March 6, 2008

Kwek Kwek na Lang!

Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.

"How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?"

"Whatever," sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. "ok, medium rare."

"What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob..."

"Whatever... ok veggies." hay dami choices, nagka migraine na ata ako.

"How do you want your bread, white or wheat toast?"

"Whatever... white." Nagugutom na talaga ako.

"What drink would you like.. we have..."

"Okay okay! Just coffee!" lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..

"You want regular or decaf? For regular coffee we have.."

"You know what? I'll just have water. Tap water." Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..

"Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine... what would you prefer? caber..."

"Okay okay!!! I changed my mind! I don't want it anymore. Too many choices. I'll just have spaghetti instead."

"Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have..."

"You know what? Forget about it.. " Kaasar. Busog na ko. Taena.

Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.

Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.

Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view...

Miss ko na ang kwek kwek.

26 ditokamagreklamo:

MsPinkBiik ayon kay ...

ang peborite ko ung isaw... may alikabok pa nag conte... bumili ako ng sandamunkal na isaw barbeque kaya pa sya ng tyan ko ha ha ha ha ha...ay at ang famous na chicaron bulaklak ay kakagutom!!!

BURAOT ayon kay ...

honga.. sarap nun. betamax. ska yung adidas at helmet at saka yung dugo dugo pa.

ganda naman ng trabaho mo day, lagi kang online. hehehe. yosi break muna!

missymisyel ayon kay ...

Waaahh, biglang pinasok ng utak ko ang eksena sa may Sucat noon. Karamihan mga kalalakihan, nakatayo sa kanto at nakain ng kwek kwek. Kahit na mausok, trapik at puro polusyon sa atin mas gusto ko pa din ang bansang aking sinilangan. :D

toni/nonblogger ayon kay ...

pakipaliwanag nga po kung ano ang kwek kwek.
sa nkkita ko kc jan sa fikyur eh parang meatball na kelangan idip sa harina bago iprito.
masarap ung fishball.

BURAOT ayon kay ...

honga misyel, sarap di ba?

toniboy, yung kwek kwek ay egg na nilaga tapos ibinabad sa arina na me flavor at ipini prito. tapos isasawsaw sa special suka.. srap!

itot54joni ayon kay ...

paborito ko yan,nadayo pa ako niyan sa tanauan.dun kasi masarap ang kwek-kwek.ang tawag p nga ng iba e tuknene.itlog yan ng itik na binalot sa harinang may food color.2 lang e solve ka na.kaso now mahal na ang isa kaya s bahay n lng kami ngluluto pra sure na malinis ang pagkakagawa.


@ms pink, musta po? dati nagbenta din ako ng isaw non maisipan ko maging negosyante non arw kaso di ngclik.ahehehehehe

Dra. Rio ayon kay ...

napadaan lang po=)

== na miss ko tuloy ang kwek kwek sa gastambide!!.pati ung tig pipisong hotdog..may bago ng fud sa morayta ngyon..ung kalamares na malalaki...tig 3 piso..hehehe..try mo din yun! sarap din kahit mukhang magkaka Hepa-B ka pag tapos kainin sa itim ng mantikang ginagamit nila..hehehe..

sana makabisita ka din sa blog ko...www.riotooth.blogspot.com..
exchange links naman po tayo!!

itot54joni ayon kay ...

sarap din kalamares, yan nga uso ngayon.isang gayat e 3 piso.minsan yan ulam ko pero home made.di yun nabibili sa kariton

madbong ayon kay ...

hey buraot,lahat kaming readers mo na foodtrip sa kwek kwek mo ha. ang bigla kong na-miss yung fishball at kikiam. meron din naman dito sa nz niyan pero parang iba yung lasa sa atin. hmmm siguro may dagdag na flavouring yung usok ng sasakyan.hehe

BURAOT ayon kay ...

nyeheheh.. madbong cgurado yung mga wala sa pinas, nafud trip ksi kahit meron dito na gnun, sempre iba lasa kasi walang halong usok. nyahaah

helow dra. rio, oks, sasalpak ko link mo. tenks.

steven spielberg ayon kay ...

iho, gusto mo bang isapelikula ko ang buhay mo? oo marunong din akong magtagalog. anong kala nyo sa kin?

itot54joni ayon kay ...

aba may director n napasabit.nipongo marunong ka steven!ahehehehe

eto naman pautot ko ANO NGA GA APELYIDO NI GOOGLE

BURAOT ayon kay ...

helow spielberg.. abat interesado ka sa buhay ko? ang lagay ba anamn eh...

heheh. tenkyu sa pasyal.

oi itot, ano na namang pautot yan?

itot54joni ayon kay ...

ahehehe.sinubukan ko maging komidyante.basahin mo n laang.ahehehe

Akinogal ayon kay ...

See Here or Here

The Gasoline Dude ayon kay ...

Na-miss ko tuloy ang kwek-kwek sa me Asturias nung nag-aaral pa ko sa UST. Saka yung footlong na 25 pesos.

itot54joni ayon kay ...

http://www.youtube.com/watch?v=xKwmseoKFCo

bluepanjeet | OTWOMD™ ayon kay ...

Paborito ko rin kwek kwek brods. pero sabi nga ni Ms. Pinkbiik, mas masarap ang isaw. Lalo na paglasang usok na ng sasakyan tapos akala mo yung nasa isaw ay paminta, alikabok pala hahaha sarap. nakaka 40 piraso ata ako nun isang tsibugan lang.

linglingbells ayon kay ...

ay.. iinggitin kita.. kakakain ko lang ng sandamukal na kwek-kwek kahapon sa peyups! :)

BURAOT ayon kay ...

nyeks lingling.. la kasi kwek kwek dito eh.. puro tuuutttt!!

ay blupj, yun din palang 1 day old ayun, sarap nun..

gasoline dude, meron pa kaya ngayon nung footlong na yun?

BURAOT ayon kay ...

oi itot, padala mo nga sa kin lahat ng url ng mga sites mo.. di ata ako kumpleto eh...

itot54joni ayon kay ...

ge mamya bubulong ko sayo.ibigay mo din sakin url ng blogs mo,ilalagay ko dun s wrdpress ko.manonood muna ako ng wonderpets!

Dakilang Tambay ayon kay ...

kay tagal kong nawala.. nawili ako kagagala.. musta na? sarap ng kwek kwek noh? haha.. gusto ko din ng fishball at ung lugaw sa may kariton with mami din un.. sympre di alam ng nanay ko un., dahil lagot ako dun,, hahaha..

BURAOT ayon kay ...

cge itot.. pag nag-ym ako, sesend ko sa imo.

oi miatots!!! nawala ka din? di ko napansin. nyeheheh. ika nga ni gary v, kaytagal mo mang nawala, babalik ka rin... sempre... heheh.. hayan me magrereklamo na naman nyan... ;)

Dakilang Tambay ayon kay ...

nagreklamo na nga ako.. hahaha.. :) parang balik bayan lang :)

BURAOT ayon kay ...

eh kasi miatots.. ihampas mo na ulo ni itot yang laptop mo... hehehe..

ako nga papa-customize ko na yung laptop ko. papalagyan ko na rin ng ref at kama.