
Minsan mahirap din kapag ang mga kasama mo eh puro magugulang
(street smart po). Kasi lahat kayo magugulang, walang pwede malamangan. Pero paminsan minsan, pipilitin at pipilitin ng ilan na manggulang
(manlamang) hanggat makakalusot. Kung makakalusot lang naman! Kung pupwedeng kitain ang pera sa madaling paraan, gagawin, hindi pagpapaguran.
Matagal na din naman akong hindi nakakauwi, pero hanggang ngayon sikat pa rin ang Recto. Kasi naman kung ang mga kolehiyo ay tinatawag na diploma mill ng ilan, and Recto ay literal na pagawaan ng mga diploma. Gusto mo, sa Harvard ka pa grumadweyt, pwede dun, meron din sila.
Madalas din ako noon dun. Pero hindi para magpagawa ng diploma, kundi ang magpagawa ng mga registration papers tuwing enrollment. Kasi naman noon, wala pa akong computer, sila meron pati mga scanner at kung anu ano pang gadget. Nagpapagawa kasi ako dun ng mga papeles na pang enroll.
Para sempre, mailagay ko dun sa mga papeles ang presyong gusto ko. Kung ang enrollment fee ko ay 12,000 pesoses, ipapalagay ko doble. O di ba, sarili kong magulang kina-katkongan ko.
(Katkong tawag dun sa "cut" at/o patong)Kaya naman tuwing enrollment, paldo ang lolo mo.
Psst isang round pa nga!
Ngayon, di lang diploma marami dun, lahat ng raket meron. Lalo na ang mga murang cellphone. Alam na natin kung san galing yung mga yun. Kaya nga hindi ako magtataka kung makakabili ka ng iPhone dun. Ganun sila katindi.
Ewan ko na lang kung sa Luneta eh tuloy pa din ang mga raketeers. Kasi madalas noon, me mga "photographers" don na nakapwesto. Mag-aalok ng piktyur piktyur sa mga tatanga-tanga. Ang ulaga naman papayag sempre, magpapa-piktyur para ika nga me remember. Hihingan ni potograper si tanga ng deposit. Kasi nga naman, baka pagbalik ng potograper e wala na sila, malulugi nga naman si potograper di ba?
E di po-pose na yung mga pipiktyuran, ala pang FHM, sasabihin nung potograper...
"say Cheese!"
"okey, good.... one more... 1....2....4!"
"Klik! Kilik! Klik!" "Klik pa ulit!"
Ang di alam nung tatanga-tanga, wala namang lamang film yung camera,
flash lang!Kaya, hayun, ang kawawang pobre, gabi na, naghihintay pa dun sa me skating rink, hinihintay yung piktyur nila. Ang dehins nila alam, sa Timbuktu na dine-develop yun. Ang potograper, kung hindi nakauwi na, andun sa underground ng Luneta at nagpapalipas ng oras. Kung di mo alam, me underground po sa Luneta. Yung mga nakikita mong parang bilog na takip na parang papunta sa sewer system? Yung mga manhole? Me mga kwarto po dun na parang opis.
Dun kasi ako nag-oopisina noon kaya alam ko.
Mahirap ang nanlalamang sa kapwa. Lahat ng bagay umiikot at bumabalik. Ang tawag ng iba dito, karma. Pero sa totoo lang, natural ng ikot yun ng buhay.
Kaya naman natawa din ako nung mabalitaan ko itong isang pinsan ko, natural kasi na wais daig pa si Lumen. Minsan naglalakad sya papasok ng mabundol sya ng isang kotse. Daplis lang naman pero sempre natumba sya.
Nung matumba sya, parang me nag-spark na bumbilya sa kanyang brain. Kahit na walang masakit, nagkunwari syang me nararamdaman. Para nga naman bayaran sya ung nakabundol sa kanya. So ayun, sakit sakitan ang lolo mo. Dinala sya sa ospital. Siguro iniisip nya, kunwari magsa-shock shockan sya.
Ayun, nung dinala sa ospital, sempre check ap check ap. Wala namang bali or kung anupaman. Pero dahil sempre check ap, me nadiskubre ang doktor. Meron daw pala syang tuberculosis.
Ang galing ano po?