks! hehehe.. sabit na naman ako.. cge next post ko.. kakaririn ko muna yang mga nakatambak na meme..
toniboy at miatot, yung togmolodon... unTOGMOuLOMODONsapader. ;) ung hampasamen.. tanong nyo ke bluepanjeet... hehehe
uy ferbert.. taena.. yan na ba yung dotcom mo? cge pasyal ako at aayusin ko yung links mo dito sa blag ko... nakas, nagpapayaman ka na tol..
yan si itot.. hanlaks na ng raket. heheh.. cge tol..
hmnn.. di nagpakilala?... aalagaan mo ako? talaga?
helow jeck.. ayan naglalabasan na yung iba pang mga nakatagong gamot. nyeheheheh.
uu baby raket.ahehehehe.si ambo ang malakas ang raket, kita mo missing in action lage.ahehehe
yun ata hampasmen e hampas sa semento.
may isa pang gamot na effective e,pti aids gagaling.yun capsule na nakakabit sa truck!ajijijiji
This comment has been removed because it linked to malicious content. Learn more.
naku kawawa ka naman
increase fluid intake
complete bedrest
paracetamol q4
hahaha
bawal magkasakit
tsk tsk tsk
pahinga ka na lang muna
pero wag poreber ha
ober oA umakting ka
inaabuso yata kasi ang sarili.
pagaling ka. =)
nakanaks.. xiennagurl.. parang nars ka pala.. hehehehe.. konting pa OA pa kaya?
oist coldman.. hirap nga nito.. no choice kundi abusuhin ang sarili. nyeheheheh...
ah oo.. hahaha.. disoriented lang.. hahahaaha!
Mag-post ng isang Puna