March 22, 2008

Ang Kyut Pakurot!

I know I know. Linggo na ng pagkabuhay sa atin. Pero dito sa pinagkukutaan ko, Sabado de Gloria pa lang. Kung kaya bawal pa rin ang karne.

Tapos na rin ang nagpe-penitensya. Pero me pahabol pa ako. Nung bata pa kasi ako, dahil lahat me kanya kanyang style ng pahirap sa sarili para makabawas ng kasalanan, sempre kahit bata pa kami, kelangan me kontribusyon din kami. Ang lagay eh sila lang?

Kung kaya nagpunta kami nung bespren ko dun sa nakaparadang kotseng bulok nung kapitbahay namin sa Dimasalang. Dahil luma at walang susi naman, nakapasok kami dun, isinara namin ang bintana at nagkulong kami dun kahit di kami makahinga. Tumambay kami dun hanggang sa kakayanin namin. Para sa amin, malaking pahirap na yun sa min, kasi ayaw na ayaw namin yung kotse na yun.

Yung kotse kasi na yun, ala pang Bonnie en Clyde pa ang dating. Isang turnilyo na lang, bibigay na. Kung kaya yun ang naisip namin, kasi yukkieng yukkie kami dun. Makalipas ang tatlong oras, di na namin kinaya kaya lumabas kaming naliligo sa pawis at halso hinihika na. Yun na. Yun ang aming penitensya.

Kung ikaw naman ay blogista, eto suggestion ko na pang- penitensya mo.

Maghanap lang ng 20 to 100 na kakilala mong bloggers at mag set ng eyeball. At bilang penitensya mo sa mahal na araw at pambawas sa mga kasalanan mo na pangongopya ng mga post nila, lahat sila kukurutin ka. O di ba kyut?

Pero ang ipang-kukurot nila sa yo, nipper. Tapos, ako magdadala ng water gun at lalamanan ko ng alkohol. Pagkatapos ka nila pagkukurutin, iisprayan ko nung water gun kada pinagkurutan.

Ang kyuuuut! Pakurot!

14 ditokamagreklamo:

MsPinkBiik ayon kay ...

ako mag rereklamo!!! bwahahahahah

MsPinkBiik ayon kay ...

ay how do i change yong title... i want my button to say publish your oink

BURAOT ayon kay ...

nyehehehe. blogspot ba gamit mo? kung blogspot.. punta ka lang dun sa dashboard, tapos sa lay out view, then click mo yung Edit Blog Posts ekek.. dun me space where you can type the title of your comment box.

toni/nonblogger ayon kay ...

sino kaya papayag makurot ng nipper eh para ka ng tinusok ng karayom non, wala ka namang awa.

bat di mo na lang patulayin sa alambre, o sa 1 pirasong kawayan tas me piring mga mata.
mari din cya umakyat sa palosebo na pinahiran ng grasa o umakyat sa punong nyog na me bahay ng bubuyog.
oh di ba mas magaan mga yan?

niboto mo na ba c miss pinkbiik?

BURAOT ayon kay ...

honga.. tutulay sa alambre tapos sa ibaba mga leon. heheheh. saang site ba yung botohan?

linglingbells ayon kay ...

ang sakit naman nun!! keri lang sana kung yung nipper lang e kaso babarilin pa ng alcohol,, ang hapdi nun!! yoko.. hehe

itot54joni ayon kay ...

naku madami kukurot skin nito.ahehehe!baboosh!happy easter nga pla!

pusa ayon kay ...

happy easter! pakurot nga, dont worry me dala na ko alcohol =)

toni/nonblogger ayon kay ...

punta kayo don ke talksmart or composedgentleman.net

prinsesa000 ayon kay ...

hi... newbie dito.. marami na rin akong nabasa sa blog mo.. ngaun nga lang ako nag comment ang dami na kasing nag kocomment e ... at nag eenjoy naman ako sa mga pictures mong nakatalikod... nyahahaha!

BURAOT ayon kay ...

honga itot.. bubudburan ko pa ng asin. hehehe

helow lingling.. parang yung yoko mo eh medyo gusto mo. hehehhe

hei pusa... me utang pa ko sa yo. di ko pa nakakarir yung tag mo. heheh.. happy egg hunting!

BURAOT ayon kay ...

ayos toniboy, tenkyu sa tip.. punta na ko dun.

hellow prisesa... bago ka nga dito kaya me welkam palo! hehheh.. joke lang.

Dakilang Tambay ayon kay ...

nku baka naman ung nipper may kalawang na! tsk tsk tsk! tetano abot mo dun.. haha

BURAOT ayon kay ...

oki lang miatots... me alkohol naman pagkatapos eh.